5 Science3 Q4 W4

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

Module Code: S3ES-Q4-W4-D01

Pangalan: Baitang at Pangkat:

Pangalan ng Guro:

MODYUL SA AGHAM 3
IKAAPAT NA MARKAHAN/ IKAAPAT NA LINGGO/ UNANG ARAW

Layunin

Aralin

Magandang araw mga bata! Ang ating aralin ngayon ay


tungkol sa isang panahon. Maaari mo bang tignan ang larawan?

Sa iyong palagay, Ano ang uri ng panahon ang ipinakikita ng larawan?


Bakit kaya tinawag na “Masamang Panahon” o “Bad Weather Ahead”?
Tama! Dahil ito ay tinatawag na mabagyong panahon. Ano bang uri ng
panahon ang bagyo? Ito ay isang panahon na kung saan ay
nagdududlot ng maraming tubig mula sa ulan. Madalas ang panahon

Page 1 of 25
Module Code: S3ES-Q4-W4-D01

Pangalan: Baitang at Pangkat:

Pangalan ng Guro:

na ito ay may dalang malakas na hangin na nakakapinsala sa ating


mga tahanan at kapaligiran. Ang panahon rin ito ay kadalasan may
kasmang kidlat. Ang bagyo ay mayroon mga signal na naglalarawan
kung gaano ito kalakas. Kadalasan ang mga signal na ito ang siyang
nagiging palatandaan kung kinakailangan tayo ay lumikas sa ating lugar
dahil hindi na ligtas dito. Ang mga sumusunod na signal ay :

SIGNAL NO. 1 SIGNAL NO. 2

● Bilis ng hangin: 30-60 kph Bilis ng hangin: 61-120 kph


Inaasahan sa 36 na oras. inaasahan sa 24 oras.

● Walang Pasok ang pre- ● Walang Pasok ang pre-

school. School,elementarya
(G-1-6) at secondarya

Page 2 of 25
Module Code: S3ES-Q4-W4-D01

Pangalan: Baitang at Pangkat:

Pangalan ng Guro:

SIGNAL NO. 3 SIGNAL NO. 4

● Bilis ng hangin: 121-170 ● Bilis ng hangin: 171-220 kph


kph inaasahan sa 18 oras. inaasahan sa 12 oras.

● Walang Pasok ang pre- ● Walang Pasok ang pre-


School,elementarya,sekon School,elementarya,sekondarya,kol
darya,kolehiyo at mga ehiyo , graduate school at
graduate school mganagtatrabaho

SIGNAL NO. 5
Bilis ng hangin: 220 kph
inaasahan sa 12 oras.
● Walang Pasok ang pre-
School,elementarya,sekon
darya,kolehiyo , graduate
school at
mganagtatrabaho

Page 3 of 25
Module Code: S3ES-Q4-W4-D01

Pangalan: Baitang at Pangkat:

Pangalan ng Guro:

PAGSASANAY 1

Panuto: Tignan ang mga larawan. Bilugan ang mabagyong panahon at


ekisan ang hindi.

PAGSASANAY 2

Panuto: Isulat ang signal number ng bagyo batay sa bilis ng hangin.

1. 220 kph inaasahan sa 12 oras.


2. 121-170 kph inaasahan sa 18 oras.
3. 30-60 kph Inaasahan sa 36 na oras.
4. 171-220 kph inaasahan sa 12 oras.
5. 61-120 kph inaasahan sa 24 oras.

Page 4 of 25
Module Code: S3ES-Q4-W4-D01

Pangalan: Baitang at Pangkat:

Pangalan ng Guro:

PAGLALAHAT

Tandaan:
Ang mabagyong panahon ay isang uri ng panahon na nagdadala
ng maraming ulan, kidlat at malakas na hangin.May mga signal number
ang bagyo na nagbibigay babala upang malaman ang bilis ng hangin at
upang malaman natin kung kinakailangan na natin lumikas sa ating lugar
sapagkat hindi na ligtas dito.

PAGPAPAHALAGA

Mayroon kang kaklase na nasalanta ng bagyo.Ano ang maaari mong


gawin?Sumulat ng isa o dalawang pangungusap.

