Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sanggunian:

https://th.bing.com/th/id/OIP.CQ5r_Ho1GzCOsgPbSI_tnAAAAA?rs=1&pid=ImgDetMain

Covid-19

Covid-19 isang dahilan ng maraming takot, panganib, pag-aalala at higit sa lahat kamatayan.
Noong 2019 ang virus na ito ay nagkalat sa buong mundo at nag dala ng takot sa mga tao, ipinapakita sa
editorial cartoon na ito ang matinding takot ng isang lalaki sa sakit at maging sa doctor na silang nagsilbig
mga bayani sa panahon ng pandemya.

Ang pag siklab o pag kalat ng sakit na ito ay nagdulot ng matinding pag iwas, kawalan ng tiwala
sa kanilang kapwa katulad ng nasa larawan matinding takot ang kanyang nadarama dahil sa epekto ng
sakit sa mga tao. Dahil sa kumakalat na sakit na ito nag karoon ng mga kuro-kuro, sabi-sabi ang mga tao
kung saan nanggaling ang sakit, may ilan na nag sabi na maari itong makuha sa hangin kaya sa kabilang
banda ang pagsisinungaling ng mga tao ang naging dahilan kung bakit lalong nagulo ang takbo ng
ekonomiya ng bansa. Ang mga doctor o ang nasa institusyon ng ospital ang nagsilbing mga bayani sa
panahon na ito, na kahit alam nila sa kanilang sarili na maari silang makakuha ng sakit na ito, ay patuloy
pa din silang tumutulong sa kanilang kapwa. Ang lalaki sa larawan ay may takot, pangamba na maari
siyang mamatay kung malalaman ng espesyalista na siya ay mayroong sakit na nakuha, kaya mahirap sa
mga doctor na iligtas o magbibigay ng gamot o lunas dahil sa pagtatago ng tunay na nararamdaman ng
mga tao. Bilang mga doctor mahirap man ang kanilang tungkulin, na maari silang malagay sa panganib sa
kanilang propesyon sa panahon na ito ay di nawala ang pagiging mabuting puso sa kapwa. At sa tao na
nagsisinungaling ay siyang lalonng nag papahamak sa kanilang sarili maging sa kanilang kapwa dahil hindi
din mawawala ang pag aalala sa sarili na maaring sila ay mamatay sa kadahilanang maaring wala na
silang pag-asa na gumaling pa.

Para sa akin ipinakita sa Editorial Cartoon na ito na sa panahon ng pandemya isipin din natin ang
iba wag lang ang ang ating sarili dahil sa patuloy na ginagawa natin mas lalong lumalala ang hamon na
kinakaharap nang bawat tao. Tagos sa puso ang bawat araw na ginagawa ng ating mga bagong bayani.

You might also like