Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

CURTAIN OPEN

(EXPLANATION: Parang foreshadowing ito. Nagsisiyahan ang mga


Kristiyano rito dahil nanalo sila sa digmaan laban sa mga
Muslim)

INT. TABLE WITH FOODS AND DRINKS. CHEERFUL MUSIC PLAYING.

Magsisimula ang dula sa isang kasiyahan ng mga Kristiyano.


May mga taong nagsasayawan, may ibang kumakain,at may ibang
umiinom. May mga tao ring winawagayway ang kanilang mga
espada sa ere. Lahat ng ito habang sila ay masayang naguusap
at nagtatawanan.

(EXPLANATION: Nasa likod ng kurtina ang mga nagsisiyahan


samantalang ang lapida naman ay nasa harapan ng kurtina.
Pagdating sa eksena 2, unti-unting isasara ang kurtina para
magpokus ang audience kay Christian na umiiyak sa harapan ng
lapida)

EXT. A GRAVE WITH A TOMBSTONE. LOW VOLUME CHEERFUL MUSIC

Isang lalaki ang lalabas habang paunti-unting sinasara ang


mga kurtina. May hawak siyang bulaklak at naglakad patungo
sa isang lapida. Nilapag niya ito rito. Tinakip niya ang
dalawang kamay sa mukha at humagulgol. Napaupo siya sa sahig
kasabay nang pagbukas ng kurtina

(EXPLANATION: Pagkatapos ng narration, bubuksan ang kurtina.


Nagdidiscuss ang guro nito, at tinatamad naman ni Christian)

NARRATOR

Magsisimula ang ating kwento sa dalawang kaharian na ang


isa’y pinamumunuan ng mga Kristiyano, samantalang ang isa
naman ay pinamumunuan ng mga Muslim. Kahit na mahigpit na
magkalaban ang dalawang relihiyon at kaharian dati, ngayon
ay payapang namumuhay ang mga ito nang walang gulo. Ang
kaharian ng mga Kristiyano ay may prinsipeng nagngangalang
Christian samantalang ang kaharian ng mga Muslim ay may
prinsesang nagngangalang Aisha.

INT. CLASSROOM SETTING.

Nakaupo si Christian habang may hawak na libro. Bakas sa


mukha nito ang bagot habang nakatingin sa guro. Ang guro ay
naglalakad sa harapan niya habang nagsasalita.

GURO

Ang Kristiyanismo ay isang relihiyong monoteista na


nakabatay sa buhay at pinaniniwalaang mga katuruan ni
Hesus na pinaniniwalaan ng mga Kristiyano na isang
tagapagligtas-----

Unti-unting humina ang boses ng guro habang nakatingin kay


Christian na nakapikit at parang natutulog habang nakaupo.
Sumimangot ito at nameywangan. Tumikhim ito ng napakalakas
kaya nagulat si Christian at tarantang itong umupo ng maayos
at tumingin sa guro

GURO

Nakikinig ka ba, kamahalan?

CHRISTIAN

O-Oo! Nakikinig ako! Pinikit ko lang ng saglit ang aking mga


mata para magpahinga

GURO

Kung gayon, ano ang ibig kong sabihin nang sinabi kong ang
Kristiyanismo ay isang relihiyong monoteista?

CHRISTIAN

Ha? Ahh…

GURO

Malinaw na hindi ka nakikinig sa aking mga leksyon. Hindi


ito magugustuhan ng hari, mahal na prinsipe

CHRISTIAN
Kasi naman! Guro, bata pa lamang ako ay itinuro na sa akin
ng aking ina ang lahat ng dapat kong malaman tungkol sa
Kristiyanismo. Bakit kailangan ko pang pag-aralan ulit
ngayon? Mas maganda sana kung ang Agham o di kaya ay
Matematika ang ituro mo sakin

GURO

Mahal na prinsipe, sinusunod ko lang ang utos ng iyong amang


hari. At saka hindi lahat ng tungkol sa Kristiyanismo ay
alam mo na. Alam mo ba kung aling relihiyon ang matagal nang
katunggali ng Kristiyanismo?

