Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon XII
Sangay ng Cotabato
Amas, Lungsod ng Kidapawan

PANG- ARAW-ARAW NA MASUSING BANGHAY- ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN


PAARALAN: MATALAM HIGH
SCHOOL – JUNIOR HIGH ASIGNATURA: ARALING PANLIPUNAN
SCHOOL
GURO: john edrihck e, ecraela BAITANG: 7 –g, b, e
PETSA: February 28, 2024
I. LAYUNIN
Napapahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy
C. Pamantayang Pangnilalaman ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon.
Nakapagsasagawa nang kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at
D. Pamantayan sa Pagganap Timog-Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon.
E. Kasaanayang Pampagkatuto/
 Nailalarawan ang komposisyong etniko ng mga rehiyon sa Asya. (AP7HAS-Ij1.10)
Layunin
Pangkabatiran/Kognitib: Natatalakay ang paksang may kinalaman sa mga grupong etnolinggwistiko sa Asya.

Pangkasanayan/Afektib: Napa

Saykomotor Nakapagsusulat ng liham gamit ang sariling wika.

II. nilalaman/PAksang- Aralin RELIHIYON AT KULTURA SA ASYA

III. kagamitang pampagtuturo


A. Sanggunian
1. Mga pahina sa gabay ng
guro
2. Mga pahina sa gabay ng
pahina 55-66
mag- aaral
3. Mga pahina sa teksbuk pahina 60-70
4. Karagdagang kagamitan
mula sa portal ng
kagamitang panturo
B. Iba pang kagamitang panturo laptop, tv
IV. PAMAMARAAN

Gawain:
I-Panuto: Hanapin ang katumbas na sagot ng Hanay A sa Hanay B. Ibigay ang
titik ng tamang sagot sa papel.

HANAY A HANAY B
1. Ang pagkaka-organisa ay naging A. Factories Act of 1948
napakahalaga upang maisulong ang kanilang
interes at marinig ang kanilang boses.. B. Samahan ng Kababaihan
A. Balik- aral sa nakaraang 2. Ipinagbawal ang pagtatrabaho ng kababaihan
aralin at/ o pagsisimula ng sa mga delikadong makinarya habang umaandar C. Mine’s Act of 1952
bagong aralin ang mga ito.
3. itinatag upang ihiwalay ng palikuran ang D. Arab Women Connect
lalaki at babae.
4. Ang mga kababaihan ay hindi pinapayagang E. Burkah
lumabas sa mga pampublikong lugar na hindi
suot ang kanilang tradisyunal na pananamit.
5. Isang pangrehiyong network ang isinulong
noong 2000 upang gisingin ang kamalayan ng
kababaihan tungkol sa kanilang dapat na
taglaying mga karapatan
II - “Where I belong”
B. Paghahabi ng aralin sa
Panuto-Suriin ang mga susumunod na larawan na at hanapin sa loob ng kahon kung
layunin
aling bansa ito napabilang

JAPAN INDIA SAUDI ARABIA

PILIPINAS VIETNAM SOUTH KOREA


1.

2.

3.

4.

5.

III - Kilalanin ang mga sumusunod na salita kung saang relihiyon/tradisyon nauugnay.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Pananampalataya Panginoon Kasulatan Ugnayan


sa bagong aralin Pamahalaan Ritwal Kasulatan Pagsamba
Hospital Mahal na bahay Pista Trabaho
Diksyonaryo Batas Sweldo Seremonya

D. Pagtalakay ng bagong TALAKAYAN


konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1 Relihiyon - ay
isang sistema ng paniniwala, ritwal, at pag-uugali na naglalayong
magkaruon ng ugnayan sa isang makapangyarihang nilalang o mga diyos.

Tradisyon - ay ang mga impormasyon, doktrina, o kaugalian na nagpasalin-salin mula sa mga


magulang tungo sa mga anak o naging kinagawiang paraan ng pag-iisip o pagkilos.

