Noli Me Tangere Script

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 34

Scene 1

Narrator(JPK): Alamin ninyo ang kwento ng

San Diego na may halo-halong emosyon. May malungkot, masungit, masaya o nag sasayahan lamang?

Narrator (RJ): Sa kalye ng Analoague, Binondo ay dito naka tira si Don Santiago Delos Santos o mas kilala
sa tawag na kapitan Tiago. Bago matapos ang oktubre ay nag pahayag ito na may mang yayaring
malakihang piging sa kanyang tahanan. At dito'y ka pansin² ang mga palamuting na huhudyat ng
malakihang handaan at sa pintuan ay makikita si tiya Isabel na nag lilibang at nag bibigay ng mga hitso at
sigarilyo sa mga dayuhang panauhin

(Biglang may nabasag)

Tiya Isabel (Lezyl): Mga walang ingat! Matuto kayong mag hintay mga bulagsak!

(Sa kabila ng aksidente ay patuloy parin ang pag dating ng mga panauhin)

Panauhin 1(Jpk): Tila ang laking handaan ang mang yayari

Panauhin2(Blessie): Siyang tunay sapagkat hindi maitatanggi ang pagiging mayam ni kapitan Tiago

P. Damaso ( ): Ibang-iba talaga ang pamamahala dito sa Pilipinas kumpara sa Madrid. Ang
ikinasasama pa ng aking loob ay napapalibutan ng mga Indio ang lugar na ito
G. Laruja( ): Dahan-dahan sa pananalita P. Damaso, tandaan nating nasa ilalim tayo ng bubong
ng isang Indio

P.Sibyla( ): Siyang tunay, maaaring mag tanim ng sama ng loob si Kapitan Tiago

P. Damaso(): Wag kayong mag alala't matagal nang hindi inituring ni Kapitan Tiago ang kanyang sarili
bilang Indio

Narrator (Jpk): Natigilan ang lahat nang bigalang dumating ang maybahay na si kapitan Tiago na may
kasamang binatang tila galing pa sa mahabang pag lalakbay

Kapitan Tiago (Nelson): Mga ginoo, ikanagagalak kong ipakilala sainyo ang anak ng yumao kong kaibigan

Tinyente ( ): (bumulong kay G. laruja) Sino kaya ng binatang kasama ni kapitan Tiago?

Kapitan Tiago (Nelson): siya si Don Juan Crisostomo Ibarra, ang anak ng aking yumaong kaibigan.
Kakadating nya lang galing ng Europa

Crisostomo(Ibarra): Ikinagagalak ko pong makilala ang kura ng aming bayan at ang matalik na kaibigan
ng aking yumaong ama

(Inabot ni Crisostomo ang kamay sa kura ngunit hindi tuminang sa pagkakaupo ang kura)

Crisostomo(Renskie): Ipag paumanhin ninyo ang aking mali

P. Damaso( ): Hindi ka nagkaka mali binata ngunit hindi kailanman ako naging matalik na kaibigan
ng iyong ama
Tinyente ( ): Totoo bang anak ka ni Don Rafael Ibarra?

(Tumango si Ibarra sa pag sagot)

Tinyente ( ): Kung sa ganon ay maligayang pag babalik ginoo. Sana'y mas higit kayong maging
ma palad saiyong ama. (Bakas sa tinig nito ang kalungkutan)

Crisostomo (Renskie): Gracias Señor!

Narrator (RJ): Maya-maya ay makikitang nakikipag kilala si Ibarra sa mga binata at mga dalaga

Crisostomo (Renskie): Ipag patawad ninyo ako ngunit hayaan nyong gamitin ko ang kaugalian ng
bansang Alemanya sa pagpapakilala sa sarili pag walang siyang kilala sa isang pag titipon. Ako si
Crisostomo Ibarra.

Kalalakihan: Ikinagagalak ka naming makilala Crisostomo

Crisostomo (Renskie): (Habang naka ngiti): hindi ko maikakaila ang kagandahang taglay ng mga
kababaihan sa Europa ngunit iba at wala paring tatalo sa kagandahang taglay ng mga dalagang Pilipina

Babae 1: Sus, Kasinungalingan! (Habang kinikilig)

Babae2: Marahil ay dala mo rin galing Europa iyang tinuran mo.

Scene 3:
Narrator(Jpk):Hindi mapalagay si Maria Clara nang makagaling sa simbahan kasama ang kanyang Tiya
Isabel.Hinintay ni Maria Clara ang pagdating ni Ibarra at ang pagdalaw nito sa kanilang bahay.Maya-
maya ay merong isang ginoo ang pumasok sa kanilang bahay

Kapitan Tiago(Nelson):Ikaw pala, Don Crisostomo!(bulalas ni Kapitan Tiago)

Narrator(Jpk):Napatda si Maria Clara at patakbo siyang nagtungo sa silid dasalan.Pinag ayos ni Tiya
Isabel si Maria Clara upang maiharap sa bisitang binata.Sa asotea napadpad ang magkasuyo at doon
nag-usap.

(Sa umpisay nagkakahinyaan ang dalawa)

Crisostomo(Renskie):Maria.

Maria Clara(Lawraine):Crisostomo.

(Sabay nila itong sinabi)

Crisostomo(Renskie):Kamusta kana Maria, mahigit pitong taon tayong hindi nagkita.

