Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Magniningning sa Tamang Panahon

Isang napakagandang hapon sa inyong lahat, ako si Princess Jamaica Senina


na magbabahagi sa inyo ng buhay sa SPSTE. Ano nga ba ang mga karanasan sa pag-
aaral sa SPSTE, mahirap ba o madali lang? Sinasabi nila na ang buhay sa highschool
ay isa sa pinakamasaya at hindi malilimutang karanasan. Alam kong marami sa inyo
ang sasang-ayon sa aking mga sasabihin dahil kayo mismo ay naranasan na ito.

Mahirap ngunit magpapatuloy para sa pangarap, iyan ang mailalarawan sa mag-


aaral ng Special Program in Science Technology and Engineering. May pagkakataong
magsusunod-sunod ang lahat ng gawain at pagsusulit, dagdagan pa nito ng mga dapat
ipasa na mga scores at grado at mapapa-isip ka na lang na tama bang nag-ste ako?
Mararanasan mo din ang sobrang gabi na matulog at maaga pa gigising upang
maiwasan ang traffic. Bilang ste, hindi lamang tayo natuto sa mga aralin, natututo din
tayo sa ating mga pagkakamali. Humuhugot tayo ng lakas at inspirasyon sa Panginoon,
magulang, at mga guro. Lahat ng hirap sa pag-aaral ay haharapin at gagawin para
mapasaya at kahit papaano ay pawiin ang pagod ng ating mga magulang. Ngunit sa
kabila ng mga pagsubok na ito andiyan ang ating mga guro na handang alalayan at
gabayan tayo. Makakakilala din tayo ng mga bagong kaibigan na maaaring hanggang
sa pagtanda ay kasama pa rin natin at ang iba naman ay maaaring maging parte na
lamang ng ating mga alaala sa hinaharap.

Sa buhay junior highschool sa SPSTE ay parang roller coaster, mayroong


kasiyahan, kalungkutan, kabiguan, at tagumpay. Kung pag-iisipan ng mabuti ang lahat
ng ating mga sakripisyo ay hindi walang kabuluhan kundi upang maihanda tayo para sa
hinaharap. Kaya kapit lang at ipatuloy ang sinimulan, ste.

Princess Jamaica L. Senina SPSTE 8-Pegasus

You might also like