Panulaan Reviewer

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

SHIELA

Panahon ng Himagsikan
Sa panahong ito’y ipinadama ng mga manunulat ang laki ng paghahangad na makamit ang kalayaan sa pamamagitan
ng paghihimagsik.

Andres Bonifacio (1863-1897)


Ang pangunahing bayani na nagtatag ng Katipunan at sumulat ng mga tula at mga Kautusang Decalogo.
May sagisag panulat na Agapito Bagum-bayan at tinawag ding Supremo ng KKK.

Isa sa mga hindi gaanong nabigyang pansin sa ating mga bayani ay si Andres Bonifacio.
Ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre sa mag-asawang Santiago at Catalina Bonifacio sa Tondo.

Mayroon siyang dalawang kapatid na nagngangalang Procopio at Ciriaco.


Ang kaniyang mga magulang ay namatay noong siya ay umabot ng 14 na taong gulang.

Mahirap lamang sila kaya napilitang magtrabaho at umabot lamang hanggang ika-4 na baitang sa mababang
paaralan.
Binansagang “Dakilang Mamamayan” sapagkat kahit mahirap ay ginamit na sandata ang pagsulat para sa
paghihimagsik.

Tinawag din siyang “Ama ng Rebolusyon” dahil sa pagtatag ng rebolusyon.


Makikita rin sa kaniyang sulatin ang pag-uugali ng makatang Tagalog na binibigyang-tibay ni Balagtas: ang
pagkakaroon ng sukat at tugma.

Pumasok din siya sa larangan ng dulaan nang itinatag niya ang Teatro de Porvenir na ganap na angkop sa
kapaligirang Tagalog ng mga komedyang nasusulat sa Kastila. Hindi niya na inabot ang pagtatag ng unang republika,
dahil naging biktima ng isang intriga sa pamahalaang rebolusyonaryo.

Mga Akda ni Andres Bonifacio


1. Katungkulang Gawain ng mga Anak ng Bayan
2. Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog
3. Ang liwanag at Dilim kasama si Emilo Jacinto
4. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa- Kahimig ito ng Amor Patrio ni Rizal ang tulang ito ay isang tiyak na katibayan ng
pagkakaimpluwensiya ng bayani kay Bonifacio. Ito ay nalathala sa unang bilang ng Kalayaan, tagapamansag ng
Katipunan, na lumabas noong Enero, 1896 nang walang lagda ni Bonifacio na nagtago sa sagisag ng Agapito Bagum-
Bayan sa mga lathalain.
5. Huling Paalam salin sa Tagalog
6. Katapusang Hibik ng Pilipinas- Ang tulang ito ay ikatlo sa naging dugtungan, nina Flores (Hibik nang Filipinas sa
Ynang España) at Del Pilar (Sagot ng España sa Hibik ng Filipinas). Ipinakita ni Bonifacio ang kaniyang talino sa
pagsamantala sa pagkakataon nang ipasiya niyang sulatin ang tulang ito; ang mga naunang tula ay ang baitang sa
niraanan ng diwang makabansa: nagdikit, nagningas, hanggang sa nagliyab sa tulang Katapusang Hibik.

Apolinario M. Mabini (1864-1903)


Tinaguriang Dakilang Lumpo. Siya ay si Apolinario Mabini y Maranan. Siya ay ipinanganak sa isang Barrio ng Talaga
(malapit sa poblacion ng Tanauan, Batangas) noong Hulyo 22, 1864.

Nag-aral sa isang paaralan ng Tanauan at doon natuto magsalita ng Latin. Noong 1881, siya ay nag-aral sa San Juan
de Letran habang naghahanap-buhay. Noong 1888, nag-aral siya sa Santo Tomas para maging abogado.

Taong 1894, siya ay nagtapos at natanggap sa pagsusulit sa pagkamanananggol (abogasiya) siya ay pumasa at
nagtrabaho sa samahang sekreta para sa ikabubuti ng mamayan.

Siya ay sumama sa pag-aalsa kasama sina Jose Rizal at M. H. del Pilar. Isa siya sa mga nangolekta ng pera para sa
sa La Solidaridad at para tulungan ang periodiko, binuhay uli niya ang La Liga Filipina noong 1893.

