Professional Documents
Culture Documents
Filn Finals Reviewer
Filn Finals Reviewer
Filn Finals Reviewer
KORAPSYON
2 uri ng korapsyon
1. Areglo – pag sasaayos ng isang sitwasyon sa paraang mas madali ngunit di katanggap tanggap
2. Ayus – katulad ng areglo
3. Backer – maimpluwensyang tao na makasisigurado sa isang ninanais na resulta kapalit ng
particular na presyo
4. Barya barya – maliit na paglalagay
5. Kumisyon – kabayaran sa transaksyon
6. Lagay – maari ding suhol
7. Lakad – Pag sasaayos sa isang usapan o transaksyon, particular sa pagkuha ng permit o lisensya
8. Lutong-nakaw – katawagan sa pagdedesisyong mas pinapaboran ang isang panig nang walang
batayan
9. Rebate – katulad ng komisyon
10. SOP – Standard operating procedure. Ang awtomatikong porsyento o kabayaran na ibinibigay sa
opisyal ng pamahalaan upang maisagawa ang transaksyong iligal.
11. Suhol – maari ding lagay
12. Tongpat o patong – halagang idinadagdag sa tunay na halaga ng isang produkto o serbisyo na
magsisilbing kabayaran sa pagsasagawa ng transaksyon.
13. Padulas – perang pambayad upang mas bumilis ang transaksyon
14. Pang merienda – maliit na lagay
Sanhi ng Korapsyon
Epekto ng Korapsyon
Lubos na paghihirap ng mga mamamayan dahil napupunta sa bulsa ng mga namumuno ang
kaban at pondo ng pamahalaan para sa mag mamamayan at para sa pag unlad ng bayan
Kinukulang ang mga mangagawa tulad ng nars, doctor, gamut at makabagong kagamitan
Nagiging mababa ang kalidad ng edukasyon sa mga pampunlikong paaralan dahil sa kakulangan
ng guro, aklat, silid, at iba’t ibang pasilidad.
Nagkukulang at kumukonti ang pumapasok na negosyo sa bansa na nagiging dahilan ng
kakulangan sa trabaho at pangingibang bansa ng ibang mga kababayan.
PANGKALIKASAN
Ang kalikasan ay tumutukoy sa mga buhay na nilalang at di buhay na mga bagay tulad ng
bundok at iba pang anyong tubig na natural na umiiral kahit wala ang sangkatuhan.
1. Pagkalat ng basura – ang problema natin sa basura o solid waste management ay isa sa isyu na
lahat tayo ay maaring makatulong na masolusyunan.
2. Pagmimina – totoo na Malaki ang kita sa pagmimina subalit ang mga taong nakakakuha ng pera
dahil ditto ay ang mga taong mayayaman na may kayang gumawa ng operasyon nito.
3. Deforestation – ang iligal na pagpuputol ng puno ay isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon
ng mga kalamidad katulad lamang ng landslide at flashflood.
4. Polusyon sa Hangin- ang polusyon sa hangin ay nagmumula sa magkakahalong kemikal sa
hangin, mga particulate matter, at mga biological materials nagkakaroon ng reaksyon sa bawat
isa at lumilikha ng isang maliit at mapanganib na mga particle.
5. Polusyon sa Tubig – ayon sa water environment partnership in Asia (WEPA), Malaki ang
problema na kinakakaharap ng Pilipinas kaugnay sa polusyon ng tubig dahil sa maraming sector
ng lipunan nakadepende sa malinis na tubig.
Industrial waste – mag heavymetal at iba pang kemikal tulad ng mercury, lead, at
cyanide.
Agricultural waste – dumi ng hayop, patay na hayop, at nabubulok na halaman.
Domestic sewage – mga duming galling sa kabahayan at pamayanan.
Iba pang pinagmulan – mga natapon na langis at mga iligal na tinapong mga basura sa
ilog at dagat.
Climate Change
Ang climate change ay nasusukat na pagbabago sa mga katangian ng ibat ibang climate system
na maaring tumagal ng ilang dekada o mas matagal pa.
1. Paglilinis ng tahanan
2. Pagtatapon ng basura sa tamang lagayan
3. Pangangalaga ng mga ilog at dagat
4. Pagtatanim ng mga punong kahoy
5. Pagkakaisa at pagtutulungan para sa kapaligiran
Aralin 6
Ang pulong o miting ay isang pagtitipon na may layuning makapagpahayag ng isang anunsyo,
panukala o Gawain.
4 na element ng pagpupulong
1. Pagpaplano (Planning)
a. Mga tanong na dapat masagot pag nagpaplano ng pulong:
Ano baa ng dapat makuha o maabot ng grupo pagkatapos ng pulong ?
Ano ang magiging epekto sa grupo kapag hindi nagpulong
b. Magkaroon ng malinaw na layunin kung bakit dapat may pagpupulong:
Magpaplano para sa organisasyon (planning)
Pagbibigay impormasyon
Konsultasyon
Paglutas ng problema
Pagtatasa
2. Paghahanda (Arranging)
3. Pagpoproseso (Processing)
a. Quorum – ito ang bilang ng mga kasapi na kasama sa pulong na dapat dumalo para maging
opisyal ang pulong. Dapat ito ay 50%.
b. Consensus – isang proseso ng pagdedesisyon na kinukuha ang nagkakaisang desisyon ng
lahat ng mga kasapi sa pulong.
c. Simpleng mayorya – isang proseso ng pagdedesisyon na kinakailangan ng 50% + 1 (simple
majority) ng pag sang ayon o hindi pagsang ayon ng mga dumalo sa isang opisyal na pulong.
d. 2/3 majority – isang proseso ng pagdedesisyon na kinakailangan ang 2/3 o 66% ng pang sang
ayon o hindi pag sang ayon ng mga dumalo na opisyal na pulong.
4. Pagtatala (Recording)
- Tinatawag din na minutes of the meeting.
1. Pagpaplano
2. Pagsasanay ng Presentasyon
3. Pagpapahayag ng ulat