Ap7 Q2 W2 Summative

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN 7- Q2

SUMMATIVE TEST – WEEK 2

Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Titik lamang ang isulat. Isulat sa sagutang papel.

______1. Itinuring ang kabihasnang Sumer bilang pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa daigdig dahil
A. nakapagtatag ito ng mga pamayanan at imperyo
B. sa nagkaroon ito ng matatag na sistemang politikal
C. sila ang nangibabaw na pamayanang nabuo sa lupain ng Fertile Crescent
D. kinilala ang Sumer na unang sibilisadong lipunan ng tao na nangibabaw bunga ng marami nitong kontribusyon
sa daigdig.

______2. Anong kabihasnan ang nakapag-ambag ng sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform?


A. Sumer B. Indus C. Shang D. Lungshan

______3. Ano ang tawag sa templong dambana na itinatag ng mga Sumerian na kinilala nila bilang dambana ng kanilang
diyos o diyosa?
A. Great Wall of China B. Taj Mahal C. Ziggurat D. Hanging Garden

______4. Ano ang cuneiform, pictograph, at calligraphy?


A. Sistema ng Pagsulat B. Sistemang Pampolitika C. Sistemang Panlipunan D. Sistemang Relihiyon

______5. Ano ang kabihasnang umusbong malapit sa Iambak sa pagitan ng Ilog Huang Ho at Yangtze?
A. Kabihasnang Shang B. Kabihasnang Indus C. Kabihasnang Sumer D. Kabihasnang Pinoy

______6. Ang ziggurat ay templo sa anong kabihasnan?


A. Kabihasnang Shang B. Kabihasnang Indus C. Kabihasnang Sumer D. Kabihasnang Pinoy

______7. Nawala ang mauunlad na kabihasnan ng Sinaunang Asya?


A. dahil sa mananakop.
B. kawalan ng mabuting pinuno
C. kawalan ng pagkakaisa ng mga mamamayan
D. lahat ng nabanggit

______8.Sa anong kabihasnan naimbento ang potter’s wheel at paggamit ng kalendaryong lunar?
A. Kabihasnang Shang B. Kabihasnang Indus C. Kabihasnang Sumer D. Kabihasnang Aryan

______9. Sa anong kabihasnan nahahati sa dalawang bahagi ang lungsod−citadel


at mababang bayan?
A. Kabihasnang Shang B. Kabihasnang Indus C. Kabihasnang Sumer D. Kabihasnang Aryan

______10. Anong kabihasnan namumuno ang isang emperador na pinaniniwalaang pinili ng langit?
A. Kabihasnang Shang B. Kabihasnang Indus C. Kabihasnang Sumer D. Kabihasnang Aryan

______11. Bakit naiiba ang tungkulin ng hari sa kabihasnang Shang sa tungkulin ng hari sa kabihasnang Indus at Sumer?
A. Ang hari ng Shang ang gumagawa ng sakripisyo para sa kasaganaan ng lahat ng nasasakupan.
B. Ang gawain lamang ng hari ng kabihasnang Indus at Sumer ay nakasentro sa tungkuling panrelihiyon
C. Ang hari sa Sumer at Indus ay nakatira sa mga templo samantalang ang sa kabihasnang Shang ay malayo sa
mga tao.
D. Ang hari ng kabihasnang Shang ay may tungkuling politikal hindi lang panrelihiyon.

______12. Anong mga pamamaraan o paghahanda ang ginawa ng mga kabihasnang umusbong sa Asya upang hindi sila
magapi ng hamon ng kalikasan sa kanilang lugar tulad ng mga baha at kalamidad?
A. Nagtayo sila ng mga dike na haharang sa mga tubig na maaaring sumira sa kanilang lupain kapag panahon ng
pag-ulan.
B. Nagtanim sila ng malalaking puno sa tabi ng ilog.
C. Nagtatago sila at bumabalik sa mga kweba kapag panahon na may ulan.
D. Nagtayo sila ng mga dike at nagtanim ng mga malalaking puno at inayos ang mga daluyan ng tubig upang
hindi pumasok sa kanilang pamayanan.

______13. Binubuo ito ng 500 na mga simbolo sa pagsulat.


A. Cuneiform B. Alibata C. Calligraphy D. Dholavira

______14. Nabuo ang isang kabihasnan sa pagkakaroon ng ______________.


A. sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining ,arkitektura at sistema ng pagsulat
B. pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at sistema ng pagsulat
C. maayos ang pamumuhay at nabago ng kapaligiran
D. paglaki ng populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan

______15. Anong anyong tubig ang isa sa mga salik na nakakaapekto sa pagkakabuo ng kabihasnan?
A. Ilog B. Dagat C. Lawa D. Talon

II. Tukuyin kung ang mga sumusunod ay kabilang sa Sumer, Indus o Shang. Isulat ang sagot sa sagutang papel. (isang
puntos kada bilang)

___________16. Sumasamba sa mga ninuno.


___________17. Naitatag ang kabihasnang ito sa Yellow River.
___________18. Matatagpuan ang kabihasnang ito sa Pakistan.
___________19. May citadel o mataas na moog at mababang bayan.
___________20. Pinaniniwalaan na itinayo ang kanilang kabihasnan ng mga Dravidians.
___________21. Sumamba sa maraming Diyos na sumisimbulo sa mga pwersa ng kalikasan.
___________22. Sila ang unang gumamit ng decimal system at konsepto ng 360 degrees sa bilog.
___________23. Ilan sa kanilang pinakamahalagang lungsod ay ang Ur, Uruk, Nippur, Lagash at Kish.
___________24. Matatagpuan ang kabihasnang ito sa Mesopotamia na siyang pinakamatanda at pinakauna.
___________25. May sistema ng imburnal (sewage system) at organisado ang pagkakagawa sa lungsod dahil sa
pareparehong sukat na bloke ng mga kabahayan.

You might also like