2 - Pragmatiks NG Malikhaing Pagsulat

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Pragmatiks ng Malikhaing Pagsulat1

Patnubay B. Tiamson

Paunang paliwanag

May tatlong lohikal na tunguhin ang aking paksang tatalakayin. Una rito ang pangangailangang
ipaliwanag ang prinsipyo at pamamaraan kung paano ilalabas ang pagiging malikhain, upang magamit ito
di lamang sa pagsusulat kundi sa iba pang aspeto ng komunikasyon at pagtuturo sa klasrum. Pangalawa,
iugnay ang pagiging malikhain sa pagsulat; sa paggawa ng tula, kuwento, sanaysay, anekdota, nobela at
marami pang iba. Pangatlo, ang paggamit mismo ng mga prinsipyo at istratehiya ng malikhaing pagsulat
upang matutunan ang mayamang posibilidad ng wika sa pagtuturo sa klasrum. Sa aking papel sa umagang
ito, nais kong isakatuparan ang tatlong tunguhing ito at tingnan ang malikhaing pagsulat sa Filipino bilang
pagsasanay sa pagtuturo ng wika sa klasrum. Mula sa aking mga karanasan ang aking ibabahagi sa inyo at
bilang isang nagsusumikap na malikhaing manunulat. Ang guro sa malikhaing pagsulat ay laging
nakabantay sa makathaing paggamit ng wika upang makapagpahayag. Pragmatiks ang aking bansag sa
paggamit ng wika ng isang manunulat.

Sa pagbubukas ng kaisipan

Sa dinami-dami ng seminar na aking napuntahan ay ngayon ako pinaka-excited. Dahil ngayon lang
po ako nakaalis ng Luzon at nakasakay ng eroplano. Matapos niyong marinig ang mga ispiker sa nakaraang
dalawang araw, may mabigat na pressure na nabuo sa akin, ang pressure na sabayan ang kanilang
performance at maging napakamalikhain dahil na rin sa paksang aking tatalakayin. Kaya naman sa
nakaraang dalawang araw, sinubukan kong magpakitang gilas, tinulaan ko kayo, binigyan ko na kayo ng
paunang halimbawa ng pragmatika ng malikhaing pagsulat. Sa paanong paraan? Sa pamamagitan ng
pagpapakilala ko ng patula sa mga ispiker sa halip na naratibong pamamaraan na kadalasang ginagawa sa
mga seminar.

Madaling magsulat, ngunit ang mabigat na hamon ay kung paano na ito gagawing malikhain. Ano,
Sino, Paano ba magiging malikhain? ‘Yan ang mga tanong na dapat sagutin sa umagang ito. Itinuturing ng

1
Panayam na inihanda para sa Seminar-workshop ng Miriam College Foundation, at KAGURO sa Filipino, sa
koordinasyon ng Mindanao State University- Fatima Tambler, General Santos City Mayo 2-4, 2001.
iba na parang isang sakit ang pagiging malikhain, o parang isang kabaliwan, na kailangang gamutin, na ang
pagsusulat ang isa sa nagiging outlet o lunas sa kabaliwang ito. Marahil itinatanong niyo ngayon sa inyong
mga isipan kung bakit ganuon ang ginawa kong paghahambing at ako ba ay nababaliw. Nasabi ko ito dahil
sa kaso ng mga manunulat. Halimbawa, sino ba ang mga itinuturing na mga malilikhain sa mula sa larangan
ng pagsusulat? Isa na rito si Nick Joaquin, na ayon sa ilang kakilala ni Dr. Agcaoili, nakita raw si Mang Nick
na nakasutana sa Ermita, normal ba ito? Ang isa pang halimbawa ay si Edgar Allan Poe na kailangan pang
maglasing para makasulat, alkoholik na, magastos pa. Pero sa kaso ng ilan nating mga manunulat,
nagsusulat sila para may pambili ng maiinom, hindi umiinom para makasulat. Kung susuriin ang mga
ganitong sitwasyon masasabing parang eccentric at wirdo ang mga taong ito. Ngunit kinikilala sila at
hinahangaan sa kanilang pagsulat. Bakit natatawag silang kakatwa o baka di lamang natin sila
naintindihan?