PAGTATAYA

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang Tama


o Mali sa patlang.

1. Ang mabagyong panahon ay maraming ulan.


2. May dalang malakas na hangin ang bagyo.
3. Kapag signal number 4 ang bagyo kailangan ng lumikas sa
mga lugar lalo na apektado ng bagyo.
4. Maaaring maglaro sa labas ng bahay kapag may bagyo.
5. Manatili lamang sa bahay at makinig sa balita kapag may
bagyo.

Reference:
Science Teacher’s Guide pp. 190-191
http://typhoonwatchphilippines.blogspot.com/2013/03/philippine-public-storm-warning-signal_1.html

Page 5 of 25
MODULE CODE:S3ES-Q4-W4-D02

Name: Date:
Name of Teacher: Section :

MODYUL SA AGHAM 3
IKA-APAT NA MARKAHAN/ IKAAPAT NA LINGGO/ IKALAWANG ARAW

PAKSANG ARALIN

Competency/ies (MELC): Relate the importance of surroundings to people and other


living things.

LAYUNIN: Naikukumpara ang kalagayan ng panahon sa iba’t ibang


lugar. (S3ES-IVd-e-3.7)

MAIKLING TALAKAYAN

Magandang buhay mga bata! Kamusta kayo? Obserbahan ang


kalangitan sa inyong lugar. Ang panahon ba ay mainit, maulan o mahangin?
Nagbago ba ito sa loob ng isang araw? Tara, mas lalo pa nating talakayin ang
kalagayan ng panahon sa iba’t ibang lugar.

Ang panahon o kalagayan ng panahon ay ang paglalarawan sa


kalagayan at katangiang pangkalikasan sa labas ng tahanan, gusali o
anumang tirahan ng tao, hayop, halaman at iba pang mga nilalang. Ito rin ay
tumutukoy sa kainitan o kalamigan sa isang pook, sa isang takdang oras, na
maaaring magbago.

Iba-iba ang panahon na maaaring maranasan ng bawat bansa sa ating


mundo dahil sa iba’t ibang lokasyon na kinaroroonan ng bawat bansa.
Matutukoy ang bawat panahon ayon sa mga sumusunod:

• Ang panahon ay maaaring maaraw kung


makikitang sumisikat ang araw at walang ulap.

• Ang panahon ay maulan kapag madilim ang


ulap at bumubuhos ang ulan.

Page 6 of 25
MODULE CODE:S3ES-Q4-W4-D02

Name: Date:
Name of Teacher: Section :

• Mahangin naman kung maaliwalas o medyo


makulimlim ang kalangitan at umiihip nang
malakas ang hangin.

• Maulap naman kung hindi nakikita ang araw at


napakadilim ng ulap kahit hindi umuulan.

• Nagkakaroon ng nyebe/snow kapag ang isang


bansa ay malayo sa kinalalagyan ng ekwador.

Hindi lamang ang mga bansa sa buong mundo, maaaring magkaiba-


iba ang panahon, maging dito sa Pilipinas ay maaaring iba-iba din ang
lagay ng panahon sa isang araw. Pagmasdan ang lagay ng panahon sa
iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa mga impormasyon sa itaas.

• Ano ang ipinapakitang impormasyon?


• Anong lugar sa Pilipinas ang nakaranas ng maulap na panahon?
• Anong lugar sa Pilipinas ang nakaranas ng mainit at maaliwalas na
panahon?
• Anong lugar sa Pilipinas ang nakaranas ng pagkulog?
• Ikumpara ang mga panahon sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Page 7 of 25
MODULE CODE:S3ES-Q4-W4-D02

Name: Date:
Name of Teacher: Section :

PAGSASANAY 1
PANUTO: Piliin sa loob ng kahon ang uri ng panahon na nararanasan ng iba’t
ibang lugar sa bawat larawan. Isulat ang sagot sa patlang.

*maaraw *mahangin *ma-nyebe


*maulan *maulap

1.

2.

3.

4.

5.