Maria Clara(Lawraine):Ayos lang ako señor.

Crisostomo(Renskie):Nakakatawang isipin ang mga gawi natin noon gaya ng paglalaro sa batis at mga
dayaan sa sungka.
Maria Clara(Lawraine):Mmmm.Kailan may hindi iyon mawawaglit sa aking puso't isipan mahal ko,kahit
na paulit-ulit sinasabi ng papa at ni padre na isang malaking kasalanan ang magkaroon ng relasyon sa
anak ng isang erehe.

Crisostomo(Renskie):Wag kang mabahala mahal ko sapagkat papatunayan ko sa iyong pamilya na


karapatdapat ako para sa iyo

Narrator(RJ):Maya-maya ay biglang naalala ni Crisostomo na meron pa syang

Crisostomo(Renskie):Ibig kuman na makasama ka buong oras ngunit kailangan ko nang umalis upang
asikasuhin ang libing ng aking ama

Narrator(RJ):Bakas sa mukha ni Maria Clara ang kalungkutan dahil kailangan ng umalis ng binata ngunit
hindi niya ito pinigilan.

Maria Clara(Lawraine):Bueno,maaari ka nang umalis señor

Crisotomo(Renskie):Hangang sa muli nating pagkikita señorita

Maria Clara(Lawraine):Hangang sa muli, señor

Scene 4:

Narrator(Jpk):Hindi mapalagay si Maria Clara nang makagaling sa simbahan kasama ang kanyang Tiya
Isabel.Hinintay ni Maria Clara ang pagdating ni Ibarra at ang pagdalaw nito sa kanilang bahay.Maya-
maya ay merong isang ginoo ang pumasok sa kanilang bahay
Kapitan Tiago(Nelson):Ikaw pala, Don Crisostomo!(bulalas ni Kapitan Tiago)

Narrator(Jpk):Napatda si Maria Clara at patakbo siyang nagtungo sa silid dasalan.Pinag ayos ni Tiya
Isabel si Maria Clara upang maiharap sa bisitang binata.Sa asotea napadpad ang magkasuyo at doon
nag-usap.

(Sa umpisay nagkakahinyaan ang dalawa)

Crisostomo(Renskie):Maria.

Maria Clara(Lawraine):Crisostomo

(Sabay nila itong sinabi)

Crisostomo(Renskie):Kamusta kana Maria, mahigit pitong taon tayong hindi nagkita.

Maria Clara(Lawraine):Ayos lang ako señor.

Crisostomo(Renskie):Nakakatawang isipin ang mga gawi natin noon gaya ng paglalaro sa batis at mga
dayaan sa sungka.

Maria Clara(Lawraine):Mmmm.Kailan may hindi iyon mawawaglit sa aking puso't isipan mahal ko,kahit
na paulit-ulit sinasabi ng papa at ni padre na isang malaking kasalanan ang magkaroon ng relasyon sa
anak ng isang erehe.

Crisostomo(Renskie):Wag kang mabahala mahal ko sapagkat papatunayan ko sa iyong pamilya na


karapatdapat ako para sa iyo
Narrator(RJ):Maya-maya ay biglang naalala ni Crisostomo na meron pa syang

Crisostomo(Renskie):Ibig kuman na makasama ka buong oras ngunit kailangan ko nang umalis upang
asikasuhin ang libing ng aking ama

Narrator(RJ):Bakas sa mukha ni Maria Clara ang kalungkutan dahil kailangan ng umalis ng binata ngunit
hindi niya ito pinigilan.

Maria Clara(Lawraine):Bueno,maaari ka nang umalis señor

Crisotomo(Renskie):Hanggang sa muli nating pagkikita señorita

Maria Clara(Lawraine):Hangang sa muli, señor

Scene 5:

Narrator(Jpk):Magkatabi ang magkapatid na sina Basilio at Crispin sa ikalawang palapag ng


tore.Natatakot ang mukha ni Crispin habang si Basilio ay pilit na nilalakasan ang loob.

Crispin( ):Sana pala'y ninakaw ko na lang talaga iyon.At kung mamamatay man ako, maibibili ko
ang nanay ng bagong damit.

Basilio( ):Ang kinatatakutan ko'y baka malaman ng nanay ang nangyari.

Narrator(Jpk):Makalipas ang ilang segundo ay dumating ang Sakristan Mayor, bakas sa kanyang mukha
ang galit at pagkasuklam.Kinuha bg Sakristan Mayor si Crispin.
Saktristan Mayor( ):At ikaw, hindi ka maaaring umuwi hangga't hindi mo inilalabas ang ninakaw
mo.

Narrator(RJ):Nagpasaklolo si Crispin sa kanyang kapatid subalit walang magawa si Basilio kaya't


nagpasya sya na tumakas upang humingi ng tulong.

Narrator(jpk):Kinabukasan ay umalis si Sisa dahil nagtataka siya kung bakit Hindi pa umuuwi Ang
kanyang mga anak.Dahil dito ay nagsimula na siyang kinabahan at natataranta at tila'y nababaliw.

Sisa( ):Crispin, Basilio! Mga anak ko, nasaan na kayo.

Narrator(RJ):At dito ay nagsimula na siyang magtanong-tanong

Sisa( ):Binibini, Nakita mo ba ang mga anak ko?

