Broken Fam

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Department of Education

Region III
DIVISION OF CITY SCHOOLS
RAFAEL L. LAZATIN MEMORIAL HIGH SCHOOL
Kalye Quezon New Valley, Balibago, Lungsod ng Angeles
Contact Number: 0932- 843-1470

KAGAWARAN NG SENIOR HIGH SCHOOL

Panimulang
Pananaliksik sa
Paksang Broken Family

Bilang Pagtupad sa Isa


sa mga Kahingian sa Asignaturang
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Isinumite kay
Jeffrey L. Sanchez
Pansekundaryang Guro III

Ni
Joshua R. Casem
TVL 11- Borromeo

Ngayong
Ika-21 ng Oktubre, 2019
Unang Semestre, 2019- 2020
Introduksyon

Ang pamilya ang pinakamahalagang bagay sa mundo na hinding-

hindi mapapalitan ninuman pagbalik-baliktarin man ito. Ang pamilya

ang may pinakamalaking impluwensya sa buhay ng tao. Ayon kina

Belos, Acalain, Benecari, at Maceda (2018), ito ang pinaka-

maliit na yunit sa isang lipunan na siyang humuhubog sa pagkataong

bawat miyembro ng komunidad. Pamilya rin ang pinakamahalagang

tagapagbigay inspirasyon sa mga taong nangangailangan nito sa

pamamagitan ng pagmamahal at pagmamalasakit.

Ang pamilya ay talagang isang mahalagang salita sa bawat tao.

Sila ay regalo na ibinigay sa atin ng Diyos. Sa pamilya nagsisimula

ang pakikipag-ugnayan sa iba. Sa pamilya rin nagmumula ang

pakiramdam na pagiging ligtas, pagkakaroon ng mga taong maaasahan

at maaari mong ibahagi ang iyong mga problema. At sa kabilang dako,

nangangahulugan din ito na mayroong paggalang at responsibilidad

sa bawat isa. Ang karaniwang depinisyon ng pamilya ay isang grupo

ng mga tao na binubuo ng ama, ina at ang mga anak kung saan ang

bawat isa ay pinagbubuklod ng pagmamahal. Wika nina Belos et al.

(2018), Ito rin ay tinatawag na nuclear family. May iba’t ibang

uri rin ng pamilya ayon sa dami ng miyembro nito at kabilang rito

ang extended family. Ito ay nangahuhulugang kasama ng pangunahing

pamilya ang iba pang mga ka-anak tulad ng mga lolo at lola sa
iisang tahanan lamang. Ang isa pang uri ay ang conjugal family

kung saan ang tatay at nanay lamang ang miyembro ng isang pamilya.

Saad nina Belizon, Catindig, Mondejar, Narvasa, at Ollero

(2012), sa paglipas ng panahon, marami ngang pagbabago ang

nagaganap sa mga pamilya sa buong mundo. Sa kabila ng matitibay na

pagkakabuklod-buklod ng pamilyang Pilipino, hindi maiiwasang

marami namang pamilya ang nagkakawatak-watak. Ito ay isang broken

family o isang sirang tahanan, kung saan ang nanay at tatay ay

hindi magkasamang naninirahan sa iisang tahanan upang itaguyod ang

kanilang mga anak

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang mga epekto

ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-aaral ng estudyante.

Malaki ang papel ng kabataan sa usaping ito at mas nararapat lamang

na sila ang magbigay at magpahayag ng kanilang mga saloobin

patungkol sa usaping ito. Sa pananaliksik na ito malalaman,

mauunawaan, masasagutan at matutugunan ang katanungan ng

nakararami ukol sa problemang kinahaharap ng mga apektadong

kabataan.

Ngunit ano ng aba ang broken family o watak watak na pamilya?

Ano nga ba ang maaring dahilan ng mga magulang sa pagkakaroon ng

ganitong isyu sas kanilang pamilya? Sa panahon ngayon, marami na


ang tinatawag nating “broken families” o hindi buong pamilya. Ito

ay sa kadahilanang pag-hihiwalay ng mga magulang. Mayroon din

tayong tinatawag na “Single-Parent” o mga magulang na tinataguyod

ang kanilang anak mag-isa.

Ayon sa akdang; Mga dahilan ng pagkakawatak-watak ng isang

Pamilya, (2010). Kadalasan pagdududa ang nagdudulot ng gulo o away

sa isang pamilya kaya’t hindi nagtatagal ay nauuwi ito sa

paghihiwalay ng mga magulang ng isang pamilya. Ang hindi

pagkakaintndihan nga mga magulang sa isang pamilya ang madalas na

pinag-uugatan ng mga ganitong problema sa loob ng isang pamilya.

Nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan dahil narin sa mga

pagdududa at kakulangan sa komunikasyon.

Ika ni Altiyah, D. (2017), isa rin ang third party o relasyon

sa labas ng kasal ang dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa kaya

naghahanap ng iba ang kanilang kabiyak. Marahil maraming dahilan

ang pakiki-apid ng isang tao, ilan ditto ang mga kadahilanang

kulang sa atensyon, aruga o pagmamahal, pagseselos, madalas na pag

aaway dahil sa hindi pagkakaintindihan at iba pa. Dagdag pa niya,

isa ring dahilan ng paghihiwalay ng mag asawa ang unsatisfaction

o pakiramdam ng isang kabiyak na hindi nabibigay ang kanilang

pangangailangan. Ito rin ay kadalasang humahantong sa paghihiwalay


ng mga mag-asawa. Mababaw man sa paningin ng nakararami, ngunit

totoo, isa rin ito sa mga dahilan ng watak na pamilya.

Dagdag pa ni Campbell, D. (1932), mayroon ding mga negatibong

epekto sa mga bata ang pagkamulat sa hiwalay na pamilya o broken

family. Malaki ang epekto ng pagakaroon ng watak watak na pamilya

sas isang estudyante. Maaaaring maging dahilan ito ng kanilang

pagiging rebelde at pagbubulakbol sa pag aaral. Ika ni Claude, G.

(2017) Sinasabi ng mga siyentipikong higit na

marami ang mga nagiging suliranin sa mga batang pinalaki ng single

parents kaysa sa mga batang ginabayan ng parehong magulang. Marami

ang nagsasabing higit na higit na mas nagagabayan ang paglaki ng

isang bata kapag ito ay mayroong dalawang magulang na gumagabay

sakanila kumpara sa isang single parent.

Sabi sa tala nina Aquino, A., Bartolome, L., Cuevas, L.,

Fulguencio, J., Reyes, R., at Roazai, R. (2004), Ang pamilyang

Pilipino ngayon ay humaharap sa isang suliraning dulot ng

modernisasyon at patuloy na paghirap ng buhay. Ito ang pagkaabala

ng magulang sa paghahanapbuhay at iba pang gawaing mapagkakakitaan

maging sa mga personal na bagay na kadalasan ay napapabayaan ang

mga anak at nagkukulang sa atensyon. Kakulangan sa atensyon ang


dulot ng modernisasyon sa mga pamilyang Pilipino. Isa ito sa mga

suliranin na kinakaharap ng mga kabataan sa panahon ngayon.

Isinaad ni Campbell, D. (1932) Ang paghihiwalay ay maaaring

dahil sa kamatayan, diborsiyo, desersyon, o anumang iba pang mga

dahilan. kung ang isang abnormal na bahay ay isang permanenteng

epekto sa mga bata, ang kakayahan ng gawin ang kanyang mga gawain

sa paaralan, ito ay dapat na makikita kapag ang tagumpay ng mga

bata mula sa naturang isang kapaligiran kumpara sa tagumpay ng mga

bata na nanggagaling mula sa isang normal na pamilya. Ilan lamang

ang mga ito sa mga maaaring dahilan ng paghihiwalay ng mga magulang

sa isang pamilya na maaaring dahilan ng pagrerebelde ng mga

kabataan. Ayon sa pag aaral nina Belizon et al.(2012), ang mga

hindi mabubuting bunga ay ang pagkakaroon ng mas mataas na tyansya

ng mga sumusunod: hindi pagtatapos ng pag-aaral, sinasadyang

pagtigil sa pag-aaral, pakikipagtalo sa magulang, pakikipagtalik

at pagbubuntis ng maaga, pagkalulong sa droga at alak, pagsali sa

mga gang, pangangailangan ng tulong ukol sa mga problemang

emosyonal, paggawa ng krimen, pagkitil ng sariling buhay at sa

hinaharap, pakikipaghiwalay rin sa asawa. Ilan lamang ang mga ito

sa mga hindi mabubuting gawain ng mga kabataan na apektado ng mga

watak na pamilya sa kadahilanan umanong nararamdaman nilang wala

nang nagmamahal at nagapahalaga sakanila.


Sa isang pananalisik ni Dy, E. (1994). "Portrait of the

Filipino as Youth," nalalamang 32% ng 500 kabataan mula sa pamilya

sa Metro Manila na nakapanayam ay wala ang isa (nanay o tatay) o

dalawang magulang (nanay at tatay) sa tahanan. At sa 58% ng mga

kabataang may nanay at tatay, 69% sa kanila ay may mga nanay na

may trabaho sa labas ng bahay. Marahil marami sa mga magulang ay

overseas workers. Ilan lamang ito sa mga kaso ng mga kabataan na

apektado ng watak na pamilya.

