Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

IhAyag ang iyong opinyon alinsunod sa pagtalakay ng mga paksa

Pumili lang dalwa na sasagutan


1. Ipaliwanag ang kwento ng Gamu-gamo na isinalaysay ng ina ni Rizal. Paano mo ito
isasabuhay?
 Ang kwento ng Gamu-gamo na isinalaysay ng ina ni Rizal sa kanya ay tungkol sa isang
matanda at batang gamu-gamo. Ang batang gamu-gamo ay wiling-wili sa liwanag ng
kandila na parang siya ay inaakit na lapitan ito, na alam naman natin na ang gamu-gamo
ay mahilig talaga sa lumiliwanag na mga bagay. Habang ang batang gamu-gamo ay
palapit nang palapit sa liwanag ng kandila, napansin ito ng matandang gamu-gamo at
pinagsabihan ito na huwag nang lumapit pa sa kandila at baka masunog ang kanyang mga
pakpak. Ngunit hindi nakinig ang batang gamu-gamo at tuluyang nagpadala sa liwanag
ng kandila. Sa huli, nasunog ang pakpak ng batang gamu-gamo at hindi muling nakalipad
pa. Ang aral ng kwentong ito ay maisasabuhay ko sa pamamagitan ng pagsunod sa mga
payo at aral na binibigay sa atin ng matatanda, lalo na ng ating mga magulang, dahil para
rin naman ito sa ating kapakanan.
2. Ano ang mahalaga nakita niyo pangyayari sa Kilusang Propaganda at La Solidaridad? Paano
nyo isasabuhay?
 Ang Kilusang Propaganda ang nagsulong ng mga pagbabago o reporma sa pamamagitan
ng pagsulat sa pahayag, paglilimbag ng mga aklat at nobela, at pagtatalumpati. Ang La
Solidaridad ay isang pahayagan ng Kilusang Propaganda na naglathala ng mga artikulong
sinulat ng mga propagandista. Layunin nito na magbigay ng pantay na oportunidad sa
larangan ng kabuhayan at pilitika. Maisasabuhay ko ito sa pamamagitan ng pagbibigay
impormasyon na pawang katutuhan lamang at hindi ng mga maling impormasyon. Ang
pagsulat din ang magbibigay daan para sa akin para ihayag ang aking opinyon at
nararamdaman patungkol sa isang paksa. At gagamitin ko ng tama ang aking karapatan
magsalita o “freedom of speech”. Bilang isang kabataan at mag-aaral, boboses ako para
sa pagkakapantay-pantay ng bawat isa.

You might also like