Banghay Aralin

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Masusing Banghay Aralin

(Mga Elemento ng Maikling Kuwento)

I.

MGA LAYUNIN:

Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay;

1. naibibigay ang mga elemento ng maikling kuwento.


2. natutukoy ang Elemento ng maikling kuwento sa isang kuwento.

II. NILALAMAN
Paksa Aralin: Mga Elemento ng Maikling Kuwento
Sanggunian: Internet: https://tl.wikipedia.org/wiki/Maikling_kuwento#Mga_Elemento,
https://philnews.ph/2019/07/19/elemento-ng-maikling-kwento-8-elemento-kahulugan/,
https://sites.google.com/site/merlen1603/mga-kwentong-pang-bata/si-pagong-at-si-matsing
Kagamitan: Powerpoint, scotch tape, color paper, Laptop, manila paper.

III. PAMAMARAAN

A. PANIMULANG GAWAIN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

1.Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa isang panalagin.

(magtatawag ang guro ng isang mag-aaral para


pangunahan ang panalangin)

Sa ngalang ng Ama ng Anak at ng Espiritu


2.Pagbati Santo Amen…(panalangin)
Magandang araw sa inyo mga bata!

3.Pagsasa-ayos ng silid Aralan at pag tsek ng mga Magandang araw din po Ginoong Raven!
lumiban.

Bago kayo umupo pakipulot muna ng mga kalat sa


ilalim at paki-ayos ng inyong mga upuan.

Maari na kayong umupo.


(Magpupulot ang mga mag-aaral ng kalat
Mayroon bang lumiban sa klase ngayon? at aayusin nila ang kanilang mga upuan)

Wala po Ginoong Raven.


4.Balik Aral
 Bago tayo magsimula sa ating bagong
talakayan ay magbalik aral muna tayo.

 Ano ang inyong natutunan noong


nakaraang lingo?

 Sino ang makapagbibigay ng kahulugan ng


maikling kuwento?  tungkol sa maikling kuwento

 Maikling kuwento-ay isang


maiksing salaysay hinggil sa isang
mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang
tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang. Isa itong
masining na anyo ng panitikan.
Tulad ng nobela at dula, isa rin
itong paggagad ng realidad, kung
ginagagad ang isang momento
lamang o iyong isang madulang
pangyayaring naganap sa buhay
ng pangunahing tauhan. Si
Deogracias A. Rosario ang
 Napakagaling at natandaan pa ninyo ang tinuturing na "Ama ng Maikling
ating tinalakay noong nakaraang lingo. Kuwento". Tinawag rin itong dagli
noong panahon ng mga
5.Pagganyak Amerikano at ginagawa itong
libangan ng mga sundalo.
 Bago tayo magsimula sa ating panibagong
aralin ngayong araw, may ipapakita akong
litrato sa inyo, handa naba kayo?

 Opo.
 Ano ang nakikita niyo sa larawan?

 Ano ang pumapasok sa isipan niyo ng


Makita ang larawang ito.

 Magaling!

 mayroon akong ipapagawa sa inyong


Gawain, huhulaan ninyo kung ano ang
kasing kahulugan ng mga salitang aking
ibibigay.

1. TAUHAN  Isang Ina na nagbabasa sa kanyang


2. TAGPUAN dalawang anak.
3. BANGHAY
4. KAISIPAN
5. SULIRANIN
6. TUNGGALIAN  Natatandaan ko noong ako’y maliit
7. PAKSANG DIWA pa ay palagi akong binabasahan ng
aking Ina ng mga maikling
kuwentong pamabata.

(tatawag ng mga mag-aaral)

1. KARAKTER
2. LUGAR
3. BURADOR
4. PANANAW
5. PROBLEMA
6. LABANAN
7. TEMA

PAGPAPAUNLAD NG ARALIN

1. Paglalahad
Ang ating panibagong Aralin ngayon
ay tungkol sa mga Elemento ng
maikling kuwento
(Ang mga mag-aaral ay nakikinig)
2. Pagtatalakay
Alam niyo ba kung ano ang mga
elemento ng maikling kuwento?

Okay, ating tuklasin ngayon ang  Hindi po.


Kahulugan ng mga elemento ng
Maikling Kuwento .

MGA ELEMENTO NG MAIKLING


KUWENTO
1. Tauhan – Ito ay tumutukoy sa mga
panauhin sa kwento.
2. Tagpuan – Ito ay tumutukoy kung
saan naganap ang kwento.
3. Banghay – Ito ay tumutukoy sa
pagkakasunod-sunod ng mga (ang mga mag-aaral ay nakikinig)
pangyayari sa kwento. Mayroong
limang(5) bahagi ang banghay
 Panimula – Kung saan at
paano nagsimula ang
kwento.
 Saglit na Kasiglahan – Ito ay
ang panandaliang
pagtatagpo ng mga tauhan
sa kwento.
 Kasukdulan – Dito na
nangyayari ang problema sa
kwento.
 Kakalasan – Ito ay
tumutukoy sa parte kung
saan unti-unti nang naaayos
ang problema.
 Wakas – Ito ay tumutukoy
kung paano nagwakas o
natapos ang kwento.
4. Kaisipan – Ito ay ang mensahe ng
maikling kwento sa mambabasa.

