Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

Modyul 3

Halamanan sa
Kapaligiran, Presensiya
ng Pagmamahal ng
Maykapal
SUBUKIN!
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong at piliin ang
titik sa tamang sagot. Isulat sa iyong papel o kuwaderno.

1. Kompletuhin ang kasabihang “Ang pagiging luntian ng


kapaligiran ay sumasagisag sa kalusugan ng___________.”

A. kabataan
B. katawan at isip
C. katawan at kagandahan
D. buong mamamayan at pamayanan
2. Ang pagsasaluntian ng kapaligiran ay pagtatanim ng mga
halaman o punongkahoy upang madagdagan o mapalitan ang mga
nabuwal ng mga puno’t halaman. Ang tekstong ito ay
nagpapakita ng pagmamahal sa__________.
A. kalikasan
B. ating mga magulang
C. mga guro sa paaralan
D. mga kamag-aral sa paaralan
3. Ano ang pangangailangan ng mga halaman?
A. tubig
B. pataba
C. sikat ng araw
D. lahat ng nabanggit
4. Alin ang hindi kabutihang dulot ng pagkakaroon ng luntiang
kapaligiran?
A. Nagpapalakas sa mga bukal ng tubig.
B. Nagbibigay sigla sa buhay ng hayop at tao.
C. Nagpapanatili sa tamang temperature ng daigdig.
D. Nagbibigay-pinsala sa buhay ng mga hayop at tao.
5. Ang Clean and Green ay isang paraan ng pagsasaluntian ng
kapaligiran at pagpapanatiling maayos at malinis nito. Ano ang
dapat mong gawin sa nasabing programa?
A. Hindi ko papansinin.
B. Ipagsasawalang-bahala ko.
C. Makikisali at susuportahan ko ito.
D. Ipapakita ko ang pakikilahok paminsan-minsan.
6. Dahil sa pagpuputol ng mga halaman at puno sa kagubatan
nakakalbo na ang ating kabundukan. Ito ang nagiging dahilan ng
pagbaha at landslide. Ano ang maaari mong gawin bilang isang
mag-aaral upang makatulong sa suliraning ito?
A. Magsasawalang kibo na lamang ako.
B. Hindi ko papansinin dahil bata pa ako at wala akong
magagawa.
C. Uumpisahan ko ang pagtatanim sa sariling tahanan sa mga
patapong bagay na pwedeng pagtamnan.
D. Hihingi ako ng tulong sa aming Kapitan na magkaroon ng
programa sa aming barangay na Oplan Balik Tanim.
7. Walang espasyo sa inyong paaralan upang mapagtamnan ng
mga halaman ngunit hangad mong tumulong sa pagkamit ng
layunin ng Programang Clean and Green. Ano ang maaari mong
gawin bilang isang mag-aaral?
A. Mangongolekta ako ng mga plastik na bote, at gulong at dito
ako magtatanim.
B. Mag-aaral ako ng mga hakbang tungkol sa pagtatanim.
C. Magpapatulong ako sa aking magulang.
D. Magdadala ako ng binhi sa paaralan.
8. Ang pangulo ng samahan ng mga magulang sa inyong lugar ay
nagpatawag ng pulong sa mga kabataang tulad Ninyo para sa
ilulunsad na bagong proyektong “Halamang Gamot Para sa
Kalusugan”. Paano mo ibabahagi ang iyong oras sa proyektong
ito?
A. Hindi ako dadalo.
B. Magdadahilan ako na hindi ako pinayagan ng aking magulang.
C. Hindi ako interesado dahil wala akong pakialam sa
proyektong ito.
D. Dadalo ako sa pulong dahil naniniwala ako na maganda ang
maidudulot ng proyektong ito sa aming lugar.
9. Kumakain ka ng kasoy. Nang maubos mo ito, napagpasiyahan
mong huwag itapon ang buto nito at itatanim sa bakanteng lote.
Anong ugali ang iyong ipinapakita sa pagsasagawa nito?
A. pagpapahalaga sa pagpapatubo at pagpaparami ng halaman
B. pagpapakita ng kalinisan sa kapaligiran
C. hindi pangangalaga sa mga halaman
D. pagpaparami ng kalat na buto
10.Alin sa sumusunod ang tama?
A. Ang pagputol sa malalaking puno ay nagpapakita ng
proteksiyon sa kapaligiran.
B. Ang pag-iisprey ng insecticide sa mga gulayan ay tanda ng
pagpapanatili ng balanseng kapaligiran.
C. Ang pagsusunog ng mga tuyong dahon ng mga halaman ay
tamang paraan upang tugunan ang problema sa basura.
D. Ang pangangalaga at pagpapalago sa mga bulaklak at iba
pang halaman ay isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa
kalikasan
Tuklasin
Ang pagsasaluntian ng kapaligiran ay
pagtatanim ng mga halaman o punongkahoy
upang madagdagan o mapalitan ang mga
nabuwal na mga puno’t halaman. Naipapakita
ang pagmamahal sa Poong Maykapal kung
pinahahalagahan at inaalagaan ang mga
halaman. Alamin kung paano mo ito gagawin.
Basahin at unawain ang kuwento.
Tayo sa Halamanan
Nag-uusap ang magkaibigang Raul at Maan. “Tayo
na sa halamanan.Tingnan natin ang mga tanim,”
wika ni Raul.
“Dadalhin ko na ang pandilig,” wika
naman ni Maan. “Huwag mo nang
dalhin iyan dahil umulan naman
kagabi,” sabi ni Raul. “Sige,
magdadala na lang ako ng kalaykay.”
“Dadalhin ko naman ang asarol.”
Nang nasa halamanan na sina Raul at
Maan, ganito ang kanilang usapan.
“Tingnan mo ang mga halaman, Maan.
Marami na silang bulaklak ngayon.”
“Kay ganda nga nilang pagmasdan.
Bakit kaya may bulaklak na ang mga
halaman?” tanong ni Maan.
“Dinilig kasi ng ulan ang mga halaman. Gusto ng mga halaman
ang ulan pati na rin. “Dinilig kasi ng ulan ang mga halaman.
Gusto ng mga halaman ang ulan pati na rin ang araw.’
Tiningnan naman nina Raul at Maan ang mga tanim nilang
gulay. “Malalaki na rin ang ating mga tanim na gulay.
Mamumunga na ang mga ito,” wika ni Raul. Nakita ni Maan
ang mga damong nakapaligid sa mga gulay. “Ating linisin ang
halamanan. Maraming damo sa mga gulay. May uod pa ang
mga petsay. Marami rin ang nakakalat na bato,” wika ni
Maan.
Kinuha nilang dalawa ang asarol at kalaykay.
Inalis nila ang mga damo at bato. Inalisan din
nila ng uod ang mga gulay. Masama sa tanim ang
mga ito. Kanilang binungkal ang lupa ng mga
tanim upang lalong tumaba ito. “Malinis na ang
halamanan. Wala na ang kanilang mga kaaway,”
wika ni Maan. Pagkatapos ay umalis na ang
magkaibigang Raul at Maan. Ano kaya ang
pakiramdam ng dalawa sa pag-aalaga ng mga
halaman?
Mga
Katanungan
1. Ano ang ginawa ng magkaibigang Raul at Maan sa
halamanan?
2. Ano-ano ang pangangailangan ng mga halaman ayon sa
magkaibigan?
3. Paano nila ipinakita ang pangangalaga sa mga halaman?
4. Bilang batang mag-aaral, sa paanong paraan mo
inaalagaan ang mga halaman?

You might also like