Page 8 of 25
MODULE CODE:S3ES-Q4-W4-D02

Name: Date:
Name of Teacher: Section :

PAGSASANAY 2
PANUTO: Magtala ng limang bansa o lugar na nakararanas ng nyebe/snow sa
at limang bansa/lugar na hindi nakararanas ng nyebe/snow.
Mga Bansa/Lugar na Nakararanas ng Mga Bansa/Lugar na Hindi
Nyebe/Snow Nakararanas ng Nyebe/Snow
1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

PAGPAPAHALAGA

Araw-araw pumapasok ang Tatay mo sa trabaho. Isang araw,


napakinggan mo sa ulat panahon na magiging maulan sa araw na iyon. Paano
mo maipapakita sa iyong Tatay ang iyong pag-aalala matapos mo
mapakinggan ang ulat panahon?

PAGLALAPAT

Ngayong panahon ng pandemic at sumailalim tayo sa iba’t ibang


quarantine, hindi tayo nakakapunta sa iba’t ibang lugar lalo na sa mga kamag-
anak natin na nasa malalayong lugar. Heto na ngayon ang tyansa para sila ay
kamustahin mo sa pamamagitan ng video call o simpleng pagtawag.

Dahil napag-alaman mo na nagkakaiba ang lagay ng panahon sa iba’t


ibang lugar, tanungin mo ang mg kamag-anak na nasa malalayong lugar kung
ano ang lagay ng panahon sa kanilang lugar. Itala sa ibaba ang mga nakuhang
datos.

Lugar/Lokasyon ng Kamag-anak Lagay ng Panahon

1.

2.

3.

4.

5.

Page 9 of 25
MODULE CODE:S3ES-Q4-W4-D02

Name: Date:
Name of Teacher: Section :

PAGTATAYA

PANUTO: Ikumpara ang lagay ng panahon sa iba’t ibang lugar sa pamamagitan


ng pagtukoy batay sa paglalarawan ng panahon dito. Isulat sa patlang ang uri
ng panahon (MAARAW, MAULAP, MAHANGIN, MAULAN, MA-NYEBE) na
inilalarawan.

1. Madilim ang kalangitan sa malaking sakop ng Metro


Manila kahit hindi naman umuulan.

2. Dahil buwan ng Mayo sa Pilipinas, maaliwalas ang


kalangitan at sumisikat ang araw.

3. Sobrang dilim ng kalangitan sa ilang bahagi ng Pasay.


Maya-maya pa ay bumuhos na ang malakas na ulan.

4. Masayang nagpapalipad ng saranggola ang mga


pinsan ko na taga-Cavite dahil maaliwalas at makulimlim ang langit. Ang hangin
ay umiihip din ng malakas.

5. Noong huli kaming nagkausap ng kaibigan ko na nakatira


sa South Korea, sinabi niyang may mapuputing butil ng yelo na malabulak na
unti-unting pumapatak mula sa kalangitan ang lagay ng panahon doon.

Sanggunian:

• Google images
• Week 4 Science 4th Quarter uploaded in Tropang Agham Facebook Page
• https://www.google.com/search?q=ulat+panahon&rlz=1C1SQJL_enPH924PH924&oq=ulat+panahon+&aqs=chrome..69i57j0l2j69i5
9j0l2j69i61j69i60.31472j0j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8

Page 10 of 25
MODULE CODE: S3ES-Q4-W4-D03
Pangalan: Petsa:
Pangalan ng Guro: Pangkat:

MODYUL SA AGHAM 3
IKAAPAT NA MARKAHAN/ IKAAPAT NA LINGGO/ IKATLONG ARAW

Layunin

Naihahambing ang panahon sa iba’t ibang araw sa buong taon.


(Compare weather in different times of the year).

Aralin

Kumusta ka na? Maligayang pagbabalik sa ating aralin para sa isa na


naman na kasiya-kasiya at sa mga bagong kaalaman na ating matututunan.
Nalaman na natin sa mga nakaraang aralin ang limang uri ng panahon. Ito ay
ang maaraw, maulan, mahangin, maulap at mabagyo. Kung ating ilalarawan
ang uri ng panahon sa buong taon, tayo ay nakararanas ng dalawang uri ng
panahon batay sa karaniwang nangyayari sa bawat taon.
Ito ay tinatawag din nating season, ang tag-araw at tag-ulan.