5. Suliranin – Ito ay tumutukoy sa


problemang ikinakaharap ng tauhan
sa kwento.

6. Tunggalian – Ito ay maaaring tao


laban sa tao, tao laban sa sarili, tao
laban sa lipunan, o tao laban sa
kalikasan.

7. Paksang Diwa – Ito ay ang pinaka-


kaluluwa ng kwento.

IV. PAGTATAYA

A. PAGLALAPAT
(pangkatang Gawain)
 Hahatiin ko kayo sa dalawang pangkat
at mag isip kayo ng isang maikling
kwento at susuriin ninyo ito ayon sa
mga elemento nito at pagkatapos ay
iuulat ninyo sa aking harapan.

(Pangkatang Gawain)
 Maliwanag po.

(piangpangkat ang mga mag-aaral)

Sina Pagong at Matsing ay matalik na


magkaibigan. Mabait at matulungin si
Pagong, subalit si Matsing ay tuso at
palabiro. Isang araw, binigyan sila ni
Aling Muning ng isang supot ng pansit
at hindi nagtagal ay nagyaya na si
Pagong na kainin na ang pansit ngunit
sinabi ni Matsing na nangangamoy
panis na ang pansit kung kaya siya na
muna ang unang titikim nito
hanggang sa naubos na ni Matsing
ang pansit at walang natira para kay
Pagong humingi ng tawad si Matsing
dahil naubos at hindi nakakain si
Pagong ng pansit.
Dahil sa likas na mabait at pasensyoso
si Pagong, hindi na siya nakipagtalo sa
kaibigan.
Sa kanilang paglilibot sa kagubatan,
nakakita si Pagong ng isang puno ng
saging at pinaghatian nila ang puno
ng saging ngunit ang kinuha ni
matsing ay ang parteng taas dahil
ayaw na daw nyang mag patubo ng
mga dahon kayat ang bandang ibaba
ang napunta kay pagong ay my mga
ugat at umuwi na sila upang itanim at
patubuin ang puno ng saging.
Umuwing malungkot si Pagong dala
ang kanyang kalahating bahagi ng
saging na may ugat. Samantalang si
Matsing ay masayang umuwi dala ang
madahong bahagi ng puno.

Inalagaan ni Pagong ang kanyang


halaman. Araw-araw dinidiligan niya
ito at nilalagyan ng pataba ang lupa.
Ganoon din ang ginawa ni Matsing.
Subalit makalipas ang isang linggo,
nalanta ang tanim na saging ni
Matsing. Si Pagong naman ay natuwa
nang makita ang umuusbong na
dahon sa puno ng saging. Lalo nitong
inalagaan ang tanim hanggang sa
mamunga ito nang hitik na hitik.
Nainggit si Matsing nang makita ang
bunga ng saging sa halaman ni
Pagong.
Di naglaon nagyaya na si Matsing na
kainin na ang saging na tumubo sa
puno ni Pagong at pumayag naman
ito. Ngunit hindi makakaakyat si
Pagong kung kaya nangako si Matsing
na siya na lamang ang aakyat sa puno
at lalaglagan na lamang niya ng saging
si Pagong, pumayag si Pagong sa alok
ni Matsing.

Subalit nang makarating na si Matsing


sa taas ng puno kinain niya ang lahat
ng bunga ng puno. Wala itong itinira
para kay Pagong nanatili sa taas ng
puno si Matsing at nakatulog ito sa
sobrang kabusugan. Galit na galit si
Pagong kay Matsing sa ginawa nito sa
kanya. Kung kaya habang natutulog
ito sa sobrang kabusugan naglagay ng
mga tinik sa ilalim ng puno si Pagong.
Nang magising si Matsing ay nakita
niya ang tinik kaya’t humingi ito ng
tulong kay Pagong.

