Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Aralin Dahilan at Pangyayari ng

2 Unang Yugto ng
Kolonyalismo
Layunin sa Pagkatuto:
 Nasusuri ang dahilan at pangyayari ng Unang Yugto ng Kolonyalismo.

Tungkol saan ang aralin na ito?


Sa araling ito, ating susuriin ang mga naging dahilan at mahahalagang pangyayari
noong Unang Yugto ng Kolonyalismo.

I. Tuklasin
Pamprosesong Tanong:
Ano ang kaugnayan ng mga larawan sa bawat isa at anong kaisipan ang iyong
maaaring mabuo?

II. Isaisip
Isaisip ang mga sumusunod mahalagang konsepto ng aralin at
sumangguni sa Modyul ng Mag-aaral sa Kasaysayan ng Daigdig, pahina 322-
336 upang mapalalim pa ang iyong kaalaman.

Ika-15 hanggang 17 naganap ang unang yugto ng Imperyalismong mga


Kanluranin. Tatlong bagay ang itinuturing na para sa kolonyalismo dulot ng
eksplorasyon.
• Ang paghanap ng kayamanan
• Pagpalaganap ng Kristiyanismo
• Paghangad ng karangalan at katanyagan.

Mga Pangyayaring nagbunsod sa Unang Yugto ng Imperyalismo.


• Motibo at Salik ng Eksplorasyon – Napukaw ang interes ng mga
Kanluranin nang marating ni Marco Polo ang China at mayayamang lugar at
pamumuhay dito.
• Paghahanap ng Spices- Ang kalakalan ng mga spices ang nagdadala
ng mataas na demand para sa mga Kanluran na may malaking kita.
• Pangunguna ng Portugal sa Paggalugad- Sa panahong 1420-1528
naglalayag na ang mga mandaragat na Portuges at humahanap ng mga daan
patungong Asya.
• Paghahangad ng Spain sa Kayamanan mula sa Silangan – ito ang
nagbunsod na tumuklas ng mga lugar kaya narating ang India at ang tinatawag na
bagong daigdaig.
• Paghahati ng Mundo- Dahil sa lumalalang paligsahan ng Spain at ng
Portugal at ang Papa ng Roma ang namagitan na naglabas ng kautusan ng papal bull.
• Paglalakbay ni Ferdinand Magellan- Nagpatunay ang mga ekspedisyon
na maaaring ikutin ang mundo at muling makabalik sa pinanggalingan.
• Ang mga Dutch – Naging makapangyarihan sa pagpasok ng 17 siglo at
napasakamay nila ang mga lupaing nasakop ng Poruges.

Maraming mahahalagang epekto ang Unang Yugto na naging salik ng


eksplorayon at kolonisasyon ng mga Europeo sa Asya at Amerika ang sumusunod:
Pag-unlad ng teknolohiya sa paglalayag Suporta ng
monarkiya sa bawat ekspedisyon
Kuryosidad at tiwala sa kakayahan ng tao dulot ng Renaissance
• Pinangunahan ng bansang Portugal ang Panahon ng
Paggagalugad.
• Nagpaligsahan ang mga bansang Portugal, Spain, Netherlands,
England at France sa pagtuklas ng mga bagong lupain sa Asya at Amerika.
• Umunlad ang pakikipagkalakalan sa pagitan ng Europe, Asya at Amerika
noong panahon ng kolonisasyon.
III. Mga Gawain

A. Gawain1: Balangkas ng Kaisipan


Panuto: Suriin at punan ng angkop na ideya ang grapikong talahanayan.

Pamprosesong Tanong:
Sa paanong paraan naging matagumpay ang pagtuklas ng mga bagong
lupain ng mga Kanluranin?
B. Gawain 2: Mapa-Suri
Panuto: Gamiting batayan ng pagsusuri ang mapa ng daigdig

https://tinyurl.com/y2ux6c5p

Punan ang tsart ng datos na hinihingi ng talahanayan.

Kanluraning Bansa Eksplorador Lupaing Nagalugad


 Pamprosesong Tanong:
Paano nakatulong sa Europe ang pagkakaroon ng kolonya sa Asya at Amerika?

IV. Tayahin
Panuto: Basahin ang bawat aytem at itiman ang bilog na may titik ng tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod ang hindi naging motibo ng kolonyalismo?


Ⓐ paghahanap ng kayamanan
Ⓑ pagpapalaganap ng Kristiyanismo
Ⓒ pag-unlad ng teknolohiya sa paglalakbay
Ⓓ pagpapalawak ng kapangyarihan at makamit ang hinahangad na katanyagan

2. Alin sa sumusunod ang nakatulong sa matagumpay na paglalayag ng mga


Europeo?
Ⓐ aklat ni Marco Polo
Ⓑ talaan ng paglalakbay nina Marco Polo at Ibn Batuta
Ⓒ mga unibesidad na ipinatayo ng mga hari at aristokrata
Ⓓ teknolohiya sa palalakbay tulad ng compass at astrolabe
3. Alin ang wastong pagkasunod-sunod ng mga bansang nag-unahan sa
paggalugad ng mga lupain sa Asya at Amerika?
Ⓐ Portugal, England, Spain, France, Netherlands
Ⓑ Portugal, Spain, England, Netherlands, France
Ⓒ Portugal, Spain, Netherlands, France, England
Ⓓ Portugal, Spain, Netherlands, England, France
4. Alin ang wastong pagkasunod-sunod ng mga bansang nag-unahan sa
paggalugad ng mga lupain sa Asya at Amerika?
Ⓐ Portugal, England, Spain, France, Netherlands
Ⓑ Portugal, Spain, England, Netherlands, France
Ⓒ Portugal, Spain, Netherlands, France, England
Ⓓ Portugal, Spain, Netherlands, England, France
5. Bakit mahalaga ang paglalakbay ni Ferdinand Magellan?
Ⓐ dahil nabago nito ang pananaw tungkol sa daigdig
Ⓑ dahil naipakita nito ang kahalagahan ng paglalakbay
Ⓒ dahil naging pangunahing pamilihan ng mga produktong Europeo ang Asya
Ⓓ dahil nagkaroon ng malalim na pag-unawa ang
mga Europeo tungkol sa Asya
6. Bakit hinangad ng mga Kanluranin na marating ang Spice Islands?
Ⓐdahil isang karangalan na marating ang Spice Islands
Ⓑ dahil ang mga produkto dito ay kakaiba at hindi matatagpuan sa pamilihan ng
Europa
Ⓒ dahil ang alinmang bansang may kontrol sa
sa Spice Islands ay maaaring maging mayaman at makapangyarihan
Ⓓ dahil may malawak itong plantasiyon ng mga pampalasa na kailangan ng mga
Europeo sa kanilang mga pagkain

V. Karagdagang Gawain
Panuto: Halimbawang ikaw ay nabuhay noong ika-15 siglo. Naatasan ka ng iyong hari
na maglakbay at tumuklas ng mga bagong lupain para sa karangalan ng inyong bansa.
Iyong ipakikita ang naging paglalakbay sa pamamagitan ng komik strip. Sundan
lamang ang template at rubrik sa paggawa.

Sanggunian:

Aralin 2
Blando, Rosemarie et.al. “Pag-Usbong at Pag-Unlad ng Klasikal at Transisyonal Na
Panahon”. In Modyul Ng Mag-Aaral Araling Panlipunan Kasaysayan Ng Daigdig, 1st
ed., 322-326. 2014. Pasig City: DepEd-IMCS, n.d

Inihanda ni:
PEDRO N. BORLAGDATAN
Master Teacher II-AP

You might also like