Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MASTERY TEST IN ARALING PANLIPUNAN 5

Pangalan:__________________________________ Baitang at Seksyon:__________


Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Sino ang nagsilbing tagatugis ng mga katutubong nagrebelde at hindi


sumang-ayon sa mga patakarang ipinatupad ng mga Espanyol?
A. datu B. militar C. prayle D. sultan
2. Ipinalaganap ng mga Espanyol ang pananampalatayang _____________.
A. Animismo B. Budhismo C. Kristiyanismo D. Paganismo

3. Ang isla ng Mactan ang unang lugar sa Pilipinas, na ginamitan ng dahas ng mga
Espanyol gamit ang kanilang pwersa militar.
A. depende B. mali C. tama D. wala sa lahat
4. Piliin ang SANHI ng pangyayari. Na naging marahas ang mga Espanyol sa mga katutubo.
A. Natatakot ang mga katutubo sa mga Espanyol.
B. Nagbabayad ng buwis ang mga katutubo sa mga Espanyol.
C. Ang mga katutubo ay sunud-sunuran sa mga kagustuhan ng mga dayuhan.
D. Sinamantala ng mga Espanyol ang kanilang kapangyarihan sa mga katutubo.
5. Kung ikaw ay pinagtrabaho nang walang bayad, ano ang nararapat mong gawin?
A. Hahayaan mo na lamang ito.
B. Aalis ka sa iyong pinagtatrabahuan.
C. Pagnakawan ang may-ari ng iyong pinagtatrabahuan.
D. Magsumbong sa kinauukulang ahensiya gaya ng DOLE.
6. Ang Sinulog ay pagdiriwang na ginaganap sa ___________.
A. Cebu B. Dumaguete C. Ilo-ilo D. Negros
7. Noong Hunyo 24, 1571, kinilala ang ________ bilang isang ciudad o lungsod ng Espanya.
A. Cebu B. Leyte C. Limasawa D. Maynila
8. Bakit hinihikayat ng pamahalaan na magbabayad ng tamang buwis ang mga
mamamayan? Upang ____________.
A. hindi na magugutom ang mga tao
B. magkaroon ng maraming pera ang mga politiko
C. maging mayaman ang mga nagtatrabaho sa gobyerno
D. makalikom ng sapat na pondo upang maipatupad ang mga pambayang proyekto
9. La Villa del Santisimo Nombre de Jesus ang ipinangalan ni Legazpi sa _____.?
A. Maynila B. Cebu C. Bacolod D. Iloilo
10. Bilang isang kasapi ng kapulisan, alin sa mga sumusunod ang dapat gawin upang
maisagawa ang iyong tungkulin?
A. Sasamantalahin ang posisyon at maging abusado sa mga tao.
B. Magpoprotekta ng mga taong nagpapatakbo ng mga iligal na gawain.
C. Maglilingkod nang may paninindigan bilang modelo ng katarungan at kapayapaan.
D. Tatanggap ng suhol mula sa mga nahuling tiwali at ipagwalang-bahala ang
kanilang bayolasyon sa batas.
11. Ano ang tatlong adhikain ng mga Espanyol sa pagsakop ng bansang Pilipinas____________.
A. pananampalataya, ginto at pagkain
B. pananampalataya, ginto at kasikatan
C. pananampalataya, ginto at, salapi
D. pananampalataya, ginto at kapangyarihan
12. Bakit nanaisin ng isang bansa ang manakop ng ibang lupain? Upang ___________.
A. makamit ang karangalan at kapangyarihan bilang nangungunang bansa
B. makuha ang kayamanang taglay ng masasakop na lupain
C. palawakin ang kanilang teritoryo
D. lahat ng sagot ay tama
13. Ito ang imahen ng batang Hesus na inihandog ni Magellan kay Humabon bilang tanda ng
pagiging Kristiyano.
A. San Lorenzo B. San Nicholas
C. Sr. Santo Niňo D. Sr. San Vicente

14. Ang tawag sa taga kolekta ng buwis na dati ay isa sa mga datu sa panaon ng Espanyol.
_________.
A. cabeza de barangay B. cabeza de oro
C. cabeza de baryo D. cabeza de maynila
15. Ito ang simbolo ng pananampalataya ng mga Kristiyano. .
A. kampana B. krus C. kutsara D. kutsilyo

16. Siya ay nagtangkang bumalik sa Espanya ngunit siya ay nagkasakit at namatay.


A. Alvaro Saavedra Ceron B. Ruy Lopez de Villalobos
C.Juan Garcia de Loaisa D. Martin Iniguez de Carquisano

17. Ito ay tumutukoy sa pakikialam ng isang makapangyarihang bansa sa ibang lupain upng isulong
ang mga pansariling interes nito.
A. Imperyalismo B. Kolonyalismo C. Kristiyanismo D. Pederalismo

