Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Mga Angkop na Kilos na Nagpapamalas ng

Pagmamahal sa Bayan
May magagawa ang isang mamamayan upang mabigyan ng
solusyon ang mga problemang kinakaharap ng bayan. Mulat ka na
sa katotohanang kabahagi sa pagbabagong kailangan ang mga
kabataan. Bukod sa mga tungkulin na dapat isabuhay bilang isang
Pilipino at mamamayan ng ating bansa na nakasaad sa
Konstitusyon, may mga simpleng bagay na maaaringg isabuhaay
upang makatulong sa bansa.
Ang isang taong may pinag-aralan hindi
kailanman mag-iisip na gumawa ng
anumang paglabag sa mga batas na
ipinapatupad ng kaniyang bansa,
bagkus ang kaniyang natutuhan sa pag-
aaral ay gagawin niyang paraan upang
mahanapan ng solusyon at tulungan
ang bansa sa problemang kinakaharap
at haharapin nito.
Ang oras ay mahalaga. Ang maaaring
maging susi upang maging positibo ang
ibig sabihin ng Filipino Time, ang
pagiging huli sa mga pagtitipon,
programa, at ilan pang gawain ay hindi
nakatutulong sa pagsulong ng anumang
grupo, organisasyon at sa kabuuan ng
bansa.
Unahan sa pila, gitgitan sa kalsada
na kung minsan, dahilan ng
pagtatalo na nauuwi sa aksidente,
away, bugbugan hanggang sa
patayan. Sabi nga lagi, “Disiplina
lang pakiusap.” Mababaw kung
tutuusin pero kailangan.
Kung may simpleng bagay na
maaaring gawin ang isang
mamamayan para sa kaniyang
bayan, ito ay ang igalang ang
kaniyang pagkakakilanlan,
pangunahin na rito ang pambansang
awit. Awitin ito ng buong puso at
may paggalang.
Ang katapatan ay unang itinuturo sa
bahay, pinauunlad, pinalalawak ito sa
paaralan at isinasabuhay sa lipunang
kinabibilangan. Ang pangongopya o
pagpapakopya na kadalasang ginagawa
ng isang mag-aaral ay hindi
makatutulong upang maging matapat
at totoo sa lahat ng panahon at
pagkakataon.
Ang solusyon sa lumalalang problema
ng bansa o ng mundo sa kapaligiran ay
nasa kamay ng mamamayan at ito ay
ang responsableng paggamit ng
pinagkukunang yaman nito, kasama na
rito ang pagtitipid sa tubig, kuryente,
pangangalaga sa kalikasan sa
pamamagitan ng pagtatanim ng puno
at tamang pagtatapon ng basura.
Ang kalusugan ng tao ay yaman ng
bansa, ang mga gawaing gaya ng
pag-inom, paninigarilyo, pagsusugal,
at ang labis na pagkahilig sa
paglalaro sa kompyuter ay tuwirang
hindi makatutulong sa sarili at sa
kabuuan sa pag-unlad ng bansa.
Ang pagtangkilik sa produkto ng
bansa ay hindi pagiging
makasarili, paraan ito upang lalo
matulungang mapalago at
maiangat ang ekonomiya ng
bansa, na sa huli ay ang
mamamayan makikinabang nito.
Ito ay maisasagawa sa
pamamagitan ng pagpili ng tamang
pinuno na kakatawan sa mga bagay
na nais mangyari sa lipunang
ginagalawan. Ang boto ay hindi
ibebenta o ipagpapalit sa kung
anong pabor o materyal na bagay.
Ipagpatuloy ang kagandahang-asal na
pagmamano at pagsasabi ng “po” at
“opo.” Ang pangangalaga sa
nakatatanda ay isang pananagutan.
Ang pananagutang ito ay
maisasabuhay sa pamamagitan ng
pagbibigay-galang sa nakatatanda,
bahagi man ng pamilya o hindi.
Ang kapangyarihan ng Diyos ay
hindi matatawaran kailanman,
ang pagtawag sa Kaniya,
paghingi ng patnubay ay
mahalaga sa pagsasakatuparan
ng mithiin sa buhay.
Bukod sa mga nabanggit, malaking tulong din ang
pagkakataon ng tamang pag-uugali at kritikal na pag-
iisip. Ang isang taong may tamang pag-uugali ay
gagawa ng paraan upang may maitulong. Gagawin niya
kung ano ang sa palagay niya ang makabubuti at pag-
aaralan kung ano ang dahilan o sanhi kung bakit ang
isang problema ay nangyayari. Sa ganitong paraan
nagagamit niya ang kaniyang kritikal na pag-iisip na
karaniwang nakakalimutan ng nakararami.

You might also like