Ngunit tumangging tumulong si


Pagong at iniwan na lamang doon si
Matsing. Makalipas ang sandali
nagsimulang bumuhos ang malakas
na ulan. Walang nagawa si Matsing
kundi bumaba sa puno ng saging.
Nasaktan ito sa mga tinik na
nakatusok sa puno ng saging sa
kanyang pagbaba. Kaya nangako siya
sa sarili na gaganti siya kay Pagong.
Kinabukasan, kahit mahapdi pa rin
ang mga sugat ni Matsing, ay hinanap
niya si Pagong. Nakita niya itong
naglalakad sa may kakahuyan. Kinuha
ni Matsing si Pagong na takot na
takot. Nagtanong si Pagong kung
anong gagawin nito sa kanya, at
sinabi ni Matsing na tatadtarin siya
nito ng pinung-pino. Nag-isip ng
paraan si Pagong para maisihan ang
tusong Matsing. Kaya ang sambit nito
kay Matsing na kapag tinadtad siya
nito ay dadami siya at susugurin siya
ng mga ito at kakainin. Nag-isip nang
malalim si Matsing at naisip nito na
sunugin na lamang si Pagong, ngunit
nangatwiran na naman si Pagong na
hindi naman tinatablan ng apoy ang
kanyang makapal at matibay na
bahay. Kaya muling nag-isip si
Matsing, hanggang sa maisipan
niyang pumunta sa dalampasigan at
doon na lamang itapon si Pagong.
Lihim na natuwa si Pagong.
Nagpanggap itong takot sa
dalampasigan.
Tuwang-tuwa si Matsing sa pag-
aakalang magagantihan na niya si
Pagong. Todo lakas niya itong
itinapon sa dalampasigan. Nagulat ito
nang makitang marunong lumangoy si
Pagong. Ang bilis-bilis ng pagkilos ni
Pagong sa tubig. Kung mabagal ito sa
lupa, ay parang ang gaan ng katawan
nito sa tubig. At naghalakhak si
Pagong na sabihin kay Matsing na
naisahan din kita matsing dahil
gustung-gusto ko na lumangoy sa
dalampasigan. Malungkot na umuwi
si Matsing. Naisip niya na napakasakit
pala na maisahan ng isang kaibigan.
Naramdaman niya kung paano
masaktan kapag naloloko ng isang
kaibigan.
Mula noon nagbago na si Matsing.
Hindi na sila muling nagkita ni
Pagong.

GAWAIN:

1. Sinu-sino ang mga tauhan sa


kuwento?
 Sina pagong, matsing, at si
aling muning.
2. Saan ang Tagpuan?

 Sa kagubatan, sa
kakahuyan, at sa
3. Ano ang Banghay sa kwento? dalampasigan.

 Habang Naglilibot ang


magkaibigang pagong at
matsing sa sa tabing ilog, ng
makakita sila ng isang puno
ng saging at pinaghatian nila
ito, ang taas na parti ay
napunta kay matsing at ang
baba na parti ay napunta
kay pagong.
 Araw-araw na inaalagaan ng
dalawa ang parti ng saging
na napunta sa kanila subalit
kay matsing ay nalanta at
ang kay pagong ay tumubo
ang dahon at sa di kalaunay
namunga ito at nahinog na
hitik- na hitik at tuwang-
tuwa sa pagong sa kanyang
tanim.
 Subalit hindi makaakyat si
pagong nakita ni matsing na
hinog ang saging ni pagong
at naisipan niyang akyatin
ito at pumayag naman si
pagong sap ag-aakalang
bibigyan siya ni matsing,
ngunit inubos ni matsing
ang saging at hindi manlang
binigyan si pagong, kaya
naisipan ni pagong na
lagyan ng tinik ang mga
puno ng saging upang
makaganti kay matsing, ng
umalan ay walang magawa
si matsing kailangan niyang
bumaba kahit na may mga
tinik ang puno ng saging.
Galit nag alit si matsing at
hinanap niya si pagong sa
kagubatan at ng Makita niya
ito ay hinagis niya sa ilog sa
pagaakalaang natatakot si
pagong sa tubig ngunit hindi
niya alam na marunong
palang lumangoy si pagong,
nalungkot si matsing dahil
naisahan siya ng kanyang
kaibigan.

 Ano ang Kaisipan na napaloob dito?

 Huwag pagsamantalahan
ang kahinaan ng iba.

 Ano ang Suliranin sa kuwento?

 Nagtiwala agad si pagong


kay matsing.
 Ang ang Tunggalian sa kuwento?
 Tao laban sa Tao

 Huwag maging makasarili


 Ano ang Paksang diwa sa kuwento? at huwag samantalahin ang
kahinaan ng kapwa dahil
lamang sa pansariling
interes.
B. Ebalwasyon

 Tukuyin kung anong Elemento ng


maikling kuwento ang mga sumusunod
piliin ang tamang sagot sa kahon.
Isulat ang sagot sa papel.

Tuahan Tagpuan
Banghay kaisipan
Suliranin tunggalian
Paksang diwa

1. – Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa  TAUHAN


kwento.  TAGPUAN
2. – Ito ay tumutukoy kung saan naganap ang  BANGHAY
kwento.  KAISIPAN
3. – Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga  SULIRANIN
pangyayari sa kwento.  TUNGGALIAN
 PAKSANG DIWA
4. – Ito ay ang mensahe ng maikling kwento sa
mambabasa.

5. – Ito ay tumutukoy sa problemang ikinakaharap ng


tauhan sa kwento.

6. – Ito ay maaaring tao laban sa tao, tao laban sa


sarili, tao laban sa lipunan, o tao laban sa kalikasan.

7. – Ito ay ang pinaka-kaluluwa ng kwento.


V. Takdang Aralin

1.Maghanap o magsaliksik ng maikling kuwento at


suriin ito gamit ang mga Elemento ng maikling
kuwento.

You might also like