Panauhin 1( ):Paumanhin ngunit Hindi ko nakita Ang inyong mga anak.

Sisa( ):Parang-awa niyo na, ilabas ninyo ang aking mga anak.

Panauhin 2( ):Baliw! Wala nga sa akin Ang inyong anak. Halika na rito Amiga, tila'y nababaliw na ang
ginang ito.

Sisa( ):Crispin, Basilio nasaan na kayo mga anak ko! Narito lamang Ako mga anak ko, ipaghahanda ko
kayo ng inyong paboritong pagkain.

Scene 6:
Narrator (Rj): Pag karaan ay pumunta si Crisostomo Ibarra sa kanyang lupain at dinaan na nya rin si
Pilosopo Tasyo

Pilosopo Tasyo ( ): Nariyan pala kayo G. Crisostomo

Crisostomo (Renskie): nakaka-abala po ba

ako?

Pilosopo Tasyo ( ): ano bang maipag lilingkod ko sainyo?

Crisostomo (Renskie): May gusto lamang akong isangguni sainyo. (Habang humahangang naka tingin sa
sinusulat ni Pilosopo Tasyo)

Pilosopo Tasyo ( ): Hindi ako sumulat sa nakaraan ngunit sumusulat ako para sa hinaharap. Ha!
Sa panahon ngayon mababasa ang aking isinusulat, hay! tiyak sa hindi ito pa hahalagahan at susunugin
pa ito

Crisostomo (Renskie): sa anong wika po kayo sumusulat?

Pilosopo Tasyo ( ): sa sarili nating wika, tagalog

Crisostomo (Renskie): maaari po bang gamitan ng heroglipiko ang wikang Tagalog?

Pilosopo Tasyo ( ): Maari. Higit na mabuti ang alpabetong tagalog kumpara sa wikang latin
Crisostomo (Renskie): Nais ko pong humingi ng payo sainyo tulad ng ginagawa ng aking ama nung
nabubuhay pa sya. Nais ko pong mag pa tayo ng isang paaralan at bilang pag-alala na rin saaking
kasintahan

Pilosopo Tasyo ( ): (ngumingiti). Matagal ko nang pangarap yan. Pangarap ng isang baliw, at
iisipin ng mga tao na baliw kayo dahil humihingi kayo ng payo sa taong pinag -kakamalang baliw. Ang
taong nag iisip para sa kapwa ay napapag-kamalang baliw. Para sa kanila ang mga matatalino ay ang
mga kapitan kahit walang pinag aaralan, at walang ibang ginawa kundi maging sunud-sunuran sa kura.
Ba't ba hindi ka humingi ng isang payo sa isang kura? Kapitan? O sa may mga tungkulin. Maaari nyo
silang sundin at maaari ring hingi

Crisostomo (Renskie): naniniwala akong mangyayari ang aking plano na walang sagabal

Pilosopo Tasyo ( ): Matutuloy ang inyong plano kung makikipag-tulungan kayo sa mga taong
sinasabi ko

Scene7:

Narrator(Rj):Nasa isang mesa at nanananghalian sila Crisostomo kasama ang mga importanteng tao gaya
ng alkalde,si Kapitan Tiago, si Maria Clara at iba pang kawani. Naka tanggap ng telegrama si Kapitan
Tiago ng telegrama mula sa kapitan heneral at nag pasabing darating sya at sa bahay nito tutuloy. Napag
usapan din ang hindi pag imik padre Salvi.

(Biglang dumating din si Padre Damaso at binati ang lahat maliban kay Crisostomo)

Padre Damaso( ): Bakit hindi ninyo iag patuloy ang inyong pag uusap?

Alkalde( ): nabanggit lamang sakin ni Crisostomo ang mga taong naka tulong sa kanya tulad ng
arkitekto at ng reverencia
P. Damaso( ): Balewala saakin . Nakakatawa ang mga taong kumukuha ng serbisyo ng arkitekto.
Nag papakita lamang ng ka mangmangan ang indio na nag dudunung-dunungan!

Alkalde ( ):subalit ang ipinapatayong gusali ni G.Crisostomo ay nangangailangan isang Eskerto

P. Damaso ( ): Eksperto? Ang isang paaralan ay binubuo lamang ng apat na pader at isang
buong sawali

(Nananatiling walang kibo si Crisostomo)

P. Damaso( ): Nag bayad lamang siya ng walong kuwalta isang araw sa mga mangagawang
galing pa sa ibang bansa

Alkalde ( ):walong kuwalta?

P. Damaso ( ):Yan ang katotohanan at dapat tulara ng isang nag hahangad na masabing isang
kastila. Anvisang Indio na nagkaroon lamang ng kaunting nalalaman at naka punta lamang sa Europa ay
nag papalagay na halos na isang doktor

(Pinigilan ng Alkalde ang pag sasalita ng kura)

Alkalde ( ): sandali lamang padre Damaso.....

