Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

Edukasyon sa Pagpapakatao 10
IKATLONG MARKAHAN
Quarter: 4 Week: 3 Day: 1 Activity No.: 5

Pamagat ng Gawain: PAGGALANG SA KATOTOHANAN


Kompetensi: Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang
sa katotohanan (EsP10PI-IVc-14.1)
Layunin: Nakakakilala at nakakabigay kaibahan sa iba’t-ibang uri ng
kasinungalingan
Sanggunian: Mary Jean B. Brizuela, Patricia Jane S. Arnedo, Geoffrey A.
Guevarra, Earl P. Valdez, Suzanne M. Rivera, Elsie G. Celeste,
Rolando V. Balona Jr., Benedick Daniel O. Yumul, Glenda N.
Rito, and Sheryll T. Gayola. 2015. Gabay sa Pagtuturo. Pasig:
FEP Printing Corporation.

Mary Jean B. Brizuela, Patricia Jane S. Arnedo, Geoffrey A.


Guevarra, Earl P. Valdez, Suzanne M. Rivera, Elsie G. Celeste,
Rolando V. Balona Jr., Benedick Daniel O. Yumul, Glenda N.
Rito, and Sheryll T. Gayola. 2015. Edukasyon sa
Pagpapakatao 10 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig: FEP
Printing Corporation.

Copyright: For Classroom use ONLY Pending for Permission


DepED owned materials

KONSEPTO:

Ang katotohanan ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin niya sa
buhay. Ang pagsukat ng kaniyang katapatan ay nagangailangan ng pagsisikap na alamin ang
katotohanan. Sa bawat tao na naghahanap nito, masusumpungan lamang niya ang katotohanan kung
siya ay maninindigan at walang pag-aalinlangan na sundin, ingatan, at pagyamanin. Ang
katotohanan ay ang pagsang-ayon ng isip sa realidad. Bilang isang pagpapahalagang moral, balido
ito kahit napakaraming tao ang lumaban dito. Ito ay absolute at hindi isyung pinagtatalunan. Sa
pamamagitan ng katotohanan, nakikilala ng mag-aaral ang mali sa tama. Ito ang obhektibong
sukatan ng realidad at asal. Ang mga katotohanang nakapaloob sa Batas Moral (sa Sampung Utos
ng Diyos), ay ang pamantayan ng kaugalian (code of ethics) kung saan ibinabatay ang mga rasyonal
at etikong pagpapasya.

Mula sa paglawak ng iyong kaalaman, sa halaga ng katotohanan at mga kaakibat na


panangutan dito, hindi pa rin maipagkakaila na ang sinuman ay may kakayahan na makalikha ng
kasinungalingan upang takpan ang pagkakamali at maging malinis ang imahe sa mata ng iba. Ang
pagsisinungaling ay ang hindi pagkiling at pagsang-ayon sa katotohanan. Ito ay isang lason na
humahadlang sa bukas at kaliwanagan ng isang bagay o sitwasyon na nararapat na mngibabaw sa
pagitan ng mga tao sa isang grupo o lipunan. Ang tatlong uri ng kasinungalingan ay:
1. Jocose lies- sinasabi o sinasambit para maghatid ng kasiyahan lamang. Ipinapahayag ito
upang magbigay aliw ngunit hindi sadya ang pagsisinungaling.
2. Officious lies- nagpapahayag upang ipagtaggol ang kanyang sarili o di kaya ay paglikha
ng isang usaping kahiya-hiya upang dito maibaling. Isa itong tunay na kasinungalingan,
kahit na gaano pa kabigat ang ibinigay nitong mabigat na dahilan
3. Pernicoius lies- nagaganap kapag ito ay sumusira ng reputasyon ng isang tao na
pumapabor sa interes o kapakanan ng iba.
PAGSASANAY A:

Panuto: Suriing mabuti ang bawat tanong at mga pagpipilian. Isulat ang titik ng iyong sagot at
isulat sa puwang bago ang bilang.
____ 1. Isinasabuhay natin ang katotohanan kapag tayo ay
A. nagsisiwalat ng lihim ng iba C. kumikilos at nagsasalita ayon sa paniniwala
B. nagsasalita nang maayos at malumanay D. gumagawa ng kabutihan

____ 2. Isang palatandaan ng pagkamatapat ay


A. pagpuna ng mali ng iba C. pagiging totoo sa salita at sa gawa
B. pagsasalita ng totoo, masama man o mabuti D. pagiging tahimik

____ 3. Ang katotohanan ay makapagpapalaya sa atin. Ang ibig sabihin nito ay:
A. Kapag nagsabi ka ng katotohanan ay malaya ka rin.
B. Nawawala ang pagdududa sa pagsasabi ng katotohanan.
C. Gumagaan ang pakiramdam ng taong nagsasabi ng totoo.
D. Nabubunyag ang katotohanan

____ 4. Alin sa mga sumusunod ang paglabag sa pribadong pag-aari ng tao?


A. Pangongopya ng gawaing-bahay ng kaklase
B. Pagbabasa ng sulat ng iba
C. Pagpuna sa ginagawa ng iba
D. Pagsumbong sa kaklaseng nangongopya

_____ 5. Masakit man ang katotohanan, kailangan itong tanggapin. Madalas itong naririnig sa mga
taong:
A. takot magsabi ng katotohanan C. naguguluhan dahil sa katotohanan
B. napapahamak dahil sa katotohanan D. mapaparusahan dahil sa katotohanan

PAGSASANAY B:
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI kung hindi. Isulat ang iyong sagot
sa puwang bago ang bilang.

_____ 1. Ang katotohanan ang naglilimita sa kalayaan ng tao.


_____ 2. Ang white lie ay tinatanggap dahil ito ay kailangan.
_____ 3. Kapag tinawag kang plastic ang ibig sabihin ay sinungaling.
_____ 4. Ang katotohanan ay naimbento ng tao.
_____ 5. Ang character assassination ay dapat gawin sa taong laging nagsisinungaling.
_____ 6. Ang katotohanan ang liwanang ng kalayaan.
_____ 7. Kapag marami ang naniniwala sa isang prinsipyo, ito ay tama at may katotohanan.
_____ 8. Upang makaiwas sa kaparusahan, maaaring gumawa ng dahilan.
_____ 9. Ang kalayaan ay biyaya sa tao kaya maaari niyang gawin ang nais niya
_____ 10.Minsan ay maaari ring magsinungaling ang tao.
_____ 11. Ang pagsisinungaling ay ang hindi pagkiling at pagsang-ayon sa katotohanan.
_____ 12. Ang Jocose lies ay uri ng kasinungalingang kung saan sinasambit para maghatid ng
kasiyahan lamang.
_____ 13. Ang lihim ay ang pagtatago ng mga impormasyon na hindi pa naibubunyag o
naisisiwalat.
_____ 14. Pernicoius Lie ang tawag sa isang nagpapahayag upang maipagtanggol ang kanyang
sarili o di kaya ay paglikha ng isang usaping kahiya-hiya upang dito maibaling.
_____ 15. Officious lies ay nagaganap kapag sumisira sa reputasyon ng isang tao na pumapabor sa
interes o kapakanan ng iba.

You might also like