Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

MITOLOHIYA - nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga mito/myth

at alamat.

-naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyusan noong unang panahon


sa sinasamva, dinarakila at pinipintakasi ng mga sinangunang tao.

Mito/myth - galing sa salitang latin na 'mythos', at mula sa greek na


'muthos' na ang kahulugan ay kwento.

Muthos- halaw pa sa 'mu' ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig.

Klasikal na mitolohiya ang mito/myth- representasyon ng nga


marubdob na pangarap at takot ng mga sinangunang tao ang misteryo
ng pagkakalikha ng mundo, ng tao ng nga katangian ng iba pang
nilalang.

-nakatatakot na pwersa ng kalikasan sa daigdig - tulad ng pagpapalit ng


panahon, kidlat, baha, kamatayan, apoy.

- naglalahad ng ibang daigdig tulad ng langit at ilalim ng lupa.

- hindi kapani-paniwalang kwento ng mga diyos, diyosa at mga bayani


subalik tinuturing na sagrado at paniniwalang totoong naganap.
Karaniwang nay kaugnayan ito sa teolohiya at ritwal.

Sa pilipinas ang mito ay kinabibilangan ng mga kwentong bayang


naglalahad ng mga tungkol sa mga anito; diyos at diyosa, mga
kakaibang nilalang at sa mga pagkagunaw ng daigdig noon. Maaaring
matagpuan ang nga mitong ito sa mga kwentong bayan at epiko ng mga
pangkating etniko sa kasalukuyan. Mayaman sa ganitong uri ng
panitikan ang mga naninirahan sa bulubundukin ng Luzon, Visayas,
Mindanao.

LABINDALAWANG PINAKADAKILANG DIYOS AT DIYOSA NG MITOLOHIYA


NG ROMAN AT GREEK

1. Zeus (Greek) / Jupiter (Roman)

-hari ng mga diyos; diyos ng kalawakan at panahon


-tagaparusa sa mga sinungaling at hindi marunong tumupad sa
pangako.
-asawa ni Juno
-sandata niya ang kulog at kidlat
2. Hera (Greek) / Juno (Roman)
-reyna ng diyos
-tagapangalaga ng pagsasama ng mag-asawa
- asawa ni jupiter

3. Poseidon (Greek) / Neptune (Roman)


-kapatid ni Jupiter
-hari ng karagatan, lindol
-kabayo ang kaniyang simbolo
4. Athena (Greek) / Minerva (Roman)
-diyosa ng karunungan, digmaan, at katusuhan
-kuwago ang ibong maiuugnay sa kanya
5. Hermes(Greek) / Mercury (Roman)
-mensahero ng mga diyos, paglalakbay, pangangalaka,
siyensiya, pagnanakaw, at paglilinang.
6. Ares( Greek) / Mars ( Roman)
-diyos ng digmaan)
- buwitre ang ibong maiuugnay sa kanya
7. Apollo ( Greek)/ Apollo (Roman)
-diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika, panulaab
-diyos din siya ng salot at paggaling
-dolphin at uwak ang kanyang simbolo
8. Artemis( Greek) / Diana( Roman)
- diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop at buwan
9. Aphrodite ( Greek) / Venus ( Roman)
-diyosa ng kagandahan, pag ibig
-kalapati na ang ibong maiuugnay sa kanya
10. Hestia (Greek) / Vesta ( Roman)
-kapatid na babae ni Jupiter
-diyosa ng apoy mula sa pugon
11. Hephaestus ( Greek) / Vulcan (Roman)
- diyos ng apoy, bantay ng dyos
12. Hades ( Greek )/ Pluto ( Roman)
- kapatid ni Jupiter
-panginoon ng impiyerno

GAMIT NG PANDIWA
1. Aksiyon
- mayroong aktor o taga ganap ng aksiyon/ kilos.
- panlaping: -um, mag, -ma-, mang-, maki-, mag-an
-maaring tao o bagay ang aktor.
2. Karanasan
-mayroong damdamin. Nakararanas ng damdamin.
-maaring magpahayag ang pandiwa ng karanasan o
damdamin/emosyon
-may tagaranas ng damdamin o saloobin.
3. Pangyayari
(Sanhi- pangyayari, bunga-pandiwa)
- ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari

