Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Bahaging Ginampanan ng Relihiyon sa Pamumuhay ng Asyano sa Timog at Kanlurang

Asya.

LAYUNIN: Natataya ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay.

Ang relihiyon ay nagmula sa salitang Latin na re-ligare na ang ibig sabihin ay pagbubuklod
at pagbabalik-loob. Ayon sa kasaysayan halos lahat ng mga relihiyon sa mundo ay nagmula sa
Asya, dahilan upang tawagin ang Asya na sinilangan ng relihiyon sa daigdig.

MGA RELIHIYON SA TIMOG ASYA

HINDUISMO – ang mga Aryan ang nagtatag ng pundasyon nito at ito ay nakatuon sa buhay sa
daigdig. Sumasamba sila sa kalikasan. Sumasamba sila sa buwan, bundok, ilog, at iba pa. Ang
paniniwala o pagsamba sa mga pwersa ng kalikasn ay tinatawag na Paganismo. Naniniwala ang
mga tagasunod ng Hindusimo sa reinkarnasyon o ang siklo ng kapanganakan at kamatayan.
Kapag namatay, pinaniniwalaan na ang kaluluwa niya ay muling mabubuhay sa mataas o
mababang kalagayan sa lipunan batay sa karma.

TATLONG PANGUNAHING DIYOS NG MGA HINDU –


1. Brahma (Tagapaglikha) 2. Vishnu (Tagapangalaga) 3. Shiva(Tagamasid)
* Bahagi ng Hinduismo ang sistemang caste na nahahati sa sumusunod na pagpapangkat
:Brahmin – binubuo ng mga pari, dalubhasa, at iskolar;
Kshatriya – pinuno, mga mandirigma at mga may kaya;
Vaisha – mga magsasaka, artisano, mangangalakal;
Sudra – mga aliping mangagawa
* Sa labas ng sistemang Caste ay mga “Untouchables” o OUTCASTE. Sila ang nagtatrabaho ng
iba pang maruruming gawain.
BUDISMO - ipinangalan kay Siddharta Gautama Buddha, anak ng mayamang Raja ng kaharian
ng Kapilavastu, Nepal. Sa gitna ng karangyaan, patuloy na naghahanap ng katiwasayan ng isip at
kaluluwa si Siddharta. Iniwanan ni Siddharta ang kanyang pamilya at palasyo upang maglagalag
at mamuhay bilang asetiko. Sa pamamagitan ng meditasyon ng 49 na araw, natamo niya ang
kaliwanagan o “enlightenment” habang naka upo sa ilalim ng puno ng Bodhi. Kung kaya’t tinawag
siyang Buddha na ibig sabihin ay “the enlightened one”. Matapos makamtan ang kaliwanagan,
ikinalat ni Buddha ang kanyang mga aral at doktrina.

Ang buod ng doktrina ng Budismo ay ang apat na katotohanan o Four Noble Truths at
ang walong landas o Eightfold Paths.

Four Noble Truths:

1. Ang buhay at paghihirap ay hindi mapaghihiwalay


2. Ang sanhi ng paghihirap ay pagnanasa sa kapangyarihan, kasiyahan, at patuloy na
pamumuhay
3. Maaalis ang paghihirap kung aalisin ang pagnanasa
4. Maaalis ang pagnanasa kung susunod sa walong landas
Eight Fold Paths

1. Tamang pag-iisip 5. Tamang pagkilos


2. Tamang pananaw 6. Tamang hanapbuhay
3. Tamang intension 7. Tamang pagka-unawa
4. Tamang pananalita 8. Tamang konsentrasyon

Sa kalaunan, nahati ang Budismo sa:

1. Mahayana – si Buddha ay itinataas bilang diyos na tagapagligtas mula sa isang guro.


Lumaganap ang Mahayana Buddhism sa Silangang Asya (China, Korea, at Japan) at sa
Vietnam sa Timog Silangang Asya
2. Theraada o Hinayana –nanatili si Buddha bilang isang guro at banal na tao. Ito ang
Budismo sa Sri Lanka at sa bansa sa Timog-Silangang Asya tulad ng Myanmar, Thailand,
Laos at Cambodia

JAINISM – itinatag ni Verdhamana na kilala sa tawag na Mahavira. Sila ay naniniwala sa


reinkarnasyon at karma. Sila ay naniniwala na lahat ng buhay sa daigdig ay sagrado at bawal ang
pagkain ng karne, bawal ang paggamit ng dahas, pagkilos sa mapayapang paraan at bawal ang
pananakit sa anumang may buhay. Tinawag itong AHIMSA o kawalan ng karahasan.

