Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

THE SUMMER SOLSTICE

PLOT

Ang kuwento ay umiikot sa isang ritwal na tinatawag na Tadtarin, na nagdiriwang sa diyosang


may kakayahang magpabunga o sinasayaw ito upang humingi o magparami ng anak. Ipinakita sa
kwento na walang pakielam ang mga kalalakihan gaano sa pamahiin na ritwal ng Tadtarin.
Sapagkat si Doña Lupeng ay naging interesado sa ritwal matapos niyang malaman na kasali si
Amada sa ritwal ay siyang nagpasiya na sumali din dito. Sa oras ng ritwal, ang mga kababaihan
ay kumukuha ng mga tungkulin na tradisyonal na ginagampanan ng mga lalaki. Naranasan ni
Doña Lupeng ang isang espiritwal at sekswal na ritwal, na humantong sa isang matinding alitan
niya kay Don Paeng.
Bago matapos ang kwento, mas nakaramdam ng kakaibang confidence si Dona Lupeng, Nakita
niya kung paano ang trato ng mga tamang trato ng mag-asawa sa isa’t-isa. Pumasok sa isip niya
“Bakit hindi kami ganon? Bakit hindi ako nakakaranas ng ganon?” labis na naguluhan si Don
Paeng sa kilos at salita ng asawa ngunit agad naman itong nagbago sapagkat mahal niyang tunay
si Dona Lupeng. Siya lumuhod at hinalikan ang paa nito bilang simbolo ng pagsuko at paghingi
ng tawad.

MORAL LESSON:

Mabuti at naitanong mo yan sister! Well, ang kwento na ito na ginawa ni Nick Joaquin ay
matatawag kong masterpiece? Sapagkat sa pamamagitan ng istoryang ito, napakita dito ang
kakulangan sa paggalang at pag-unawa ng mga lalaki sa mga babae. Sa dulo ng kwento, ipinakita
ni Dona Lupeng ang kaniyang kahalagahan bilang isang babae sa lipunan. Na siya ay nararapat
na mahalin, alagaan, at pasiyahin dahil yon ang tanging responsibilidad ng mga kalalakihan
bilang kanilang asawa. Ang sinasabi ko lang sister, sa pamamagitan ng kwento, ito ay naging
sandata bilang paalala na ang pagkakaiba ng kasarian ay hindi dapat maging batayan para sa
diskriminasyon o pagbababa ng halaga. Na hindi porke lalaki ay sila na lagi ang dapat masunod.
Ayon kay Dona Lupeng nais niyang sabihin na hindi kami babae lang, Kung ano man ang kaya
ng mga lalaki ay kaya din namin yon pantayan o higitan pa.

You might also like