Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX – Zamboanga Peninsula
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL SUR
Dao, Pagadian City

Learning Activity Sheet (LAS)


Asignatura at Lebel: FILIPINO 12
Blg.ng Markahan. Ikalawang Markahan Blg.ng Linggo: 5

I. Pangunahing Impormasyon (Mag-aaral at Materyal)


Pangalan: _______________________Iskor:_____________
Seksiyon: ________________________Petsa: ____________
Pamagat: Katangian Ko, Kilalanin Mo!
Kasanayang Pagkatuto at Koda: Natutukoy ang katangian ng isang
sulating akademiko (CS_FA11/12PT-0m-o-90)
Sanggunian: https://www.coursehero.com/file/52422464/AKADEMIKO-
HAND-OUTSdocx/; Reyes, Alvin Ringgo C. “Diwa Senior High School
Series: PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN:AKADEMIK
(Ikalawang Edisyon),”8-9 & 19. Diwa Learning Systems Inc., Legaspi
Village, Makati City, Phillipines.

II. Susing Konsepto at Mga Halimbawa

Ang sulating akademiko ay tumutukoy sa mga sulating isinulat para sa


larangang akademiko na nakabatay sa datos at impormasyong itinuturing na
totoo. Ito ay dumadaan sa proseso ng pananaliksik bago ang aktuwal na
pagsulat tulad ng pagtitipon at pagsasala ng mga datos na pagbabatayan ng
isusulat, aktuwal na pagsulat, at rebisyon ng mga sulating akademiko.
Ilan sa halimbawa ng mga sulating akademiko ay ang sintesis/buod,
bionote, abstrak panukalang proyekto, agenda, at katitikan ng pulong,
posisyong papel, talumpati, replektibong sanaysay, pictorial essay, at lakbay-
sanaysay.
Katangian ng Akademikong Pagsusulat
1. Pormal ang tono
Hindi gumagamit ng mga kolokyal at balbal na mga salita.
2. Kompleks
Mas mayaman sa leksikon at bokabularyo. Komplesidad ng garamatika
3. Tumpak
Sa pagsulat, ang mga datos ay inilahad nang walang labis o walang
kulang.
4. May pokus
Hindi maligoy ang paksa.
5. Lohikal na Organisasyon
Organisado ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya. Bawat talata ay
lohikal na nauugnay sa kasunod na talata.
6. Wasto
Gumagamit ng wastong bokabularyo. Maingat dapat ang manunulat sa
paggamit ng mga salitang madalas katisuran o pagkamalian ng mga
karaniwang manunulat.
7. Epektibong Pananaliksik
Bunga ng masinop na pananaliksik. May pinagbabatayang sanggunian.
III. Pamamaraan/Mga Gawain/Gabay na Tanong

Gawain 1: Basa at Suri !


Panuto: Basahin at suriin ang sumusunod na abstrak mula sa saliksik na “Tatlong
Mukha ng Eat Bulaga Bilang Variety Show: Laro-Ritwal, Sugal at
Teleserye” ni Aileen Joy G. Saul na nailathala sa Malay (Tomo 29, Blg. 2,
2017) batay sa mga ibinigay na katangian. Sundin amg format sa ibaba.
Mga Katangian Paliwanag
1. Pormal ang tono Abstrak
Simula pa dekada 50 ay sumasahimpapawid na sa telebisyon ang mga
variety-game show sa bansa at ang pagsubaybay rito ay naasimila na ng mga
Pilipino
2. bilang bahagi ng kultura. Mamamalas sa pagbubuo ng genre na ito
Kompleks
ang tinatawag na espektakulong hatid ng midya sa anyo bilang isang
panoorin o palabas na enggrande bukod pa ang nakagawiang pagtatanghal ng
kahirapan
3. Tumpak ng mga lumalahok dito kapalit ang pagkakataong manalo ng
salapi. Gamit ang tekstuwal na pagsusuring nakakonteksto sa pagbasa ng
telebisyon, ang Eat Bulaga! ayon sa mga katangiang laro-ritwal, sugal, at
teleserye
4. na matatagpuan dito. Natunghayang ang mga elementong bumubuo
May pokus
sa motif ng programa ay nagbibigay-daan sa pag-uugnay nito sa iba pang uri
ng palabas bilang tekstong maaring suriin at bigyang kahulugan. Sa pag-
aangkop
5. Lohikalng
napalabas ng mga katangian ng isang laro, mahihinuhang ang Eat
Organisasyon
Bulaga! ay naglalaman ng pagkukunwari, pagkintal ng panlipunang
ugali/pananaw, at pagriritwal na matatagpuan sa ibang anyong may ugnay
rito gaya ng teleserye at sugal. Gayundin, ang mga ideolohiya ng kapitalismo,
6.Wasto
patriyarka, pantasya, at aliw ay mga natunghayang salalayan na nagbibigay-
hugis at anyo sa mukha ng palabas sa pagdaan ng panahon.
7.Epektibong Pananaliksik

