Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Parokya ng Mabuting Pastol

Diocese of Novaliches

Abril. 2024

To:

Minamahal na________________

Sumainyo ang Kapayapaan! Dumating na Naman Tayo sa isa sa pinaka importanteng pagdiriwang sa ating Parokya at
ito ay ang Kapistahan ng ating Patron si Hesus, Ang Mabuting Pastol. ang kapistahan ay magaganap sa Abril 21, 2024
at ang tema ng ating Pagdiriwang ngayong Taon ay:

"HESUS, ANG MABUTING PASTOL, SIYANG GABAY SA ATING BUHAY PANALANGIN."

Kaugnay ng nasabing pagdiriwang ay naghanda ng iba't ibang aktibidad ang ating Parokya, isa na Dito ang siyam na
araw na Misa Nobenaryo na magsisimula sa Abril 12 Hanggang Abril 20 na pangungunahan ng iba't ibang bisitang Pari
na nagmula sa mga Parokya ng ating Diyosesis. At ang Misa Mayor naman ay sa Abril 21, 2024 na Pangungunahan ng
ating Obispo Lubos na Kagalang galang, Robert O. Gaa D.D, sa ganap na ika-9 ng Umaga.

Kaugnay ng nasabing Pagdiriwang kami po ay kumakatok sa kabutihan ng inyong mga Puso upang paunlakan ang
aming Paanyaya na maging isa sa mga Hermana Menore, ang Inyo pong tulong ay tutugon sa mga Pangangailangan at
gastusin sa paghahanda para sa ating Kapistahan.

Kami po ay umaasa sa inyong positibong pagtugon, nawa ay pagpalain kayo ng ating Panginoon si Hesus, Ang
Mabuting Pastol. Maraming salamat po!

Sa kaalaman ni:

Reb. Padre, Oscar V. Lucas


Kura Paroko

Helen Manalastas
PPC Chairwoman

Marivic Caasi
PFC Chairwoman

You might also like