Pananaliksik Output - To Print

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KARALITAAN: kadena mula sa salinlahi, pagpapahirap sa isang lipi.

Ang kahirapan ay higit na matutukoy sa pamamagitan ng paraan ng pamumuhay ng mga tao


sa komunidad kung saan ang isa sa mga buhay at sa antas ng mga inaasahan nila at
tumutukoy rin sa kalagayan na hindi kayang tugunan na mga pangunahing pangangailangan
ng tao tulad ng malinis na tubig, nutrisyon, kalusugan,damit at tirahan at isa ito sa
problemang kinakaharap natin ngayon.

Ayon kay Gregorio (2016) ang kahirapan bilang isang pangkalahatang suliranin ay isang
malalim na sugat na makikita sa bawat sukat ng kultura at lipunan. Kasama nito ang mga
kasapi ng pamayanan na sadyang may maliit na kita. Kasama rin ang kakulangan ng mga
serbisyo katulad ng edukasyon, pamilihan, pangangailangang pangkalusugan, kawalan ng
kakayahan na gumawa ng mga pagpapasya sa sarili, at ang kawalan ng malinis na tubig,
kalinisan at kaayusan, maayos na kalye, transportasyon at komunikasyon.

Mas madali nating maintindihan ang kahulugan at kahalagahan ng pag-aaral ng “kahirapan”


sa pamamagitan ng ilang palatandaan at pagpapatunay na ang kahirapan ay ating nararanasan
sa ngayon.

Ika nga ni Champort (1979) “Society comprises two classes: those who have more food than
appetite and those who have more appetite than food”. May mga taong sadyang mayroon
namang pagkain ngunit di nila ito pinahahalagahan at meron din namang mga taong
nangangailangan at meron din namang mga taong nangangailangan ng pagkain ngunit di
sapat ang kung anong meron para sa sarili nila.
Sa iba’t-ibang pagsisiyasat, naipapakita na ang bilang ng mga pamilyang Pilipino ay pana-
panahong nakakaranas ng hirap at matinding gutom. At ang mga dahilan ay ang mga
sumusunod:
❖ Mababang kita ng mga taong naninirahan sa rural na lugar. Karamihan ay nakatira
sa lugar na madalas magkaroon ng kalamidad at sakuna tulad ng mga rehiyon sa
Visayas At Mindanao. Sa Visayas na madalas masalanta ng bagyo, sa Mindanao na
madalas may giyera dahil sa mga rebeldeng grupo. Nang dahil dito’y marami sa
mamamayan sa mga lugar na ito’y nangangamba sa kanilang kaligtasan.
❖ Kakulangan sa edukasyon. Mga katutubong naninirahan sa malalayong isla’t
bulubundukin ay nabibilang sa mga walang kaalaman at pinag-aralan at kawalan ng
trabaho’t naghihirap. Nang dahil dito’y hindi sila nakakakuha ng matinong trabaho
upang tustusan ang kanilang mga pangangailangan.
❖ Paglobo ng populasyon. Kung saan walang sapat na kaalaman ang ilan tungkol sa
‘Family Planning‘. Tulad sa malalayong lugar, lumalaki ang bilang ng ‘teenage
pregnancy’ dahil ilan sa kanila ay walang nalalaman sa pagpaplano ng pamilya.
❖ Korapsyon. Matinding katiwalian sa gobyerno ang isa sa mga dahilan kung bakit ang
Pilipinas ay nakakaranas ng hindi malutas-lutas na kahirapan na tila walang hanggan.
Ito ay dahil sa mga gahamang pulitiko na nasisilaw sa pera’t kapangyarihan na
walang ibang alam kundi ang magbulsa ng pera ng taong-bayan. Imbes na tumulong
sa mga naghihikahos at nagugutom na Pilipino ay mas iniisip nila ang kanilang
pansariling pangangailang at nakalimutan na nilang tuparin ang kanilang pangako
noong sila’y kandidato pa lamang.
Paano nga ba natin ito masosolusyunan? Ang gobyerno ang siyang unang mamumuno dahil
sila dapat ang gumawa ng aksyon na maka-aayos sa lipunan. Maging strikto at tapat ang
kanilang mga batas na ipinatutupad sa mamamayan upang maging alerto at may ‘takot’ ang
mga mamamayan na lalabag dito. Dahil sa ganitong paraan, ang lipunan ay unti-unti na ring
nasosolusyonan at mas magiging maayos ang pamamalakad ng bansa. Ito ang mga solusyon
upang mapuksa ang kahirapan sa bansa:

❖ Magbigay ng sapat na Edukasyon – Ito ay ang ating pag-asa upang ang Pilipinas ay
umunlad ulit. Kung lahat tayo ay marunong magbasa at magsulat, tayo ay maaaring
makahanap ng magandang trabaho na makakatulong sa ating pamilya na sustentuhan
ang ating kailangan sa pang araw-araw. Marami ring tao na nakapag-aral ang
magtutulangan upang mabawasan ang porsiyento ng mahihirap at tulungan silang
makaahon.
❖ Mas maraming oportunidad na trabaho – Dahil sa kakulangan ng oportunidad ng
mga trabahador dulot ng malaking populasyon na makahanap ng trabaho sa Pilipinas,
ang iba sa kanila ay lumilipat ng ibang bansa upang doon makapagtrabaho. ang iba ay
dahil mas malaki ang kita doon. Dahil sa problemang ito ay nagkakaresulta ito ng
“Brain Drain” na nagpapabagal sa pag-unlad ng ating bansa. Kung marami lang sana
ang nakakapagtrabaho dito, ang ekonomiya ng ating bansa ay maslalago. Maaari pa
nga na ang teknolohiya ng ating bansa ay masmaganda pa sa iba. Babawas pa ang
“unemployment rate.”
❖ Maayos na transportasyon – Maraming mga trabahador ang pumupunta pa sa
malalayong lugar para lang makapagtrabaho, kung walang maayos na transportasyon
ay maaaring maging sanhi ito ng kahirapan ng isang idividwal na Pilipino. Kaya dapat
bigyan pansin din ng gobyerno ang transportasyon.

Sa kabuuang pananaliksik na ito, masasabi natin na ang kahirapan ay isang napakalaking


problema ng ating bansa ngayon. Ito ay nagdudulot ng mga mararaming masasamang epekto.
Ngunit kagaya ng sinabi sa tekstong ito, ito rin ay may kaakibat na solusyon. Ang kulang
lamang ay gawa. Ang problemang ito ay dapat nating pagtuunan ng pansin lalo na sa mga
kabataang Pilipino na siyang may malaking tungkuling gampanan ito. Dapat nating
panindigan ang mga panulat ni Rizal katulad na lang ng panulat nyang ito, “ang kabataan ay
ang pag-asa ng bayan”. Tayo ay dapat naniniwala na kung gaano kalawak ang daigdig ay
ganoon din kalawak ang pag-asang matatamo ang mga mithiin sa buhay. Laging tandaan na
di tayo laging nasa ilalim.
BIBLIOGRAPIYA:

APA

1. Gregorio, (2016). “Suliraning kinakaharap ng mga kabataan sa kakulangan ng


edukasyon dulot ng kahirapan” Studocu
2. Champort, N. (1979). “Society comprises two classes: those who have more food
than appetite and those who have more appetite than food”.Course Hero
3. Relator, P. (2016). “KAHIRAPAN:Mga sanhi at bunga ng kahirapan sa
Pilipinas”.Scribd

MLA

1. Gregorio, “Suliraning kinakaharap ng mga kabataan sa kakulangan ng edukasyon


dulot ng kahirapan” Studocu. (2016).
2. Champort, Nicholas De. “Society comprises two classes: those who have more food
than appetite and those who have more appetite than food”.Course Hero. (1979).
3. Relator, Prince. “KAHIRAPAN:Mga sanhi at bunga ng kahirapan sa
Pilipinas”.Scribd. (2016).

You might also like