Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Jan Stuart C.

Abing Iskor:
Grade 4 St. Pio Petsa:

Perfomance task

Ang pag-aaral tungkol sa pandiwa ay mahalaga dahil ito ay


nakakatulong sa pakikipag-usap sa wikang Filipino. Ang pandiwa ay mga
salita na nagsasabi ng mga kilos. Araw-araw ginagamit natin sa pakikipag-
usap sa ibang mga tao ang mga pandiwa. Sa bahay ay karaniwan itong
ginagamit sa pag-utos o pagbigay ng mga gawain. Mahalaga na
maintindihan natin kung ano ang kahulugan ng mga pandiwa upang magawa
natin ng mabuti ang mga gawain sa bahay.

Ang pandiwa ay may tatlong panahunan. Iyo ay ang naganap,


nagaganap, at magaganap. Ang naganap ay mga kilos na nangyari na.
Halimbawa: Nagluto si Inay ng isda kagabi. Ang nagaganap ay mga kilos na
nangyayari pa sa kasalukuyan. Halimbawa: Ngayong gabi ay nagluluto si
Inay ng manok na may sabaw. Ang magaganap ay mga kilos na mangyayari
pa lang o gagawin pa lang. Halimbawa: Magluluto si Inay ng pancit bukas ng
gabi.

Dapat na sa wastong panahunan ang mga pandiwa na ginagamit natin


tuwing tayo ay nag-uusap. Kapag nag kamali tayo ay mali rin ang
maiintindiha ng ating ka-usap. Upang tayo ay maging bihasa dapat tayong
magsanay sa paggamit ng pandiwa sa wastong panahunan. Para tayo ay
magiging magaling sa wikang Filipino pwede tayong manood ng mga
palabas at makinig ng mga kanta na nasa wika natin. Sabi nga ni doctor Jose
Rizal, “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay mas malansa pa sa
nabubulok na isda.”

You might also like