(Pinilit ng alkalde ang usapan ngunit patulor ang kura sa ag sasaring)

P. Damaso( ):Mag babayad ang lahat! Nangangamatay sa loob ng bilangguan at ni walabg


mahigaang...
(Hindi natapos ng padre ang sinasabi sapagkat sumulak ang dugo ni Crisostomo at nawalan ng pag
titimpi. Dinaluhong nya ang pari kay nabuwal ito. Maaring hinawakan ni Crisostomo ang leeg ng pari
upang hindi ito maka kilos at saka ini amba ang matalim na kutsilyo. Walang ni isa mang naka pigil kay
Crisostomo)

Crisostomo ( Renskie): ako nanaman ang pakinggan ninyo, pinaka iwas-iwasan ko ang taong ito subalit
dinala sya saakin ng Diyos upang ako ang humatol (Galit na Galit na sinabi ito) Nag tiis para sa isng anak
at ang paring ito ay pinatuloy at pinakain ng aking ama sa loob ng aming tahanan at ito an HB kanyang
iginanti?

(Inangat ni Crisostomo ang braso at aktong uundayan ng saksak ang Padre sa dibdib nang inawat sya ni
Maria Clara)

Maria Clara (Lawraine): Crisostomo, huwag!

( Nanginginig si Crisostomo at nang hihinang binitawan ang kutsilyo at si Padre Damaso)

Scene 8:

Narrator(Jpk):Madaling kumalat sa buong San Diego ang kaguluhan na namagitan kina Crisostomo Ibarra
at Padre Damaso.Samantalang hinihintay ng Kapitan ang pagdating ng Kapitan Heneral sa isang maliitna
dampasa bukana ng San Diego,nagbigay sila ng iba't ibang pahayag kung sino ang may katwiran sa
dalawa.

Kapitan Tiago(Nelson):Kung naging matimpi lamang si Ginoong Crisostomo, sana'y hindi umabot sa
ganoon ang pangyayari.

Kapitan Martin( ):Walang naglalakas ng loob para awatin siya maliban kay Maria.
Narrator(RJ):Iba naman ang naging usap-usapan ng mga babae ng San Diego tungkol sa nangyari.

Panauhin 1( ):Iba na talaga ang mga kabataan ngayon.Kung nabubuhay pa ang kanyang butihing
ina, ano na lamang ang kanyang sasabihin?

Panauhin 2( ):Ako'y may anak ding lalaki na mainitin ang ulo at kung darating ang panahong
gagawin niya ang ginawa ni Crisostomo, ako'y mamamatay sa sama ng loob.

Scene 9:

Narrator(RJ):Sa kabilang banda, si Maria Clara ay nakasubsob at umiiyak sa kanyang silid.

Tiya Isabel(Lezyl):Tahan na Maria,sigurafo akong mapapatawad lamang si Crisostomo sapagkat hindi


naman nasugatan si Padre Damaso.

Narrator(Jpk):Agad ding umuwi ng bahay si Kapitan Tiago at kinausap si Tiya Isabel.

Kapitan Tiago(Nelson):Ipinag-uutos ni Padre Damaso na siraain ko ang kasunduan ng pag-iisang dibdib ni


Maria kay Crisostomo.

Narrator(Jpk):Hindi makapaniwala si Tiya Isabel sa sinabi ni Kapitan Tiago.

Tiya Isabel(Lezyl):Ano ba'ng nangyayari sa iyo, Santiago? Tila'y nasisiraan kana yata ng bait.Huwag mong
pahirapan ang kalooban ng iyong anak. Bakit hindi mo sulatan ang arsobispo?

Kapitan Tiago(Nelson):Ang arsobispo ay prayle din na walang pinakikinggan kundi ang mga kapwa
prayle. Kaya, anak, tigilan mo na ang pagluha.
Narrator(RJ):Labag man sa kaluoban ni Maria, ngunit wala siyang magawa kaya inayos na lamang niya
ang kanyang sarili

Scene 10:

Narrator(Jpk):Ipinahanap kaagad ng Kapitan Heneral si Crisostomo Ibarra sapagkat napakagaan ng


kalooban nito sa binata at nais niya itong makadaupang palad.May-maya ay dumating sina Kapitan Tiago
at Maria Clara.

Kapitan Heneral( ):Mapalad ang inyong mga magulang marahil ikaw ay isang mabuting anak,
gusto ko lamang magpa salamat sayo dahil sa iyong ginawa kaninang pananghalian.

Narrator(Rj):Kinalaunan ay dumating si Crisostomo Ibarra.Hindi nakatiis si Padre Salvi kaya't pina-alala


niya sa Kapitan Heneral na si Crisostomo ay isang "excomunicado".

Padre Salvi(Xander):Hangad ko na mapabilis ang pag-galing ni Padre Damaso kaya't mas mainam na
maibalik siya sa España sa lalong madaling panahon.

Narrator(Rj):Nag-usap sina Kapitan Heneral at Crisostomo, at sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay


nabanggit ng binata na nakilala nito ang pamilya ni Kapitan Heneral sa Madrid.

Kapitan Heneral( ):Sana'y humingi kayo ng sulat ng pagpapakilala.

Crisostomo(Renskie):Nanininwala po ako na hindi na kailangan ng sulat pagpapakilala upang kilalanin


ninyo ang kahit na sino.
Narrator(Jpk):Natuwa ang Kapitan Heneral sa magandang pagtingin ni Crisostomo sa pagkatao
nito.Pinapunta ng Kapitan Heneral si Crisostomo sa bahay ng kanyang kasintahan upang ito'y maka-
usap.Agad namang nagtungo si Crisostomo at kumatok sa silid ng kanyabg kasintahan.