Gayunpaman, hindi nangangahulugang lahat ng mga batang palaki

ng solong magulang ay babagsak sa pare-parehong kapalaran.

Maaaring magkaroon ng pagkakaiba-iba ayon sa sitwasyon. Ang mga

batang naninirahan kasama ng nabyudang ina ay magkakaroon ng ibang

karanasan sa mga batang naghiwalay ang mga magulang o hindi kinasal

depende sa kasunduang napag-usapan ng dalawang kampo. Mayroon ding

mga taong nahuhubog ng maayos, nakatatapos ng pag-aaral at

lumalaking may mabuting relasyon sa kapwa sa kabila ng mga pagsubok

na dinaranas sa pagkakaroon ng single-parent families.

(http://health.howstuffworks.com/understanding-family-

structures-and-dynamicsga4.htm).

Ayon sa mga pag-aaral ni Blankstein, J. (2012), ang mga batang

lumalaking walang ama ay tumataas nang apat na beses ang


posibilidad na maging mahirap. Ang masama dito, ang kakayahan sa

buhay ay malaki ang ugnayan sa edukasyon. Nauugnay din ang pag-

aaral sa naaabot na success sa buhay. Kakulangan umano sa gabay at

pag aaruga ng magulang ang mga kabataan na naghihirap.

Ayon kay Luzande, C. (2008). Iba naman ang nangyayari sa mga

anak na babae. Kung ang epekto sa mga lalaki ay madaling makita,

ang epekto sa mga babae ay kadalasang nauuwi sa pag-implode.

Kanilang kinikimkim ang dinadalang problema na nagiging sanhi ng

iba't ibang paraan para takpan ang nararamdaman na kakulangan.

Doble ang posibilidad na sila ay ma-obese at apat na beses ang

posibilidad na mabuntis habang teenager pa lamang. Ang mga babaeng

biktima ng watak na pamilya ay masyadong vurnerable sa iba’t ibang

problema gaya ng pagbubuntis ng maaga. Sila rin ay lapitin ng

depression dahil sa mga pambubulas o kakulangan sa patnubay.

Dagdag pa ni Mabanglo, R. (2014), kapag ipinakikita natin ang

pagpapahalaga sa pamamagitan ng mga salita at gawa, naipakikita

natin sa ating pamilyang pinahahalagahan at itinatangi natin

sila. Maiging isipin kung gaano natin pinahahalagahan ang

iba. Ngunit, hindi nila malalaman ang nararamdaman

natin hangga’t hindi natin sinasabi. Maraming pamilya ang may

espesyal na pagtitipon kung Araw ng mga Ina o Araw ng mga Ama upang
maipadama ang pagpapahalaga sa magulang. Maraming kultura ang

nagdiriwang ng mga tanging araw para parangalan ang mga

bata. Upang magkaroon ng pagpapahalaga sa isang pamilya ay dapat

alam rin ng mga miyembro sa isang pamilya kung paano pahalagahan

ang isa’t isa. Dumaraan sa panahong nagkakaproblema ang

pamilya. Magagamit nila ang problema para maging lalong matatag

at malapit sa isa’t isa. Kung medyo babaguhin natin ang ating

pag-iisip, makikita nating ang krisis ay isang oportunidad para

maging matatag. Narito ang ilang bagay na maaaring subuking kung

dumating ang problema. Ani Mabanglo, R. (2014).

Sabi ni Refugio, G. (2016), ang pagiging isang magulang ay

isang hamon. Nangangahulugan ito ng buong puso at tapang na

pagharap sa mga responsibilidad na dapat gampanan. Hindi man

maiwasan ang paghihiwalay ng mag-asawa, kailangan pa rin nitong

gabayan ang kanilang mga anak para hindi masira ang kanilang

kinabukasan kundi para maging maayos ang kanilang paglaki, mayroon

silang kumpiyansa sa sarili at may pananalig sa Diyos. Para naman

sa mga batang nagmula sa hindi buong pamilya, kailangan nilang

maging responsable at matatag sa mga pangyayari at gawin nila itong

inspirasyon dahil balang araw ito ang aahon sa kanilang kahirapan.


Dagdag pa ni Refugio, G. (2016), ang kahirapan ay isa sa mga

suliraning kinakaharap ng pamilyang Pilipino ngayon. At ito ang

dahilan kung bakit maraming kabataan ang nagtatrabaho sa ngayon.

