320336170-Kumpil - PDF 20240419 101115 0000

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 45

BAGO ANG PAGDIRIWANG

Bago simulan ang pagdiriwang ay babatiin ng tagapagpadaloy ang mga tao sa ganitong paraan:

Magandang hapon po sa inyong lahat, mga kapatid.


Ngayon po ay ating ipagdiriwang ang Pagmimisa
para sa Pagtanggap ng Sakramento ng Kumpil.

Sa pagtupad sa misyon ni Kristo


na ipinagkatiwala sa ating lahat na mga binyagan,
inaasahan ng Diyos Ama ang ating pagmamahal ng buong katapatan.
Ang katapatang ito ay pakikipagtulungan
sa pagkilos ng Banal na Espiritu: ang Espiritu ng Pagmamahal.
Dahil dito, tayong lahat ay magiging ganap na Katoliko
kung tayo ay pinakikilos, pinalalakas
at ginagabayan ng Espiritu Santo.
Nawa’y mag-alab sa ating puso ang pag-ibig
sa pamamagitan ng Banal na Eukaristiyang ito
na kung saan isusugo ang mga tatanggap ng Sakramento ng Kumpil.

Ang ating banal na pagdiriwang


ay pamumunuan ng Lubhang Kagalang-galang
Antonio R. Tobias, DD, Obispo ng Emerito Novaliches.

Magsitayo po ang lahat, pag-isahin natin


ang ating mga isip at puso sa pagsamba at pag-awit
sa pagsisimula ng ating pagdiriwang.
PASIMULA
PAMBUNGAD
Kapag natitipon na ang sambayanan, ang Obispo at mga tagapaglingkod ay lalakad patungo sa
dambana samantalang ang awiting pambungad ay ginaganap.
PAMBUNGAD
R OMA 5,5; 8, 11
Pag-ibig ng Amang Diyos
sa puso nati’y nabuhos.
Espiritu n’ya’y kaloob
upang mamuhay ng lubos
sa ating puso’y lumukob.

Pagsapit sa dambana, ang Obispo at mga tagapaglingkod ay magbibigay-galang alinsunod sa


hinihinging paraan. Magbibigay-galang ang Obispo sa dambana sa pamamagitan ng paghalik sa
ibabaw. Kung minamabuti niya, maiinsensuhan niya ito. Pagkatapos, ang Obispo ay paroroon sa
kanyang upuan.
Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang Obispo at ang mga tao ay
magkukrus. Ipahahayag ng Obispong nakaharap sa mga tao:

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.


Sasagot ang mga tao:
Amen.
Ilalahad ng Obispo ang kanyang mga kamay bilang pagbati sa mga tao, habang ipinahahayag:

Sumainyo ang kapayapaan.


Sasagot ang mga tao:
At sumaiyo rin.
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

Ang Obispo o ang diyakono o sinumang angkop na tagapaglingkod ay makapagbibigay ng maikling


paliwanag tungkol sa buod ng Misang ipagdiriwang.

Sa sakramento ng kumpil,
tinatanggap ang Espiritu Santo,
ang Espiritu ng Diyos na nagkatawang-tao
sa sinapupunan ni Maria.
Ito ang Espiritu ng Panginoong Hesukristo
na nagpagaling sa maysakit,
nagtaboy sa mga masasamang espiritu,
gumawa ng mga himala,
nakiisa sa mga dukha, makasalanan at mga pinagtatabuyan
at nangaral ukol sa Paghahari ng Diyos.
Ito ang Espiritung ipinasa ni Kristo
noong siya ay mamatay sa krus
ipinasa sa atin na kanyang Simbahan.
Ito ang Espiritung lumapag sa mga alagad
noong Pentekostes
na nagkaloob sa kanila ng lakas ng loob at kapangyarihan,
lakas ng loob at kapangyarihang ipagpatuloy
ang misyon ni Kristo,
ang pagpapahayag ng Salita ng Diyos
ang pag-aalay para sa kaligtasan ng sangkatauhan
at paglilingkod para sa ikabubuti ng kapwa.

Mga kukumpilan, ngayon ang inyong Pentekostes,


tatanggapin ninyo ang Espiritu ng Diyos
sa pamamagitan ng pagpapahid ng langis.
Ngunit ang kaloob sa inyong Espiritu
ay hindi lamang para sa inyo.
Ito ay dapat magtulak sa inyo
na maging tunay na alagad ni Kristo.

2
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

Gamitin ninyo ang kanyang mga kaloob na kakayanan


sa pagtulong at paglilingkod sa inyong kapwa,
at sa pakikibahagi sa misyon at gawain ni Kristo
at kanyang Simbahan.
Hamon ni Kristo,
“Kung ibig ninumang sumunod sa akin,
limutin niya ang ukol sa kanyang sarili,
at sumunod sa akin.”
PAGSISISISA KASALANAN
Susunod na gaganapin ang pagsisisi sa kasalanan. Aanyayahan ng Obispo ang mga tao:

Mga kapatid, tinipon tayo bilang mga kaanib


ng angkan ng Diyos
kaya dumulog tayo sa maawaing Panginoong
nagpapatawad ng lubos.
Magkakaroon ng saglit na katahimikan.
Pagkatapos, ipahahayag ng Obispo o ng sinumang angkop na tagapaglingkod ang mga
sumusunod na mga pagluhog.