CHRISTIAN

(Nagtataka) Hindi pa yan nakwekwento ni ina. Ano ang ibig


mong sabihin?

GURO

Iyan ay pag-uusapan natin sa susunod. Tapos na ang oras ng


klase. Bukas ay tungkol sa Panitikan ang aking ituturo sayo

Umalis ang guro at naiwan si Christian na nakaupo at


nagiisip

CHRISTIAN

Matagal nang katunggali ng mga Kristiyano? Sino naman ang


mga iyon?

Ay! Bahala na nga!(Tumingin sa labas ng bintana) Masarap


mamasyal kapag ganito ang panahon

(EXPLANATION: Dahil nga tumakas dito si Christian ay


patingin-tingin siya sa likod. Kaya niya mababangga si
Farah)

EXT.

CHRISTIAN

(Habang nag-uunat) Buti na lamang walang nakakita sa akin


kundi yari na naman ako nit okay ama
May tatakbong babae at mababangga siya nito. Nasalo niya ang
babae kaya hindi ito natumba sa lupa. Pagkatapos ay
inalalayan niya ito patayo.

CHRISTIAN

Binibini! Ayos ka lang ba?

FARAH

Ahh, oo. Maraming salamat, Ginoo

CHRISTIAN

Mauuna na ako at may nais pa akong puntahan. Magingat ka sa


susunod, binibini

Umalis si Christian samantalang si Farah naman ay nakatingin


lang sa tumatakbong binata habang ang kamay ay nasa dibdib

CURTAIN CLOSE

(EXPLANATION: Magbubukas ulit ang kurtina. Nag-uusap lang


ang dalawa rito)

INT. BEDROOM SETTING.

Nakaupo si Aisha habang inaayusan siya ng buhok ni Farah.


Napansin ni Aisha na nakangiti ito.

AISHA

Bakit tila ang saya mo, Farah?

FARAH

Sino ba namang hindi sasaya kung ang puso mo ay nakahanap ng


kanyang posibleng maging kabiyak?

AISHA

May nagugustuhan ka? Sino siya? Alam mo ba ang kanyang


pangalan? Saan kayo nagkita? At paano kayo nagkakilala?

FARAH
Ang daming tanong, prinsesa (habang umiiling)

AISHA

Hindi mo ako masisisi, Farah. Sa tanang buhay ko ay wala


pang nagpapatibok ng aking puso kaya hindi ko maiwasang
magtanong ng tungkol sa pagibig

FARAH

Mahirap ipaliwanag prinsesa. Mas maiging ikaw ang makaranas


para malaman mo kung anong pakiramdam nang may nagugustuhan
(Mapapanguso si Aisha)

CURTAIN CLOSED

(EXPLANATION: Namamasyal na rito si Christian. Tingin siya


ng tingin sa paligid kaya hindi niya napansin na may
mababangga siya)

EXT. GARDEN-LIKE SET

Naglalakad si Christian nang siya ay may nabanggang 2


lalaki. Dahil dito, natapon ang kinakain ng mga ito.
Nilingon ng dalawang lalaki si Christian at masama siyang
tinignan.

LALAKI 1

Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?

CHRISTIAN

Pasensya na mga Ginoo, hindi ko kayo napansin. Mas maganda


rin siguro kung kayo ay pupwesto sa tabi habang kumakain
para hindi kayo maistorbo

LALAKI 2

Sino ka para utusan kami?! (pagalit)

CHRISTIAN

Nakikiusap ako mga Ginoo. Huwag niyo ako masamain. Sinabi ko


lang iyon dahil nakaharang kayo sa daanan
LALAKI 1

Ano naman kung nakaharang kami?

LALAKI 2

Kami ang hari rito kaya gagawin naming kung anong gusto
namin

CHRISTIAN

Hari raw pero mukhang kulugo

LALAKI 2

(Galit)Anong sabi mo?!