Ang tag-araw ay nararanasan sa buwan ng Disyembre hanggang sa mga


huling bahagi ng Mayo. Sa panahon ng tag-araw nararanasan ang sobrang init
na panahon.

Ang tag-ulan naman ay nagsisimula sa buwan ng Hunyo hanggang sa


buwan ng Nobyembre. Maraming bagyo ang dumarating sa bansa sa panahon
ng tag-ulan.

Ang Pilipinas ay malapit sa ekwador at dahil dito, dalawang uri lamang ng


klima mayroon sa ating bansa, ang tag-araw at tag-ulan.

Ang klima naman ay ang pangkalahatang kundisyon ng atmospera na


umiiral sa isang lugar sa loob ng mahabang panahon. Ang Pilipinas ay
mayroong klimang tropikal dahil nararanasan natin ang tag-araw at tag-ulan
sa buong taon.

Ang matataas na lugar katulad ng mga Lungsod ng Baguio at Tagaytay


ay may malamig na klima dahil sa lokasyon nito samantalang mainit naman sa
mabababang lugar.

Page 11 of 25
MODULE CODE: S3ES-Q4-W4-D03
Pangalan: Petsa:
Pangalan ng Guro: Pangkat:

Ang Lungsod ng Tuguegarao sa Cagayan ay isa sa mga lugar sa Pilipinas


na may mainit na klima dahil sa mababang lokasyon nito. Ang mga lugar na
matataas ang lokasyon tulad sa mga talamapas at bulubundukin ay m,alamig
ang temperature, at mainit naman sa mga lugar na mababa ang lokasyon
tulad ng mga lambak at kapatagan.

Ang mga lugar naman na nakaharap sa Karagatang Pasipiko tulad ng


Batanes, Silangang Luzon kasama ang Aurora at Quezon, ilang bahagi ng Bicol,
Samar at Katimugang Leyte ay nakararanas ng pag-ulan na halos buong taon
dahil sa lokasyon nitong malamit sa karagatan.

Sa buong taon, ang iba’t ibang lugar sa Pilipinas ay nakakaranas ng iba’t


ibang uri ng panahon. Ito ay dahil sa nakadepende ang uri ng panahon sa
lokasyon ng bawat lugar sa ating bansa.
Marami pang elemento na lubhang nakakaapekto sa uri ng panahon ng
buong bansa tulad ng temperatura, pag-ikot ng mundo (rotasyon), ihip ng
hangin, na alam natin bilang Hanging Habagat at Hanging Amihan. Ang mga
ito ay ilan lamang sa mga elementong may kinalaman sa panahon na
nararanasan sa ating bansa.

PAGSASANAY 1

Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at


Mali kung ito ay hindi wasto.

1. Sa buwan ng Marso nakararanas tayo ng tag-araw na


panahon.

2. Tayo ay nakararanas ng dalawang uri ng panahon sa buong


taon, ang tag-araw at tag-ulan.

3. Walang epekto ang lokasyon ng Pilipinas sa mundo sa klimang


nararanasan natin sa ating bansa.

4. Nakararanas tayo ng tag-ulan sa buwan ng Agosto.

Page 12 of 25
MODULE CODE: S3ES-Q4-W4-D03
Pangalan: Petsa:
Pangalan ng Guro: Pangkat:

5. Magkakatulad ang tindi ng init, ulan at lamig na nararanasan


natin sa iba’t ibang lugar sa bansa.

PAGSASANAY 2

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng panahon ang isinasaad ng bawat


pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

B. Tag-ulan

1. Ang mga lugar na nakaharap sa Karagatang Pasipiko ay madalas


na makaranas ng ganitong panahon.

2. Ang kapatagan na napapalibutan ng mga bundok ay madalas na


nakararanas ng ganitong panahon sapagkat nahaharanangan ang hangin at
nakukulong ang singaw nito.

3. Ang mga lugar na matataas katulad ng Baguio City ay nakararanas


ng ganitong panahon.

4. Ang buwan ng Disyembre hanggang Mayo ay nakararanas tayo


ng ganitong panahon.

