Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

ASSESSMENT 3

QUARTER 4

Pangalan: __________________________________ Petsa: ______________

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Panuto: Basahin ang maikling kuwento at sagutan ang mga tanong
sa ibaba. Piliin at itiman ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Si Enzo, Ang Batang Maraming Talento


ni Ms. Frappiness

Si Enzo ay batang maraming talento. Sa edad na walo,


nagagawa niyang gumuhit ng larawan at iba’t ibang disenyo.
Nakatutula, naka-aawit at nakasasayaw rin siya nang mahusay.
Tuwang-tuwa ang nanay at tatay niya. Maging ang mga
kapitbahay na bata ay humahanga sa kaniya. Isang araw,
pinaawit siya ng ama sa videoke. Narinig ito ng mga kapitbahay at
sila ay nagpalakpakan. Masayang umawit muli si Enzo. Maganda
ang naging panimula ng awitin ngunit sa bandang dulo na mataas
na ang tono ay hindi niya naabot. Pumiyak ang boses niya. Biglang
nagtawanan nang malakas ang mga naglalaro sa labas.
Napahiya si Enzo sa nangyari. Nagkulong siya sa kwarto at umiyak
ng umiyak.
Ayaw na niyang umawit muli. Pati ang pagguhit ay itinigil na niya.
Hindi na rin siya tumutula at sumasayaw.
Lagi ng malungkot si Enzo kaya’t kinausap siya ng kaniyang
nanay. Ipinaliwanag ng kaniyang nanay na ayos lang magkamali
dahil lahat naman ng tao kahit sikat na mang-aawit ay
nagkakamali din. Sinabi din niya kay Enzo na kapag itingil nito ang
pag-awit ay unti-unting hihina ang kaniyang talento hanggang sa
mawala ito. Kaya dapat na nililinang at ineensayo ang talento
upang maging mahusay dito.
Simula noon, araw-araw ng nag-eensayo si Enzo ng kaniyang
talento at ipinapakita sa iba. Bumalik na din ang tiwala niya sa
kaniyang sarili.

1. Ano ang pangalang ng bata sa kwento?


A. Kenzo B. Ento C. Enzo D. Bento

2. Ilang taon na siya?


A. pito B. walo C. siyam D. anim
3. Ano-ano ang mga talento ng bata sa kwento?
A. tula, awit, sayaw, pagguhit
B. tula, awit, sayaw, pagsulat
C. tumugtog, lumangoy, magpinta, tumakbo
D. tumugtog, lumangoy, magpinta, magtahi

4. Bakit ayaw na niyang ibahagi ang kaniyang talento sa iba?


A. Dahil tinatamad na siyang ipakita ang kaniyang talent
B. Dahil ayaw niyang may gumagaya sa kaniya
C. Dahil ayaw niyang may nanunuod o nakikinig sa kaniya
D. Dahil napahiya siya sa kaniyang ginawang pag-awit at siya ay
pinagtawanan

5. Ano ang dapat gawin upang mapaunlad ang kakayahan?


A. Dapat itong linangin at ensayuhin
B. Dapat itong pabayaan
C. Dapat itong itago at huwag ipakita sa iba
D. Dapat itong pagtawanan

Panuto: Piliin ang angkop na salita sa loob ng kahon upang mabuo


ang pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

pahalagahan Panginoon biyaya


ipinagkaloob pasalamatan

Dapat nating 6. _______________ ang 7. _______________ sa lahat ng Kaniyang


nilikha at sa 8. _______________ Niyang 9. __________ sa atin. Kaya nararapat lang
na ingatan at 10. _______________ ang mga ito.

MOTHER TONGUE
Panuto: Hanapin sa hanay B ang salitang kasingkahulugan ng salitang
nasa hanay A. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

A B
1. mabilis a. marikit
2. maganda b. maalam
3. marunong c. matulin
4. masaya d. madumi
5. madungis e. maligaya
Panuto: Basahin ang mga pangungusap at isulat ang magkasalungat
na salita sa sagutang papel.