Sinugong tagapagpagaling sa mga nagsisisi,


Panginoon, kaawaan mo kami.
Sasagot ang mga tao:
Panginoon, kaawaan mo kami.
Ang Obispo:

Dumating na Tagapag-anyayang mga makasalana’y magsisi,


Kristo, kaawaan mo kami.
Sasagot ang mga tao:
Kristo, kaawaan mo kami.

3
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

Ang Obispo:

Nakaluklok ka sa kanan ng Diyos Ama


para ipamagitan kami,
Panginoon, kaawaan mo kami.
Sasagot ang mga tao:
Panginoon, kaawaan mo kami.
Ipahahayag ng Obispo ang pagpapatawad.

Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,


patawarin tayo sa ating mga kasalanan,
at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
Sasagot ang mga tao:
Amen.

4
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

PAPURI
Aawitin ng lahat:

Papuri sa Diyos sa kaitaasan


at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.
Pinupuri ka namin,
dinarangal ka namin,
sinasamba ka namin,
ipinagbubunyi ka namin,
pinasasalamatan ka namin
dahil sa dakila mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng langit,
Diyos, Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin.
Sapagka’t ikaw lamang ang banal,
ikaw lamang ang Panginoon,
ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan,
kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.

5
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

PAMBUNGAD PANALANGIN
Pagkaraan ng awit, magkadaop ang mga kamay na ipahahayag ng Obispo:

Manalangin tayo.
Ang lahat kaisa ng Obispo ay tahimik na mananalangin nang saglit. Pagkalipas ng ilang sandali,
ilalahad ng Obispo ang kanyang kamay at ipahahayag ang panalanging pambungad:

Ama naming makapangyarihan,


isugo Mo sa amin ang Iyong Espiritu Santo.
Sa tulong ng Kanyang lakas
kaming lahat nawa’y makapamuhay ng nagkakaisa,
matatag sa pagmamahalan,
at masigasig sa pagtulad sa aming huwaran
na si Hesukristo, ang aming Panginoon
na nabubuhay at naghahari kasama Mo at ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:
Amen.

6
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS


NANG
U APAGBASA
A B ISAIAS 61: 1-3, 6, 8-9
Paroroon sa pook ng pagbasa ang maglalahad ng Salita ng Diyos.
Ipahahayag ng tagabasa:

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Pinuspos ako ng Panginoon ng kanyang Espiritu.


Hinirang niya ako upang ang magandang balita’y
dalhin sa mahihirap,
pagalingin ang sugat ng puso,
palayain ang mga bihag at bilanggo.
Sinugo niya ako, upang ibalitang
ngayo’y panahon nang iligtas ng Panginoon
yaong mga tao na hinirang niya,
at upang lupigin lahat ang mga kaaway;
ako ay sinugo upang aliwin ang mga nangungulila,
upang ang tumatangis
na mga taga-Sion ay paligayahin,
sa halip na lungkot,
awit ng pagpuri yaong awitin;
Ang Diyos na Panginoon
iingatan sila at kakalingain.
Ngunit kayo nama’y siyang maglilingkod
sa Diyos na Panginoon,
kayo ay gagawin niyang saserdote.
Gagantimpalaan ko ang mga taong tapat sa akin,
walang hanggang tipan ang aking gagawin.

7
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

Itong lahi nila ay makikilala sa lahat ng bansa,


pati anak nila’y makikilala rin sa gitna ng madla;
sila’y kikilalaning anak ng Panginoon saan man makita,
at tatawaging bayang pinagpala, hinirang ng Panginoon
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ipahahayag niya:

Ang salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.

SALMONG UGUNAN T SALMO 95, 1-2A. 2B-3. 11-12. 13UGON


(T : LUCAS 2, 11)
Aawitin ng salmista:

Espiritu mo’y suguin,


Poon, tana’y ‘yong baguhin.
Tutugon ang lahat:
Espiritu mo’y suguin,
Poon, tana’y ‘yong baguhin.
Aawitin ng salmista:

Pinupuri ka Poong Diyos, nitong aking kaluluwa.


O Panginoong Diyos, kay dakila mong talaga!
Sa daigdig, ikaw Poon, kay rami ng iyong likha,
Pagka’t ikaw ay marunong kaya ito ay nagawa.
Sa dami ng nilikha mo’y nakalatan itong lupa.
Tutugon ang lahat:

Espiritu mo’y suguin,


Poon, tana’y ‘yong baguhin.

8
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

Aawitin ng salmista:

Lahat sila’y umaasa, sa iyo ay nag-aabang;


Umaasa sa pagkain na kanilang kailangan.
Ang anumang kaloob mo ay kanilang tinatanggap,
Mayro’n silang kasiyahan pagka’t bukas ang ‘yong palad.
Tutugon ang lahat:
Espiritu mo’y suguin,
Poon, tana’y ‘yong baguhin.
Aawitin ng salmista:

Taglay mo ang katangiang buhay nila ay ibalik,


Bagumbuhay ay dulot mo sa nilikha sa daigdig.
Sana ang ‘yong karangala’y manatili kailanman,
Sa lahat ng iyong likha ang madama’y kagalakan.
Tutugon ang lahat:
Espiritu mo’y suguin,
Poon, tana’y ‘yong baguhin.
Aawitin ng salmista:

Aawitan ko ang Poon, palagi kong aawitan.