5. Ang panahon namang ito ay nararanasan natin sa buwan ng


Nobyembre.

Tandaan:
Sa buong taon, ang iba’t ibang lugar sa Pilipinas ay nakakaranas ng
iba’t ibang uri ng panahon. Ito ay dahil sa nakadepende ang uri ng
panahon sa lokasyon ng bawat lugar sa ating bansa. Ito rin ay dahil sa mga
elemento na lubhang nakakaapekto sa uri ng panahon ng buong bansa
tulad ng temperatura, pag-ikot ng mundo (rotasyon), at ihip ng hangin.

Page 13 of 25
MODULE CODE: S3ES-Q4-W4-D03
Pangalan: Petsa:
Pangalan ng Guro: Pangkat:

PAGLALAPAT

Bilang bata, mahalaga ba sa iyo na malaman ang klima o uri ng panahon


na nararanasan natin sa buong taon o sa isang lugar?
Ilagay ang iyong sagot sa loob ng kahon.

Page 14 of 25
MODULE CODE: S3ES-Q4-W4-D03
Pangalan: Petsa:
Pangalan ng Guro: Pangkat:

PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat siwasyon at bilugan ang


letra ng tamang sagot.

1. Anong uri ng panahon ang nararanasan natin sa buwan ng Hunyo


hanggang Disyembre?
A. tag-araw B. taglagas C. tagsibol D. tag-ulan

2. Anong uri naman ng panahon ang nararanasan natin sa buwan ng


Disyembre hanggang Mayo?
A. tag-araw B. taglagas C. tagsibol D. tag-ulan

3. Anong uri ng klima na nararanasan ng mga nakatira sa matataas na lugar


tulad ng Baguio City?

A. bumabagyo B. mainit C. malamig D.umuulan ng nyebe

4. Buwan na naman ng Hunyo napansin mong halos araw-araw ay umuulan.


Ano ang kailangan mong gamitin sa tuwing umuulan at ikaw ay papasaok
sa paaralan o lalabas ng bahay?
A. bota B. kapote C. payong D. A, B, at C

5. Sa panahon nga ito madalas ikaw ay nagkakaroon ng ubo’t sipon


sapagkat madalas ang pag-ulan kaya’t kailangan mong kumain ng prutas
at gulay na mayaman sa bitamina C.
Anong buwan natin nararanasan ang ganitong panahon?

A. Disyembre hanggang Mayo


B. Enero hanggang Disyembre
C. Nobyembre hanggang Mayo
D. Hunyo hanggang Nobyembre
References:
https://www.canva.com/design/DAEg_Avtgj0/6hrTIaB8Eq09go5jOf0Qcg/edit
https://drive.google.com/drive/folders/1w6EyEjKm0K7gCJEnEzZgZiqaqYa11A65?fbclid=IwAR3HeJgklpUlnoQ-
0Rjjfd1b_6uOc2URrMBQBAwkUpYt89AC40XqyEi3SfQ

Inihanda ni: Gng. Jennilyn Madriaga-Asis


APELO CRUZ ELEMENTARY SCHOOL

Page 15 of 25
MODULE CODE: S3ES-Q4-W4-D04

Name: Date:
Name of Teacher: Section :

MODYUL SA AGHAM 3
IKA-APAT NA MARKAHAN/ IKAAPAT NA LINGGO/ IKAAAPAT NA ARAW

Competency/ies (MELC): Relate the importance of surroundings to people and other


Living Things.
.

PAKSANG ARALIN

➢ Pagbabago ng panahon sa paglipas ng oras o araw.

B. Panimula

ALAMIN NATIN

Naranasan mo na bang maganda ang sikat ng araw ay bigla na lang didilim ang
kalangitan at biglang bubuhos ang ulan? Sa araling ito pag-aaralan natin ang iba’t-bang uri ng panahon
at ang elementong nakakaapekto sa pagbabago ng panahon sa bawat oras o araw.
Ano ba ang panahon?
➢ Ang panahon ay kumakatawan sa pang araw-araw na mga pagbabago sa
kapaligiran o ang esatdo ng kapaligiran sa loob ng isang maikling panahon.
➢ Ito rin ay pansamantalang lagay ng atmospera sa isang lugar na maaaring
magbago bawat oras o panahon. Pinapakita nito ang kalagayan ng isang
lugar na maaraw, maulap, mahangin, maulan o bumabagyo.
Uri ng panahon:

Maaraw - ito ay uri ng panahon na mataas na sikat ng araw.