6. Maliwanag ang sikat ng araw sa tanghali. Madilim naman kapag


gabi.
7. Masipag magtrabaho ang mga tao sa bukid. Tamad ang mga
taong ayaw magtrabaho.
8. Mabigat ang bakal na binili ni tatay samantalang magaan ang
dala-dala kong unan.
9. Makapal ang aklat namin sa Filipino samantalang manipis ang aklat
namin sa Araling Panlipunan.
10. Masarap ang niluto ni nanay na sopas samantalang matabang
ang tubig na iniinom ko.

ENGLISH
Directions: Identify the demonstrative pronoun in each sentence. Write
your answers in your answer sheet.
1. Those are carabaos.
2. I will forget this if I do not write it down.
3. This is an apple.
4. Give me that!
5. These belong to my brother

Direction: Write This, That, These, and Those to complete each


sentence. Be guided by the clues in the parentheses. Write your
answer in your answer sheet.

6. ________was mailed in Tayabas City. (a letter held by the speaker)

7. ________ guard our house at night. (dogs near the speaker.)

8. ________ are pigeons (pointing to the sky)

9. ________ is my mother’s garden. (garden far from the speaker)

10. ________ is my favorite pouch. (holding the pouch)


MATHEMATICS
Panuto: Sukatin ang sumusunod na bagay gamit ang ruler sa ibaba.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1.

2.

3.

4. 5.
ibaba.

6.
Panuto: Punan ng angkop na2 kg 500panukat
kagamitang g ang mga
sumusunod na sitwasyon. Isulat kung ito ay ruler o meterstick sa
sagutang papel.

6. Ang ______________ ay ginamit ni Sharon sa pagsukat ng suklay.


7. Si Ferdie ay gumamit ng ______________ upang sukatin ang bakod.
Panuto: Bilugan ang may pinakaakmang timbang para
8.
7. Pinakiusapan 1nikgJaime si Ruby 150na sukatin ang lubid gamit ang
g ibaba.
_______________. 6. 2 kg 500 g

9. Si Ernie ay isang karpintero, kinuha niya ang ______________ upang


sukatin ang kahoy na kaniyang gagamitin.
Panuto: Bilugan ang may pinakaakmang timb
10. Nakakita
Panuto: si may
Bilugan ang Joypinakaakmang
ng isangtimbang
gintong kutsara.
para sa Sa kaniyang
mga sumusunod
ibaba. na larawan sa katuwaan
ibaba.
ay kumuha siya ng ____________ at sinukat 6.7. ito. 1 kg 150 g 2 kg
8.6. 2 kg 3 kg 500 g 650 g

Panuto: Bilugan ang may pinakaakmang timbang para sa mga


sumusunod
Panuto: Bilugan na
ang larawan sa ibaba.
may pinakaakmang timbang Gawin itosumusunod
para sa mga sa sagutang
na larawanpapel.
sa
ibaba.
8. 3 kg 650 g
11.6. 2
2 kg
kg
500 g 12.
7. 1 kg 150 g
7. 1 kg 150 g 1 kg

500 g 150 g
9. 1 kg 200 g
8. 3 kg 650 g
13.
7.
8. 1 kg 3 kg 150 g 650 g 14.
9. 1 kg 200 g
3 kg 1 kg

650 g 200 g

8. 3 kg 650 g
9. 1 kg 200 g
15.
10.
9. 3 kg
1 kg 200 g 50 g 10. 3 kg 50 g
3 kg

50 g
9. 1 kg 200 g
10. 3 kg 50 g
10. 3 kg 50 g

FILIPINO
Panuto: Alamin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa
pangungusap sa pamamagitan ng paghanap ng kasingkahulugan
ng10.mga ito sa
3 kgmga pagpipilian.
50 g Itiman ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Matulin ang takbo ni Marlon kaya siya ang nanalo sa paligsahan


sa pagtakbo.
A. mabilis B. mabagal C. mahina D. malayo
2. Maraming nakaing gulay si Lino dahil malinamnam ang mga ito.
A. mapait B. masarap C. mapakla D. maasim
3. Masinop sa gamit si Romel kaya hindi siya nawawalan ng mga
gamit.
A. Magulo B. Maayos C. Madamot D. malinis
4. Tumulong sa paglilinis ang magkakaibigan kaya naging maaliwalas
ang paligid.
A. malinis B. madumi C. mabaho D. malawak