Sinang( ):Pupunta kami sa dulaan ngayong gabi. At kung ano man ang iyong nais ay isulat mo
nalamang.

Narrator(Jpk):Nagtataka si Crisostomo dahil tila'y pinagtataguan siya nito ng kanyang kasintahan kaya
lumisan na lamang siya.

Scene 11:

Narrator(Rj):Nung gabing iyon ay may magaganap na prusisyon.Nangunguna sa

prusisyon ang tatlong saktistan at kasunod nila ang mga guro, mag-aaral at mga batang may dala-dalang
parol na papel na sari-sari ang kulay at hugis.Ang tinyente naman ay may dalang pamalo upang gamitin
sa sinumang humiwalay sa hanay ng prusisyon.

Crisostomo(Renskie):Sa inyong palagay, Ginoong Alkalde, parusa ba o katuwaan lamang ang


pamamalong iyon?

Narrator(Jpk):Ang Kapitan Heneral ang sumagot

Kapitan Heneral( ):Sa aking palagay ay hindi iyan makatarungan at kailangang ipagbawal.

Narrator(Jpk):Inihinto ang mga karo at andas ng mga santo sa tapat ng kubol. Muling huminto ang ang
prusisyon sa tapat ng bahay nila Kapitan Tiago at duon pumasok muna sila.
Doña Victorina(Sean):Tila'y napagod ata ako sa ating prusisyon,kailangan ko ata ng magpapagaan sa
aking kaluoban.

Narrator(Jpk):Sumabat naman ang kanyang asawa na si Don Tiburcio

Don Tiburcio( ):Mas mainam na makinig tayo ng musika.

Padre Damaso( ):Huwag kayong mag-alala sapagkat nariyan ang aking anak-anakan na magaling
kumanta.Maria, maaari mo ba kaming handugan ng isang kanta?

Narrator(Rj):Ngumiti at tumango na lamang si Maria Clara.

(Kumanta si Maria Clara habang tumu-tugtog ng piano)🎹🎵🎵🎵

Narrator(Realino):Natigilan ang lahat ng marinig ang magandang boses ni Maria Clara na mai-hahambing
sa isang anghel na bumaba sa lupa.

(Pumalakpak ang lahat pagkatapos kumanta ni Maria)

Narrator(Rj):Nakita ng Kapitan Heneral si Crisostomo at agaran itong kina-usap.

Kapitan Heneral( ):Crisostomo halika rito, pag-uusapan natin ang tungkol sa pagkawala ng
dalawang batang sakristan.

Scene 12:

Narrator(RJ):Nakasara ang bahay ng Alperes habang may prusisyon.May isang Pilipina ngunit ang ayos at
pananamit ay Kastila, siya si Doña Consolacion ang asawa ni Alperes.Nung gabing iyon, si Sisa ay
naglalakad habang kumakanta ng kundiman ng Gabi, nang makita ni Doña Consolacion si Sisa ay agaran
niyang pinapasok ito sa kaniyang bahay.

Doña Consolacion( ):Sisa, Sisa! Halika rito.

Narrator(Jpk):Pumasok naman si Sisa sa bahay ng Doña.

Doña Consolacion( ):Sisa, sumayaw ka sayawan moko!

Narrator(Jpk):Ngunit hindi sumunod si Sisa sa sinabi ni Doña Consolacion.

Doña Consolacion( ):Sisa sumayaw ka!

(Galit na sinabi ni Doña Consolacion)

Narrator(RJ):Ayaw parin makinig ni Sisa na inutos ng Doña sakanya.

Doña Consolacion( ):Ahhhh ayaw mo talaga ha!

(Pinalo niya ito ng latigo hangang sa umiyak si Sisa sa sakit)

Doña Consolacion( ):Sayaw!

(Habang pinapalo)
Narrator(Jpk):Matinding kasiyahan ang nadarama ng Doña sa kanyang pagpapahirap niya kay Sisa.Hindi
niya namalayan na paparating na ang alperes galing ng piging.

Alperes( ):Hindi mo lang ba ako babatiin ng Magandang Gabi?.Guardia!, ibaba mo si Sisa at


pabihisan ng bagong damit.Pakainin mo siya at gamutin ang kanyang mga sugat dahil bukas ay ihahatid
ninyo siya kay Ginoong Crisosotomo Ibarra.

Guardia( ):Masusunod po, Alperes.

Scene 13:

Narrator(RJ):Habang nag-uusap sina Alperes at Doña Consolacion ay maya-maya nag paalam rin ang
Alperes.

Alperes( ):Kailangan ko ng umalis dahil may dadaluhan pa ako'ng dula

(Umalis na nga ito at nagtungo sa kanyang paroruonan)

Narrator(Jpk):Nagsidatingan ang mga bisita para manuod ng dula na ang namamahala ay si Don
Filipo.Nasa harapan at nakaupo ang may matataas na tungkulin.Naroon naman si Padre Salvi na palihim
na sumusulyap kay Maria Clara.Dumating rin si Crisostomo at nag bulung-bulungan ang naroon sa
dula.Ipinaghagis ng mga musikero ang kanilang mga instrumento.

Crisostomo( ):Ano'ng aking magagawa?