Ito ay magandang panahon upang magpatuyo ng nilabhang damit.
Maulap - ito ay lagay ng panahon na kung saan makikita natin ang kumpol ng mga
ulap sa kalangitan.
Maulan - ito naman ay panahon na makulimlim ang langit at may pagbasak o
pagpatak ng tubig mula sa ulap.
Mahangin - lagay ng panahon na nararamdaman natin na malakas ang ihip ng
hangin. Maganda ang panahon na ito sa pagpapalipad ng sarrangola.
Bumabagyo - Ito ang uri ng pnahon na nagpapakita ng malaks na ihip ng hangin,
malalaki at malakas na patak ng ulan.

Page 16 of 25
MODULE CODE: S3ES-Q4-W4-D04

Name: Date:
Name of Teacher: Section :

TUKLASIN NATIN:

Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba.


Larawan A Larawan B

Hunyo 11, 2021 Hunyo 11, 2021


10:00 ng umaga 3:00 ng hapon

Ano ang ginagawa ng bata sa larawan A?


Sagot: Ang bata ay nagsasampay ng basang damit.
Anong uri ng panahon ang mabilis makatuyo ng mga sinampay na damit?
Sagot: Maaraw na panahon
Ano naman ang ginagawa ng bata sa larawan B?
Sagot: Kinukuha ng bata ang kanyang isinampay na mga damit sa sampayan.
Bakit kinukuha ng bata ang sinampay na mga damit?
Sagot: Kinuha niya ang sinamapya na mga damnit dahil umuulan.
Ano ang napansin ninyo sa panahon makalipas ang ilang oras?
Sagot; May pagbabago sa panahon mula sa maaraw na panahon naging maulan na panahon.

-Tingnan muli ang mga larawan.Ang larawan A at ang larawan B ay parehong nangayri sa parehong
araw. Ang larawan A ay naganap sa oras ng 10:00 ng umaga at ang larawan B naman ay nangyarri sa
oras ng 3:00 ng hapon. Ipinapahiwatig sa mga larawan na maaari din nating maranasan ang pabago-
bago ng panahon sa loob ng maghapon o magdamag.

Paano ba nasusukat ang panahon?

• Temperatura - Ang temperatura ay sukat ng kainitan o kalamigan ng isang bagay.

Page 17 of 25
MODULE CODE: S3ES-Q4-W4-D04

Name: Date:
Name of Teacher: Section :

Ginagamit ang thermometer upang masukat ang temperature, ang antas ng init o lamig.
Sinusukat ang temperatura sa pamamagitan ng degree ng celcius (C) na nasa kaliwa at degree
ng fahrenheit (F) na nakasusulat sa kanan ng thermometer. Nagbabago ang temperatura oras-
oras.

Masasabi natin ang temperatura sa pagtingin ng termometro.Tumataas ito kung mainit ang
panahon at bumababa kung malamig ang panahon.

• Hangin - Ang hangin ay isa ring dahilan kung bakit nagbabago ang panahon.
Ang anemometer ay instrumento na sumusukat sa galaw at bilis ng ihip ng hangin.

Pagmasdan ang Talaan sa ibaba. Ito ay halimbawa ng talaan ng panahon kung saan pinapakita ang
kalagayan ng panahon ng isang lugar sa loob ng isang linggo. Gumamit dito ng simbolo upang mas
malinaw na maiparating ang kalagayan ng panahon sa susunod na araw.

Malaki ang maitutulong ng kalagayan ng panahon sa mga tao. Ito ay gabay na ginagamit ng mga
magsasaka, mangingisda, manlalakbay sa lupa, sa dagat at sa himpapawid. Ginagamit ito upang
malaman at mapaghandaan ang kanilang mga gawain sa pang araw-araw. Maaari din itong gabay sa
mga tao upang makapaghanda kung may parating na ulan o malakas na bagyo.