SIKHISMO – itinatag ni Guru Nanak . Ang pangunahing nais ng tao ay sirain ang siklo ng
kapanganakan at kamatayan at makiisa sa Diyos na magagawa sa pagsunod sa Guru,
meditasyon at serbisyo.Naniniwala din ang Sikh na ang diyos ay hindi maaaring magkatawang
tao. Ang mga nananampalataya sa Sikhism ay matatagpuan sa India, Pakistan, at sa ibat-ibang
parte ng daigdig.

MGA RELIHIYON SA KANLURANG ASYA

JUDAISMO – relihiyon ng mga Jew o Israelite. Isang monotiskong relihiyon na ang ibig sabihin ay
ang paniniwala sa isang Diyos at Tagapaglikha, si Yahweh. Ang mga nais ni Yahweh ay nakasaad
sa Torah, ang pinaka sentro ng pag-aaral ng Judaismo. Ang Torah na nangangahulugang “batas
at aral” ay naglalaman ng 5 aklat ni Moses sa lumang tipan o old testament, ito ay ang
sumusunod:
1. Genesis; 2. Exodus; 3. Leveticus; 4. Numbers ; 5. Deuteronomy
Maraming naging patriarka ang mga Jew, kasama na rito sina:
1. Abraham 3. Jacob
2. Isaac 4. Moses – pinakadakilang pinuno
Sa ngayon, ang mga Jew ay hindi naniniwala na si Hesukristo ang Messiah o tagapagligtas.

KRISTIYANISMO – nakatuon sa buhay at pagtuturo ni Hesukristo ng Nazareno. Ito ay nagsimula


sa relihiyong Judaism Ang kanyang mga tagasunod ay naniniwala na si Hesus ang tagapagligtas
na pinadala upang matupad ang pangako ng Diyos sa sanlibutan. Bibliya ang itinuring na banal na
aklat at ang mga aral ay nakabatay sa sampung utos at sa paniniwala na mayroong langit at
impyerno.
ISLAM – isang katagang Arabik na hango sa salitang ugat na “salam” na nangangahulugang
“kapayapaan”. Ito ay nangangahulugan, din ng pagsunod, pagsuko, at pagtalima sa kalooban ng
tunay na diyos (Allah). Itinatag ni Muhammad na pinaniniwalaang huling propeta ni Allah. Ang ibig
sabihin ng Islam ay’ kapayapaan ‘ o ‘pagsuko’, Islam ang nadarama ng isang tao kapag isinuko
niya ang lahat sa maykapal na tinatawag na Allah. Para sa mga Muslim, Kor’an ang banal na aklat
ang gabay sa pang araw araw na buhay.

“ 5 Pillars of Islam”

1. Shahadah (pananalig) 4. Saum (pag-aayuno)


2. Salah (panalangin) 5. Hajj (paglalakbay sa Mecca)
3. Zakat (paglimos o pagtulong sa kapwa)

ZOROASTRIANISMO - itinatag ito ni Zarathustra na kung tawagin ay Zoroaster o Zarathoshta.


Sinasabing may 2 Diyos ang Zoroastianism dahil sa may labanan ng dalawang pwersa sa daigdig:
ito ang mabuting isip at masamang isip. Sa zoroastrianismo, ang manlilikhang si Ahura Mazda
(wise lord) ay buong mabuti at walang kasamaan na nagmula sa kanya. Kabilang sa aral nito ang
tatlong luping daan: Good Thought, Good Deeds, Good Words.

Gawain 3. ___
Panuto: Hanapin sa chart ang mga salitang may kinalaman sa relihiyon at kultura sa
Timog at Kanlurang Asya. Bilugan ang mga salita.

S O R P A H I N D U
R E L I H I Y O N K
R O O P K A N W A A
S D H M A E R T O R
U F E M O S E S T M
T M D H A M Z E B A
T B U R K A X S E N
E F G E O H I M L O
E C R E M A T I O N
R S E A L L A H J D

Gawain 3.___
Panuto: Punan ang Data Retrieval Chart ng hinihinging konsepto.

BANSA/ EPEKTO/ IMPLUWENSIYA NG PINANINIWALAANG DULOT


RELIHIYON SA BUHAY NG RELIHIYON

REHIYON

Gawain 3.__: DUGTUNGAN

Panuto: Dugtungan ang sumusunod na linya.

You might also like