18. Binigyan ng limang barko si Ferdinand Magellan para sa kanyang ekspedisyon. Ito ay Trinidad,
Concepcion, San Antonio, Santiago at _________?
A.Villegas B. Isla Vegas C. Victoria D. Valley

19. Anong taon natuklasan ang anyong tubig na nag-uugnay sa Atlantic Ocean at Pacific Ocean.
A.Oktubre 20, 1520 B. Nobyembre 21, 1520
C. Nobyembre 20, 1520 D. Oktubre 21, 1520

20. Ito ay ng sapilitang pagpapalipat ng mga katutubo sa isang sibilisadong pamayanan.


A. Tributo B. Reduccion C. Polo Y Servicio D. Cedula Personal

II.Punan ang patlang ng tamang sagot. Piliin mula sa kahon at isulat sa papel.

Cebu militar
Kristiyanismo pakikipagkaibigan
Maynila Panay
Martin de Goiti sakupin
Miguel Lopez de Legazpi 1565

Si Raha Sulayman at Raha Matanda ay nagtiwala sa 21.____________ ipinakita


ng mga dayuhan. Subalit sa pagdaan ng panahon, unti-unting lumabas ang tunay na
intensiyon ng mga Espanyol. Nais nilang 22.____________ ang bansa matapos
tanggapin ng mga katutubo ang pananampalatayang 23.______________. Tumutol
silang sumailalim sa kapangyarihang banyaga kaya buong lakas silang lumaban dito.
Sa pamumuno ni 24.______________, natalo ang hukbong katutubo at tuluyang
nasakop ang 25.______________.
Matagumpay na naitatag ni 26.________________ ang Kolonyang Espanyol sa
Pilipinas noong taong 27._______________. Ang unang pamayanang kanyang
naitatag ay ang pamayanang Espanyol sa 28._______________. Ito ay nasundan ng
iba pang pamayanang naitatag sa Isla ng 29.________________noong taong 1569. Sa
pamamagitan ng makabagong sandata at malakas na pwersang 30.____________ng
mga Espanyol, matagumpay nilang nasakop ang buong kapuluan ng Pilipinas.
III. Suriin kung ang mga gawain ay may kaugnayan sa Kristiyanismo o katutubong
paniniwala. Isulat sa papel ang K- kung Kristiyanismo at KP – kung katutubong
paniniwala.
_____31. pag-alay ng mga pagkain sa bato, puno, at iba pang bagay sa kalikasan
_____32. pagprosisyon mula Basilica del Sto. Niňo paikot sa siyudad
_____33. padasal – novena ng mga guro alay sa kapistahan ng birhen
_____34. pagsasayaw bilang pasalamat sa magandang ani sa harap ng puno
_____35. pagsunod sa sampung kautusan ng Panginoon

IV. Gamitin ang mga salita sa loob ng kahon upang mabuo ang mga pahayag.

obispo paganismo Andres de Urdaneta babaylan piyesta

36. Ang pagku-krus ng dugo ng manok sa noo tuwing may kaarawan ay halimbawa ng
gawaing _________________.
37. Ang mga prayle ay nagmimisyon sa ibat ibang lugar ng Pilipinas at ito ay
pinangunahan ni ______________, isang paring Augustino.
38. Mga_______________ang pinuno ng mga pagtitipong panrelihiyon bago dumating
ang mga mananakop.
39. Upang maging ganap ang pagmimisyon ng mga prayle, nagtatag sila ng mga diocese
pagdating ng unang_____________.
40. Ipinagpatuloy ng mga Espanyol ang ibang kaugalian o rituwal bilang pasasalamat sa
mga biyayang natanggap at pagparangal ng mga santo tuwing may________.

V. Buuin ang analohiya sa ibaba sa pamamagitan ng pagpuno ng tamang salita


sa patlang.

baybayin pagbabatok datu tinikling Islam

41. Katoliko : ________ - pari: babaylan


42. sultan: sultanato - _____: barangay
43. awit : uyayi - sayaw : ____________
44. Banaue Rice Terraces : pagsasaka - Apo Whang-od Oggay : ________
45. a,b,c,d...: alpabeto ng mga Pilipino - ___________: alpabeto ng mga ninuno.

VI. Ibigay ang tamang sagot sa bawat katanungan at isulat sa papel.

46-47. Ano ang dalawang bansa na nagkaroon ng matinding kompetisyon sa paggalugad at


pagtuklas ng bagong lupain?

46.________________________
47.________________________

48-50. Anu-ano ang tatlong pangunahing layunin ng Espanya sa pagtuklas ng bagong


lupain?

48.______________________________
49.______________________________
50.______________________________

You might also like