Bansa Relihiyon Tradisyon at Paniniwala


Japan Shintoism - Ang pangunahing relihiyon ng mga hapones ay shintoism at
buddhism na may paniniwalang ang lahat ng mga bagay ay
may espiritual na pwersa na tinatawag nilang kami.
- Maituturing din ang Japan na pinakamalaking modernong
bansa sa Asya subalit napanatili nito ang impluwensya ng
relihiyon sa kanyang tradisyon.
- Bukod sa pagiging isa sa pinakamodernong bansa,
pinapahalagahan parin ng mga hapones an
- Ang pagsusuot ng kimono at obi, mga detalyadong seremonya
sa tsaa, at pag-aayos ng bulaklak (na kilala bilang ikebana) ay
mga tradisyon na nakaugalian ng mga hapones na gawin
tuwing may seremonya, pista, at mga kultura na gawain.
- Bukod sa pagiging isa sa pinakamodernong bansa,
nagagampanan parin ng mga hapones ang ibat ibang aspeto ng
relihiyon sa pang araw-araw nilang pamumuhay.

Vietnam Buddhism - Hindi maipagkakaila na mayroong malaking epekto ang


Buddhism hindi lamang sa personal na kaligtasan kundi sa
pagpapabuti ng kondisyon sa araw-araw na pamumuhay.
- Kadalasang nangunguna ang mga mongheng Buddhist sa
protestang pampolitikal. Isang katibayan ng pagiging aktibo ng
mga Buddhist sa usaping pampolitikal ay ang pagsunog sa
sarili o self-immolation ng mongheng Buddhist na si Thich
Quang Duc noong 1963. Layunin nyang ipakita ang matinding
pagtutol ng mga Buddhist sa mga patakaran at diskriminasyon
na ipinapatupad ng gobyerno ng Vietnam
- Nagkaroon ng malaking epekto sa aspekto ng pamumuhay
ng tao ang pagkamatay ni Thich Quang Duc tulad ng pagtutol
sa patakarang diskriminasyon, pagaaklas laban sa pamahalaan
at iba pa.

Larawan ni Thich Quang Duc

India Hinduism - Ang relihiyong Hindu o Hinduism ay ang pinakamalaking


relihiyon sa bansang India.
- isa sa paniniwala ng mga Hindu ay ang tinatawag na sati. Ito
ay isang tradisyon kung saan ang byudang babae ay kusang
sasama sa yumaong asawa sa pamamagitan ng pagsunog sa
kanyang sarili.
- Si Roop Kanwar ay kilalang biktima ng kontrobersyal sa
tradisyon ng sati sa India.
- Ayon sa paniniwala, sa pamamagitan ng sati,
pinaniniwalaang makakamtan ng mag asawa ang kaluwalhatian
sa kabilang-buhay.
- Dahil sa insidente, nagkaroon ng mga pagbabago sa batas sa
India tungkol sa "sati." Noong 1988, nagpasa ang pamahalaan
ng Rajasthan ng Rajasthan Sati (Prevention) Act, na
nagbabawal at nagpapataw ng mahigpit na parusa sa sinumang
sangkot sa ganyang uri ng tradisyon. Bukod dito, ang
pambansang pamahalaan ay nagpasa ng The Commission of
Sati (Prevention) Act noong 1987, na naglalayong labanan ang
tradisyong ito sa buong bansa.
- Ang tradisyong sati ay nagkaroon ng malaking epekto sa
pamumuhay ng mga Indyano lalo na sa kababaihan at sa
karapatang pantao.

Larawan ni Roop Kanwar at ang kanyang yumaong asawa

Saudi Islam - Islam ang pangunahing relihiyon sa Saudi Arabia. Halos


Arabia 90% ng populasyon sa Saudi Arabia ay Muslim.
- Isa sa tradisyon ng mga Muslim ay usapan patungkol sa
kasal, pinapayagan ang kalalakihan na magkaroon ng
hanggang apat na asawa o tinatawag na concubine. Subalit
kailangan nyang mapakain at maitrato ng pantay-pantay ang
mga ito.
- Isa rin sa tradisyon sa Islam ang pag dibosyo. Legal sa
bansang Saudi Arabia na magdiborsyo sa kanyang asawa.
- Ayon naman sa bansang Afghanistan, nangingibabaw naman
bansang ito ang Taliban, mas lumala din ang diskriminasyon sa
mga kababaihan.
- Dahil sa utos ng mga Taliban, napilitan ang mga babaeng
Muslim na magsuot ng burka, ang tradisyunal na pananamit na
tumatakip sa buong katawan. Tinanggalan din sila ng
karapatang bomoto, mag-aral, mag trabaho, at tumanggap ng
anumang benepisyong pangkalusugan.
- Nang bumagsak ang Taliban, nabawasan ng bahagya ang
mga restriksyon sa mga kababaihan.
- Ang tradisyong ito ay nagpapakita ng malaking epekto sa
pamumuhay ng tao lalo na sa mga kababaihan.