(Tatakbo si Christian at hahabulin siya ng dalawang lalaki)

CURTAIN CLOSE

(EXPLANATION: Pagbukas ng kurtina, si Aisha muna ang


makikita. Pagkasabi niya ng linya niya, dun na lalabas si
Christian sa kurtina. Lilingon lingon siya at dun sila
magkakabangga. Pagkatumba ng dalawa, sisigaw yung dalawang
lalaki pero nasa likod parin sila ng kurtina. Pagkahila ni
Christian kay Aisha tsaka lang lalabas ang dalawa at tila
naghahanap sila hanggang sa makalabas sila. Magtatago sina
Christian at Farah sa mismong stage para hindi na natin
isara ang kurtina. Hihintayin nalang natin umalis yung
dalawang lalaki)

AISHA

(Habang naglalakad)Mabuti pa si Farah, may iniibig na. Ako


kaya? Kailan dadating ang lalaking magmamahal sakin?

Mababangga siya ni Christian kaya parehas na matutumba ang


dalawa. Magkakatinginan ang isa’t-isa.

LALAKI 1&2

Nasaan kang ugok ka!?

Hihilain ni Christian si Aisha patago sa isang gilid.


AISHA

Anong ginagawa mo?

CHRISTIAN

Shh! Wag kang maingay

Tinakpan ni Christian ang bibig ni Aisha habang tumitingin


sa paligid. Sinamaan ng tingin ni Aisha ito. Dumaan ang
dalawang lalaki at hindi sila napansin. Binitawan niya ang
dalaga at lumabas sila sa tinataguan

AISHA

Sa tingin ko ay may ginawa kang masama kaya ikaw ay


pinaghahanap ng mga iyon, tama ba?

Haharap si Christian kay Aisha at matutulala ito sa


kagandahan nito. Mangungunot naman ang noo ni Aisha.

CHRISTIAN

Ipagpatawad mo binibini ang aking nagawa kanina. Hindi ko


sinasadya na masaktan ka o takutin man lang. Nais ko ring
linawin ang pangalan ko at sabihing wala akong ginawang
kasalanan sa kahit na sino

AISHA

Paano ako makakasiguro na nagsasabi ka ng totoo?

CHRISTIAN

Binibini, walang sinumang nais magsinungaling sa harap ng


iyong nakakaliyong kagandahan

Manlalaki ang mata ni Aisha at iiwas ng tingin ngunit hindi


maiiwasang mapangiti.

CHRISTIAN

Humihingi ako ng paumanhin kung ika’y nabigla sa aking


kapangahasan. Ngunit hindi ko mapapalampas ang sitwasyong
ito dahil hindi araw-araw ay may makikita akong anghel na
bumaba mula sa itaas
Kinuha ni Christian ang kamay ni Aisha at hinalikan ito

CHRISTIAN

Tawag nila sa akin ay Christian, ikaw binibini? Ano ang


iyong ngalan?

AISHA

Aisha

CHRISTIAN

Aisha… Napakagandang ngalan. Karapat-dapat sa iyong


kagandahan

CLOSE CURTAIN

(EXPLANATION: Magbubukas ang kurtina pagkatapos ng


narration. Magkahawak kamay ang dalawa)

EXT. SAME SETTING

NARRATOR

Ang pagkikitang ito ay nasundan nang nasundan hanggang sa


ilang buwan ang lumipas ay napagdesisyunan na nang dalawa
ang ikasal.

CHRISTIAN

Wala nang iba pang nanaisin ang aking puso na makasama


maliban lang sayo, aking prinsesa

AISHA

Parehas tayo ng nais, Christian. Ngunit, papayag ba ang


ating mga magulang sa nais nating mangyari?

CHRISTIAN

Walang tiyak na kasagutan sa tanong mong ‘yan, aking sinta.


