Professional Documents
Culture Documents
EsP 9 3RD QUARTER LAS Final
EsP 9 3RD QUARTER LAS Final
Katarungang Panlipunan
Kahulugan ng Katarungan
Ang katarungan ay pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kaniya. Ayon kay Dr. Manuel B.
Dy, Jr., ito ay isang pagbibigay at hindi isang pagtanggap. Kung kaya, ang tuon ng katarungan ay
ang labas ng sarili. Nangangailangan ito ng panloob na kalayaan mula sa pagkiling sa sariling
interes. Ano naman ang nararapat sa kapwa? Ito ay ang pagpapahalaga sa kaniyang hindi
malabag na espasyo ng kaniyang pagka-indibidwal – ang kaniyang dignidad bilang tao. Ang
pagkatao ng tao ay isang katotohanang nangangailangan ng ating pagkilala at paggalang.
Ang katarungan ay batay sa pagkatao ng tao. Bakit mo kailangang maging makatarungan
sa iyong kapwa? Ito ay hindi lamang dahil ikaw ay tao kundi dahil ikaw rin ay namumuhay sa
lipunan ng mga tao. Ang pagiging makatarungan ay minimum na pagpapakita mo ng pagmamahal
bilang tao na namumuhay kasama ang iba. Halimbawa, ang paninira sa ibang tao ay isa ring
paglapastangan sa iyong sariling pagkatao.
Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang katarungan ay isang gawi na gumagamit lagi ng
kilos- loob sa pagbibigay ng nararapat sa isang indibidwal. Ang kilos- loob na isang makatuwirang
1
pagkagusto ay magpapatatag sa iyong pagiging makatarungang tao. Sa pamamagitan ng pagiging
makatarungan, sinusunod mo ang Likas na Batas Moral.
Makatarungang Tao
Ayon kay Andre Comte – Sponville (2003), isa kang makatarungang tao kung ginagamit mo
ang iyong lakas sa paggalang sa batas at sa karapatan ng kapwa. Isinasaalang – alang mo rin
ang pagiging patas sa lahat ng tao. Itinatalaga mo ang iyong sarili para rito sa kabila ng
napakaraming hindi patas na sitwasyon na maaaring nararanasan mo at maaaring minsan ay
ikaw rin mismo ang may gawa. Ang pakikibaka para sa katarungan ay isang walang katapusang
laban dahil sa katotohanang mahirap kalabanin ang mismong sarili.
Sa pamilya, una mong naranasan ang mga bagay – bagay na nagbibigay sa iyo ng
kamalayan tungkol sa katarungan. Dito, unti – unti kang nagkakaroon ng kakayahan na
mauunawaan kung ano ang katarungan. Dahan – dahang nahuhubog ang iyong pagkatao sa
paggabay ng iyong mga mahal sa buhay. Mula nang mahubog ang iyong konsensiya, natutuhan
mo na ang katarungan at kawalan ng katarungan ay hindi nakadepende kung nahuhuli ka ng
iyong mga magulang o ng iyong kapatid sa iyong mga nagawang pagkakamali. Hindi rin ito
nakabatay sa mga patakaran na sinsabi ng iyong mga nagawang pagkakamali. Nauunawaan mo
sa tulong ng iyong mga karanasan na nagiging makatarungan ka kapag iginagalang moa
ng mga karapatan ng iba at isinasaalang – alang moa ng kabutihang panlahat.
2
4. Tinuturuan ka ba nila ng pagiging mapagtimpi o pagkontrol sa sarili at pagsasaayos ng iyong
mga pagkakamaling nagagawa sa ugnayan mo sa iba?
Ang apat na aspekto na pagsasanay na ito ay ginagamitan ng iyong isip at kilos – loob.
Ang una at ikaapat na mga punto ay mga pagsasanay ng iyong kilos – loob, ang ikatlong punto ay
iyong isip at ang ikalawang punto ay ang pagsasanay ng iyong isip at kilos – loob.
Ang batas sibil ay nararapat na nakababatay sa batas moral. Ang mga legal na batas ay
kailangang nakaangklasa moralidad ng kilos. Kung hindi, ang legal na kaayusan ay mawawalan
ng kahulugan. Ihinihiwalay kasi ito sa moral na kaayusan. Mahalagang malaman na ang legal na
batas ay siyang panlabas na anyo ng moral na batas. Ang legal na kaayusan ay nararapat na
maging tulay ng moral na kaayusan sa lipunan.