Pilipinas Kristiyanismo - Kristiyanismo ang pangunahing relihiyon sa Pilipinas. Bukod


sa pagiging magalang ng mga Pilipino, isa ring tradisyong ng
mga Pilipino ang pagpaparami ng pamilya.
- Ang pilipinas ay kilala bilang isang bansa na may mabilis na
paglaki ng populasyon. Ayon National Statistics Office (NSO),
mahigit 120 milyon na ang populasyon sa Pilipinas.
- Nais ng gobyerno na magpatupad ng batas na may layuning
mabawasan ang pag lobo ng populasyon sa Pilipinas sa
pamamagitan ng pag gamit ng mga artipisyal na pamamaraan
ng pagpigil sa pagbubuntis.
- Tutol naman dito ang Simbahang Katoliko dahil ito ay labag
sa kanilang aral hinggil sa likas na batas ng tao at moral na
prinsipyo. Tutol din ang Simbahang Katoliko sa pamamaraang
tinatawag na aborsyo o abortion dahil ang buhay ng tao ay
may mataas na halaga at dignidad, at dahil dito, ang pag-aalis
ng buhay ng isang sanggol sa sinapupunan ay itinuturing na
isang mabigat na paglabag sa moral na batayan.

IV- “Lights, Camera, Action”


Panuto: Bumuo ng dalawang grupo.
Magbigay ng mga halimbawa na may kinalaman sa tradisyon at kultura ng mga
Muslim at mga Kristiyano.
Meron lamang kayong 5 minuto sa pag sulat at 10 minuto para sa pagsasadula.

Rubriks para sa pagsasadula


Pamantayan 10 puntos 7 puntos 3 puntos
Pagganap Malinaw, kaakit-akit, at Maayos ang Ang presentasyon ay
kahusayang ipinakita ang presentasyon, ngunit hindi maayos at hindi
E. Pagtalakay ng bagong konsepto role-playing. may mga bahagi na nakakatulong.
at paglalahad ng bagong kasanayan nagdudulot ng
#2 pagkakalito.

Nilalaman Malalim at mabisang Maayos ang pang- Hindi gaanong


ipinalabas ang pang- unawa, ngunit may naiintindihan ang
unawa sa tauhan o tema. mga aspeto na tauhan o tema.
nagdudulot ng
kalituhan.

Partisipasyon Lubos na aktibo, Maayos ang Hindi nakikilahok o


nakikilahok, at paglahok, ngunit halos walang
nagdadala ng buhay sa may mga naitutulong sa
role-playing. pagkakataong hindi aktibidad.
makikilahok.

F. Paglinang sa kabihasaan V - “Spider Web”


Panuto:
 Kumuha ng isang buong papel
 Gumawa ng spider web at isulat sa loob ng kahon ang relihiyon at tradisyon ng bawat
bansang tinalakay

VI-”Kaisipan, Pagtapatin”
Panuto: Pagtambalin ang mga kaisipan sa hanay A sa mga salita sa hanay B.

Hanay A Hanay B

1. Ano ang tawag sa tradisyon ng Islam a. Sati


kung saan pwede sila mag asawa hanggang b. Concubine
apat? c. Shintoism
2. Ito ang pangunahing relihiyon na laganap d. Thich Quang Duc
na ibat ibang lungsod ng Japan e. Simbahang Katoliko
3. Uri ng tradisyon kung saan ang byudang babae ay
magpapakamatay sa pamamagitan ng pagsama
sa cremation.
4. Sino ang tutol sa batas ng gobyerno patungkol sa
pag-gamit ng mga artipisyal na pamamaraan para
sa pagpipigil sa pagbubuntis.
5. Kilala sa pamamagitan ng pag sunog sa sarili sa
pamamagitan ng self-immolation.

Mga sagot
1. B
2. C
3. A
4. E
5. D

Tanong:
G. Paglalapat ng aralin sa pang-
araw- araw na buhay  Ano anong mga paniniwala ang umiiral sa inyong tahanan? Magbigay ng halimbawa
 Sa iyong palagay, ano ang mangyayari kung hindi natin alam ang paniniwala ng bawat isa?

Mga tanong:
H. Paglalahat ng Aralin
 Ano ang naging epekto ng relihiyon sa aspekto ng pamumuhay ng tao?
 Bakit mahalagang isabuhay natin ang impluwensya ?