Konvensyon kontra conformist

Ang konvensyon at pagiging conformist ang isa sa mga pumipigil sa pagiging malikhain ng isang
tao. Hindi masama ang magon konvensyonal, o ang sumusunod sa nakaugalian. Ngunit sa patuloy na
pagsunod natin sa mga dati at lumang kalakaran ay may mga bagay tayong naipagwawalang bahala at isa
rito ang pagiging kritikal.

Mas mabuting dalasan natin, na tayo’y maging di-konvensyonal at nonconformist. Dahil ditto tayo
makasusubok ng mga iba at bagong pamamaraan, nakakapag-eksperimento ng mga ideya, nabibigyan an
gating isip ng pagkakataong pumailanlang. Nonconformist yung hindi nababahala kung ano ang sasabihin
ng iba, walang pag-aalinlangan at pangamba. Ayon sa isang pilosopo na si Jean Paul Sartre, Malaya ang
bawat isang tao na gawin ang nais niyang gawin dahil wala naman talagang moralidad at pagpapahalaga
na pwedeng panghawakan. Ngunit kasama sa pagiging malaya ang buong responsibilidad ng ibubunga ng
kanyang gagawin. Sa tingin ko’y pagsang-ayon nya ito sa pagiging malikhain ng tao at kawalan nito ng
limitasyon. Hindi tayo dapat mabahala sa sasabihin ng iba kung alam naman natin ang ibubunga ng ating
gagawin.

Sa paggawa ng mga bagay-bagay, maaaring ang sa tingin ng ibang tao na kabaliwan ang iyong
ginagawa dahil kakaiba, ngunit sa pag-iba sa nakaugalina, lumilitaw ang pagiging malikhain. Nang umiiba
ng paniniwala si Galileo sa paniniwala ni Ptolemy at ng Simbahang Katoliko na ang araw ang umiikot sa
mundo at suportahan niya ang sinabi ni Copernicus na ang mundo at ang mga planeta ang umiikot sa
araw, ipinakulong siya ng simbahan. Ipinababago nila ang kanyang paniniwala. At mas naging
kontrobersyal pa siya lalo dahil siya rin ang kauna-unahang sayentipiko na sumulat ng kanyang mga reserts
sa wikang siya’y naiintidihan ng kanyang mga kababayan, ang wikang Frances. Dahil noong panahon niya
ay Latin ang wika ng siyensiya, sa Latin nagsusulat ang mga siyentipiko, at umiba sa kalakarang ito. At sa
pagdaan ng panahon, napatunayan naman nating tama si Galileo, sa puntong umiikot ang mundo sa araw
at mas lalong tama siya na ang sariling wika ang dapat gamitin sa larangan ng siyensya. Ang nakakalungkot
nga lamang sa kasalukuyan sa Pilipinas ay hindi pa rin naiintindihan ng ating gobyerno si Galileo, dahil
patuloy pa rin itong naniniwala na Ingles ang dapat na wikang panturo ng siyensya at di ang wikang
Filipino.

Pagiging di-konvensyonal at nonconformist ang unang prinsipyo ng pagiging malikhain. At


samahan natin ito ng pagpapagana ng imahinasyon. Ngunit tandaan natin na nagsisimula sa ground o sa
lupa ang eroplano bago ito lumipad. Kailangan grounded tayo ng karanasan at kaalaman bago tayo
pumailanglang dahil kung hindi, baka tayo bumagsak din kaagad. Kaya sa ating pagsusulat, kailangang may
laman na nakaangkla sa tinubuang lupa. Mula sa karanasan ng ating bayan muna an gating isalaysay, kung
paano ito mapapalaya sa iba’t ibang anyo at tanikala ng pagkaalipin. Para kangino ba ang ating [agsusulat,
an gating pagiging malikhain? Mula sa karunungan ng sambayanan ang gamitin nating enerhiyang
magpapalipad sa ating eroplano, para ito makapaglakbay at makapaghanap ng mapagpalayang bukas.

Felixibiliti at pagkamalikhain

Flexibilit, o pakikiangkop, ang pangalawang prinsipyo ng pagiging malikhain. Tulad ng mga strokes,
kung hindi magiging flexibol, o hindi natin ieextend o papalawakin an gating pag-iisip, hindi natin makikita
ang solusyon sa mga bagay-bagay. Sa pagiging malikhain, hindi dapat sarado an gating isip sa mga ideya.
Sa atin pong mga estudyante, sa pagchecheck ng kanilang mga papel, mas maging maluwag kung may
mali ang ispeling, o mali ang salitang ginamit, o minsan mali ang gramatika. Mas maging mapagpatawad
tayo sa mga ganitong sitwasyon, mas mahalaga ang lohika, ang mensahe ng kanilang sinulat na gustong
ikomunika sa atin.