Ang batas moral ay maituturing na isang panloob na aspekto ng katarungan. Ang batas
sibil ay ang panlabas na aspekto nito. “Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao ay para sa
batas.” Kung kaya, ang sistemang legal ng lipunan ng Pilipinas ay nararapat na nagbibigay ng
proteksyon sa karapatang pantao ng bawat mamamayan nito. Sa mata ng batas, ito ay nararapat
na walang mahirap o mayaman, mahina at makapangyarihan. Sa batas, lahat ay pantay –
pantay.
Katarungang Panlipunan
Ayon kay Dr. Dy, ang katarungang panlipunan ay nauukol hindi lamang sa ugnayan ng
tao sa kaniyang kapwa kundi sa ugnayan din niya sa kalipunan. Ang kapwa ay personal o
interpersonal na ugnayan mo ibang tao. Samantala, ang kalipunan (socius) ay ang ugnayan ng
tao sa isang institusyon o sa isang tao dahil sa kaniyang tungkulin sa isang institusyon. Magkaiba,
ngunit hindi magkahiwalay ang kapwa at kalipunan. Ang kalipunan ay para sa paglilingkod sa
kapwa.
3
kundi dahil sa kaniyang pagkatao. May dignidad ang tao dahil may halaga siya. Dahil mahalaga
ang tao, makatarungan na ibigay ang nararapat sa kaniya. Sa ganitong pagkakataon. ang
katarungang panlipunan ay nakatuon sa kabutihan ng tao. Samakatuwid, ang mga istraktura
ng lipunan ay nabubuo at nararapat na umiiral para sa kabutihan ng lahat ng tao.
4
Gawain 1
Panuto: Mula sa iyong pagkatuto sa babasahin, punan ng mga angkop na salita ang pangungusap sa ibaba upang
mabuo ang Batayang Konsepto. Matapos sagutin ang batayang konsepto ay sagutin ang mga tanong sa ibaba.
1. Ano ang katarungan? Bakit nangangailangan ng panloob na kalayaan ang pagtataguyod nito?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
2. Paano magiging makatarungan ang tao? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
3. Bakit nararapat na ibinabatay sa batas na moral ang batas legal? Ipaliwanag. Ipahayag ang pagsang- ayon o
pagtutol: Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas.
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
Gawain 2
Panuto: Ibigay ang hinihingi sa bawat kolum. Kumpletuhin ang bawat pahayag na hinihingi ng bawat kolum.
1.
3.
5
AUTHENTIC / PERFORMANCE-BASED ASSESSMENT
Nakita ang
S pagkamalikhain Nakita ang Hindi nakita
Pamantayan sa sa kabuuan ng pagkamalikhain ang Hindi
Malikhain ang
Pagganap presentasyon at ngunit hindi pagkamalikh nakagawa ng
paggawa ng
tunay na gaanong ain sa malikhaing
Konsepto
nakapupukaw nakapupukaw ginawang presentasyon
ng pansin ang ng pansin ang presentasyon
kabuuan ng presentasyon
presentasyon
Walang
Walang
May patunay ng kalakip na
Naibahagi sa iba May patunay ng kalakip na
pagbabahagi patunay ng
ang kaniyang pagbabahagi at patunay ng
ngunit walang pagbabahagi
ginawa at nakagawa ng pagbabahagi
nagawang at walang
nakagawa ng ulat detalyadong ngunit may
detalyadong detalyadong
ukol rito ulat ukol dito detalyadong
ulat ukol dito ulat ukol dito
ulat ukol dito
Kabuuan
Komento/Puna
6
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 9
(IKATLONG MARKAHAN)
Kagalingan sa Paggawa
Ang mga yugto o hakbang na ito ay magsisilbing susi sa pagtupad ng iyong layuning makagawa
ng isang mahusay na produkto o serbisyo. Ang kagalingan sa paggawa ay nasusukat ayon sa
maayos na pagsasakatuparan ng mga hakbang na dapat isaalang – alang sa paggawa.
