Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

MGA

PANG-ABAY
FIL 201 - Kayarian ng Filipino

Ulat ni Bb. Erica Dichoso


Ano ang iyong mararamdaman sa mga
sumusunod na sitwasyon?
Ano ang iyong mararamdaman sa mga
sumusunod na sitwasyon?
Ano ang iyong mararamdaman sa mga
sumusunod na sitwasyon?
Ano ang iyong mararamdaman sa mga
sumusunod na sitwasyon?
PANG-ABAY

Ito ay mga salitang nagbibigay turing o


naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, o kapwa
pang-abay.
MGA HALIMBAWANG
PANGUNGUSAP
1 Niyakap ko siya nang mahigpit.

2
Dahan-dahan siyang naglakad palayo.

3
Gumuho ang aking mundo nang mga
sandaling iyon.
MGA URI NG PANG-ABAY

Pamaraan Pamanahon Panlunan

Pang-agam Panang-ayon Pananggi

Panggaano
1
Ang pang-abay na pamaraan ay
naglalarawan kung paano
naganap, nagaganap, o magaganap
ang kilos na ipinapahayag ng
pandiwa.
Pang-abay na
Pamaraan Ginagamitan ito ng mga
panandang nang, na, o -ng.
MGA HALIMBAWANG
PANGUNGUSAP
1 Nilingon niya ako nang bahagya.

2
Agad na tumulo ang aking mga luha

3
Sandaling bumalik ang mga masasayang
alaala.
Ang pang-abay na pamanahon

2
ay nagsasaad kung kailan
naganap o magaganap ang kilos
na taglay ng pandiwa sa
pangungusap.

Pang-abay na May tatlong uri ang pang-abay


Pamanahon na pamanahon: ang may
pananda, ang walang pananda,
at ang nagsasaad ng dalas.
PAMANAHONG
MAY PANANDA
ITO AY GINAGAMITAN NG MGA PANANDANG
NANG, SA, NOON, KUNG, KAPAG, TUWING,
BUHAT, MULA, UMPISA, O HANGGANG.
MGA HALIMBAWANG
PANGUNGUSAP
1 Hindi ko alam ang gagawin ko nang araw
na iyon.

2
Sa oras na iyon ay halo-halo ang aking
naramdaman.

3 Masaya naman kami noong umpisa.


PAMANAHONG
WALANG PANANDA
ITO AY GINAGAMITAN NG MGA PANANDANG
KAHAPON, KANINA, NGAYON, MAMAYA,
BUKAS, SANDALI, ATBP.
MGA HALIMBAWANG
PANGUNGUSAP
1
Naramdaman ko kahapon na may gusto
siyang sabihin sa akin ngunit di niya
masabi.
Kanina, sinabi niya na lahat ng gusto
2
niyang sabihin.

3
Hindi ko alam kung makikita ko pa siya
bukas.
PAMANAHONG
NAGSASAAD NG DALAS
ITO AY GINAGAMITAN NG MGA SALITANG
NAGSASAAD NG DALAS. HALIMBAWA NITO
AY ANG MGA SALITANG ARAW-ARAW, TAUN-
TAON, TUWING, ORAS-ORAS, LINGGO-LINGGO,
ATBP.
MGA HALIMBAWANG
PANGUNGUSAP
1 Araw-araw kitang naiisip.

2 Naghihintay ako tuwing hapon sa iyong


pagbabalik.

3 Oras-oras kong hinihintay ang chat mo.


Ang pang-abay na panlunan

3
ay tumutukoy sa pook o
lugar na pinangyarihan,
pinangyayarihan, o
pangyayarihan ng kilos sa
Pang-abay na pandiwa.
Panlunan Ilan sa mga panandang
ginagamit dito ay ang mga
salitang sa, kina, o kay.
MGA HALIMBAWANG
PANGUNGUSAP
1 Hihintayin kita sa dati nating tagpuan.

2 Kina Arlene lang ako pupunta, sakaling


hanapin mo ako.

3 Lagi akong makikibalita kay Mark tungkol


sayo.
Ang pang-abay na pang-

4
agam ay nagbabadya ng di-
katiyakan o pag-aalinlangan
sa pagganap sa kilos ng
pandiwa.
Pang-abay na Ginagamitan ito ng mga
Pang-agam pariralang marahil, siguro,
tila, baka, wari, o parang.
MGA HALIMBAWANG
PANGUNGUSAP
1 Marahil may iba na siyang gusto.

2 Siguro nga’y wala nang natira sa mga


sinulat mo na para sakin.

3 Sa wari ko’y lumipas na ang kadiliman ng


araw.
5
Ito ay nagsasaad ng
pagsang-ayon. Ginagamit
dito ang mga salitang oo,
opo, tunay, sadya, talaga,
Pang-abay na syempre.
Panang-ayon
MGA HALIMBAWANG
PANGUNGUSAP
1 Talaga palang masakit ang magmahal.

2 Syempre handa tayong gawin ang lahat


para sa taong mahal natin.

3 Tunay na minamahal kita, hindi ito biro.


6
Nagsasaad ito ng
pagtanggi o pagtutol. Ito
ay ginagamitan ng mga
Pang-abay na pariralang hindi, di, at
ayaw.
Pananggi
MGA HALIMBAWANG
PANGUNGUSAP
1 Ayaw ko nang masaktan muli.

2 Hindi ko na alam kung makakaya ko pa.

3 Di na ako muling aasa.


7
Nagsasaad ang pang-
abay na panggaano ng
timbang, bigat, o sukat.
Pang-abay na Ito ay sumasagot sa
tanong na gaano o
Panggaano
magkano.
MGA HALIMBAWANG
PANGUNGUSAP
1 Nabawasan ng tatlong kilo ang timbang ko.

2
Mahigit limang taon na mula nang
magkakilala tayo.

3 Walong oras na siyang nakatutok sa


telebisyon upang libangin ang kanyang
sarili.
M a r a m i n g
Salamat

You might also like