Noong Agosto 9, 1986, natuklasan ang Katipunan at maraming tao ang nabilanggo’t pinatay. Oktubre 10, 1896, hinuli
si Mabini na nakahiga sa kaniyang kama dahil sa karamdaman at dinala siya sa ospital ng San Juan de Dios.

Dahil sa karamdaman ay hindi na siya dinala sa bilangguan at sumulat siya ng liham sa Goberndor Heneral, doon
niya inamin ang kaugnayan niya sa La Liga Filipina. Sinabing tagapangolekta lamang siya ng pera sa diyaryong
inilibot ng malaya sa España.

Itinaguyod niya sa sulat na siya ay ay interesado lamang sa mapayapang paraan sa ikauunlad ng kaniyang bayan.
Sinisi niya ang mga Kastilang Prayle sa mga kaguluhan na nangyari sa bansa. Noong Mayo 17, 1897 ay pinatawad
siya sa kaniyang ginawa.
Akda
Ang Tunay na Dekalogo
El Verdadero Decalogo de Mabini

Una.- Ibigin mo ang Diyos at ang iyong puri ng lalo sa lahat ng bagay; ang paghahangad ng puri ang siya lamang
makapipigil sa iyo sa pagbubulaan at makapipigil na huwag kang suminsay sa daan ng katuwiran at laging magtaglay
ng kasipagan.
Ikalawa.- Sambahin mo ang Diyos sa kaparaang lalong minamarapat ng iyong bait at kalooban o konsyensya.
Ikatlo.- Dagdagan mong pilit ang talos ng isip at katutubong alam na ipinagkaloob ng Diyos sa iyo sa pamamagitan
ng pag-aaral, at magsumakit ka ng ubos lakas sa gawang kinahihiligan ng iyong loob,...upang matipon sayo ang
lalong maraming kagalingan at sa ganitong paraa’y makatulong ka sa ikasusulong ng lahat.
Ika apat.- Ibigin mo ang iyong Inang bayan ikalawa sa Dios at sa iyong puri at higit sa iyong sarili, sapagkat siya ang
kaisaisang Paraisong pinaglagyan sa iyo ng Diyos sa buhay na ito.
Ikalima.- Pagpilitan mo ang kalayaan ng iyong bayan bago ang iyong sarili, …sapagkat kung malaya siya at lalaya
rin ikaw at ang iyong kamag-anakan.
Ikaanim.- Pagpilitan mo ang kasarinlan ng iyong bayan, sapagkat ikaw lamang ang tunay na makapagmamasakit sa
kanyang ikasusulong at ikatatanghal.
Ikapito. - Huwag mong kilalanin sa loob ng iyong bayan ang kapangyarihan ng sino mang tao na hindi inilagay
ninyong magkakababayan, ang taong ituro at ihalal ng mga konsyensya ng sangkabayanan ang siya lamang
makapagtataglay ng tunay na kapangyarihan.
Ikawalo. - Ihanap mong pilit ang iyong bayan ng Republika, yaon baga ang lahat na namamahala ay palagay ng
bayan, at huwag isipin kailan man ang Monarkiya, ang pagkakaroon baga ng hari; sa pagka’t ang hari ay walang
binibigyan ng kamahalan kundi isa o ilang angkan lamang.
Ikasiyam.-Ibigin mo ang kapwa mo tao kaparis ng pag-ibig mo sa iyong sarili, sa pagka’t siya’y binigyan ng Diyos, at
ikaw ay ganon din naman, ng katungkulang tulungan ka at huwag niyang gawin sa iyo ang di niya ibig na gawin mo sa
kaniya; ngunit kapag ang kapwa mo tao ay nagkukulang dito …at pinagtatangkaang lipulin ang iyong buhay at
kalayaan at pag-aari, ay dapat mo namang ibuwal at lipulin siya.
Ikasampu. - Palalaluin ng kaunti sa loob mo ang iyong kababayan sa iyong kapwa tao; aariin mong palagi siya na
parang isang katoto, kapatid kaya o kasama man lamang, palibhasa’y iisa ang inyong kapalaran, iisa din ang inyong
tuwa at kapighatian.

Emilio Jacinto (1875-1899)

Ang tanyag na Utak at Kaluluwa ng Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan. Si Andres Bonifacio ang
nagturing ng katawagan sa binatilyong si Jacinto.