Ang sumusunod na mga katangian ay makatutulong din upang magkaroon ng matalinong pag –
iisip na kailangan upang maisabuhay ang kagalingan sa paggawa. Ang mga ito ay ipinamalas ni
Leonardo da Vinci, ang itinuturing na pinakadakilang henyo sa lahat ng panahon (Gelb, 1998).
1. Pagiging Palatanong (Curiosita). Ang taong mausisa ay may likas na inklinasyon na alamin
ang mga bagay – bagay sa kaniyang paligid. Marami siyang tanong na hinahanapan niya ng mga
sagot. Hindi siya kuntento sa simpleng sagot o mababaw na kahulugan na kanyang narinig o
nabasa. Ang pagtatanong at pagbubuo ng problema (questioning and posing problems) ay isa sa
labing – anim na Gawi ng Isip (Habits of Mind) na mahalagang linangin sa mga kabataan, ayon
kay Costa at Kallick (2000).
8
2. Pagsubok ng Kaalaman Gamit ang Karanasan, Pagpupuyagi (Persistence) at ang
Pagiging Bukas na Matuto sa mga Pagkakamali (Dimostrazione). Ito ang pagkatuto sa
pamamagitan ng mga di malilimutang karanasan sa buhay upang maging matagumpay at
maiwasang maulit ang anumang pagkakamali. Dahil sa mga karanasang ito, natututo ang isang
tao na tumayo at muling harapin ang hamon na gumawa muli.
5. Ang Paglalapat ng Balanse sa Sinig, Siyensa, Lohika at Imaginasyon (Arte/ Scienza). Ito
ay pagbibigay – halaga nang may balance paghahanap sa kagandahan (beauty) at katotohanan
(truth) gamit ang sining (art) at siyensya (science)
6. Ang Pananatili ng Kalusugan at Grace, Poise (Corporalita). Ito ang tamang pangangalaga
katawan ng tao upang maging malusog at maiwasan ang pagkakaroon ng karamdaman. Kasama
dito ang pag-iwas sa anumang bisyo na pwedeng makasama sa katawan.
Maituturing na mga mahalagang kraytirya ang mga tanong na ito upang masabi na ang
paggawa ay may kagalingan o kalidad. Paano mo naipamamalas ang mga kasanayan at
katangiang nabanggit sa iyong paggawa upang malinang sa iyo ang kagalingan?
9
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 9
(IKATLONG MARKAHAN – SAGUTANG PAPEL MODYUL 10)
NAME: PANGKAT: PETSA:
Gawain 1
Panuto: Sagutin ang sumusunod sa kuwaderno.
2. May kakayahan ka bang isabuhay ang mga katangian at kasanayang nabanggit sa babasahin?
Ipaliwanag.
Gawain 2
Panuto: Anong mahahalagang konsepto ang nahinuha mo mula sa mga nagdaang gawain at
aralin? Gabay ang mga tanong sa ibaba, isulat ang iyong sagot sa kahon.
10
AUTHENTIC / PERFORMANCE-BASED ASSESSMENT
Nakita ang
S pagkamalikhain Nakita ang Hindi nakita
Pamantayan sa sa kabuuan ng pagkamalikhain ang Hindi
Malikhain ang
Pagganap presentasyon at ngunit hindi pagkamalikh nakagawa ng
paggawa ng
tunay na gaanong ain sa malikhaing
Konsepto
nakapupukaw nakapupukaw ginawang presentasyon
ng pansin ang ng pansin ang presentasyon
kabuuan ng presentasyon
presentasyon
Walang
Walang
May patunay ng kalakip na
Naibahagi sa iba May patunay ng kalakip na
pagbabahagi patunay ng
ang kaniyang pagbabahagi at patunay ng
ngunit walang pagbabahagi
ginawa at nakagawa ng pagbabahagi
nagawang at walang
nakagawa ng ulat detalyadong ngunit may
detalyadong detalyadong
ukol rito ulat ukol dito detalyadong
ulat ukol dito ulat ukol dito
ulat ukol dito
Kabuuan
Komento/Puna
11
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 9
(IKATLONG MARKAHAN)
Masipag ka ba? Naitanong mo na ba ito sa iyong sarili? Paano kung ang isang tao ay hindi
magtataglay ng ganitong katangian, ano kaya ang mangyayari sa kanyang buhay?