Page 18 of 25
MODULE CODE: S3ES-Q4-W4-D04

Name: Date:
Name of Teacher: Section :

PAGSASANAY 1

PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa patlang ang Tama kung ang
isinasaad sa pangngusap ay wasto at Mali naman kung hindi.

1. Ang panahon ay pansamantalang lagay ng atmospera sa isang lugar na maaaring


magbago bawat oras o panahon.
2. Ang pagbabago ng panahon ay dala ng pagbago-bagong hangin sa ating paligid..
3. Maari nating maranasan ang pabago-bago ng panahon sa loon ng isang araw.
4. Ang temperatura ay sukat ng kainitan o kalamigan ng isang bagay.
5. Isang uri lamang ng panahon ang maaari nating maranasan.

PAGSASANAY 2

PANUTO: Pag-aralan ang talaan. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

Tanong:

1. Anong uri ng panahon ang naranasan noong Lunes?

2. Kailan bumuhos ang ulan?

3. Ano ang temperature noong Hunyo 12?

4. Kailan ang pinakamataas ang temperatura?

5. Kailan naman nakapagtala ng mababang temperatura?

Page 19 of 25
MODULE CODE: S3ES-Q4-W4-D04

Name: Date:
Name of Teacher: Section :

TANDAAN:

Ang pagbabago ng panahon ay dala ng pagbago-bagong hangin sa ating paligid. Ang pagbabagong
ito ay maaaring may kaugnayan sa temperaturatura ng hangin at sa mga ulap na may dalang tubig-
ulan.

PAGTATAYA

PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon at sagutin ang tanong.

1. Papasok ng paaralan si Lisa. Nagmamadali siyang lumabas ng bahay ngunit hinabol siya ng
kanyang nanay at inabutan ng kapote at payong. Ano kaya ang uri ng panahon?
Sagot: .

2. Magdamag umulan kagabi. Kinaumagahan paggising ni Lito dumugaw siya sa bintana at nakita
niya na natuyo na ang kalsada at sumisikat na ang araw. Anong pagbabago ng panahon ang
naganap?
Sagot: .

3. Noong Sabado ng umaga habang naglalakad si Norma papunta sa palengke ay pinapapawisan


siya dahil sa sikat ng araw. Nang pauwi na siya ay kumulimlim ang kalangitan. Ano kaya ang
susunod na mangyayari sa uri ng panahon na kanyang nararanasan?
Sagot: .

4. Nagpasyang maglaro sa parke si Roy kasama ang kanyang mga kaibigan dahil maganda at
maaraw ang panahon. Lumipas ang ilang oras napansin niyang sumasayaw ang mga dahon sa
mga puno dahil sa lakas ihip ng hangin, may nakikita din siyang nagpapalipad ng saranggola.
Anong pagbabago ng panahon ang naganap?
Sagot: .

5. Noong Linggo ay nakinog ng balita si Bong at nalaman niya na may parating na bagyo sa Martes.
Nang dumating ang Lunes ay sobrang init ng panahon ngunit kinabukasan ay bigla biglang na
lang buhos ang malakas na ulan at may kasamang malakas na ihip ng hangin. Anong
pagbabago ng panahon ang naganap?
Sagot: .

Sanggunian:
Book reference: LM pp. 167-170
Online References: https://www.youtube.com/watch?v=SBokFTX76GQ
https://www.google.com/search?q=drying%20clothes%20clipart&tbm=isch&hl=en&sa=X&ved=0CCIQtI8BKAJqFw
oTCLCKhu_njvECFQAAAAAdAAAAABAL&biw=1903&bih=969
http://clipart-library.com/anemometer-cliparts.html

Page 20 of 25
S3-ES-Q4-W4-D05

Pangalan: Petsa:
Pangalan ng Guro: Pangkat:

MODYUL SA AGHAM 3
IKA-APAT NA MARKAHAN/IKA-APAT NA LINGGO/IKALIMANG ARAW

PAKSANG ARALIN

Competency/ies (MELC)
LAYUNIN: Naikukumpara ang iba’t-ibang uri ng panahon gamit ang
mga ilustrasyon . (Compare the different types of weather through illustrations.)

