Feature Writing Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Secondary – Feature Writing (Filipino)

Malabanias Integrated School

Lean Heart I. Perolino

Makaaagapay Pa Kaya?

Nakakakaba. Nakakapanibago. Hindi ako sanay sa ganito. Ibang-iba sa nakasanayan sang ganitong
pamamaraan. Nag-aalinlangan, nag-aalala — at minsan ako’y nahihirapan na. Isipan ay naguguluhan.
Ako ba’y may matututo’t makaaagapay pa?

Sa loob ng mahabang panahon, ngayon lang nagkaroon ng maraming limitasyon. Dulot ng pandemya,
lahat ng nakagawian ay nawala. Dating pagpasok sa eskwela, hindi na magawa. Ika-16 ng Marso, 2020,
natatandaan pa ba ang naging mitsa ng lahat? ang petsa nang ipatupad ng Pangulong Rodrigo Duterte
ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Pilipinas. Ang sistemang pang-edukasyon at mga
institusyon ay apektado ng isyu dahil ang mga aktibidad sa paaralan ay itinigil dahil sa pagsasara sa
buong bansa. Dahil sa pandemya, panandaliang tumigil ang lahat, ang lahat ay nabago. Kabilang na ang
pamamaraan sa pagkatuto.

Sino ba naman hindi mahihirapan sa ganitong pamamaraan? Tila ba hindi ko dama na ako ay isang
estudyante pa. Ang hirap pala kapag mga guro at kaklase ay hindi mo kasama. Palagi akong tulala’t
nakaiisip nang kung ano-ano. Naaalala ko ang huli naming pagkikita. Kung alam ko lang na iyon na pala
ang huling paalam ko sa kanila, sana’y sinulit ko na pala. Nahihirapan din kaya ang mga kapara kong
mag-aaral, ang aking mga guro sa ganitong pamamaraan? ‘Alam kong hindi madali, ngunit kakayanin
natin’ iyan ang laging nais sambitin sa bawat isa.

Unang taon ay nalagpasan ko na. Patagal nang patagal, tinik sa dibdib ay natatatanggal. Unti-unti na
akong nasasanay. Ngunit bakit ganoon? Parang mga tanong sa isipan ay hindi pa rin nabibigyang-linaw.
Hawak ang panulat, wala naman maisulat. Nakakapagod — itong yaong sitwasyon na nagpapapagod.

Makalipas ang dalawang taon, nasanay na ako. Sa umpisa lang pala ang paninibago, pangangamba at
pangangakapa. Sitwasyon lang ang nagpahirap, ngunit kayang-kaya ko na at kayang-kaya ko pa. Mga
tanong sa isipan ngayon ay may sagot na. Ngayon ay alam ko na. Ako ay may matututunan pa. Ako’y
makaaagapay pa. Natuto akong sumabay sa teknolohiya, nagsilbing paaralan ang tahanan upang may
matutunan at maging mapamaraan. Kailan man walang problemang hindi masosulosyunan. Masasabi
kong nakatugon ako at nagtagumpay sa akademikong aktibidad kahit na nagkaroon ng pandemya.
Kung babalikan ko ang aking tanong, “makaaagapay pa kaya?”, ang sagot ko ay isang tiyak na “oo”.
Kayang-kaya kahit may pandemya. “Kung gusto may paraan, kung ayaw, maraming dahilan.”

You might also like