Narrator(Jpk):Nakalayo na si Don Filipo at nang makita ni Crisostomo si Elias ay agaran naman itong
humingi ng tulong

Crisostomo(Renskie):Tulungan ninyo ako alang-alang sa Diyos, ako'y walang magagawa.


Elias( ):Masusunod Don Crisostomo

Narrator(RJ):Samantala, nagtungo naman sj Padre Salvi sa bahay ni Kapitan Tiago upang hagilapin si
Maria Clara.At nung makita niya ito sa kanilang bahay, nawala ang pagkabahala ng prayle.

Scene 14:

Narrator(RJ):Ayaw patulugin ng mga alalahanin si Crisostomo Ibarra dahil sa mga nangyaring kaguluhan,
maya-maya ay dumating si Elias.

Elias( ):Ipagpaumanhin ninyong abalahin ko kayo, gusto ko lang sana na magpaalam sa iyo dahil
tutungo ako sa lalawigan ng Batangas at gusto ko rin na ipabatid sa iyo na nilalagnat si Maria Clara.

Crisostomo(Renskie):Maraming salamat,

kaibigan.

Narrator(Jpk):Sinabi ni Elias na kilala niya ang magkapatid na namumuno sa panggugulo.

Elias( ):Ang mga ito ay ang magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga guwardiya sibil.

Narrator(Jpk):Ilang sandali pa'y nagpasya na si Crisostomo na magpalit ng damit at nanaog ng bahay


upang dalawin si Maria Clara.Habang naglalakad ay nakasalubong ni Crisostomo sa kalye ang maliit na
nagluluksa.

Lucas( ):Ginoong Ibarra, ako po si Lucas, ang kapatid ng lalaking namatay kahapon.

Crisostomo(Renskie):Nakikiramay po ako.
Lucas( ):Gusto ko po sanang malaman kung magkano po ang iyong ibabayad sa akin sa
pagkakamatay ng aking kapatid.

Crisostomo(Renskie):Ibabayad? Nagmamadali po ako

Lucas( ):Sabihin na lamang ninyo kung magkano ang ibabayad ninyo

Narrator(Jpk):Giit ni Lucas

Crisostomo(Renskie):Ipag-paumanhin ninyo ngunit wala akong oras na kausapin ka dahil meron akong
kailangang dalawin

(Umalis na si Crisostomo)

Narrator(RJ):Sinundan ng masamang tingin si Crisostomo ni Lucas habang sinasabing.

Lucas( ):Apo ka ngang talaga ng lalaking nagpalibad sa init sa aking ama.....

Scene 15:

Narrator(RJ):Namamayani ang kalungkutan sa tahanan ni Kapitan Tiago sapagkat si Maria Clara.At may
huminto na karwahe sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiago at naroon na ang mangagamot kay Maria, si Dr.
Tiburcio de Espadaña kasama ang asawang si Doña Victorina delos Reyes de Espadaña at isang binatang
Kastila na ang ngalan ay Alfonso Linares.
Kapitan Tiago(Nelson):Nariyan na pala kayo, maligayang pagdating sa aming tanahan.Sino iyang binata
na iyong kasama Doña?

Doña Victorina(Sean):Ipinakikilala ko ang aking pinsang si Don Alfonso Linares, siya'y kamag-anak ni
Padre Damaso.

Alfonso( ):Magandang araw po sa inyong lahat.

Padre Damaso( ):Masuwerte kayo, Ginoong Linares. Narito ngayon sa San Diego si Padre Damaso.

Narrator(RJ):Pinuntahan na nila si Maria na nakahiga sa katreng may tela ng husi at pinya.

Don Tiburcio( ):May... may sakit ngunit mapapagaling.

Narrator(Jpk):Nagreseta ng gamot si Don Tiburcio. Samantala ay nabigla si Linares ng makita ang


magandang mukha ni Maria Clara.Tila natauhan ito ng sabihin ni Padre Salvi na dumating na si Padre
Damaso.

Narrator(RJ):Dumiretso si Padre Damaso sa kamang hinihigaan ni Maria Clara.Naisip ng marami na


lubhang napamahal sa pari ang inaanak na si Maria Clara.Kumalma rin ang pari ng ipinakilala ng Doña si
Linares, ang inaanak ng bayaw ni Padre Damaso na si Carlicos.

Padre Damaso( ):Ikaw pala ang binabanggit niya sa liham, ikinagagalak kitang makilala Ginoo.

Narrator(Jpk):May ibinigay na sulat si Linares sa pari na naglalaman ng nangangailangan siya ng trabaho


at mapapangasawa.

Padre Damaso( ):Kung gayon ay madali lamang kita mahahanapan ng trabaho, ngunit kung asawa
ay mahihirapan akong ihanap ka
Scene 16:

Narrator(Jpk):Tila'y walang epekto ang gamot na ipinapainom kay Maria, malubha parin ang kanyang
kalagayan.

Padre Salvi(Xander):Mabuti nga ang hindi mo pagbibigay ng pahintulot na makausap ni Maria si


Crisostomo.Malaki ang aking paniniwala na malaki ang kinalaman ng pangungumpisal ni Maria Clara sa
dagliang paggaling.

Doña Victorina(Shanel):Mahusay ang aking asawa.kung hindi dahil sa kanya ay siguro nasa langit na si
Clarita.

