Manago-Dear-Day 4

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Sangay ng mga Paaralang Lungsod

MATAAS NA PAARALANG FLORENTINO TORRES


Daang Juan Luna, Gagalangin, Tundo, Maynila

DROP EVERYTHING AND READ

Pagbasa sa Filipino 8

Ulat Pasalaysay sa
Maunawang Pagbasa
(Pebrero 16, 2024)

8-Basho
8-Villa
8-Jose
8-Emerson
8-Chaucer

Inihanda ni:

Realine B. Mañago
Guro I
Isinagawa ang ikaapat na araw ng Catch-Up Friday’s noong ika-16 ng Pebrero, 2024
kung saan ang mga guro mula sa baitang 8 ay naghanda ng isang dagli na babasahin at
uunawain ng mga mag-aaral. Ang akdang napagkasunduan na ipabasa sa mga mag-aaral ay
ang Maligayang Pasko at Skyflakes ni Eros Atalia.

A. Bago Bumasa

Bilang panimulang gawain, binasa ng mga mag-aaral ang nilalaman ng isang komiks
istrip na may kaugnayan sa akdang babasahin at inilahad nila ang kanilang opinyon ukol dito.
Binigyang kahulugan naman ang mga salita sa akda para sa paghahawan ng sagabal.

B. Habang Nagbabasa
Sa gabay ng guro, kasama ang kapangkat ng mga mag-aaral, binasa nila ang akda
gamit ang estratehiyang Read Aloud. Mula rito ay tinalakay ang akdang binasa.
C. Pagkatapos Bumasa
Nagpabasa ng iba pang dagli ang guro upang sukatin ang pag-unawa ng mag-aaral
sa pagbasa. Ang mga mag-aaral na nakakuha ng 0-2 na puntos ay gumuhit ng isang bagay na
sumisimbolo sa kanilang natutuhan sa binasa at kanilang ibinahagi sa klase ang kanilang
paliwanag ukol dito. Samantala, ang mga nakakuha ng 3-5 puntos ay sumulat naman ng isang
maikling journal na naglalaman kung paano maisasabuhay ang mensaheng nakapaloob sa
binasang teksto. Sa huli, nagging matagumpay ang isinagawang Gawain dahil marami sa mag-
aaral ay nakakuha ng mataas na marka sa pagbasa

You might also like