Esp Quarter 4 - Module 3 Reviwer

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

MODYUL 3:

PANININDIGAN TUNGKOL SA
PANGANGALAGA NG SARILI LABAN SA
PANG-AABUSONG SEKSWAL
MGA ISYUNG KAUGNAY
SA KAWALAN NG
PAGGALANG SA DIGNIDAD
AT
SEKSUWALIDAD
PANG-AABUSONG SEKSUWAL
Ang pang-aabusong seksuwal ay ang pamimilit sa
isang tao para gawin ang mga sekswal na bagay
nang hindi nila pinagsang-ayunan. Ito ay maaaring
pisikal o hindi pisikal, at maaaring mangyari sa iba't
ibang lugar tulad ng paaralan, kalsada, tahanan, at
internet. Ang pang-aabusong ito ay labag sa
karapatan ng isang tao at maaaring magdulot ng
trauma at kawalan ng dignidad sa biktima.
HALIMBAWA NG PANG-
AABUSONG SEKSUWAL
PANGHIHIPO PANG-AABUSO SA SALITA
ito ay nangyayari kapag ang isang tao ay gumagawa ng
naituturing ito na pisikal na pang-aabuso dahil mga komento, biro, o mga pahayag na may kaugnayan sa
ito ay ang hindi naaayon na paghahawak sa seksuwalidad na hindi kagandahang-asal at
katawan ng isang tao nang walang pahintulot, nakakadama ng hindi komportableng sitwasyon ang
tulad ng pagkakamot, pagyakap, o hindi nais na kausap. Ito ay maaaring magresulta sa pagkakaroon ng
takot, kahihiyan, o pagkabastos sa biktima. Isang
halik. Ito ay maaaring maging nakakaabala,
halimbawa na nito ay ang tinatawag na catcalling o
nakakahiya, at nagdudulot ng hindi ang pagtatawag sa mga tao gamit ang mga hindi kaaya-
komportableng damdamin sa biktima. aya na pamamaraan.
PROSTITUSYON
Ang prostitusyon ay ang pagbibigay ng pansamantalang
aliw sa tao sa pamamagitan ng pakikipagtalik kapalit ng
pera o materyal na bagay. Ito ay maaaring magdulot ng
hindi paggalang at pagkilala sa sarili ng indibidwal. Kapag
ang prostitusyon ay ginagawa ng may konsentong
nagpapasya at may pagkagusto, maaari itong ituring na
hindi masama dahil sa kadahilanang may konsento ito at
ginusto ito ng isang tao.
PORNOGRAPIYA
Ang pornograpiya ay nagmula sa mga salitang Griyego na
"porne," na nangangahulugang prostitute o nagbebenta ng
pansamantalang aliw, at "graphos," na nangangahulugang
pagsulat o paglalarawan. Ito ay mga nakahuhumaling na
larawan, babasahin, o palabas na naglalayong pukawin ang
seksuwal na pagnanasa ng mga manonood o mambabasa.
Ito ay maaaring magresulta sa pagsasagawa ng isang tao ng
hindi karaniwang gawaing seksuwal, lalo na ang
panghahalay. Ito rin ay ginagamit ng mga pedophiles sa
internet upang manghikayat ng kanilang mga biktima.
PAGTATALIK BAGO ANG KASAL
Ang pagtatalik bago ang kasal ay ang pagtatalik ng lalaki
at babae na wala pa sa tamang edad o hindi pa kasal. Ang
paniniwalang kailangan ang pagtatalik upang mabuhay ay
nagpapakita ng kawalan sa pagpapahalaga sa pagkatao
ng tao, dahil binabalewala nito ang kakayahan ng isang tao
na ipahayag ang kanilang tunay na pagkatao. Ang
pakikipagtalik nang hindi pa kasal ay nagdudulot ng
kawalan ng respeto at pagbaba sa dignidad at integridad
ng mga taong kasangkot dito.
MARAMING
SALAMAT

You might also like