Ipinanganak sa Trozo, Maynila noong ika-15 ng Disyembre ng 1875. Ang kaniyang magulang ay sina Mariano
Jacinto at Josefa Dizon. Maagang naulila si Emilio sa ama at lumaki sa yakap ng ng kaniyang ina.

Sa tulong ng ama ng kaniyang ina ay nakapag-aral siya sa pribadong unibersidad tulad ng Letran at Unibersidad ng
Santo Tomas.Nang dumating ang panahon ng himagsikan ay napilitan siyang tumigil sa pag-aaral. 18 taon siya
noong sumali sa kilusan ng KKK.

Hindi siya pinahintulutan ng ina at ama-amahan na sumali sa KKK ngunit dahil sa labis na pagmamahal sa bayan ay
hindi ito napigilang sumali noong siya ay umabot sa 20 taong gulang. Kinalugdan ni Bonifacio ang kaniyang pagiging
mahinahon, mapag-isip, ngunit mapusok sa inaakalang matuwid.

Akda
 Ang Ningning at Ang Liwanag
 Ang Kartilya ng Katipunan
1.Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kundi damong
makamandag
2. Ang gawang magaling na nagbubuhat sa pagpipita sa sarili, at hindi sa talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay
di kabaitan.
3. Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang gawa, ang pagibig sa kapua at ang isukat ang bawat kilos, gawa’t
pangungusap sa talagang Katuiran.
4. Maitim man at maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao’y magkakapantay; mangyayaring ang isa’y higtan sa dunong,
sa yaman, sa ganda…; ngunit di mahihigtan sa pagkatao.
5. Ang may mataas na kalooban inuuna ang puri sa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban inuuna ang
pagpipita sa sarili sa puri.
6. Sa taong may hiya, salita’y panunumpa.
7. Huag mong sasayangin ang panahon; ang yamang nawala’y magyayaring magbalik; nguni’t panahong nagdaan
na’y di na muli pang magdadaan. Value of time
8. Ipagtanggol mo ang inaapi, at kabakahin ang umaapi.
9. Ang taong matalino’y ang may pagiingat sa bawat sasabihin, at matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.
10. Sa daang matinik ng kabuhayan, lalaki ay siyang patnugot ng asawa’t mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa
sama, ang patutunguhan ng iaakay ay kasamaan din.
11. Ang babai ay huag mong tignang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuang at karamay sa mga
kahirapan nitong kabuhayan; gamitan mo ng buong pagpipitagan ang kaniyang kahinaan, at alalahanin ang inang
pinagbuhata’t nagiwi sa iyong kasangulan.
12. Ang di mo ibig na gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huag mong gagawin sa asawa, anak, at kapatid ng iba.
13. Ang kamahalan ng tao’y wala sa pagkahari, wala sa tangus ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagkaparing
kahalili ng Dios wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa; wagas at tunay na mahal na tao, kahit laking gubat at
walang nababatid kundi ang sariling wika, yaong may magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri;
yaong di napaaapi’t di nakikiapi; yaong marunong magdamdam at marunong lumingap sa bayang tinubuan.
14. Paglaganap ng mga aral na ito at maningning na sumikat ang araw ng mahal na Kalayaan dito sa kaabaabang
Sangkalupuan, at sabugan ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang magkalahi’t magkakapatid ng ligaya ng
walang katapusan, ang mga ginugol na buhay, pagud, at mga tiniis na kahirapa’y labis nang natumbasan. Kung lahat
ng ito’y mataruk na ng nagiibig pumasuk at inaakala niyang matutupad ang mga tutungkulin, maitatala ang kaniyang
ninanasa sa kasunod nito.

Jose Palma (1876-1903)


Ang mga titik ng Pambansang Awit ng Filipino sa Kastila ang itinuturing na pinakadakila niyang ambag sa panitikang
Filipino. Sinulat niya ito nang humimpil sila sa Bautista, Pangasinan.

Ipinanganak noong Hunyo 6, 1876 sa Tondo Maynila. Nag-aral siya sa Ateneo de Manila at dito nakatagpo si
Gregorio del Pilar. 17 taong gulang pa lamang ay nakapaglimbag na ng isang aklat ng mga tula kaya hinangaan ng
marami.

