Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

TMDI LESSON PLAN IN ESP 10 – ESP

Learning Area: ESP 10 Inclusive Dates: March 07, 2024


Grade Level: 10 (Quarter 3 – Week 4)

I. KASANAYANG PAGKATUTO
Nasusuri ang mga paglabag ng paggalang sa buhay.

II. NILALAMAN
Paglabag sa paggalang sa buhay

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian
 Learning Modules, Internet
B. Iba Pang Kagamitang Panturo
 Visual Aids, Chalk, Pisara

IV. PAMAMARAAN
Mga Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtsek ng Attendace
4. Mga panuntunan sa loob ng klase

Episode sa Pag-aaral 1
A. MOTIBASYON
1. Ngayon susuriin natin ang mga paglabag ng paggalang sa buhay.
2. Mahalaga na suruin natin ang mga paglabag ng paggalang sa buhay upang malaman natin na yung ginawa
natin ay isang paglabag at hindi nakabubuti sa ating buhay.
3. Sa pagtatapos ng aralin susuriin ninyo ang mga paglabag ng paggalang sa buhay.

B. PROBE & RESPOND


Pagbabalik-aral
 Ano-ano ang mga isyu tungkol sa paglabag ng paggalang sa buhay?

Mga Kinakailangang Kasanayan

“Nagsisimulang magwakas ang ating buhay sa araw na tayo ay tumahimik tungkol sa mga bagay
na mahalaga.” - Martin Luther King Jr.

Pagpaparinig ng awiting “Anak” ni Freddie Aguilar


1. Ano ang naramdam mo matapos mong marinig ang awiting ito?

Tandaan: Tatawag ang guro ng isang mag-aaral mula sa klase upang sagutin ang tanong.

Episode sa Pag-aaral 2

 PAGMOMODELO
Tandaan: Susuriin ng guro ang sitwasyon tungkol sa paglabag ng paggalang sa buhay.
Sitwasyon 1:
Mula pa noong nasa sekondarya si Manuel ay natuto na itong maglasing. Ilang ulit na rin siyang
napagalitan sa opisina ng Prinsipal dahil naninigarilyo din siya. Ngayon ay mahigit na siyang 50 gulang. Nasa ospital
na siya dahil may kanser siya sa atay.
Ang tawag dito ay: ALKOHOLISMO AT PANINIGARILYO

Episode sa Pag-aaral 3
A. Ginabayang Pagsasanay: (Tambalang Gawain)

Panuto: Ang klase ay hahatiin sa limang (5) pangkat, bawat pangkat ay bibigyan ng sitwasyon tungkol sa
paglabag ng paggalang sa buhay na kanilang isasadula. Sa pamamagitan ng pagsasadula, susuriin ng isang pangkat
kung anong uri ng paglabag sa paggalang sa buhay ang ipinapahiwatig nito. Magbibigay ang bawat pangkat ng
maikling paliwanag ukol sa kanilang sagot.

Mga Sitwasyon:
1. Si Carolina ay nabalitang namatay dulot ng pagkitil ng sariling buhay, dahil akala niyang buntis siya pero hindi
pala.
Ang tawag dito ay: PAGPAPATIWAKAL (suicide)

2. Dahil sa sakit na nararamdaman, kawalan ng pag-asa na gumaling, at walang pambayad sa ospital, pinatawag ni
Manuel ang kanyang Doktor upang siya ay bigyan na lamang ng gamot upang tahimik na lamang na lisanin niya ang
mundo. Hindi siya binigyan ng doctor.
Ang tawag sa hiling ni Manuel ay: EUTHANASIA (mercy killing)

3. Sa impluwensiya ng barkada natuto si Diego na manigarilyo, paglalasing, at naging adik sa paggamit ng marijuana
at shabu. Ang naging resulta nito ay naging abusado siya sa asawa at anak na nagdulot ng pag-iwan sa kanya ng mga
ito.
Ang tawag dito ay: ALKOHOLISMO AT PANINIGARILYO, PAGGAMIT NG DROGA

4. Matalinong mag-aaral si Mara ngunit hindi niya inaasahan na siya ay mabubuntis. Dahil sa labis na pag-aalala sa
magiging reaksyon ng kaniyang mga magulang ay napagpasyahan niyang ipalaglag ang nasa sinapupunan niya.
Ang tawag dito ay: ABORSIYON

5. Inalok ka ng iyong kaibigan na sumama sa kaniya at subukang gumamit ng marijuana.


Ang tawag dito ay: PAGGAMIT NG DROGA

B. Independent Pratice: (Indibidwal na Gawain)


Panuto: Suriin mo ang sitwasyon na nakasulat sa hanay A at pagkatapos ay ibigay mo kung anong paglabag sa
buhay ito, isulat ang sagot sa hanay B.

