Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Halimbawang Pagsasalin Ng Mga Salita

Mga Salita:
Tubo = Sugarcane Pipe Grow
Bukas = Tomorrow Open
Araw = Day Sun

Mga Parirala:
“runny nose” Mali: tumatakbong ilong Tama: sinisipon
“fall in line” Mali: mahulog sa linya Tama: pumila
“study hard” Mali: mag-aral ng matigas Tama: mag-aral ng mabuti

Mga Pangungusap:
“You are the apple of my eyes.”
Mali:Ikaw ang mansanas ng aking mga mata.
Tama: Ikaw ang pabor ng aking mga mata

“Balang araw, maghihiganti ako.” Mali: Bullet sun, I will giant.


Tama: Someday, I’ll take revenge.

“Noynoy wants to be a president with a difference.”


Mali: Gusto ni Noynoy na maging isang presidenteng may diperensya.
Tama: Nais ni Noynoy na maging isang naiibang pangulo.

“Our environment, the world in which we live and work, is a mirror of our attitudes and expectations.”
Mali: Ang aming kapaligiran, ang mundo kung saan tayo nakatira at trabaho, ay isang salamin ng aming mga saloobin
at mga inaasahan.
Tama: Ang ating kapaligiran, ang mundo kung saan tayo namumuhay at naghahanapbuhay ay sumasalamin sa ating
saloobin at inaasahan.

“Earth provides enough to satisfy every man’s needs, but not every man’s greed.”
Mali: Earth ay nagbibigay ng sapat na upang masiyahan ang mga panga-ngailangan ng bawat tao, ngunit kasakiman
hindi lahat ng tao.”
Tama: Ang mundo ay nakapagbibigay nang sapat upang matugunan ang pangangailangan ng bawat tao, subalit hindi ang
kasakiman ng tao.

Iba Pang Halimbawa::


Orihinal Salin

“How do I live without you? Paano pa mabubuhay kung wala ka?


I want to know. Gusto kong malaman
How do I breathe without you? Paano pa hihinga kung wala ka?
If you ever go? kapag lumisan ka na?
How do I ever, ever survive? Paano na ako, paano na kaya?
How do I? How do I? Paano pa? Paano na, sinta
Oh I do I live?” Mabubuhay pa kaya?

You might also like