5. Hindi tumigil sa pagsasanay si Jose kaya naging mahusay siya sa


pagguhit.
A. magaling B. mabilis C. maayos D. masaya

Panuto: Basahin ang teksto. Piliin ang titik ng angkop na pamagat at


itiman ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
6. Sa kanilang itsura, mababanaag na ang katandaan sa kanilang
ugali may angking din kaibahan ngunit sa talino at mahabang
karanasan hindi sila pahuhuli, may mayamang kaalaman kaya nga
huwag balewalain, lola, lolong itinuturing sapagkat ambag nila ay
walang kahambing.
A. Si Lolo at Si Lola C. Ang Mag-anak
B. Ang Pamilya D. D. Ang Mag lolo

7. Ang Sinulog sa Cebu City ay dinarayo ng mga turista at


mananampalataya ang ating bansa.
A. Ang Sinulog sa Cebu City C. Cebu City
B. Ang Turista D. Ang Bansa

8. Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang


bawat lugar sa ating bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang
bilang pasasalamat sa kanilang patron. Isa pang kilalang tradisyon
natin ay ang bayanihan. Ang bayanihan ay ang pagtutulungan ng
mga tao para sa isang gawain. May mga kababayan pa rin tayong
sumusunod sa ganitong tradisyon lalo na sa mga lalawigan.
A. Tradisyon ng mga Pilipino C. Mga Kapistahan sa Lalawigan
B. Kapistahan ng mga Pilipino D. Ang Bayanihan

9. Ang kalikasan ay isang biyayang galing sa ating Panginoon. Dito


nanggagaling ang lahat ng bagay na ating ikinabubuhay. Ito ay
maganda at kapakipakinabang.
A. Si Lolo at Si Lola C. Ang Kalikasan
B. Ang Pamilya D. Ang Mag lolo
10. Ang edukasyon ang pinakamahalagang pamana ng isang
magulang sa isang anak na hindi mananakaw sino man.Ito ang
magbubukas ng pinto tungo sa napakaraming pangarap ng bawat
kabataan.
A. Pangarap ng Bawat Kabataan C. Ang Pamana ng Magulang
B. Ang Kahalagahan ng Edukasyon D. Ang Pangarap

ARALING PANLIPUNAN
Panuto: Iguhit ang puso ( ) kung nararapat gawin ang mga sinasabi
ng alituntunin at ekis (X) naman kung hindi dapat. Isulat sa sagutang
papel ang iyong sagot.

1. Makilahok sa mga programang pangkalinisan at


pangkalusugan ng barangay para sa komunidad.
2. Magtapon ng basura kung saan-saan.
3. Tumulong sa mga matatandang hirap tumawid sa kalsada.
4. Tumawid sa tamang tawiran kahit walang nakabantay na
pulis-trapiko.
5. Pagbibigay ng tulong sa mga taong nangangailangan lalo
na sa panahon ng kalamidad.
6. Dahil ako ay bata, hindi ako lumalabas ng aming tahanan
sa panahon ng Modified Enhanced Community Quarantine
(MECQ).
7. Nagbigay ako ng isang daang piso para sa Bayanihan
Project sa aming barangay.
8. Tumutulong ako sa aking nanay sa paghihiwa-hiwalay ng
mga basura sa aming bakuran.
9. Ang kuya ko ay hindi lumalabas sa gabi lalong-lalo na kung
may ipinatutupad na curfew.
10. Walang makitang malapit na basurahan ang ate ko kaya’t
inilagay muna niya ang balat ng biskwit sa kanyang bulsa.

