MANALO - Modyul 2 Takdang Gawain 2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Kristine Faith D.

Manalo SOSLIT-18 1-PA

Modyul 2 Takdang Gawain 2


Kiletes: Panunuring Pampanitikan sa Pilipinas ni R. Tomas-Yu
(Reaksyong Papel)

Batay sa aking taon ng aking pag-aaral simula pagkabata, masasabi ko, salamat sa maraming
mga batis at pagtuturo, na wika ang nagiging daluyan, tagapagpahayag at impukan-kuhanan ng isang
kultura. Samakatwid, hinuhugis nito ang komunikasyon na siyang pangunahing ugnayan ng mga tao.
Isa sa mga uri ng nakasulat na komunikasyon na naglalayong makapagbigay ng mensahe ay panitikan.
Sinasalamin nito ang ang kultura, paniniwala, mga tradisyon, at mayamang karanasan ng isang bansa.

Hindi maiiwasan na tumangkilik ang tao sa isa o higit pang uri ng panitikan, kahit sa pang
kaaliwan lamang na dahilan. Mayroon ding mga pagkakataon na hindi natin namamalayang
nakaangkop na pala ang panitikan sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Ang totoo pa nga, lalo na
para sa aking sariling karanasan, ang panitikan ay nagbibigay-kulay sa magulo at mapait na
pamumuhay. Binibigyan nito ang masalimuot na reyalidad ng panibagong perspektiba sapagkat
matagumpay na naiparating ng may-akda sa malikhaing pamamaraan ang makabuluhang mensahe,
hango man sa katotohanan o piksyon ang akda. Gaya na lamang ng aking karansan sa paglaki.
Tanging telebisyon lamang ang mayroon kami ng aking ina, hanggang sa nagkaroon ako ng interes sa
isang banda mula sa bansang UK. Ito ang nagbigay daan sa akin upang gamitin ang aking natutunan
sa balarila at gramatika sa ingles sa mga piksyonal na panitikan na may kinalaman sa kanila.
Humantong ito sa mas malalim na pagbabasa ng iba’t ibang piksyonal na libro at panunuod ng mga
pelikulang sci-fi hanggang sa pagtanda bilang libangan sa maghapong pag-iisa sa tahanan. Nung
ako’y naging maytungkulin bilang Multimedia Officer sa aming distrito, nagkaroon na rin ako ng hilig
sa dula at paglikha ng iba’t ibang uri ng midya, gaya ng maikling pelikula.

Kaya naman, natutunan ko rin mula sa aking karanasan na hindi rin maiiwasang kilatisin ang
panitikan sa aking buhay. Minsan pa nga noon ay hindi ko namalayang ginagawa ko na ito sapagkat
inakala kong normal lang ito bilang tagatangkilik o tagapanuod. Ngunit sa aking pagtanda ay lumalim
ang aking pagkatuto sa panunuri. Napili ko ang Kiletes: Panunuring Pampanitikan sa Pilipinas ni R.
Tomas-Yu sapagkat tinatalakay nito ang kontrobersyal na relasyon ng kritisismo at produksyon ng
panitikan. Pinagsama-sama ng may akda ang ilang mga sanaysay ng ibang manunulat upang
magbigay ng komprehensibong pagpapaliwanag ng proseso, kahalagahan at kaangkupan ng pagsusuri
ng panitikan. Nais ipabatid ng may-akda na mayroong iba’t ibang pinagmumulan ang mga kritiko sa
kanilang pamantayan gaya ng kanluraning pamantayan sa panitikan, kolonyal na kasaysayan, at
direksyon at pananaw ng panunuri. Mayroon ding praktikal na panunuri ng panitikan kung saan
pinipili at tinitipon gamit ang pagbasang nakasang-ayon sa makabagong perspektiba at paraan, gaya
ng tradisyong pormalista, tradisyong makalipunan, at ang bago’t pangkasalukuyan. Gayun din,
ginagamit ang mga teoretikal na pagtalakay upang mas lalong maging epektibo ang proseso ng
pagsusuri. Lahat ng tinalakay at ginamit na mga sanaysay ay naglalayon lamang na makatulong sa
mga estudyante, ang umuusbong na mga utak sa lipunan, upang magkaroon sila ng mas epektibo at
makabuluhang paggamit ng panitikan sa kanilang buhay. Ito man ay madalas na nauukol sa paaralan,
ngunit ang mga kamalayang panlipunan ay sa ganitong pamamaraan umuusbong. Kaya naman
totoong napakahalagang matutunan ng isang tao ang mahusay na pagsuri at pagtanggap sa mga
panitikan sa kaniyang buhay, nang sa gayon ay magamit niya ito sa mga pansariling konteksto, at higit
sa lahat ay maiambag ang kaniyang sariling boses o anumang sariling kaparaanan para sa panlipunang
pagbabago.

