Description Sa Mga Aso NG R'

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Architect Berlin- Ang star sa starbucks. Mahilig sa kape.

Sing pait ng kape ang mukha niya sa


t’wing seryoso siyang nagche-check ng mga plates ng mga estudyante niya gamit ang red na
bolpen. Ang sakit sa mata,dahil pula dito, pula doon, mas Malaki pa ang pagkakabilog ng bagsak
na grado ng estudyante niya kaysa sa palo ng manok! Char. Mataas ang standard niya, kaya
gusto niyang mas pagbutihin pa ng iba ang kurso nila- heto siya bilang architect na professor.

Mahilig sa pintura’t canvas at lumilikha siya ng mga magagandang obra. Cool na artist, kumbaga.
Kaya nga siya ang Adviser ng Regina. Manginginig siguro sa takot ang ibang artist kapag papakita
kay Sir ang gawa nilang artwork. Sobrang pressure sa part nila dahil magaling siya at mataas ang
standard niya. Pero sa kabila no’n, isa siyang mabait at matulungin sa mga alaga niyang aso sa
office, este tao. Sa mga staff. Hindi siya gano’n ka strikto, suportado niya lahat ng ginagawa
naming lahat, komportable kaming magsabi ng mga bagay at suhestyon na kailangan upang mas
umayos pa ang organisasyon. Mahilig siya makinig. Pinakikinggan niya kami sa lahat ng
pagkakataon kahit pa minsan nakakarindi na.

Ang nakakatuwa pa nga e, sa unang buwan na nakasama namin siya para siyang problemado sa
buhay na walang tulog magdamag na nasa sulok lagi ng office kung nasaan ang pwesto niya.
Salamat sa mga events tulad ng SPAM at RHEPC, mas nakabonding namin siya at nakilala!
Medyo hindi na gano’n kaasim ang mukha niya, isa na siyang bogart na barkada ni marites dahil
isa na siya sa mga chismoso. Charot.

Isa siyang mabait na adviser, professional na professor, magaling na artist. Siguro


nakatadhanang siya ang aming adviser sa batch namin. Swak na swak para sa aming lahat. Kahit
pa sobrang daming ganap sa buhay, hindi niya kami pinapabayaan. Hay nako, baka umiyak pa si
sir kapag nabasa niya ‘to. Thank you to our adviser who’s very supportive, loving and caring to
us. Salamat sa pagsama sa trip na bumabalanse sa mga kalokohan at kaseryosohan sa buhay.

Enzo- Paano ko ba siya ide-describe kung alam niya naman na lagi siyang nakasimangot, pero
ang tugon niya, “ paanong hindi mag-aasim mukha ko puro konsomisyon kasama ko”. Pero deep
inside, alam ko naming bardagulan at asaran lang naming ‘yon. Para pampatibay ng relasyon,
para mas lumalim ang koneksyon sa pagitan ng mga heads at staff. Sobrang thoughtful niya at
ipu-push niya ang mga staff para mas maging better na journalist. Siya ang pinakabata sa amin,
pero ‘di alintana ‘yon para gawin ang obligasyon niya bilang EIC. Siya pa ang counselor namin,
siguro lahat ng stress at problema ng bawat isa, alam niya. Para lang naming siyang barkada sa
labas, pero kapag trabaho, trabaho. Professional na journalist, small but terrible! Psych pero
mas kailangan niya ng therapist. Charot. Ang mabait, matalino at masipag naming EIC. Grateful
to be part of his batch.

Kuya Ken- Sino siya ang lakas ng dating? Ang lakas ng dating… ang lakas niya magsulat! Grabe,
halimaw sa mga salita at tugma. Mataba ang utak. Ma-chix to. Kapag pumapasok siya sa R’,
hindi lang isa, kundi dala dalawang magandang dilag at doon dinig mo na ang asaran sa loob ng
office dahil sa kalokohan nila. Siya ang paborito ko sa lahat, sobrang soft niya bilang associate
director. Alam niya paano i-encourage ang katulad kong mahina ang loob para mas gumanda
ang article. Siya ang kuya ng lahat. Pero guess what, kapag nag open ka siya kaniya ng problema
ang ending siya pa ang iko-comfort mo! HAHAHAA. We appreciate your kindness kuya ken!