Siya’y aking pupurihin habang ako’y nabubuhay.
Ang awit ng aking puso sana naman ay kalugdan,
Habang aking inaawit ang papuri sa Maykapal.
Tutugon ang lahat:
Espiritu mo’y suguin,
Poon, tana’y ‘yong baguhin.

9
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

IKALAWANG
PAGBASA 1C ORINTO 12: 4-13
Paroroon sa pook ng pagbasa ang maglalahad ng Salita ng Diyos.
Ipahahayag ng tagabasa:

Pagbasa mula sa unang Sulat ni Apostol San Pablo


sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, iba’t iba ang kaloob,


ngunit iisa lamang ang Espiritung nagkakaloob ng mga ito.
Iba’t iba ang paraan ng paglilingkod,
ngunit iisa lamang ang Panginoong pinaglilingkuran.
Iba’t iba ang mga gawain
ngunit iisa lamang ang Diyos na sumasalahat
ng taong gumagawa ng mga iyon.
Ang bawat isa’y binigyan ng kaloob
na naghahayag na sumasakanya ang Espiritu,
para sa ikabubuti ng lahat.
Sa isa’y ipinagkaloob sa pamamagitan ng Espiritu
ang kakayahang magpahayag ng aral ng Diyos.
Ang iisang Espiritu ring iyon ang nagkakaloob sa iba
ng malaking pananalig sa Diyos,
at sa iba’y ang kapangyarihang
magpagaling sa mga maysakit.
May pinagkalooban ng kapangyarihang
gumawa ng mga kababalaghan;
may pinagkalooban naman ng kahusayan
sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos.
At may pinagkalooban din ng kakayanang makakilala
kung aling kaloob ang mula sa Espiritu.
May pinagkalooban ng kakayahang magsalita
sa iba’t ibang wika, at sa iba naman,
ang magpaliwanag niyon.

10
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

Ngunit isa lamang Espiritu ang gumagawa


ng lahat ng ito at namamahagi ng iba’t ibang kaloob,
ayon sa kanyang maibigan.
Sapagkat si Kristo’y tulad ng isang katawan
na may maraming bahagi;
bagamat binubuo ng iba’t ibang bahagi,
iisa pa ring katawan.
Tayong lahat, maging Judio o Griego, alipin o malaya,
ay bininyagan sa iisang Espiritu
upang maging isang katawan.
Tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu.
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, aawitin niya:
Ang salita ng Diyos.
Aawitin ng lahat:
Salamat sa Diyos.
Matapos ay ipapahayag ng tagapagpadaloy:

Magsitayo po ang lahat para sa Mabuting Balita.

11
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

AWIT-PAMBUNGAD SA M ABUTING BALITA

Papuri sa’yo, Salita ng Diyos,


Panginoong Hesukristo.
Pahayag sa tanang tao,
ihatid ninyo sa mundo.
Kayo at ang Espiritu
ang s’yang magpapatotoo
tungkol sa aral ni Kristo.

Papuri sa’yo, Salita ng Diyos,


Panginoong Hesukristo.
Samantalang ginaganap ang pag-awit, mgalalagay ng insenso sa insensaryo ang Obispo kung
minamabuting gamitin ito. Pagkaraan, ang diyakonong magpapahayag ng Mabuting Balita ay
yuyuko sa harap ng Obispo at hihilingin niya ang pagpapala sa mahinang tinig:

Padre, ako po ay inyong gawaran ng pagpapala.


Ang Obispo ay mangungusap nang mahina:

Sa iyong puso at sa iyong mga labi


manahan nawa ang Panginoon
upang marapat mong maipahayag
ang kanyang Mabuting Balita,
 sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.
Ang diyakono ay sasagot:
Amen.
Kapag walang diyakono, ang Obispong nakayuko sa gawing dambana ay magdarasal nang
pabulong:

Makapangyarihang Diyos, gawin mong dalisay


ang aking puso at mga labi
upang marapat kong maipahayag ang Mabuting Balita.

12
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

M ABUTING BALITA M ATEO 16: 24-27


Ang diyakono o ang Obispo ay paroroon sa pook ng pagbasa. Magagawa ito ng paprusisyon na
nilalahukan ng mga tagapaglingkod na may dalang insensaryo at mga kandila.

Sa pook ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Sumainyo ang Panginoon.


Sasagot ang mga tao:
At sumaiyo rin.
Ihahayag ng diyakono o Obispo:

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo.
Samantala’y kukrusan niya ang aklat, ang kanyang noo, ang kanyang bibig, at ang kanyang dibdib.
Magbubunyi ang mga tao:
Papuri sa iyo, Panginoon.
Pagkaraan, iinsensuhan ng diyakono o ng Obispo ang aklat kung ginagamit ang insenso at
ipahahayag niya ang Mabuting Balita.

Noong panahong iyon:


sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad,
“Kung ibig ninumang sumunod sa akin,
limutin niya ang ukol sa kanyang sarili,
pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin.
Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay
ay siyang mawawalan nito;
ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay
alang-alang sa akin ay siyang magkakamit noon.
Ano nga ang mapapala ng isang tao,
makamtan man niya ang buong daigdig
kung ang katumbas naman nito’y ang kanyang buhay?
Ano ang maibabayad ng tao
para mabalik sa kanya ang kanyang buhay?