HANAY A HANAY B
1. Si Arth ay isang call center agent at kasalukuyang nasa kolehiyo. Upang hindi PAGGAMIT NG DROGA
makaramdam ng pagod at mapanatili ang kanyang kasiglahan sa pag-aaral,
minsan na siyang gumamit ng ipinagbabawal na gamot.
2. Nasawi ang magulang ni Ben dahil sa aksidente. Sa tuwing maalala niya ang ALKOHOLISMO AT
malungkot na sinapit ay umiinom siya ng alak upang maibsan ang nadaramang PANINIGARILYO
kalungkutan, natuto din siyang manigarilyo dahil sa kanyang mga kaibigan.
3. Si Clara ay nabalitang namatay dulot ng pagkitil ng sariling buhay, dahil akala PAGPAPATIWAKAL
niyang buntis siya pero hindi pala. (suicide)
4. May kaibigan kang limang buwan ng buntis at gusto niyang magpalaglag dahil
ayaw niyang masira ang kanyang pangalan at imahe bilang Mutya ng La del ABORSIYON
Barrio.
5. Dahil sa sakit na nararamdaman, kawalan ng pag-asa na gumaling, at walang
pambayad sa ospital, pinatawag ni Manuelo ang kanyang Doktor upang siya ay
bigyan na lamang ng gamot upang tahimik na lamang na lisanin niya ang mundo. EUTHANASIA (mercy
Hindi siya binigyan ng doctor. killing)

Tandaan: Magbibigay ang guro ng Activity Sheets sa mga mag-aaral.

Episode sa Pag-aaral 3

 EVALUATION
Panuto: Suriin ang tamang sagot sa kabilang hanay sa pamamagitan ng pagkonekta sa mga tuldok.

1. ABORSIYON Si Carolina ay nabalitang namatay dulot


ng pagkitil ng sariling buhay.

2. PANINIGARILYO Inalok ka ng iyong kaibigan na sumama sa


kaniya at subukang gumamit ng
marijuana.

May kaibigan kang limang buwan


3. EUTHANASIA (mercy killing) ng buntis at gusto niyang magpalaglag
dahil ayaw niyang masira ang kanyang
pangalan at imahe bilang Mutya ng La del Barrio.

Dahil sa sakit na nararamdaman, kawalan


ng pag-asa na gumaling, at walang pambayad
4. PAGPAPATIWAKAL (suicide) sa ospital, pinatawag ni Manuelo ang kanyang
doktor upang siya ay bigyan na lamang ng
gamot upang tahimik na lamang na lisanin
niya ang mundo. Hindi siya binigyan ng doctor.

Sa impluwensiya ng barkada natuto si Diego na


5. PAGGAMIT NG DROGA manigarilyo. Dahil nito ay naging abusado
siya sa kanyang katawan.

TAKDANG-ARALIN

Panuto: Gumawa ng sariling poster na nagpapahiwatig ng pagpapahalaga at paggalang sa buhay. Gawin mong gabay sa iyong
pagguhit ang rubrik na nasa ibaba.

PAMANTAYAN INDIKADOR BATAYANG PUNTOS


Nilalaman Naipakita at naipaliwanag nang maayos ang
ugnayan ng lahat ng konsept sa paggawa ng poster 5 4 3 2 1
Kaangkupang Konsepto Maliwanag at angkop ang mensahe sa paglalarawan 5 4 3 2 1
ng konsepto
Pagkamalikhain Orihinal and ideya sa paggawa ng poster 5 4 3 2 1
Kabuuang Presentasyon Malinis at maayos ang kabuuang presentasyon 5 4 3 2 1
Kabuuang Puntos

Prepared by: Checked by:

MADONNA MARE D. MONTIFALCON ANGEL ROSE T. SEROJALES


Student Teacher Cooperating Teacher

You might also like