Huwag natin hadlangan ang kanilang pagiging malikhain, na maglahad ng kanilang mga ideya at
damdamin. Nakakasira ng loob sa isang estudyante na maramingnakikitang mali na inilalagay sa kanyang
mga papel, (mas lalo na kung oulang ballpen ang ginamit sa pagtsetsek), mas magandang bigyang gabay
natin ang ideya nilang nililihis para mas lalo silang maging kritikal at malikhain sa pagsusulat, at pagtingin
sa buhay, at sa bayan.

Nakakahadlang sa pagiging malikhain ang masyadong maraming mga batas, o ang rigid na
istruktura. Kapag nililimitahan o nasasagkaan na ng isang istruktura ang pagiging malikhain, kailangan
itong buwagin, at magtayo ng bago na angkop sa ating karanasan at pangangailangan. Palawakin po natin
ang ating mga isip. Magkaron tayo ng holistikong pagtingin sa sanlibutan, sa kapaligiran, at sa bayan, at
huwag na tayong manatili sa sariling mundo. Mula sa malawakang pagtingin ng mga bagay-bagay,
makikita natin ang bago sa luma, ang mahalaga sa hindi na.

Isang halimbawa ng hamonh kinakaharap natin ay ang bagong anyo ng wika. Halimbawa: d2 cya
khpon n2log, mis u, wla, lng, w8t 4 me.

Ganyang magsulat sa text ang karamihan ng mga kabataan ngayon. Kung makitid ang pag-iisip,
maaaring sabihing winawalangya at binabastardo nila ang wika. Ngunit kung may flexibiliti an gating mga
pag-iisip maarin rin itong tingnan, bilang bilang pagkamalikhain. Sa limitadong epasyo sa text, mas
maraming mensahe ang naipapadala ng mga estudyante. Ang mahalaga nagkakaintindihan sila ng mga
kausap nila. At ito ang esensya ng pragmatika, na matagal ng naiintindihan ng mga kabataan sa
kasalukuyan. Ang pagtingin nila sa wika ay hindi na lang sa sintaks at grammar, king di sa praktikalidad ng
pang-araw-araw nitong gamit. Kung gagawin kaya ng mga estudyante nyo ang ganitong istilo sa kanilang
pagsulat ng mga sanaysay, tatanggapin nyo ba? Sa klase ko tatanggapin koi to, pero sa awa ng Diyos, e
hanggang text lang namn nila ginagawa ito, di pa naman sa mga sanaysay na pinasulat ko.

Hindi natin pwedeng iimpows ang wika natin sa wika ng ating mga estudyante, mas lalo na sa
pagpapahayag ng ideya, dahil nasa wika ang damdamin at kaluluwa ng isang tao. Ang magagawa lang
talaga natin ay gabayan sila. Kung iuugnay naman natin ito sa kultura, kailangan nating unawain ang
kultura ng bawat isang kultura. Ayon sa pilosopong si Emmanuel Kant mula sa pansariling karanasan at
pangangatwiran tinitingnan ng isang tao at kultura ang mundo. Kung hindi natin ito isasaisip magkakaroon
ng di pagkakaunawaan, na maaaring mapunta sa dahas at ito nga ang nangyari sa Mindanao. Parang isang
shades na alamin, kung kulay pula ang suot mo, may halong pula ang paningin mo sa mundo.

Hayaan nating ibahagi ng bawat isa ang kanilang karanasan, mga pantasya, mga pagdadrama
kasiyahan, hinaing, at mga pinapaniwalaan. Magtuturo tayo sa kanila at sila’y matututo rin sa atin.
Magkakaroon ng komunikasyon, magkakalapit ang dalawang magkaibang mundo, tayo’y
magkakaintindihan. Kailangan nating pakawalan ang imahinasyon ng ating mag-aaral. Hayaan natin silang
maghanap ng mga bagong daan na lampas sa ating kaalaman. Sumubok ng mga bagay na di natin nagawa,
dito nagkakaroon ng pagkatuto. Makakaisip sila ng mga hindi natin naisip. Magtatanong ng mga tanong
na hindi natin naitanong, mag-eeksperimento ng mga sagot. Sa pagiging malikhain, nagiging kritikal,
mapanuri, rito umuusbong ang bagong kaalaman.