13
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

Sapagkat darating ang Anak ng Tao


na taglay ang dakilang kapangyarihan ng kanyang Ama at
kasama ang kanyang mga anghel.
Sa panahong yao’y gagantihan niya ang bawat tao
ayon sa kanyang ginawa.”
Sa katapusan, ihahayag niya:

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Sasagot ang lahat:

Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.


Hahalikan ang aklat habang dinarasal nang pabulong:

Magbunga nawa itong pagpapahayag ng Mabuting Balita


ng pagkapawi ng mga kasalanan.

14
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

PAGDIRIWANG NG NG KUMPIL
PAGPAPAKILALASAMGA KUKUMPILAN
Ipapakilala ng Kura Paroko sa Obispo ang mga kukumpilan sa ganitong paraan:

Lubhang Kagalang-galang na Obispo Antonio R. Tobias,


nagpapasalamat ang pamayanan
ng Parokya ng Mabuting Pastol
sa inyong pagparito para sa pagkakaloob
sa mga kabataang ito
ng kaganapan ng pagtanggap ng pananampalataya
at pagtanggap sa kanila sa Simbahang Katoliko
sa pamamagitan ng Sakramento ng Kumpil.
Sa paghahanda para sa sakramentong ito,
ginabayan sila sa pagpapalalim
ng kanilang pananampalataya.
at ipinanalangin sila ng pamayanan
upang ang tatak ng kaloob na Espiritu Santo
at ang mga handog nito ay mapagtibay sila
at sa pamamagitan ng iyong paglilingkod
ay matanggap nila ang kaganapan ng pagiging Kristiyano
sa pagpupuspos sa kanila ng Espiritu Santo.

Hinihiling ko na ang mga kukumpilan ay magsitayo.

Tatayo ang mga kukumpilan.

Tatayo ang Obispo at sasabihin:

15
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

Mga anak, nagagalak ako sa inyong pagparito


upang hingiin ang sakramento ng Kumpil.
Nawa magdulot ang Espiritu ng kagalakan sa inyo
at maging tunay kayong alagad ng Panginoong Hesukristo.
Sasabihin ng tagapagpadaloy:
Maaari nang magsiupo ang mga kukumpilan.
Ngayon ay pakinggan natin ang homiliya.
HOMILIYA
Magbibigay ang tagapamuno ng isang maikling homilia. Ipaliliwanag niya ang mga pagbasa.
Sisikapin niya na ang sakramento ng kumpil ay ganap na mauunawaan ng mga kukumpilan, ng mga
ninong at ninang, ng mga magulang at ng lahat ng sumasaksi sa pagkakataong ito.

PAGSARIWA SA MGA PANGAKO SA BINYAG


Pagkatapos ng homiliya, sasabihin ng tagapamuno:

Noong kayo’y binyagan,


tumayo ang inyong mga magulang,
ninong at ninang para sa inyo upang matanggap ninyo
ang bagong buhay bilang mga anak ng Diyos
at kasapi ng Simbahan.
Ngayong kayo’y nasa wastong gulang na,
ang mga ipinangako nila ay dapat na ninyong panagutan.
Ipahayag ninyo ngayon na kayo’y handa nang
magsabalikat ng mga pananagutan
ng isang ganap na kasapi ng sambayanang Kristiyano.
Sagutin ninyo ng tapat ang mga katanungang ito:
Itinatakwil ba ninyo si Satanas
at ang kanyang mga gawain
at panghihikayat sa masama?
Sasagot ang mga kukumpilan:

Opo, itinatakwil ko.

16
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

Ang Obispo:

Sumasampalataya ba kayo
sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
na may likha ng langit at lupa?
Sasagot ang mga kukumpilan:
Opo, sumasampalataya kami.
Ang Obispo:

Sumasampalataya ba kayo kay Hesukristo,


iisang Anak ng Diyos, Panginoon natin,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen,
ipinako sa krus, namatay, inilibing,
muling nabuhay
at naluluklok sa kanan ng Ama?
Sasagot ang mga kukumpilan:

Opo, sumasampalataya kami.


Ang Obispo:

Sumasampalataya ba kayo sa Espiritu Santo,


Panginoon at nagbibigay buhay,
na bumaba sa mga apostol noong Pentekostes
at ngayon ay inyong tatanggapin sa sakramento ng kumpil?
Sasagot ang mga kukumpilan:
Opo, sumasampalataya kami.
Ang Obispo:

Sumasampalataya ba kayo sa Banal na Simbahang Katolika,


sa kasamahan ng mga Banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa muling pagkabuhay ng mga namatay,

17
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

at sa buhay na walang hanggan?


Sasagot ang mga kukumpilan:
Opo, sumasampalataya kami.
Ipahahayag ng Obispo ang kanyang pagsang-ayon sa kanilang pananampalataya sa pamamagitan
ng pagbigkas ng pananampalataya ng Simbahan.

Ito ang ating pananampalataya.


Ito ang ng Banal na Simbahan.
Ito ang ikinararangal nating ipahayag
kaisa ni Kristo Hesus na ating Panginoon.
Tutugon ang lahat:
Amen.
PAGPAPATONG NG KAMAY
Ang mga paring tutulong sa pagkukumpil ay tatayo nang malapit sa Obispo.