Natuklasan mo ang kahalagahan sa kagalingan sa paggawa. Ito ay nagsisilbing instrumento
upang ang sarili ay maiangat at mapaunlad ang ekonomiya ng isang bansa. Ang isang tao na
nagpapakita ng kagalingan sa paggawa ay makapagtatapos ng isang produkto o gawain na may
kalidad.
Sa modyul na ito, mas lalo kang bibigyan ng sapat na pagkaunawa sa mga katangian na
dapat taglayin ng isang manggagawa. Sa pamamagitan nito, matutulungan ka hindi lamang
upang mapaunlad ang bansa na iyong kinabibilangan.
Kasipagan
Ang kasipagan ang tumutulong sa isang tao upang mapaunlad niya ang kaniyang
pagkatao. Nagagamit niya ito sa mabuting pakikipagrelasyon niya sa kanyang kapwa at mula sa
kasipagan na taglay niya ay makatutulong siya na mapaunlad ang bansa at lipunan na kaniyang
kinabibilangan.
3. Hindi umiiwas sa anumang gawain. Ang taong masipag ay hindi umiiwas sa anumang gawain
lalo na kung ito ay nakaatang sa kanya. Ito ay ginagawa niya ng maayos at kung minsan ay higit
pa na maging ang gawain ng iba ay kaniyang ginagawa. Hindi na niya kailangan pang utusan o
sabihan bagkus siya ay mayroong pagkukusa na gawin ang gawain na hindi naghihintay ng
anomang kapalit.
Mahalaga na taglayin ng isang tao ang kasipagan sapagkat isa itong susi sa
magandang kinabukasan. Ang pagiging masipag ay magbubunga ng mas maraming biyaya sa
mga taong nagtataglay ng ganitong katangian.
Lahat ng tao ay naghahangad ng magandang buhay. Ito ay hindi lamang para sa ating
mga sarili, kundi pati na rin sa ating minamahal sa buhay. Kung mas maganda o magiging sagana
ang ating buhay mas magkakaroon pa tayo ng higit na pagkakataon na makapagbigay o tumulong
sa ating kapwa. Mahalaga sa tao ang maging masipag upang siya ay mayroong maabot o marating
na magandang bukas. Kung ang isang nilikha ng Diyos ay masipag na gumawa ng kabutihan
makakamit niya ang buhay na walang hanggan. Lagi nating tandaan na ang kasipagan sa
paggawa nang may kabutihan ang magpapaunlad sa ating bayan.
Ang kabaligtaran ng kasipagan ay katamaran. Ito ay hindi dapat taglayin sapagkat ito
ay pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho. Ang katamaran ang pumipigil o
humahadlang sa tao upang siya ay magtagumpay. Ang isang taong tamad ay ayaw tumanggap ng
gawain. Hindi pa niya ito nasisimulan ay umaayaw na siya. Palagi niyang nararamdaman ang
kapaguran kahit kaunti pa lamang ang kaniyang nagagawa. Kadalasan, hindi niya natatapos nang
maayos ang isang gawain. Kung kaya’t dapat na puksain natin ang katamaran at huwag itong
bigyan ng puwang sa ating kalooban sapagkat wala itong maidudulot na maganda sa ating
kinabukasan.
Bilang kabataan ay dapat lagi mong ipakita sa lahat ng oras at pagkakataon ang
iyong kasipagan sa iyong gawain. Ngunit lagi mo ring tatandaan na sa isang gawain ay tiyak na
makararamdam ka ng hirap, pagod ng katawan at isipan, mga pagsubok at mabibigat na problema
ngunit sa mga ganitong pagkakataon ay hindi dapat sumuko sapagkat ang pagsuko ay
karuwagan.
Pagpupunyagi
13
Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa Naimpok
Ayon sa Teorya ni Maslow, The Hierarchy of Needs, ang pera ay makatutulong sa tao
na maramdaman ang kaniyang seguridad sa buhay lalo na sa hinaharap. Kung kaya’t dapat
pahalagahan an gating mga naipon. Sapagkat hindi napupulot ang pera, hindi ito mapipitas sa
mga puno, o di kaya hindi ito nalalaglag mula sa langit. Ang pera ay pinagpapaguran upang kitain
ito. Kaya kinakailangan lamang na gastusin sa tama upang huwag itong mawala. Ayon sa isang
financial expert na si Francisco Colayco, mayroong tatlong dahilan kung bakit kailangan na mag-
impok ang tao.
