Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Cruz, Ma. Regina Jean D.

October 19, 2023


BSA 2A Panitikan
GAWAIN 1

I. Panuto: Ipaliwanag ang iyong kasagutan sa paraang pasanaysay sa loob ng 2-3


pangungusap. Gamitin ang templeyt na ibibigay ng iyong propesor kung saan ilalapat ang
pagsasagot. (5 puntos bawat tanong).
1. Ano-ano ang kahalagahan ng PANITIKAN sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay?
Dahil sa panitikan, nasasalamin nito ang naging kasysayan, karanasan, kultura, at tradisyon
ng mga Pilipino dahilan upang mas mapagyabong ang ating kaalaman sa pagsulat sa
makabagong panahon. Ang panitikan ang nagpapaalala kung bakit mayroong pagkakakilanlan
ang ating bansa. Tinutulungan ng panitikan ang bawat mamamayan na bumuo ng opinyon at
kwestyunin ang kasalukuyang sistema para sa ikauunlad ng bawat Pilipino.

pang mas lalo natin


itong bigyang pansin at hindi
kalimutan kung saan nagmula ang
ating mga kaalaman
pang mas lalo natin
itong bigyang pansin at hindi
kalimutan kung saan nagmula ang
ating mga kaalama
pang mas lalo natin
itong bigyang pansin at hindi
kalimutan kung saan nagmula ang
ating mga kaala
2. Paano maitataguyod ang panitikan sa pagtuturo ng Filipino?
Para sa akin, unang una ang hindi pagtanggal ng Filipino sa kolehiyo ay isa sa mga paraan
upang maitaguyod ang pagtuturo ng panitikan. Ang paglinang ng ating kaalaman ay syang
makatutulong upang mapalawak nito ang ating kaisipan hindi lamang sa mga sulat na akda pati
narin sa ating lipunan. At dahil ang ginagamit ng wika sa pagtuturo nito ay Filipino mas
nauunawan ng bawat mag-aaral ang mga nakapaloob dito, ang pagbabasa ng panitikan ay
mahalaga sa paglinang ng kasanayang pangwika ng bawat mag-aaral.

3. Ilarawan mo ang panitikan sa Panahon ng mga Katutubo, mga Kastila at sa panahon ng mga
Amerikano. Pagkumparahin mo ang mga kaganapan sa bawat panahon.
Ang panitikan sa Panahon ng Katutubo ay hindi gaanong maunlad, ito ay isinusulat lamang
sa mga piraso ng kawayan, bato, kahoy at mga dahon at ang gamit sa paraan ng pagsulat ay
tinatawag na baybayin. Noong panahon ng Kastila ang panitikan ay naisusulat at nailimbag na
sa papel, ngunit wikang kastila lamang ang kinikilala ng panahong ito, ang panitikan natin sa
panahon ng kastila ay ikinulong ng mga kastila. Noong panahon ng mga amerikano, ang
panitikan ng Pilipino ay naging malaya, laganap, at tanyag sapagkat sa panahong ito ipinakilala
ng Amerikano ang edukasyon na syang nagpausbong at nagpasigla ng ating panitikan. Ang
hangarin ng ating panitikan noong panahong ito ay makamit ang Kalayaan, marubdob na
pagmamahal sa bayan, pagtutol sa kolonyalismo at imperyalismo.

II. Pakinggan ang mga sumusunod na awitin nina Francis Magalona (MGA KABABAYAN KO) at
Bamboo (TATSULOK) gamit ang link na ito, https://www.youtube.com/watch?
v=C5m3qxdBi98 /https://www.youtube.com/watch?v=QjJvVbAe0_s. Ibigay ang interpretasyon
mo hinggil sa mensahe ng awitin tungo sa pagiging Makabayan. Maglagay ng isa hanggang
dalawang pangungusap lamang na paliwanag/interpretasyon. (5 puntos bawat tanong).
1. “Bilib ako sa kulay ko, Ako ay Pilipino”
Ang ibig sabihin nito ay ang pagpapakita ng pagmamahal sa bansa at sakanyang
kababayan, hindi hadlang ang estado at kulay upang makamit ang pangarap kailangan lamang
magkaisa at magtulungan upang makamit ito. Tayong mga Pilipino ay dapat hindi mahiya sa
ating kulay dahil ito ay isa sa ating pagkakakilanlan bilang Pilipino, tayo dapat ang tumanggap
at tumangkilik ng ating sarili.

2. “Habang may tatsulok, ‘pag sila ang nasa tuktok, hindi matatapos itong gulo”
Ito ay naglalarawan ng pagkakaiba ng estado o antas ng pamumuhay ng mga mamamayan,
ang mga tao na tinutukoy sa tuktok ng tatsulok ay ang mga mayayaman o may kapangyarihan
at ang taong nasa baba ng tatsulok ay mga mamamayan lamang. Nangangahuluhan ito na
hangga’t ang nasa tuktok ng lipunan ay hindi magbabago, hindi rin masusugpo ang suliranin sa
lipunan. Hangga’t ang nasa taas ay umaabuso sa kapangyarihan patuloy ang paghihirap ng
mga mamamayan.

3. “Totoy makinig ka huwag kang magpagabi baka pagkamalan ka’t humandusay diyan sa tabi”
Ito ay nagpapaalala kay ‘Totoy’, isang persona na ginamit upang ilarawan ang isang
ordinaryong mamamayan na nakikipaglaban para pagbabago ng pamahalan na mag-ingat
sapagkat ang kayang buhay ay nakabaon sa hukay dahil ang kanyang kalaban ay ang
pamahalaan. ‘Baka pagkamalan ka’t humandusay dyan sa tabi’ ay patunay na walang kalaban
laban ang mga nasa ibaba at ang hustisya ay ipinagkait sakanila.

You might also like