Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Paglalakbay ng Isang Atleta sa Mundo ng Palakasan

Grace S. Giñete

“Mapapagod man pero di susuko, panalo man o talo patuloy parin ang laban”
madalas na maririnig sa isang determinadong atleta bawat hampas at pag salo ng bola
ay may kasamang determinasyon, tudo bigay kung maka pag-insayo tumatagaktak na
pawis na dumadaloy sa katawan , umabot man sa punto na ang katawan ay
pumapanglaw na, di parin susuko.

Ang pagiinsayo ay ‘di biro, lahat ng lakas ay ibibigay, tiwala ng lahat ay


nakasalalay, pag-iinsayo ay hindi lamang sa kanilang sarili, kung’di para sa paaralan
at para sa mga taong nag titiwala sa kanilang kakayahan, grabi kung maka pag
insayo, bola ay walang pahinga hampas dito hampas roon, salo dito salo roon .

Ayon kay Lance Cuarez Gabas, “Hindi man madali minsan ang aming pag-
iinsayo, dahil sa mga paminsan-minsang problemang dumadating sa aming team,
pero pinilit parin naming mag-insayo ng maigi at lumaban para sa amin at sa ating
pinkamamahal na paaralan”. Tanging motibasyon ng volleyball team ng Sta. Josefa,
National High school ay ang ginintuang tiwala ng madla, hindi nila kasanayan ang
mawalan ng pag-asa.

Nutrisyon ay mahalaga sa lahat ng panahon, sa lahat ng buhay, kaya


pinaghandaan ng team Palo ang kanilang nutrisyon, sabi pa ni sir Darwin Tad-y,
coach ng team Palo ng Sta.Josefa, National high school “When we had our training
last USSIBA, we have a support coming from the municipal health office, so
municipal health office have given us a vitamins and also medicines” Walang
problema ang team palo kung pagkain ang pag-uusapan, dahil pera ay laging
nandiyan upang may pangtustos sa kanilang pagkain, sinasanay rin ang katawan na
matulog nang maaga at gumising nang maaga.

Napapaisip narin ako na kapag gusto mong makamit ang isang bagay, dapat
mo itong paghirapan ng maigi, katulad na lamang ng ating magigiting na athleta,
pinaghirapan nila ang kanilang paglalaro kaya nakamit nila ang titulong meron sila
ngayon.

You might also like