KAYARIAN NG MGA SALITA


1. Payak
-binubuo lamang ng salitang-ugat.
-salita sa basal o likas na anyo— walang paglalapi, pag
uulit, o pagtatambal
2. Maylapi
-binubuo ng salitang ugat at mga panlapi.
-idinaragdag sa unahan, sa gitna, o sa hulihan ng mga
salitang ugat.
Iba't ibang uri ng mga panlapi:
a. Unlapi - natatagpuan sa unahan ng salitang ugat
b. Gitlapi - natatagpuan sa gutna ng salitang-ugat.
-karaniwang gitlapi; -in, at -um-
c. Hulapi- matatagpuan sa hulihan ng salitang ugat.
-karaniwang hulapi; -an, -han, -in, -hin.
d. Kabilaan
-unlapi at gitlapi
-unlapi at hulapi
-gitlapi at hulapi
e. Laguhan- binubuo ng tatong magkakaibang uri, unlapi,
gitlapi, at hulapi.
3. Inuulit
-buong salita o bahagi ng salita ay inuulit.
Dalawang Anyo ng pag-uulit
a. Inuulit na ganap- ang buong salita, payak man o may
lapi ay inuulit.
b. Inuulit na di-ganap- bahagi lamang ang salitang inuulit.
4. Tambalan
-binubuo ng dalawang magkaibang salitang pinagsama
upang makabuo ng bagong salita.
May dalawang uri ang tambalang salita:
a. Tambalang salitang nanatili ang kahulugan
Ang gitling (-) sa pagitan ng dalawang sakitang
pinagtambol ay kumakatawan sa bawalang kataga sa
pagitan ng pinagtambal na salita.
b. Tambalang salitang nagbibigay ng bagong kahulugan
-hanapbuhay (trabaho)
Talasalitaan (bokabularyo)

POKUS NG PANDIWA
1. Tagaganap o Aktor
- ang paksa ng pangungusap ang gumaganap sa kilos o
sinasabi ng pandiwa.
- panlaping ginagamit sa mga pandiwa ang nasa aktor
pokus; um, mang, maka, maki, makipag, at ma.
-sumasagot sa tanong na 'sino?'
2. Layon o Gol Pokus
- paksa ng pangungusap ang layon ng kilos o pandiwa.
-panlaping; -in/-hin, -i-, -an/-han, -ipa- at ma-
-sumasagot sa tanong na 'ano?'
3. Gaganapan o Lokatib
- paksa ng pangungusap ay ang pinangyarihan o
ginaganapan ng kilos.
- panlaping ginagamit; -an/-han, pag-/-an, -in/-hin,
pang-/-an, mapag-/-an.
-sumasagot sa tanong na 'saan?'
4. Tagatangfap o Benepaktib
-paksa na tumatanffao sa kilos ng pandiwa sa
pangungusap
-sumasagot sa tanong na 'para kanino?'
-panlaping ginagamit; i-, -in, ipang-, at ipag-
5. Instrumental
-instrumentong ginagamit sa pagganap ng kilos.
-panlaping ginagamit; ipang-/maipang-
-sumasagot sa tanong na 'sa panamagitan ng ano?'

EPIKO
-uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga
kaaway na balos bindi mapaniwalaan dahil may mga
tagpuang makababakaghan at di-kapani-paniwala.
-tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayihan ng
pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang
nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya'y buhat
sa lipi ng mga diyos o diyosa.