Originaliti at pagkatha

Kung tungkol sa pagsasayaw ang naiisip natin habang nakikinig tayo ng musika, hindi tayo
malikhain. Bakit? Dahil wala tayong originality. Originality, mula sa salitang orihinal o tayo ang unang
gumawa at nakaisip at hindi tayo ang unang nakaisip na sumayaw sa isang tugtugin. Halimbawa ang
musikang pinatutugtog sa mga debut, sinasayawan talaga, matagal ng naisip ng tao na sayawan ang
musika. Kung ang pag-akyat sa bundok, paglangoy, paglipad at iba pang mga Gawain maliban sa
pagsasayaw ang naisip natin habang nakikinig tayo, orihinal na kaispan ito, malikhain ka. Hindi masama
ang manggaya o sundan ang nakagawian ngunit sa paggawa natin nito, di nagkakaroon ng pag-unlad,
kaya walang pag-unlad dahil hindi nagkakaroon ng pagbabago, at walang pagbabago kapag di nag-iisip
ang isang tao. Ang isang sistema o kaisipan na walang pagbabago sa pagdaan ng panahon ay napag-
iiwanan. Kapag tinatanggap na lang natin basta ang mga bagay-bagay, walang nagaganap na pagtatanong,
di makakalikha ng mga sagot, ng mga bagong kaalaman, mananatili an mga mapaniil at bulok na sistema.

Inobasyon at paglikha

Inobasyon ang alternatib kung hindi tayo makalikha ng orihinal. Sa pamamagitan ng inobasyon
lumilikha tayo ng isang klase ng bago o pagbabago. Sa pagsusulat, kung hindi natin makita sa wika natin
ang salita na babagay sa ating sinusulat, o hindi natin matumbasan ng ating wika ang isang konsepto,
kumuha sa ibang wika. Sa pagkuha natin ay lalawak at yayaman ang wikang Filipino. Huwag tayong
matakot na mag-appropriate dahil dinamiko at buhay ang wika. Ang wikang hindi gumagamit ng salita
mula sa ibang wika ay namamatay tulad ng wikang Latin. Ang wika tulad ng tao ay nangangailangan rin ng
iba pang wika para mabuhay. “No language is an island”. Ang wikang Ingles na kinikilalang pangunahing
wika sa mundo ngayon ay 80% ng mga salita nito ang hiram lamang, mula sa German, French, Latin, etc.

At magandang simulant natin ang pag-appropriate sa mga wikain sa Pilipinas. Ayon sa Sentro ng
Wikang Filipino, may 108 na wika sa Pilipinas. Sa ngayon na wala pa talagang istandard ng Filipino, Malaya
tayong makagagamit ng anumang wika sa Pilpinas, kasama ang wikang Ingles, Espanyol, Arabik, Intsik at
Hapon, sa pagpapalawak ng wikang Filipino na naaayon naman ito sa ating konstitusyon. Kung baga sa
isang inumin, ay isa pa lang halo-halo ang wikang Filipino na kitang-kita ang iba’t ibang rekado na ating
inilalagay, na kailangan pa natin ng kutsara para ito isubo, at nguyain para makain. Sana sa hinaharap ay
maging tulad ito ng shake na pinon a hindi na nangangailangan ng kutsara para kainin: sisipsipin, hihigupin,
lalagukin na lang. Madali ng ipasok sa lalamunan at sikmura, at mabilis na papawi sa matagal nang uhaw
na bayan.

Magaling tayong mga Pilipino sa inobasyon, nagagawan natin ng bagong gamit ang mga lumang
bagay. Tulad na lang ng mga sasakyang naiwanan ng mga Amerikano pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig na nagawa natin itong mga pangtransportasyon, at sa ngayon, nag-evolb na itong jeepney.
Hanggat maaari nga ay ayaw nating magtapon dahil sa tingin natin ay maaari natin itong magamit kung
hindi sa ngayon sa hinaharap. Halimabawa, sa manok. Kuko lang ng bahagi nito an gating itinatapon.
Siguro dahil sa pangangailangan na rin, nabibigyan natin ng kabuluhan ang isang bagay na kahit sa tingin
ng iba, wala ng kwenta.