Gelo- Ang caring at sweet naming managing editor for publication. Sobrang thoughtful niya at
clingy. Siguro kaya siya sweet dahil din mahilig siya sa matamis tulad ng Choc-O drinks. Student
leader dahil napakarami niyang organisasyon na sinasalihan. Pwede kang magsabi sa kaniya ng
problema dahil hindi lang computer at software ang alam niyang I-repair, good adviser din at
listener.

Jun- Bagay sa kaniya ang apilyido, “Manguerra”, mahilig kasi to sa gyera. Palaban, walang
inuurungan lalo na kapag kapakanan ng mga staff at Regina. Pwede mo ‘tong ipasok sa kongreso
tapos kalaban niya ang gobyerno. Hindi papaawat lalo na tuwid at makatwiran naman ang
sitwasyon na nangyari. Pero sa likod no’n, siya ang pinakacute sa office, para kasi siyang bata
kumilos, bata makipag usap, nanlilibre ng ice cream, at mukhang inosente na walang muwang
sa mundo.

Ken- Ang circulations manager. Bungad niya sa’yo ang mga chismis na ‘di mo alam saan niya
nakuha at sa reliable sources ba nanggaling. Masipag. Makwento. Judgemental pa nga. Pero
mabait ‘to. Kung iikutin niya siguro ang buong campus may kachikahan siya at chismis na
makukuha. Gano’n siya katinik sa mga issue. Hay nako!

Jearl- Ang Epitome ng UA. Biasa, Mayap, Maganaca. Jusko, Pinakamatalino sa R’, masipag mag-
aral at magreview. kung makikilala mo ‘to ng mas malalim, para siyang artista na sobrang linis sa
katawan dahil lahat yata ng skin care meron siya. Ewan ko kung gaano karami ang braincells na
meron siya pero sobrang taba nang utak kahit pa balingkinitan ang katawan niya.

Danica- Ang isa sa mga baby ng R’. Sing cute niya ang boses niya. Para kang nakikinig sa kinder
kapag nagkwekwento siya. Para naman siyang pusa kapag sumigaw at tumawa. Medyo
mahinhin, medyo lang. Hindi siya yung nakakairitang pabebe na babae, pangigigilan mo mga
pisngi niya. Mamaw gumawa ng tula, parang matutulala ka nalang sa ginawa niyang tugma.

Kyla- Ang pinakamabait at masunurin na baby ng R’. Sobrang lambing ng batang ‘to. Isa pa sa
nakakaaliw eh, ang galing niyang kumuha ng litrato. Kapag inutusan mo magbibigay talaga ng
oras para gawin ang isang bagay. Nakakamangha talaga na kahit sobrang hectic ng sched nila eh
nagagawan niya ng oras ang obligasyon sa R’. Thank you for that!

Sophia- Ang galante at pinakamayaman sa R’. Magugulat ka nalang sa mga regalong ibibigay
niya. Hindi lang ‘yon, masipag pa siya at gagawin niya lahat ng makakaya niya para sa ikabubuti
ng staff. Kung sa unang tingin -para siyang kontrabida sa pelikula, pero sa tutuusin e, isa siya sa
caring at maalaga sa loob ng office.

Zan- Ang pinakamahinhin sa lahat ng mahinhin. Siya yung pagkakamalan mong inosente na
kulang sa discovery at exploration sa buhay. Kumbaga kung iiwan mo siya sa isang lugar, hindi
siya aalis hangga’t ‘di mo sasabihan. Overthinker. Sobrang negative niya mag-isip kaya’t buti
nalang may mga kasama siyang positibo sa buhay. Kahit na gano’n isa siya sa pinaka inaasahang
artist sa loob ng R’.