Ang Obispo nama’y haharap sa mga tao at magkadaop-palad niyang aawitin o bibigkasin ang
sumusunod:

Mga kapatid,
noong binyagan ang mga kukumpilan ngayon,
sila’y muling isinilang:
Ipinagkaloob sa kanila ng Diyos
ang Kanyang sariling buhay.
Kaya’y sila’y naging mga anak Niya.
Idalangin natin ngayon sa Diyos Ama
na ipagkaloob Niya sa kanila ang Espiritu Santo
upang sila’y mapuspos ng Kanyang lakas
at bunga ng pagpapahid ng banal na langis
ay maging higit silang katulad ni Kristo,
ang Anak ng Diyos.
Tahimik na dadalangin ang lahat.

18
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

Ilalahad ng tagapamuno ang kanyang mga kamay sa mga kukumpilan habang inaawit o binibigkas
ang sumusunod:

O Diyos na makapangyarihan sa lahat,


Ama ni Hesukristo na aming Panginoon,
sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu Santo,
hinango mo sa kasalanan ang mga anak mong ito
at binigyan mo sila ng pakikihati sa iyong buhay.
Suguin mo sa kanila ngayon
ang Espiritu Santo, ang Mang-aaliw,
upang siyang maging lakas nila at patnubay.
Ipagkaloob mo na sila’y mapuspos
ng karunungan at pang-unawa,
na sila’y maging makatwiran sa pagpapasya
at manatiling matibay ang loob sa lahat ng pagkakataon.
Puspusin mo sila ng kaalaman at pamimitagan
at ng banal na pagkatakot sa harap ng iyong kadakilaan.
Hinihiling naming ito sa iyo
sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon
magpasawalang hanggan.
Tutugon ang lahat

Amen.

19
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

PAGPAPAHID NGANGIS
L
Ang krisma ay dadalhin ng diakono sa magkukumpil. Ang mga kukumiplan ay isa-isang lalapit sa
magkukumpil. Ipapatong ng ninong o ninang o ng magulang na naghaharap sa kukumpilan ang
kanyang kanang kamay sa aanakin o anak at sasabihin niya ang ngalan nito sa tagapamuno.
Maaari ring ang kukumpilan ang magsabi ng kanyang ngalan.
Ilulubog ng nagkukumpil ang kanyang kanang hinalalaki sa lalagyan ng krisma at sa
pamamagitan nito’y kukrusan niya sa noo ang kinukumilan samantalang sinasabi ito:

N., TANGGAPIN MO ANG TATAK


NA KALOOB NG ESPIRITU SANTO.
Tutugon ang kukumpilan:
Amen.
Ang Obispo:

Sumaiyo ang kapayapaan.


Tutugon ang kukumpilan:

At sumaiyo rin.
Kung may mga paring tumutulong sa tagapamuno, sila ay isa-isang bibigyan ng tagapamuno ng
lalagyan ng banal na langis na kanilang gagamitin.
Samantalang ginagawa ang pagkukumpil, maaaring umawit ang mga tao ng anumang naangkop
sa pagkakataong ito. Pagkatapos ng pagpapahid ng langis, maghuhugas ng kamay ang
tagapamuno at ang mga tumulong na Obispo.

20
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

PANALANGIN NG BAYAN
Sisimulan ng Obispo ang Panalangin mula sa kanyang upuan:

Mga kapatid, taimtim tayong manalangin


sa Diyos Amang makapangyarighan sa lahat.
Pag-isahin natin ang ating pagsamo sa Kanya
tulad ng ating pagkakaisa sa pananampalataya,
pag-asa, at pag-ibig na kaloob ng Espiritu Santo.
Manalangin tayo sa Panginoon
para sa kapakanan ng lahat, at ating sabihin:
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
Tutugon ang lahat:
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
Tagabasa:
Para sa mga kapatid nating bagong kumpil,
upang ang kanilang buhay
ay mapuspos ng pananampalataya at pag-ibig
at maging mga tapat silang saksi ni Kristo,
manalangin tayo sa Panginoon.
Tutugon ang lahat:
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
Tagabasa:
Para sa kanilang mga magulang,
ninong at ninang na umaakay
sa kanila sa pananampalataya,
upang mapatnubayan ng kanilang magagandang payo
at mabubuting halimbawa
ang pamumuhay ng mga bagong kumpil
na naaayon sa landas ng Panginoong Hesukristo,
manalangin tayo sa Panginoon.

21
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

Tutugon ang lahat:


Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
Tagabasa:

Para sa banal sa Simbahan ng Diyos,


para sa ating Papa Francisco, sa ating Obispo Honesto
at para sa lahat ng obispo’t pari,
upang maitaguyod nila ang pagkakaisa’t pagmamahalan
ng mga taong pinagbuklod ng Espiritu Santo
hanggang sa maningning na pagbabalik ng Diyos Anak,
manalangin tayo sa Panginoon.
Tutugon ang lahat:
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
Tagabasa:
Para sa lahat ng mga tao, lipi, at bansa,
upang magmahalan ang lahat bilang magkakapatid
at mga anak ng iisang Diyos Ama
at upang totohanang hanapin ng lahat
ang kaharian ng kapayapaan at kaningningan ng Espiritu
Santo, manalangin tayo sa Panginoon.
Tutugon ang lahat:
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

22
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

Wawakasan ng Obispo ang panalangin:

O Diyos na aming Ama,


isinugo Mo ang Espiritu Santo sa mga apostol.
Sa pamamagitan nila at ng kanilang mga kahalili,
patuloy Mong isinusugo ang Espiritu Santo sa amin.
Ang aral na sinimulang ipahayag noong Pentekostes
ay patuloy nawang maihatid sa kabatiran ng lahat.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo
na aming Panginoon.
Tutugon ang lahat:
Amen.