MAIKLING TALAKAYAN

Ang mga uri ng panahon ay ang maaraw, maulan, mahangin, maulap at bumabagyong
panahon. Ang mga panahong ito ay maaaring maikumpara sa pamamagitan ng mga ilustrasyon.
Halina’t pag-aralan at tingnan ang mga ilustrasyon.

1. Maaraw na Panahon – kapag maaraw ang panahon, makikita ang araw sa kalangitan
at walang anumang ulap ang nagkukubli dito. Ang araw ang nagsisislbing simbolo kaya
nalalaman natin na ang uri ng panahon ay maaraw.

2. Maulan na Panahon – ang maulan na panahon naman ay kabaligtaran sa maaraw na


panahon. Hindi makikita ang araw kapag maulan, sa halip ang makikita ay maiitim at
mababang ulap na me kasamang ulan.

Page 21 of 25
S3-ES-Q4-W4-D05

Pangalan: Petsa:
Pangalan ng Guro: Pangkat:

3. Mahangin na Panahon – makikita ang mga dahon ng puno na naglililiparan, maganda


ding magpalipad ng saranggola kapag mahangin ang panahon.

4. Maulap na Panahon – ito ang panahon kung saan hindi makikita ang araw. Ito ay
nagkukubli sa malalaking pitak ng ulap. Maraming ulap ang makikita sa kalangitan.

Page 22 of 25
S3-ES-Q4-W4-D05

Pangalan: Petsa:
Pangalan ng Guro: Pangkat:

5. Bumabagyong Panahon – ito ang panahon kung saan hindi din makikita ang araw,
may malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan na may kasamang pagkidlat at malakas na
hangin.

PAGSASANAY 1

Panuto: Pagtambalin ang larawan batay sa kung anong panahon ginagamit ang ilustrasyong ito.

Hanay A Hanay B

1. maaraw na panahon A.

2. maulap na panahon B.

3. mahagin na panahon C.

Page 23 of 25
S3-ES-Q4-W4-D05

Pangalan: Petsa:
Pangalan ng Guro: Pangkat:

4. bumabagyong panahon D.

5. maulan na panahon E.

PAGSASANAY 2

Panuto: Iguhit ang mga simbolong ginagamit sa iba’t-ibang uri ng panahon.

1. Maaraw 3. Mahangin

2. Maulan 4. Maulap

5. Bumabagyo

Page 24 of 25
S3-ES-Q4-W4-D05

Pangalan: Petsa:
Pangalan ng Guro: Pangkat:

PAGPAPAHALAGA

Ang panahon ay pabago bago kaya mahalaga na malaman mo ang mga pag-iingat na dapat
gawin sa iba’t– ibang kalagayan ng panahom upang mapangalagaan ang iyong sarili at maiwasan
ang sakuna.

PAGLALAHAT

Ang mga uri ng panahon ay maari nating malaman base sa mga simbolo o ilustrasyon ng mga ito. Ang
araw na simbolo ay ginagamit pag maaraw ang panahon. Ang maraming ulap na kung saan
natatabunan ang araw ay kapag naman maulap ang panahon. Kapag naman maulan ang panahon,
ang ulap na maitim na me patak ng ulan ang ginagamit na ilustrasyon. Kapag naman mahangin ang
panahon, sinisimbolo ito ng pagpapalipad ng saranggola at mga dahon na nalilipad. At ang
bumabagyong panahon naman ay ang ulap na maiitim na me kidlat at ulan ang ginagamit na simbolo

PAGTATAYA
PANUTO: Tingnan ang ilustrasyon na nasa larawan. Isulat kung sa anong panahon mo makikita ang
mga ito.

1. 3.
2. 4.
5.

Sanggunian:

https://www.youtube.com/watch?v=tPgXgH-hEUg&t=2s
https://www.youtube.com/watch?v=edaFGOGrZX4
PIVOT LEARNERS MATERIAL GRADE 3 SCIENCE PP 23-25

Page 25 of 25

You might also like