Irish- May tinatagong galling pala ‘to sa pagsulat at pagguhit. Siya lang yata ang nasa healthy
relationship. Kemi! Mabait ‘to at sweet. Kung kasama ko siguro to araw araw hindi ako
magugutom. Napakarami niya laging dalang miryienda. Masipag pa! Hay, buti nalang talaga at
isa rin siya sa mga nahawaan ng rabbies este ng mga chika kaya napasama siya sa mga ganap sa
loob ng R’ na nag udlot sa kaniyang maging active!

Lei- Mr. UA ng R’. Ang kapatid naming lahat. Iniisip ko kung iniisip niya habang binabasa niya ‘to.
Kasi nga, conscious siya at madali siyang mag overthink, lalo na sa sasabihin ng iba. Kahit gano’n
sa batang edad niya, matured na siya humawak ng relasyon lalo na sa kaibigan.
Pinahahalagahan niya yung mga taong mahalaga sa kaniya. Pwede mong kwentuhan kahit ilang
oras dahil pakikinggan ka niya talaga kahit pa talambuhay mo pa. Kung kalokohan siguro,
mananalo siya. Ang papalit kay Kween Yasmin sa panahon nila.

Rhandol- Ang bida sa Y2K fashion show. Astig pumorma, may dating! pwedeng model sa
darating na panahon. Walang sawang kakatawa ang gagawin mo kapag siya ang kasama.
Maraming chika at kwentuhan na puro halakhak ang magiging resulta. Siya ang may sense of
humor, yung joke at banat niya yung nakakatawa at nagdadala.

Shem- Mamaw. Literal na halimaw sa mga artworks na pinapasa niya. Isa sa may mga kusang
maglinis ng office dahil isa rin sa mga tambay dahil sa bungi bungi niyang sched. Tahimik ‘to
noon at nangingig pa kapag nagpapasa ng plate kay Sir Berlin, ngayon ka chismisan niya na.
Pagkapasok sa office chismis ang dala. Siya yung tipong kaya ng bumuo ng draft at layout ng
bahay kapag bored, wala siyang ibang ginawa kundi gumuhit kahit sa oras nang pahinga. Kahit
siguro sa pagtulog drawing nasa isip niya. Pwedeng ilaban kay Leonardo Da Vinci.

Denver- Ito lang ang may sure na pwesto sa langit. Kung itatanong mo mga history ng santo,
alam niya. Makatao, Makakalikasan, higit sa lahat Maka-Diyos siya. Isa sa mga masisipag mag
cover ng mga events dahil sa galing din niyang kumuha ng video at litrato. Kinulang man sa
height mataas naman ang pananampalataya kay Lord. Iyan si Denver, ang matino at mabait sa
lahat ng staff ng R.

Trisha- Madaldal. Yung daldal na may sense. Pang matinuang usapan. Siya yung jolly type na
person pero maraming alam ireklamo sa paligid niya. Pwede mong ipakiusap kay tulfo. Bagay sa
kaniya ang kurso niyang AB Comm. Alam niya ang mga kinahaharap na issue, school man ‘yan o
pang gobyerno.

Noel- Seryoso sa lahat ng staff. Professional. Kung ayaw mong mapahiya sa joke mo, huwag siya
ang target. Pero kapag siya ang bumanat, atake at tawanan ang kalalabasan. Yung sense of
humor niya nakatago, siguro kapag komportable na siya sa tao doon niya ilalabas yung
kalokohan na meron siya. Ang maganda pa sa kaniya ay kapag trabaho, trabaho. Isa sa mga
mamaw na artist na pwede mong ilaban kahit pa sa larangan ng art works and photography.
Uzrhein- Pinakapogi sa R’. Literal na crush ng bayan. Ang layout artist at Video Editor ng R’. Hindi
lang shots ang nakukuha niya, pati puso ng iba, minsan nga kahit taken na nahuhumaling pa sa
kaniya. Siguro dahil din sa personalidad niya, tahimik, mysterious, tipikal na magugustuhan at
mapapansin ng mga babae. Hindi lang kasi ‘yon, matalino siya at magaling sumulat. Good
listener din, lahat ng kwento mo wala siyang comment pero pakikinggan niya. Pero, Hay nako!
Kung kasalanan siguro ang maging gwapo, nakulong na siya.

You might also like