23
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN


AGHAHANDANG
P ALTARATNGMGA ALAY
Pagkatapos, sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga
tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis, at ang Aklat
ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.
Nababagay na ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahayag sa pamamagitan ng prusisyon ng pag
-aalay ng tinapay at alak at ng iba pang handog para sa Simbahan at para sa dukha.
Ngayon nama’y tatayo ang Obispo sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan ng
tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya ng pabulong:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito
para maging pagkaing nagbibigay-buhay.
Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.
Kapag hindi ginaganap ang awit sa pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang
malakas ng Obispo at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:
Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!
Ang diyakono o ang Obispo ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal ng
pabulong:

Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.
Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng Obispo ang kalis nang bahagyang nakaangat
sa dambana habang dinarasal niya ng pabulong:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa
ang alak na ito
para maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.

24
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

Ilalapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit sa pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang
malakas ng Obispo at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:
Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!
Pagkatapos, yuyuko ang Obispo habang dinarasal niya ng pabulong:
Diyos Amang Lumikha,
nakikiusap kaming mga makasalanan.
Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog
upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang buong puso.
Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng Obispo ang mga alay at ang dambana; pagkaraang
iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang Obispo at ang mga nagsisimba.
Pagkatapos, ang Obispo’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay
samantalang pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal,


kasalanan ko’y hugasan
at linisin mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.

25
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

A LAY
PANALANGIN UKOL SA MGA
Pagbalik ng Obispo sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang kamay sa mga tao at
muli niyang pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag:

Manalangin kayo, mga kapatid,


upang ang paghahain natin ay kalugdan
ng Diyos Amang makapangyarihan.
Sasagot ang mga tao:

Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan niyang banal.
Pagkaraa’y, ilalahad ng Obispo ang kanyang mga kamay at darasalin niya ang Panalangin ukol sa
mga Alay.

Ama naming Lumikha,


tinatakan mo ng krus ni Kristo
ang mga kapatid naming bagong kumpil
at pinahiran mo sila ng langis ng kaligtasan.
Buong pagamamahal mong tanggapin
ang kanilang pag-aalay ng sarili kaisa ni Hesukristo
sa pamamagitan ng walang tigil
na pagdaloy ng iyong Espiritu
sa buo nilang pagkatao ngayon at magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:
Amen.

26
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT
PANALANGIN NG
Ngayo’y sisimulan ng Obispo ang Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat. Ilalahad niya ang
kanyang mga kamay habang kanyang sinasabi:

Sumainyo ang Panginoon.


Sasagot ang mga tao:
At sumaiyo rin.
Pagkaraa’y isusunod niya habang itinataas niya ang kanyang mga kamay:

Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


Mga tao:
Itinaas na namin sa Panginoon.
Habang nakataas ang mga kamay, kanyang ipapahayag:

Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


Mga tao:

Marapat na siya ay pasalamatan.


Ipagpapatuloy ng Obispo ang Pagbubunyi o Prepasyo nang nakalahad ang mga kamay.

Ama naming makapangyarihan,


tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan
sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon.
Ikaw na nagtataguyod sa tanan
at sa maraming paraa’y iyong pinapatnubayan
ang iyong tinipong sambayanan.
Ang iyong Espiritu Santo ay laging kapiling
ng sambayanang kinabibilangan namin
upang ikaw ay sundin namin at mahalin.

27
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

Siya ang dumadalangin sa iyo


upang ang dasal nami’y dinggin mo
sa paghiling namin sa iyong saklolo.
Siya rin ang naglalahad nang lubos
sa pasasalamat namin at utang na loob
sa ligaya naming kinamit sa iyong tulong
sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon.
Kaya kaisa ng mga anghel
na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:
Sa katapusan nito, pagdaraupin niya ang mga kamay niya samantalang kanyang pinaaabot sa
hantungan ang Pagbubunyi o Prepasyo ngayong kaisa ng sambayanan kanyang inaawit o
binibigkas:

Santo, santo, santo


Panginoong Diyos ng mga hukbo!
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo!
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon!
Osana sa kaitaasan!

28
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT


IKATLONG
Nakalahad ang mga kamay ng Obispo sa pagdarasal.
Nagmimisa
Ama naming banal,
dapat kang purihin ng tanang kinapal
sapagkat sa pamamagitan ng iyong Anak
na aming Panginoong Hesukristo
at sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
ang lahat ay binibigyan mo ng buhay at kabanalan.
Walang sawa mong tinitipon ang iyong sambayanan
upang mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw
maihandog ang malinis na alay
para sambahin ang iyong ngalan.
Lulukuban ng mga kamay niya ang mga alay habang siya’y nagdarasal.
Nagmimisa at mga Nakikipagmisa
Ama,
isinasamo naming pakabanalin mo
sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
ang mga kaloob na ito
na aming inilalaan sa iyo.
Pagdaraupin ng Obispo ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang
kanyang dinarasal.

