Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

JIMMY II M.

BLANCAFLOR SUBJECT:GE11
BSIT-2F

gumawa ng reaksyong papel patungkol sa tanong na:

Sang-ayon kaba sa pagtatanggal o pag-aalis ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.?

Ma’am ito po reaksyon ko

Answer: Para sa akin ang asignaturang Filipino ay isa sa mga pangunahing asignatura sa kolehiyo na
nagtuturo sa mga mag-aaral tungkol sa wika, kultura, at panitikan ng Pilipinas. Sa pag-aalis nito sa
kolehiyo, sa akin pagtatanong meron mga sang-ayon at hindi sang-ayon at ang iba ay sang-ayon at
naniniwala na hindi na kailangan ng asignaturang ito sa kolehiyo dahil ito ay itinuturo na sa mga paaralan
sa elementarya at sekondarya. Mayroon rin mga mag-aaral na nahihirapan sa asignaturang ito dahil hindi
daw ito ang kanilang unang wika. Ang iba naman ay hindi sang-ayon sa pag-alis ng asignaturang Filipino
sapagkat ang iba ay naniniwala silang mahalaga ang asignaturang ito sa kolehiyo dahil ito ay nagtuturo sa
mga mag-aaral tungkol sa kanilang sariling wika at kultura. Dahil dito ang pag-aalis ng asignaturang ito ay
maaaring magdulot ito ng pagkawala ng pagpapahalaga natin sa sariling wika at kultura natin mga
Pilipino. Sa aking palagay, hindi dapat alisin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo dahil ito ay mahalaga sa
pagpapalaganap ng pagpapahalaga natin sa sariling wika at kultura bilang isang Pilipino upang mas
maging bihasa at produktibo sa paggamit ng wikang Filipino. Una sa lahat, ang asignaturang Filipino ay
hindi lamang ito tungkol sa pag-aaral ng wika, kundi pati na rin sa pag-unawa sa kultura at kasaysayan ng
bansa natin dahil sa pamamagitan ng pag-aaral ng Filipino, mas nagiging mahalaga ang pagpapalaganap
at pagpapahalaga natin sa ating sarilin, dignidad at kultura bilang isang Pilipino at ang pag-alis ng
asignaturang Filipino ay nagdudulot ito ng pagsasawalang-bahala natin sa sariling wika at kultura natin
mga Pilipino bagkus baka ito ay maging hudyat na mawalan ng interes at pagpapahalaga na pag-aralan
ang wikang Filipino ng mga katulad naming kabataan at iba pa lalo sa mga susunod na henerasyon at ito
rin ang magiging dahilan ng pagkawala ng pagkakakilanlan natin sa ating sarili bilang isang Pilipino at sa
bansang Maharlika nakay raming nagbuwis ng buhay para sa kalayaan na ating natatamasa ngayon at
hindi dapat natin isakripisyo ang pag-aaral ng Filipino para lang sa nababagay sa kasalukuyan ngayon
bagkus ating marapating tunay wikang Pambansa.
JIMMY II M. BLANCAFLOR SUBJECT:GE11
BSIT-2F

You might also like