Narrator(RJ):Natagalan ang pangungumpisal ni Maria Clara ng gabing iyon.Sa halip na makinig ang pari
sa sinasabi ni Maria Clara ay parang binabasa nito kung ano ang nasa isip ng dalaga, kinalaunan ay
umalis rin ito.

Scene 17:

Narrator(RJ):Naglalakad ng banayad ang isang lalaki sa loob ng kagubatan sa tanglawng malamlam na


buwan ng malabay na punong kahoy.

Lalaki na may hawak ng rebolber( ):Sino ka?, ikaw ba si Elias?

(Tumango si Elias)

Narrator(Jpk):Ibinaba ng lalaki ang rebolber.


Lalaki na may hawak ng rebolber( ):Sumama ka samin.

Narrator(Jpk):Nagtungo sila sa tila yungib na kuta ng mga rebelde, doon meron isang matanda ang
kumausap sa kanya.

Elias( ):Yaman din lamang at walang nangyari sa aking paghahanap sa angkang nagpahamak sa
aking pamilya.Maaari po ba kayong sumama sa akin?

Kapitan Pablo( ):Elias,matanda na ako. Ang aking lakas at kabataan ay naubos ko na sa aking
pamilya.May tatlo akong anak at ang isa ay babae.

Elias( ):Ano po ang nangyari?

Kapitan Pablo( ):May lumapastangan sa aking anak na babae, at ang salarin ay walang iba kundi
ang kura.Pinag-uusisag siya ng aking dalawang anak na lalaki.Nakatakas ang isa kong anak na lalaki
ngunit sa kasawiang palad ay ibinitay ang isa kong anak.Kaya't hindi ka maaaring mamatay Elias sapagkat
ikas nalang ang aking pag-asa upang makapag-higante

Scene 18:

Narrator (Rj): Naglalakad ng banayac ang isang lalaki sa loob ng kagubatansa tanglaw ng malamlam na
buwan na lumalagos sa mga siwang ng malalabay na punong kahoy. Narating rin nya ang isang puwang
na napapaligiran ng matataas na ouni at ang isang ay nasasagkaan ng matatayog na batong buhay

Lalaki: sino ka? (Sabay kasa sa rebolber)

Elias(Lawrence):Nariyan po ba si Kapitan Pablo? Pakisabing hinahanap siya ni Elias


Lalaki: Sumama ka saakin(sabay ibinababa ang rebolber)

(At dito nakita ni Elias ang matanda na may malungkot na mukha, ang ulo'y may bendang may bahid ng
dugo)

Elias(Lawrence): Bakit po kayo nag ka ganyan?

K. Pablo( ): anim na buwan na ang nakaka lipas nang kita'y ka awaan at kupkupin saaking
tahanan. Ngayon nama'y ikaw ang naawa saakin. Nagka palit tayo ng kapalaran.

Elias(Lawrence): Labinlimang araw na mula ng mabalitaan komg kayo'y nasawi.Hinanap ko kayo sa iba't-
ibang bundok.

K. Pablo ( ): pinilit kong tumakas kaysa dumanak ng dugo. Pinainam nila ako ng mga taong
walang sala.

Elias(Lawrence): ako'y katulad ninyo, ayaw makasakit lalo na sa taong marangal sala kaya't ninais ko
nalang limutin ang aking kasawian.
K. Pablo ( ): makakalimot ka pa sapagkat bata ka pa at wala wala kang anak na nasawi, may
pag asa ka pa

Elias (Lawrence): Ako po'y may natulungan na isang binatang mayamam na nag mamahal sa bayan.
Saaking palagay ay maaari natin siyang pagka tiwalaan upang tayo'y makapag pahatid saating hinaing.
Pakaiwasan muna ninyo ang pag likha ng kaguluhan

K. Pablo ( ): ipahayag mo ang hinaing ng bayan. Ikaw ng makakabatid niyan. Paano ko


malalaman ang sagot?

Elias (Lawrence): mag punta kayo ng tauhan sa may baybayin ng San Diego. Malalaman kung ano ang
tugon ng binatang inaasahan natin. Kung papanig siya saatin ay tiyak na makakamit natin ang kasiyahan,
kung hindi ay ako ang unang manamamata'y.

K. Pablo ( ): Hindi ka maaaring mamatay Elias, sapagkat ikaw ang mamumuno sa oras na
namatay si Kapitan Pablona sawing nasisiyahan sa kanyang pag hihiganti.

Scene 19:

Narrator (Jpk): Namamsyal sina doña Victorina at Don Tiburcio upang malasin ang bahay ng mga Indio.
Panay pamimintas sa bawat bahay na kanilang dinadaanan
Doña Victorina (Chiquira): Paano sika nakaka tira dito? Kailangang turuan sila ng urbanidad katulad ng
ginagawa sa kanila ng mga kura at guwardiya sibil

(Habang tumatango si Don Tiburcio)

Don Tiburcio( ): Paano kung gantihan ako?

(Dumaan ang Doña sa tapat bg bahay bg alperes at nagkatama ang tingin nila ji Doña Consolacion. Nag
bunga ito ng pagkakainitan ng dalawa)

Doña Victorina(Chiquira): Naiingit ka saakin!

Doña Consolacion (Shanel): Naiingit nga ako sa kulot mong buhok!