1. Para sa proteksyon sa buhay. Maraming mga hindi inaasahan na maaaring mangyari sa buhay
ng tao tulad na lamang ng pagkakasakit, kalamidad, pagkawala ng trabaho o pagkabaldado. Kung
sa hindi inaasahang pagkakataon ay mangyari ito, kailangan na ang tao ay nakahanda at
mayroong magagamit na emergency fund sapagkat kung wala ay mahihirapan siyang makabangon
mula dito.
2. Para sa mga hangarin sa buhay. Ito ang nagiging motibasyon ng iba. Ang mag-impok para sa
hangarin sa buhay na mabigyan ng magandang edukasyon ang mga anak, ang magkaroon ng
sariling bahay at magkaroon ng maayos na pamumuhay. Mahalaga na matamo ang mga ito bilang
bahagi ng ating kaganapan sa buhay.
Ayon pa rin kay Francisco Colayco, kinakailangan na tratuhin ang pag-iimpok na isang
obligasyon at Hindi Optional. Gaano man kalaki o kaliit ang kinikita ay obligasyon natin sa ating
sarili ang pag-iimpok. Kaya, simulan mo na hanggat maaga. Sapagkat ito ang makapagbibigay ng
masaganang bukas. Tingnan natin ang isang langgam, sa tag-araw ay buong sipag silang nag-
iipon ng pagkain kung kaya’t sa pagdating ng tag-ulan ay kampante na sila na hindi magugutom
dahil matagal na nila itong pinaghandaan. Tayo rin bilang tao ay dapat mag-ipon habang tayo ay
malakas upang makamtan natin ang magandang bukas.
14
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 9
(IKATLONG MARKAHAN – SAGUTANG PAPEL MODYUL 11)
Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Sagutin ang sumusunod.
3. Anu – ano ang indikasyon ng taong nagtataglay ng kasipagan, pagpupunyagi, pagiging matipid,
at wastong pinamahalaan ang naimpok?
4. Paano makatutulong sa tao ang mga katangian na ito lalo na pagdating sa trabaho?
5. Ano sa palagay mo ang mangyayari sa tao kung hindi niya pinagsikapan na linangin ito sa
kaniyang sarili? Bakit? Ipaliwanag.
15
Gawain 2
Panuto:
16
AUTHENTIC / PERFORMANCE-BASED ASSESSMENT
Subject Matter : Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Quarter : Ikatlong Markahan 3
Learning Competency : Naisasagawa ang isang gawaing tutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral o
kabataan sa paaralan o pamayanan sa aspetong intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan, o pulitikal
Learning Competency Code : EsP9KP- IIIe-12.2
Title of the Activity : “Pagsisikap at Pagpupunyagi Tungo sa Pagkamit ng Pangarap”
P
Virtual Presentation/Reflective Journal Writing
Produkto
Rubric sa Pagganap
Puntos
Kriteriya
10 8 5 2
Walang
Komprehensibo Naipaliwanag Hindi gaanong Hindi
naipaliwanag
ang ginawang ng mabuti ang naipaliwanag ng naipaliwanag
ng mabuti sa
paliwanag sa konsepto mabuti ang ng mabuti
konsepto
Konsepto konsepto ang konsepto
S Nakita ang
pagkamalikhain Nakita ang Hindi nakita
Pamantayan sa
Pagganap sa kabuuan ng pagkamalikhain ang Hindi
Malikhain ang
presentasyon at ngunit hindi pagkamalikh nakagawa ng
paggawa ng
tunay na gaanong ain sa malikhaing
Konsepto
nakapupukaw nakapupukaw ginawang presentasyon
ng pansin ang ng pansin ang presentasyon
kabuuan ng presentasyon
presentasyon
Walang
Walang
May patunay ng kalakip na
Naibahagi sa iba May patunay ng kalakip na
pagbabahagi patunay ng
ang kaniyang pagbabahagi at patunay ng
ngunit walang pagbabahagi
ginawa at nakagawa ng pagbabahagi
nagawang at walang
nakagawa ng ulat detalyadong ngunit may
detalyadong detalyadong
ukol rito ulat ukol dito detalyadong
ulat ukol dito ulat ukol dito
ulat ukol dito
Kabuuan
Komento/Puna
17