Ngunit asahan mo na hindi ako susuko, Aisha

CLOSE CURTAIN
9

(EXPLANATION: Basta ito yung time na malalaman ni Farah na


si Christian pala ang papakasalan ni Aisha)

NARRATOR

Dumating ang araw ng pamamanhikan. Mabuti na lamang, bilang


mga mapagmahal na magulang, isinantabi ng dalawang pamilya
ang alitan at pinayagan ang pag-iisang dibdib ng dalawa. Ang
tanging hiling lang ng pamilya ni Aisha ay ang pagpapalit-
relihiyon ni Christian na pinanhintulutan naman ng ama nito.
Nakatakda na ang araw ng kasal, ang dalawang kaharian ay
nanabik na sa araw ng pag-iisang dibdib ng kanilang mga
prinsesa’t prinsipe. Ngunit hindi nito mapapantayan ang
galak nina Aisha at Christian

CURTAIN OPEN

FARAH

Mahal na prinsesa, tama ba ang aking nalaman? Ika’y ikakasal


na?

AISHA

Oo, Farah. Tama ang iyong narinig. At masisiguro ko sayo na


siya’y karapat-dapat sa aking pag-ibig

FARAH

Napakasaya ko para sayo, prinsesa. Nakahanap ka ng taong


magmamahal sayo. Nais ko siyang makilala

Papasok sa eksena si Christian

CHRISTIAN

Aisha, aking mahal (tatakbo naman si Aisha at yayakapin ito)

AISHA

Tapos na kayo magusap ni ama? (tumango si Christian) Ay! Oo


nga pala! Christian, ito si Farah. Ang aking tagapag-alaga
at matalik kong kaibigan

CHRISTIAN
Magandang hapon, binibini (tango lang ang naging tugon ni
Farah habang may gulat na ekspresyon sa mukha) Aking mahal,
nais ko mang kausapin ka pa nang mas matagal ay hindi ko
magagawa. Kailangan ako ng aking ama sa isang mahalagang
pagpupulong

AISHA

Naiintindihan ko, mahal. Mag-ingat ka! (umalis si Christian)

FARAH

Siya ang iyong mapapangasawa? (tumango si Aisha)

AISHA

Bakit?

FARAH

Wala (sabay ngiti)

CURTAIN CLOSE

10

(EXPLANATION: Magbubukas ang kurtina after the narration.


Nakaupo sa magkabilang side ang mga Kristiyano at Muslim.
Ito na yung sasabihin ni Farah na pinatay si Aisha. Galit na
galit ang magulang ni Aisha rito habang pinapakalma naman ng
tatay ni Christian ang mga ito)

EXT. WEDDING SCENE

NARRATOR

Dumating na ang araw na pinakahihintay ng magkasintahang


sina Aisha at Christian. Ang kanilang pag-iisang dibdib ay
magaganap na. Ito’y dinaluhan ng maraming bisita, Kristiyano
man o Muslim. Isinantabi muna nila ang alitan para sa
kaligayahan ng mahal nilang prinsesa at prinsipe

Inaantay ni Christian ang babae sa altar nang lumabas si


Farah na hinihingal at duguan. Nagtaka si Christian at ang
ibang mga bisita
CHRISTIAN

Farah! Anong nangyari sayo? At nasaan si Aisha?

FARAH

Wala na si Aisha, pinatay siya ng kabaro mo!

CHRISTIAN

Anong? Hindi kita maintindihan. Anong ibig mong sabihin?

FARAH

Pinatay siya ng isang Kristiyanong tutol sa pag-iisang


dibdib ng dalawang makaibang relihiyon. Sabi niya, hindi
dapat madungisan ng Muslim ang perpektong relihiyon ninyo

INA NI AISHA

Ang anak ko!

AMA NI AISHA

Hindi ko kayo mapapatawad sa ginawa niyo! Pagbabayaran niyo


pagpaslang sa anak ko1

AMA NI CHRISTIAN

Saglit lang, huminahon ka. Hayaan mong ako ang magparusa sa


pumatay kay Aisha. Hindi kailangang magsalpukan ang ating
mga sandata

AMA NI AISHA

Kinitil ng kauri ninyo ang buhay ng anak ko. Sapat na yon


para hindi ako makinig sa inyo!