Ang mga kabataang ito ay napipilitang magtrabaho upang makatulong

sa mga pangangailangan ng kanilang pamilya. Ayon kay Doicese of

Borongan Bishop Crispin Varquez, maraming magulang ang tamad

magtrabaho at may mga bisyo kaya napipilitan ang kanilang mga

anak na magtrabaho kahit bata pa sila para gampanan ang

responsibilidad ng kanilang mga magulang kaya tumutulong na rin

ang mga anak sa pagtatrabaho.


TALA-SANGGUNIAN

Altiyah, D. (2017). A broken family. Lungsod ng Maynila


https://abrokenfamilyblog.wordpress.com/2017/11/09/first-
blog-post/.

Anonimus, (2010). Mga dahilan ng pagkakawatak-watak ng


isang pamilya. Lungsod ng Maynila:
http://familybroken.blogspot.com/2010/08/mga-dahilan-ng-
pakakawatak-watak-ng.html.

Belos, M., Acalain, M., Benecari, J., & Maceda, F. (2018) Epekto
ng pagkakaroon ng watak-watak na pamilya sa pag-aaral sa ilang
piling indibidwal sa isang pribadong paaralan ng Lanao del
Norte. Lungsod ng Lanao del Norte:
https://www.academia.edu/36055653/Epekto_ng_Pagkakaroon_ng_
Watak-watak_na_Pamilya_sa_Pag-
aaral_sa_Ilang_Piling_Indibidwal_sa_Isang_Pribadong_Paarala
n_ng_Lanao_del_Norte.

Belizon, M., Catindig, J., Mondejar, M., Narvasa, J., &


Ollero, M. (2012). Mga epekto ng pagakawatak-watak ng
pamilya sa pag-aaral ng mga estudyante sa kursong
teknolohiya at medisina ng University of Perpetual Help.
Lungsod ng Laguana:
https://www.scribd.com/doc/111903375/Thesis-sa-Filipino-
docx.

Campbell, D. (1932). Epekto ng broken family sa kabataan.


https://www.termpaperwarehouse.com/essay-on/Epekto-Ng-
Broken-Family-Sa-Kabataan/477675.
Refugio, G. (2016). Ang mga katotohanang nangyayari sa pamilyang
Pilipino. http://srnhsfilipino.blogspot.com/2016/11/ang-mga-
makatotohanang-nangyayari-sa.html

Claude, G. (2017). Epekto ng broken family sa kabataan.


https://www.termpaperwarehouse.com/essay-on/Epekto-Ng-
Broken-Family-Sa-Kabataan/477675.

Aquino, A., Bartolome, L., Cuevas, L., Fulguencio, J., Reyes,


R., & Roazai, R. (2004). Mga epekto ng pagkakawatak watak ng
pamilya sa pag-aaral ng mga estudyante
https://www.coursehero.com/file/21222512/111903375-Thesis-
sa-Filipino-docx/.

Campbell, D. (1932). Epekto ng broken family sa kabataan.


https://www.termpaperwarehouse.com/essay-on/Epekto-Ng-
Broken-Family-Sa-Kabataan/477675

Belizon, M., Catindig, J., Mondejar, M., Narvasa, J., &


Ollero, M. (2012). Mga epekto ng pagakawatak-watak ng pamilya
sa pag-aaral ng mga estudyante sa kursong teknolohiya at
medisina ng University of Perpetual Help. Lungsod ng Laguana:
(http://health.howstuffworks.com/understanding-family-

structures-and-dynamicsga4.htm)

Mabanglo, R. (2014). Pamilyang Pilipino. Lungsod ng Marikina:


http://www.hawaii.edu/filipino/Lessons/Pamilyang%20Pilipino
/Pamilyang%20Pilipino.html.

Dy, E. (1994). "Portrait of the Filipino as Youth. “Pilosopikal na


Batayang Espiritwalidad ng Pamilyang Pilipino.” Pambansang
Samahan Para sa Pagpapalahaga, Inc.
http://www.smc.org.ph/heartsapart/chapter2.html.
(http://health.howstuffworks.com/understanding-family structures-
and-dynamicsga4.htm).

Blankstein, J. (2012). 5 epekto ng broken family sa anak.


https://ph.theasianparent.com/epekto-ng-broken-family-sa-
mga-anak-2

Luzande, C. (2008). 5 epekto ng broken family sa anak.


https://ph.theasianparent.com/epekto-ng-broken-family-sa-
mga-anak-2

Mabanglo, R. (2014). Pamilyang Pilipino. Lungsod ng Marikina:


http://www.hawaii.edu/filipino/Lessons/Pamilyang%20Pilipino
/Pamilyang%20Pilipino.html.

Refugio, G. (2016). Ang mga katotohanang nangyayari sa pamilyang


Pilipino. http://srnhsfilipino.blogspot.com/2016/11/ang-mga-
makatotohanang-nangyayari-sa.html

You might also like