 Ito nawa ay maging Katawan at Dugo


ng iyong Anak at aming Panginoong Hesukristo
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

na nag-utos ipagdiwang ang misteryong ito.

29
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag nang malinaw
at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

Noong gabing ipagkanulo siya,


Hahawakan ng Obispo ang tinapay nang bahagyang nakaangat sa ibabaw ng dambana habang
kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad
at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang Obispo.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipapamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya ito sa pinggan,
at luluhod siya bilang pagsamba.
Ang Obispo ay magpapatuloy.

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,


Hahawakan ng Obispo ang kalis nang bahagyang nakaangat sa ibabaw ng dambana habang
kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis,


muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad
at sinabi:

30
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

Bahagyang yuyuko ang Obispo.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.
Ipapamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at luluhod
siya bilang pagsamba
Pagkatapos, ipahahayag ng Obispo:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.


Aawitin ng mga tao:

Aming ipinahahayag
na namatay ang ‘yong Anak,
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat.

31
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

Ilalahad ng Obispo ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal.


Nagmimisa at mga Nakikipagmisa
Ama,
ginugunita namin
ang pagkamatay ng iyong Anak
na sa ami’y nagligtas,
gayun din ang kanyang muling pagkabuhay
at pag-akyat sa kalangitan
samantalang ang kanyang pagbabalik ay pinananabikan,
kaya bilang pasasalamat ngayo’y aming iniaalay sa iyo
ang buhay at banal na paghahaing ito.
Tunghayan mo ang handog na ito
ng iyong Simbahan.
Masdan mo ang iyong Anak
na nag-alay ng kanyang buhay
upang kami ay ipakipagkasundo sa iyo.
Loobin mong kaming magsasalu-salo
sa kanyang Katawan at Dugo
ay mapuspos ng Espiritu Santo
at maging isang katawan at isang diwa kay Kristo.
Kami nawa ay gawin niyang handog Nagmimisa o Isang Nakikipagmisa
na habang panahong nakatalaga sa iyo.
Tulungan nawa niya kaming magkamit ng iyong pamana
kaisa ng Ina ng Diyos, ang Mahal na Birheng Maria,
ng Kabiyak ng puso niyang si San Jose,
kaisa ng mga Apostol, mga Martir
ni San Pedro Bautista
at kaisa ng lahat ng mga banal
na aming inaasahang laging nakikiusap
para sa aming kapakanan.

32
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

Nagmimisa o Isang Nakikipagmisa


Ama,
ang handog na ito
ng aming pakikipagkasundo sa iyo
ay magbunga nawa ng kapayapaan at kaligtasan
para sa buong daigdig.
Patatagin mo sa pananampalataya at pag-ibig
ang iyong Simbahang naglalakbay sa lupa,
kasama ng iyong lingkod na si Papa Francisco,
ang aming Obispo Honesto
ng tanang mga Obispo at buong kaparian
at ng iyong piniling sambayanan.
Dinggin mo ang mga kahilingan ng iyong angkan
na ngayo’y tinipon mo sa iyong harapan.
Amang maawain,
kupkupin mo at pag-isahin ang lahat ng iyong mga anak
sa bawa’t panig at sulok ng daigdig.
Kaawaan mo at patuluyin sa iyong kaharian
ang mga kapatid naming yumao
at ang lahat ng lumisan na sa mundong ito
na nagtataglay ng pag-ibig sa iyo.
Kami ay umaasang makararating sa iyong piling
at samasamang magtatamasa
ng iyong kaningningang walang maliw
sapagka’t aming masisilayan ang iyong kagandahan
Pagdaraupin ng Obispo ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo


na siyang pinagdaraanan
ng bawa’t kaloob mo sa aming kabutihan.

33
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

Hahawakan ng Obispo ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya itataas habang kanyang
ipinahahayag:
Nagmimisa at mga Nakikipagmisa
Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya
ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Ang mga tao ay magbubunyi:
Amen.

34
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

ANG PAKIKINABANG
PANALANGIN NG PANGINOON
Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng Obispo nang may magkadaop na mga
kamay:

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin ng lakas-loob:
Ilalahad ng Obispo ang kanyang mga kamay at aawitin niya kaisa ng lahat:

Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.

35
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

Nakalahad ang mga kamay ng Obispo sa pagdarasal:

Hinihiling naming
kami'y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa
ganitong pagbubunyi.

Sapagkat iyo ang kaharian


at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailanman. Amen.

36
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

APAYAPAAN
PAGBIBIGAYAN KNG
Pagkatapos, malakas na darasalin ng Obispong nakalahad ang mga kamay:

Panginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming mga pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.


Sasagot ang mga tao:
Amen.

Ang Obispo’y paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa


pagpapahayag.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.


Sasagot ang mga tao:
At sumaiyo rin.
Maidaragdag, kung minamabuti, ang paanyayang ipahahayag ng diyakono o Obispo:

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.


At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t ibang pook, ang mga nagsisimba ay magbibigayan ng
kapayapaan. Ang Obispo at ang mga tagapaglingkod ay makapagbibigayan ng kapayapaan.