ARTS
Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Piliin at itiman ang titik
ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ito ay yari sa mga lumang kahon, plastik na bote, kawad at mga
bagay na matatagpuan sa kapaligiran. Ano ito?
A. Paper Mache C. Saranggola
B. Free Standing Balanced Figure D. Tansan
2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng
pagpapahalaga sa mga lumang bagay?
A. Paggawa ng alkansya mula sa lumang bote ng coke
B. Pagtatapon ng mga lumang dyaryo at kahon
C. Palagiang pagbili ng mga bagong laruan
D. Hindi paggamit ng lumang gamit sa mga likhang sining
3. Saan matatagpuan ang pagawaan ng Paper Mache (Taka) sa
Pilipinas?
A. Cavite C. Paete, Laguna
B. Rizal D. Batangas
4. Alin sa mga bagay sa ibaba ang HINDI 3-dimensyonal?
A. C.

B. D.

5. Ang saranggola ay gawa sa __________.


A. kahon, kahoy, tali C. bote, bato, pandikit
B. plastic, tali, patpat D. papel, pandikit, bote

Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Isulat ang TAMA kung
ang pahayag ay nagsasaad ng wastong kaisipan, MALI naman kung
hindi ito nagsasaad ng tamang kaisipan. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
______1. Ang pangunahing kagamitan sa paggawa ng human clay
figure ay papel.
______2. Upang tumayo ang human clay figure, maaaring gumamit
ng mga bagay na magbibigay kapal.
______3. Ang taka ay gawa sa ginupit-gupit na papel at binuo gamit
ang balangkas.
______4. Ang 2-dimensiyonal na likhang sining ay ang mga bagay na
may kapal at ating mga nahahawakan.
______5. Tekstura ang tawag sa elemento ng sining na tumutukoy sa
katangian ng ibabaw ng anumang bagay.

HEALTH
Panuto: Itiman ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang maaaring magdulot ng kuryente na
magdadala ng kapahamakan sa loob ng tahanan.
A.gasolina B. muriatic acid C. extension cord D. kalan
2. Alin sa mga sumusunod ang maaaring pagmulan ng sunog?
A. kandila B. muriatic acid C. extension cord D. pintura
3. Alin sa mga sumusunod ang mainam itago sa mga bata sa loob ng
tahanan upang maiwasan ang pgkalason at kapahamakan?
A. gasera B. muriatic acid C. extension cord D. asukal

4. Pinaglalaruan ng bunso mong kapatid ang posporo. Ano ang iyong


gagawin?
A. Hindi ko nalang papansinin dahil di pa naman niya iyon kayang
gamitin.
B. Lalapitan ko siya, kukunin ko ang posporo at itatabi sa hindi nya
maabot.
C. Hahayaan kong paglaruan niya ang posporo.
D. Uutusan ko siyang isauli ito.

5. Ang mga sumusunod ay nakakalason at mapanganib. Alin sa mga


sumusunod ang hindi kabilang dito?
A. Gasolina B. extension cord C. muriatic acid D. Clorox

6. Ano ang angkop na simbolo para sa mga nakakalason na


produkto?
A. B. C. D.

7.Ano ang angkop na simbolo para sa mga produktong


nakakakuryente?
A. B. C. D.

8. Ano ang angkop na simbolo pra sa mga produktong nakaka agnas


(corrosive)?
A. B. C. D.

9. Ang Muriatic acid ay kabilang sa mga produktong________?


A. Nakakaagnas(Corrosiive) C. Nagliliyab
B. Nakakakuryente D. Lahat ng nabanggit

10. Ano ang kahulugan ng simbolong nasa larawan?


A. Nakakalason C. Nakakasunog
B. Nakakakuryente D. Panlabas Lamang

You might also like