Gawain 2: Repleksyon

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.

*Gaano kahalaga ang mga natutunang kaalaman tungkol sa akademikong


pagsulat sa pang-araw-araw na buhay?
------------------------------------------------------------------------------
IV. Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
Mga Katangian Paliwanag
1. Pormal ang tono Gumagamit ng mga pormal na
wika, seryoso ang tono at walang
kasamang pagbibiro katulad ng
pagsusuri, kultura, tekstwal at
ibpa.

2. Kompleks Gumagamit ng mga mahahabang


salita. Mayaman sa talasalitaan.

3. Tumpak Walang kinikilingan. Sakto lang


ang mga inilahad na mga datos.

4. May pokus Deretso sa paksang nais ilahad.


Walang paligoy-ligoy. Unang
pangungusap pa lang inilahad na
ang nilalaman ng teksto.
5. Lohikal na Organisasyon Lohikal na magkakaugnay ang
bawat pangungusap sa isa’t isa,
mula sa unang pangungusap
hanggang sa huli.

6.Wasto Ang mga salitang ginamit ay


angkop sa nais ipahiwatig sa mga
mambabasa, Walang salitang
ginamit na makapaglilito sa mga
mambabasa.
7.Epektibong Pananaliksik Ang teksto ay resulta sa ginawang
pananaliksik dahil ito ay
naglalahad ng mga impormasyong
may pinagbabatayang sanggunian.

GAWAIN 2:
RUBRIKS:

5 4 3 2
Organisasyon Mahusay ang Maayos ang May lohikal na Hindi maayos ang
pagkakalahad ng pagkakalahad ng organisasyon organisasyon at
ideya sa kabuuan ideya sa kabuuan ngunit hindi walang panimula
ng talata at ng talata, may maayos ang at kongklusyon.
mabisa ang angkop na simula panimula at
panimula at at kongklusyon. kongklusyon.
kongklusyon.
Paggamit ng Wika Napakahusay ang Mahusay dahil Maraming mali sa Kailangang
at Mekaniks paggamit ng kakaunti lamang gramar at baybay baguhin dahil
wika, walang mali ang mali sa gayundin sa halos lahat ng
sa gramar, gramar, baybay gamit ng bantas. pangungusap ay
baybay at gamit at gamit ng mali sa gramar,
ng bantas, bantas. baybay at gamit
mayamang ng bantas.
bokabularyo.
Presentasyon Malinis at Malinis ngunit May kahirapang Mahirap basahin,
maayos ang hindi maayos ang unawain ang hindi maayos at
pagkakasulat ng pagkakasulat ng pagkakasulat ng malinis ang
talata. talata. pangungusap. pagkakasulat ng
pangungusap.

Inihanda ni:
JESSELITA S. MAGLASANG
Dinas National High School

Address: Provincial Government Center, Dao,


Pagadian City Strengthening
Telephone No.: (062) 214 – 1991 Unequivocal
E-mail Address: depedzambosur@gmail.com Response for
Website: www.depedzambosur.info Excellence

You might also like