Dahil sa pagkakasakit ay hindi siya tumagal sa pagsama sa himagsikan. Dahil sa hirap ng buhay sundalo ay tumigil
na siya at inaliw na lamang ang sarili sa pamamagitan ng kanyang mga kundiman.

Ang Panitikang Filipino nang Panahon ng Hapones


Noong taong 1941 hanggang 1945 nangulimlim ang panitikang Filipino nang sumiklab ang digmaan at masakop tayo
ng mga Hapones.

Tanging ang babasahing hapones lamang ang inilalathala sa panahong ito. Pagkatapos ng ilang buwang pagpasok
ng mga hapon ay nabuksang muli ang lingguhang Liwayway ng mga Roces subalit kontrolado ng mga hapon.

Sumunod naman ang Taliba sa Liwayway na nabigyan ng pagkakataon na makapaglathala ng mga tula at kuwento
ang maraming manunulat. Ito ang pinagkakakitaan nila at marami ang gumawa ng Malayang Tula o Free verse.

Tinularan naman ng ilan ang uri ng tulang Hapon na kung tawagin ay Hokku o Haikku.

Ang Tribune at Philippine Review ang minsan lamang sa isang buwan ang labas ng paglalathala ng mga tula at
kuwento ay ang nagbuhay sa loob ng mga manunulat na sumulat muli.

Dahil dito ay dumagsa rin ang mga manunulat sa Ingles na nagsisulat na sa Tagalog. Si Juan C. Laya ang naging
tanyag sa larangan ng panitikang Tagalog.

Sa panahon lamang ng mga Hapones naitaas ang pedestal na kinalalagyan ng Wikang Pilipino. Dahil galit ang mga
Hapon sa mga Amerikano ay hindi ipinagamit ng wikang Ingles ang mga Pilipino.

Ang mga paksain ng mga sulatin sa panahong ito ay patungkol sa buhay lalawigan.
Ang mga nagsisulat ng mga ganitong paksain sa mga kuwento ay sina Brigido C. Batungbakal, Macario Pineda,
Serafin Guinigundo at iba pa.

Ang pinakamahusay na akda ng taong 1943 ay pinili ng “Lupon ng Tagasuring Inampalan” na binubuo nina Agustin C.
Fabian, Franciscp B. Icasiano, Jose Esperanza Cruz, Arsenio R. Afan, Antonio Rosales, Clodualdo del Mundo,
Buenaventura Medina, at Teodorico C. Santos.

Ginanap ang pamimili noong 1944. Ang 25 na napili ay ipinasuri naman kina Lope K. Santos, Julian C. Balmaceda at
Iñigo Ed Reglado.
Ang nagkamit ng mga gantimpala sa ginawang pagsusuri ay ang mga sumusunod na kuwento:

Unang gantimpala-Lupang Tinubuan ni Narciso Reyes


Ikalawang gantimpala-Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway A. Arceo
Ikatlong Gantimpala-Lungsod, Nayon at Dagat-dagatan ni N.V.M Gonzales

Dahil hindi pinahintulutang mailabas sa lahat ng sinehan ang mga pelikulang Amerikano ay nabigyan ng pagkakaton
ang mga mandudula na makapagpalabas ng dula. Samakatuwid, ginawang wikang opisyal sa panahong ito ang
wikang Filipino.

Itinuring na Gintong Panahong Dulaan ang panahon ng Hapones. Ang pangkat ni Lambert Avellana ang kauna-
unahang pangkat ng mga mandudula ang kumilos sa pagtatanghal ng mga dulang Tagalog sa entablado.

MGA HALIMBAWA NG TANAGA


Pag ika’y di nasilayan
Paraluman Mundo’y magugunaw.

Paraluman Buwan
Humahalimuyak ka
Parati sa pangarap Hugis kang plato
Gayundin sa panindim Kay inam kung pagmasdan
Paralumang nilangit. Gabing mapanglaw

Pagkabigo Pag-ibig
Pagkabigo
Pag ang pag-ibig binigo Titibok-tibok
Langit ko’y maglalaho Puso ng nililiyag
Pag-ibig nga ba?

You might also like