SANAYSAY
- isang uri ng akda na nasa anyong tuluyan. Makikitsa sa
salitang 'sanaysay' ang mga salitang 'sanay' at 'salaysay'.
Naglalaman ng kuro-kuro o opinyon ng mga tao.
BAHAGI NG SANAYSAY
1. Panimula- dito madalas inilalahad ang pangunahing
kaisipan o pananaw ng may-akda at kung bakit mahalaga
ang paksang tinatalakay.
2. Gitna o Katawan - dito ang iba pang karagdagang
kaisipan o pananaw kaugnay ng tinatalakay na paksa
upang patunayan, o suportahan and inilalahad na
pangunahing kaisipan.
3.Wakas- dito ang kabuuan ng sanaysay, ang
pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay
sa nga katibayan, at katuwirang inisa-isa sa katawan ng
akda.
MGA ELEMENTO NG SANAYSAY
Tema- isang akda tungkol sa isang paksa.
Anyo at Estruktura- isang mahalagang sangkap sapagkat
nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng nga mambasbasa.
Ang maayos na pagkakasunod-sunid ng ideata o
pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pag-
unawa sa sanaysay.
Kaisipan - mga ideyang nagbanggit na kaugnay o
nagpapalinaw sa tema.
Wika at Estilo - sa pagkakagamit nito ay nakaaapekto rin
sa pag-unawa ng mambabasa, higit na mabuting
gumamit ng simple, natural, at matapat na mga pahayag.
Larawan ng Buhay- nailalarawan ang buhay sa isang
makatotohanang salaysat, masining na paglalahad na
gumagamit ng sariling himig ang may-akda.
Damdamin- naipapahayag ng isang magaling na may-
akda ang kaniyang damdamin nang may kaangkupan at
kawastuhan sa paraang may kalawakan at kaganapan.
Himig- nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng
damdamin. Maaaring masaya, malungkot, napanudyo at
iba pa.

COHESIVE DEVICES
Mga salitang nagsisilbing pananda upang hindi paulit-ukit
ang mga salita.
Pasalita man o pasulat, nakatutulong sa pag-unawa ng
mensahe ng isang diskurso ang paggamit ng mga salitang
nagsasama-sama o nag-uugnay ng isang ideya sa mga
kasunod na ideya.
Ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari ang mga
pang-ugnay o panandang pandiskuso
Mahahalagang gamit nito:
a. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon
-sa bahaging ito sa paglalahad ng pagkakasunod-sunof ng
nga pangyayari o pag-iisw-iew bg nga impormasyon.
Kabilang dito ang mga salitang: pagkatapos, saka, unanf,
sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa pa, at gayon
din m
b. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal
-sa bahaging ito ng paglalahad ng dahilan at bunga,
paraan, at layunin, paraan at resulta maging sa
pagpapahayag ng kondisyon at kinalabasan.
-dahil sa, sapagkat, kasi
-kaya, kung kaya, kaya naman, tuloy, bunga (bunga at
resulta)

PANG-UGNAY
Nagpapakita ng relasyon o kaugnayan ng dalawang yunit
sa pangungusap.

PARABULA
Maikling Kwento na hango sa biblyiya

ELEMENTO NG PARABULA
Tauhan- gumaganap o ang mga gumaganap sa Parabula
Tagpuan- pinangyarihan ng isabg Kwento.
Banghay- paglalahad ng pagka sunod-sunod ng
pangyayari nagasanap sa kwwnto
Aral o magandang kaisipan- matutunan ng isang tao
natapos nabasa ang isang kwento.

PANANDANG DISKURSO
Mga salitang nagbibigay linaw at nauugnay ng mga
kaisipang inilalahad sa isang teksto o diskurso.
Pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa bandang huli
Nang sumunod na araw
Sa dakong huli
Pagkatapos
Panandang naghuhudyat ng pagkakabuo ng diskurso
a. Pagbabagong -lahad
Kung tutuosin
Sa ibang salita kung iisipin
Sa ganang akin
b. Pagtitiyak
Tulad ng
Kagaya ng
c. Paghahalimbawa
Halimbawa
Isang magandang halimbawa ay
Sa pamamagitan
d. Paglalahat
Sa madaling salita
Bilang paglalahat
Bilang pagkatapos

ANAPORA at KATAPORA
Anapora- mga panghalip na ginagamit sa hulihan bilang
panimula sa pinalitang pangngalan sa unahan ng
pangungusap.
Katapora - mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang
pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan.

You might also like