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong/pahayag. Isulat ang titik ng napiling
I. Pagtataya ng Aralin sagot sa ½ na papel.

1. Ano ang tawag sa tradisyon kung saan ang lalake ay pwedeng mag-asawa ng hanggang
apat na asawa?
a. Kimono at Obi
b. Concubine
c. Relihiyon
d. Kultura

2. Ano ang relihiyon na may paniniwala na ang lahat ng mga bagay ay mayroong espiritwal
na pwersa?
a. Hinduism
b. Buddhism
c. Kristiyano
d. Shintoism

3. Bakit marami ang tumututol sa tradisyong sati?


a. Dahil ito ay nagpapatibay sa relasyon ng pamilya
b. Dahil ito ay isang paniniwala na galing sa Japan
c. Dahil ito ay isang sakripisyo at labag ito sa karapatang pantao
d. Ito ay isang kathang isip lamang

4. Bakit tutol ang Simbahang Katoliko sa batas na ipapatupad ng gobyerno patungkol sa


pag gamit ng artipisyal na pamamaraan sa pagpigil ng pagbubuntis?
a. Tutol ang Simbahang Katoliko dahil hindi ito angkop sa batas ng bansa
b. Tutol ang Simbahang Gobyerno dahil nilalabag nito ang natural na batas ng pantao
c. Tutol ang Simbahang Katoliko dahil maapektohan ang kanilang ibang sektor
d. Tutol ang Simbahang Katoliko dahil sila ang nalulugi sa pag bigay ng gastos.

5. Malaki ang naging papel ng tradisyon ng bawat kultura sa paghubog ng pamumuhay ng


bawat tao sa Timog at Kanlurang Asya.
a. Tama, dahil naging mas aktibo ang mga tao pagdating sa tradisyon
b. Mali, dahil nagkaroon ng negatibong epekto ito sa pamumuhay ng bawat Pilipino.
c. Tama, dahil nagkaroon ng importansya ang bawat relihiyon sa ibat ibang aspekto ng
pamumuhay ng tao.
d. Mali, dahil hindi pantay-pantay ang pagtrato sa mga tao.

Gawain: Isulat sa kwaderno ang mensahe

J. Karagdagang gawain para sa


takdang- aralin at remediation

Ang mensahe ng larawan ay___________________________________________________


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

V. mga tala

VI. pagninilay
A. Bilang ng mag- aaral na
nakakuha ng 80% sa STEM__, B__, C__, E__, G__
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba STEM__, B__, C__, E__, G__
pang- gawain o remediation
C. Nakatulong ba nag remedial?
YES__ STEM__, B__, C__, E__, G__
Bilang ng mga mag- aaral na NO __
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag- aaral na
STEM__, B__, C__, E__, G__
magpapatuloy sa remediation
Teaching Strategies that work well
___Games ___ Peer Teaching
___Group Activities/Group Collaboration ___ 4A’s Approach
___Convergent & Divergent Thinking ___Think-Pair-Share
___ Problem-based Learning ___ Experiential Learning
E. Alin sa estratehiyang ___ Reciprocal Teaching ___ Differentiated Instruction
pagtuturo ang nakatulong ___ Inquiry-based Learning ___ Discussion
nang lubos? Paano ito ___Chalk & Talk Method (Lecture Method) ___ Case Method
nakatulong? ___ Power Point Presentation ___ Role Playing/Drama
Why?
___ Complete IMs
___ Availability of Materials
___ Learners’ eagerness to learn
___ Group members’ cooperation in doing their tasks
F. Anong suliranin ang aking ___ Bullying ___ Learners’ behaviour/attitude
___ Colorful IMs ___ Unavailable Technology
naranasan na nabigyang
___Equipment (AVR/LCD) ___ Reading Readiness
solusyon sa tulong ng aking ___ Additional Clerical Work
punnongguro at superbisor? ___ Science Computer/Internet Lab
G. Anong kagamitang- panturo
ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro.

Inihanda ni : DAMA T. FORRO Petsa: 10/09/2023


Guro
Binigyang kagyat ni : MERIAM R. PECAOCO
Kahaliling Punongguro (JHS) Petsa: 10/09/2023

Pinagtibay ni : TITA P. RAYA, EdD.


Punongguro IV Petsa: 10/09/2023

You might also like