37
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

PAGHAHATI NG T INAPAY
Pagkatapos, hahawakan ng Obispo ang ostiya at hahati-hatiin niy ito sa ibabaw ng pinggan at
isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito
ng Katawan at Dugo ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.
Samantalang ginaganap ang paghahati-hati ng ostiya, aawitin ang pagluhog na ito:

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
Ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling pag-ulit saka pa
lamang idurugtong ang “ipagkaloob mo sa amin ang kapayaan.”

38
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

PAGHAHANDA NG OBISPO
PANSARILING
Magkadaop ang mga kamay ng Obispo sa pabulong na pagdarasal.

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,


sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalanan
at lahat ng masama,
gawin mong ako’y makasunod lagi sa iyong mga utos,
at huwag mong ipahintulot
na ako’y mawalay sa iyo kaylan man.
o kaya:
Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo,
Panginoong Hesukristo,
ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom
at parusa sa kasalanan ko.
Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibig
nawa'y aking matanggap
ang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas.

39
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

PAKIKINABANG
Luluhod ang Obispo at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng
pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi nang malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.
Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo


nguni’t sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.
Pagkatapos, hahawakan ng Obispo ang kalis at pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.
Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga nakikinabang,
bahagyang itataas ang ostiya para sa bawa’t nakikinabang habang sinasabi: Katawan ni Kristo.
Ang nakikinabang ay tutugon: Amen. Ganito rin ang gagawin ng diyakono na nagdudulot ng
pakikinabang.
Samantalang nakikinabang ang Obispo, sisimulan ang awit sa pakikinabang.

P
AKIKINABANG S ALMO 34, 6. 9
Dumulog nang masikatan
ng Diyos na mapagmahal.
Lasapin ang kasarapan
ng Panginoong Maykapal
na puspos ng kabutihan.

40
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na huhugasan
ng Obispo o diyakono o tagapaglingkod.
Makababalik ngayon sa upuan ang Obispo. Makapag-uukol ng ilang saglit ng katahimikan o
makaaawit ng papuri o salmo.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Ang Obispo ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana at paharap sa mga nagsisimbang
magpapahayag:

Manalangin tayo.
Kung di pa nagaganap ang tahimik na pagdalangin, ito ay gagawin ngayon, at pagkaraan, ang
Panalangin Pagkapakinabang ay ipahahayag ng Obispong nakalahad ang mga kamay.

Ama naming mapagmahal,


ipinagkaloob mo si Hesukristo na iyong Anak
bilang pagkain sa mga bagong kumpil.
Tulungan Mo silang makatupad sa iyong batas
upang sila ang maging katibayan
ng ninanais mo sa iyong mga anak.
Sa lahat ng kanilang mga ginagawa
ay maihayag nawa nila ang pag-iral ng iyong banal na Salita
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sa katapusan, ang sambayanan ay tutugon:
Amen.
Pagkaraan ay sasabihin ng tagapagpadaloy:

Magsiupo ang lahat at ating pakinggan


ang mensahe ng ating Kura Paroko,
Reberendo Padre Oscar V. Lucas

41
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

PAGHAYO SA PAGWAWAKAS
PAGBATI
Pagkatapos, gaganapin ang paghayo. Ang Obispong nakalahad ng mga kamay sa mga tao ay
magpapahayag:

Sumainyo ang Panginoon.


Sasagot ang mga tao:
At sumaiyo rin.
P
M ARINGAL NA AGBABASBAS
Ang diyakono o ang Obispo na rin kapag walang diyakono ang magpapahayag ng paanyaya:

Magsiyuko tayo habang iginagawad ang pagbabasbas.


ipinahahayag niya ang mga pagbabasbas.
Itataas ng Obispo ang kanyang mga kamay na lumulukob sa lahat, samantalang inaawit o

Isinilang kayo ng Diyos Ama bilang Kanyang mga anak


sa pamamagitan ng tubig at Espiritu Santo.
Sumainyo nawa ang Kanyang pagpapala
at patnubayan kayo ng Kanyang maka-Amang pagmamahal.
Sasagot ang mga tao:
Amen.
Ang Obispo:

Ipinangako ni Hesukristo na Diyos Anak


sa Kanyang Simbahan
ang pananatili ng Espiritu Santo ng katotohanan.
Sumainyo nawa nag pagpapala ni Hesukristo
at patatagin nawa kayo sa pamumuhay
ayon sa tunay na pananampalataya.
Sasagot ang mga tao:

42
Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Paggawad ng Sakramento ng Kumpil

Amen.
Ang Obispo:
Pinag-alab ng Espiritu Santo
ang apoy ng pag-ibig sa puso ng mga alagad
noong Siya’y bumababa sa mga ito.
Sumainyo nawa ang kanyang pagpapala,
Pagbuklurin kayo sa iisang pananampalataya at pag-ibig,
at akayin kayo sa kaligayahan ng paghahari ng Diyos.
Sasagot ang mga tao:

Amen
Ang Obispo:

Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos,


  at Anak at Espiritu Santo
Ama .
Sasagot ang mga tao:
Amen.

PAGHAYO
Ang diyakono o ang Obispong magkadaop ang mga kamay ay magpapahayag ng paghayo sa
sambayanan:

Humayo kayong taglay ang kapayapaan


upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran.
Sasagot ang mga tao:
Salamat sa Diyos.
Karaniwan, ang dambana ay bibigyang-paggalang sa paghalik dito ng Obispo at matapos
makapagbigay-pitagan kaisa ng mga tagapaglingkod, siya ay hahayo.

43

You might also like