CURTAIN CLOSE

11

(EXPLANATION: Naglalaban na ang mga Kristiyano at Islam


nito. Magbubukas ang kurtina tapos ang eksena ay naka-taas
ang espada ng tatay ni Aisha at ambang pupugutan ng ulo si
Christian nang dadating si Farah para pigilan ito)

EXT. BATTLEFIELD
NARRATOR

Dahil hindi nadaan sa usapan, at sa nagpupuyos na damdamin


ng mga Muslim sa pagkamatay ng kanilang prinsesa, naganap
ang madugong digmaan sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim.
lugmok man sa lumbay ay napilitang sumali sa digmaan si
Christian. Ngunit dahil sa nagdadalamhati pa rin ang kanyang
damdamin, madali siyang napatumba ng mga kalaban. Nang
akmang pupugutan na siya ng ulo ay may pumigil rito kaya
napatingin ang lahat at nakita nila si Farah

FARAH

Patawarin niyo akong lahat. Hindi ko inaasahan na may


mangyayaring digmaan dahil sa aking kasinungalingan. Hindi
ko magawang tumuro ng kapwa kong Muslim para sa kasalanang
aking ginawa.

AMA NI AISHA

Anong ibig mong sabihin, Farah?

FARAH

Ako… ako ang pumatay kay Aisha

AMA NI AISHA

A..anong? paano mo nagawa iyon?

FARAH

Nadala ako ng selos at inggit. Hindi ko matanggap na si


Aisha ang ikakasal sa lalaking aking minamahal

AMA NI CHRISTIAN

May pagtingin ka kay Christian?

FARAH

Mas nauna ko siyang nakilala, mas nauna ko siyang minahal.


Kaya hindi ko matanggap na ikakasal siya sa iba

CHRISTIAN
Pero wala kang karapatan na pumatay! Si Aisha ang mahal ko
at wala nang iba pang papalit sa kanya rito sa puso ko!

AMA NI AISHA

Patawarin niyo ako. Nadala ako sa galit. Aatras kami sa


labanang ito lalo pa’t nasa tabi ko lang pala ang kumitil ng
buhay ng anak ko

AMA NI CHRISTIAN

Naiintindihan ko

AMA NI AISHA

(Hinila si Farah) Pagbabayaran mo ang krimeng ginawa mo!

Umalis na ang mga Muslim at naiwan ang mga Kristiyanong


sumisigaw sa tuwa. Ngunit umiiyak naman si Christian sa
kabila ng kasiyahan sa kanyang paligid.

CURTAIN CLOSE

12

(EXPLANATION: Parang flashback lang ang mga last scenes kaya


balik tayo nito sa scene 1 at 2. Ang pagkakaiba lang, after
ng narration bubuksan ang kurtina. Ang mga nasa likod ng
kurtina ay nagsisiyahang muslim samantalang ang nasa harapan
naman (nakapwesto sa likod ng narrator) ay si Christian na
umiiyak sa lapida ni Aisha)

NARRATOR

Ang pag-atras ng mga Muslim sa digmaan ay siyang tagumpay ng


mga Kristiyano kaya’t nagdiwang ang mga ito. Si Farah naman
ay pinarusahan ng mga magulang ni Aisha. Ngunit kahit na
nakamit na ang hustisya sa sinapit ni Aisha at sila ang
nagtagumpay sa nangyaring labanan, malungkot pa rin si
Christian dahil sa mapait na sinapit ng babaeng kanyang
tanging minahal.

SAME SETTING IN THE BEGINNING

Habang nagsisiyahan ang mga Kristiyano, magisang nakaupo si


Christian at nakatingin sa puntod ng minamahal na kabiyak.
Hihiga siya sa katabi ng lapida at hahaplusin ito habang
paunti-unting pumipikit

CHRISTIAN

Aisha… Mahal ko…

You might also like