Ang isang naghahangad na maging isang magaling at malikhaing manunulat ay kailangang


magaling sa inobasyon, nahahanapan ng kwenta at kabuluhan ang isang bagay base sa kanyang
pangangailangan. Kailangang maging isang baliw na kolektor hindi ng basura kundi ng mga ideya, walang
pinapalampas at sinasayang, mula sa mga simpleng usapan, kakaibang impormasyon, graffiti, mga joke,
ginupit na dyaryo at kung anu-ano pa.

Isang halimbawa ng sinasabi kong kolektor ng mga ideya ay si Dr. Agcaoili. Alam nyo bang kapag
may nakita o napansin siyang kakaiba, halimabwa isang ideya, salita, pangungusap ay kaagad niyang
sinusulat sa kanyang organizer, nang sa gayon sa hinaharap ay magagamit nya itong palaman sa kanyang
mga sanaysay, tula at nobela. Kaya kung seryoso talagang pasukin ang larangan ng malikhaing pagsulat,
ang isang magandang paraan para makaipon at matandaan ang magagandang ideya, ay magsulat ng
journal. Maaaring sa ngayon ay wala pang katuturan ang inyong mga napupulot, ngunit malay natin, na
kapagpinagsama-sama ang mga ideyang iyon ay makabubuo ng isang magaling na akda na mananalo sa
Palanca.

Pag-uunay-ugnay, pagkakawing-kawing
Maganda sa isang manunulat na nakikita niya ang relasyon ng mga bagay-bagay. Patotoo ang
kakayahang sa lawig ng imahinasyon at isip ng manunulat. Kung mabibigyan mo ng koneksyon ang isang
bagay na di batay sa kanyang kaanyuan at katangian sa isa pang bagay, pagiging malikhain ito.

Sinabi ng teoristang si Roland Barthes na ang isang salita o konsepto ay hindi talaga matatakdaan
ng isang kahulugan dahil nakaangkla sa tumitingin at kontexto ang ibig sabihin. Batay sa karanasan at lugar
na ginagalawan ng isang tao nagkakaroon ng kahulugan ang salitang kanyang ginagamit. Ang bawat isang
tao ay may kanyang sariling karanasan at ginagalawan na iba sa ibang tao.

Sa pagbasa sa mga akdang pampanitikan, mapanganib para sa isang guro na ipahanap ang lesson
ng isang kwento, mas lalo na kung sa manual lang kinuha ang mga tanong at naroon din ang sagot.
Kailangang sa karanasan ng ating mga estudyante huhugutin ang mga sagot. Walang isang pagbasa sa
texto, walang isang katotohanan, maraming katotohanan, at minsan ang katotohanan ngayon ay hindi na
katotohanan sa darating na panahon. Halimbawa, sinsabi dati nuong unang panahon na flat ang mundo
at matagal itong nagharing katotohanan ngunit napatunayan na natin ito sa ngayon na hindi na ito
katotohanan.

Sinabi ni Sigmund Freud na an gating utak ay imbakan o storage ng ating kaalaman. Lalagyan ng
mga magaganda at mapapait na karanasan. Na itong mapapait nating karanasan ay ating sinusupres.
Ngunit kahit natin ito pinipigilan ay lumalabas ito ng di natin namamalayan, sa unconscious at ang
halimbawa niya ay sa panaginip. Kung iuugnay ito sa pagsusulat ng isang tao, may mga malay siyang
mensahe at di malay na mensahe siyang nalilikha sa kanyang mga akda at mula ito sa kanyang
unconscious. Layunin ng isang mambabasa ay ilantad ang mga di-malay na mensaheng ito. Tayo bilang
mga fasiliteytor ng karunungan, naroon tayo sa klasrum, hindi isang tao na nagtataglay ng bukal ng
kaalaman. Isang gabay at patnubay lamang tayo para maproseso ng ating mga estudyante ang mga
katotohanang lantad at nasa likod ng texto.

Sa pagpapatuloy

Wala akong sinabi sa papel na ito na hindi nyo pa alam, inilabas ko lang siguro mula sa inyong
unconscious ang mga kaalaman na matagal ng sinupess ng mapanupil na sistema at istruktura ng
edukasyon. Sana mula sa aking mga inobasyon ay nagkaroon kayo ng mas flexibol o mas malawak na
pagtingin sa paggamit ng malikhaing pagsulat sa wikang Filpino, at magamit natin itong istratehiya sa
pagtuturo sa klasrum.

You might also like