Higit sa mga nabanggit, sa tingin ko ay lubhang napakahalaga na laging gamitin ang mga
teoryang pampanitikan sa pagkilatis. Inilalarawan ng panitikan sa malikhaing pamamaraan ang tunay
na reyalidad. Kaya naman sa panunuri ay mahalagang magamit ang mga dulog tulad ng markismo,
historikal, klasisismo, humanismo, romantisismo, realismo, peminismo, pormalistiko, at
eksistensyalismo. Sa pagsusuri gamit ang mga ito madaling matutukoy ang “polarity” sa antas
panlipunan, hubad na karanasan at mga pangyayari sa kasaysayan, payak at maigting na
pagpapahayag ng damdamin tulad ng pag-ibig ukol sa isang paksa, totoong mga pangyayari sa
modernong mundo ngunit hindi lubos na katotohanan para sa pagsasaalang-alang ng kasiningan, ang
mga kalakasan at kakayahan ng mga kababaihan at iangat ang pagtingin ng lipuanan sa mga
kababaihan, at panghuli, ang kalayaan ng tao sa paghubog sa kaniyang reyalidad o mundo sa
pamamagitan ng mga desisyon. Malalim na mauunawan ng sinumang kritiko ang pangunahing
mensaheng nais iparating ng panitikan sa mga dulog o teoryang nabanggit.

Nais ko ring talakayin ang binaggit ng may-akda ang ukol sa pagiging parasitiko ng relasyon
ng kritisismo at produksyon ng panitikan. Lahat ng uri ng panitikan ay may mensaheng nais iparating,
teknikal man o panlipunang reyalidad. Hindi ko ikinakaila na hindi mahalaga ang kritisismo sapagkat
totoong ito ay makatutulong sa pagpapatalas ng mapanuring pag-iisip at paghamon sa kaniyang
personal at panlipunang sitwasyon upang makabahagi sa makabuluhang pagbabago, maging ang
kaniyang kamalayan at pagmamahal sa pinagmulang lahi at bansa. Ngunit sa kabilang banda, gaya na
lamang ng mga teorya mula sa mga Griyegong pilosopo ukol sa kalikasan ng sining, ang produksyon
ng sining o panitikan ay hindi dapat mapigilan ng anumang uri ng panunuri mula sa iba.
Napakagandang midyum ng komunikasyon ang panitikan, anuman ang nais iparating ng may-akda at
anumang ang paraan ng kaniyang pagpapahayag nito. Pangunahing layunin naman ng sinumang
manlilikha ng sining ay maipahayag ang damdamin o anumang emosyong nag-udyok sa kaniyang
paglikha, kaya hindi ito dapat mapigilan ng anumang pagtatangi o pagkiling mula sa panlabas na mga
batayan.

Bilang isang nangangarap na makalikha ng mga makabuluhang teksto at pelikula,


napakahalagang matutunan ko ang mataas na uri ng kaledad ng panunuri. Salamat na lamang sa aking
interes simula sa aking kabataan, nasimulan ko na ito sa murang pag-iisip pa lamang. Madali akong
mabighani sa mga wikang ginagamit gaya ng mga metapora, at maka-ibang mundong pagpapamangha
sa madla. Kaya naman mahalagang mailagay ko ang aking sarili sa patuloy na pagpapa-usbong ng
aking panunuri sa pamamagitan ng kritikal na pagbabasa at pag-unawa sa bawat wikang ginamit. Ito
ay upang lubos kong maunawaan ang mensaheng inilihim sa malikhain pamamaraan, salita man,
gumagalaw na imahe, o makabagbag-damdaming musika. Ito ay upang nang sa gayon, kapag
dumating na ang araw na ako naman ang susulat ng iskrip o magpapasabuhay ng isang malawak at
maka-ibang mundong ideya, ako naman ang hahamon sa iba upang masining na unawain at kilatisin
ang panitikang mula sa sarili.

You might also like