(Inawat ni Don Tiburcio ang asawa)

Don Tiburcio ( ): Umuwi na tayo. Huwad mo na siyang pansinin


Doña Victorina(Chiquira): Hayaan mo kong turuan ng leksyon ang babaeng ito. Hindi mo ba ako
nakikilala? Hindi mo ba alam na ako'y hindi taga lalawigan at ako'y taga Maynila? Hindi makakapasok
saaking pamamahay ang isang Alperes dahil hanggang pintuan lamang sila!

Doña Consolacion ( ):Sya nga ba? Dahil ba ang makakapasok lamang ng mahay mo ay ang isang
pilantod?

(Dumating ang alperes at sumunod na dumating ang kura na umawat sa pag aaway ng dalawang Doña)

Kura: isang napakalaking kahihiyan ang eskandalong ito!

Alperes( ): Wag ninyo kaming pakialaman!

(Lumapit ang kura kay Don Tiburcio)

Kura: mabuti pa'y iuwi na ninyo ang inyong asawa Don Tiburcio

(At dito'y natigil sa wakas ang kanilang away)

Scene 20:
Narrator (Rj): mantinding pag kabablisa anh naratamdaman ni Linares sapagkat maka tanggap siya ng
liham mula kay Doña Victorina. Mabigat ang kahilingan ni Doña Victorina at batid ni Linares na hindi ito
nag bibiro.

Linares ( ): Paano kung murahin at kagalitan ako ng Alperes. Paano kung makasalubong ko ang
kanyang asawa? Sino ang magiging padrino ko? Ang kura? Si Kapitan Tiago?

(At dito nakasalubong nya si Padre Salvi)

P. Salvi ( ): Nasaan si K. Tiago at nag iisa ka?

(Lumabas mg bahay si K. Tiago at agad na lumapit sa pari para humalik ng kamay. Nag punta si K. Tiago
at ang kura sa balkonahe at kasunod dito si Linares)

Linares( ): Ano po ang sabi ni P. Damaso?

K. Tiago(Nelson): Si P. Damaso ay nag papahayag pa rin ng pag tutol at sapagkat ninnong siya ni Maria
Clara (habang naka tingin kay Maria Clara) Spagkat naniniwala akong mapapatawad niya si G.
Crisostomo kung hihingi ito ng tawad
(Nag paalam si Maria Clara na tutungo ito sa kanyang silid kasama si Victoria)

K. Tiago(Nelson): Paano kung hindi siya mapatawad ni P. Damaso?

P. Salvi( ): King ganun ay bahala na si Maria Clara. Si P. Damaso'y kanyang kumpesor at


naniniwala ako magkakatiwalaan sila

(Habang nag uusap si Kapitan Tiago dumating si Crisostomo kasama si tiya Isabel. Binati agad sya ng
Kapitan at yumuko dito si Linares bilang pag bibigay galang. Si Padre Salvi ay buong giliw na kumamay ky
Crisostomo at labis pinagtakha ang binata)

P. Salvi( ): Wag kayong mag taka sapagkat ngayon pa lamang ay pinupuri ko na kayo

(Agad nag pasalmat ang binata dito at agad tumungo kay Sinang)

Sinang ( ): saan ka galing? Usap-usapan namin kung saan naglalagalag ang kaluluwang
kahahango sa purgatoryo

Crisostomo (Renskie): Nagagalit ba saakin si Maria Clara?


Sinang( ): Hindi ko alam ngunit madalas niyang sabihin saaking mas nakaka buting limutin mo na
sya. Gusto siyang ipasakal ng kanyang ama at ni P. Damaso sa binatang iyan pero hindi naman sya nag
bibigay ng katiyakan. Biniro naman siya kanina na baka nangliligaw ka na ng ibang dalaga, at ang sagot
naman ay “ano naman" sabay umiyak

Crisostomo (Renskie):Nais kong mag usap kami ng sarilinan (paki usap nito)

Sinang( ): Mahirap sigurong mangyari iyon, pero sasabihin ko sa kanya. Bukas ay hindi siya
maaaring mapag isa

( At nag tagal ay nag paalam ni si Crisostomo)

Scene 21:

Narrator(RJ):Nababalot ng takot ang bayan ng San Diego.Dumating sa bahay nila Kapitan Tiago sina
Linares at ang mag asawang de Espadaña.

Doña Victorina(Chiquira):Clarita, iha. Ikaw talaga ang dinalaw namin. Mabuti naman at nakita kita.
Narrator(Jpk):Batid ni Maria Clara ang nais ng Doña kaya't nagpaalam nalamang siya at nagtungo sa
kanyang silid.

Narrator(RJ):Mabilis na sumasagwan si Elias upang makatakas silang dalawa ni Crisostomo ngunit


natuklasan sila ng mga kawal.

Elias(Lawrence):Kayo na ang mamangka sapagkat tatalon ako

Crisostomo(Renskie):Bakit?

Narrator(Jpk):Tanong ni Ibarra.

Elias(Lawrence):Ililigaw ko sila.

Narrator(RJ):Sinubukang pigilan ni Crisostomo si Elias ngunit hindi rin ito nakinig sa kanya at sa halip ay
sumagwan na lamang siya ng mabilis....May napansin sila ng bahid ng dugo na pinaniniwalaan na kay
Crisostomo ito maya-maya ay nagtungo sI Elias sa Kubo ni Salome

Elias( ):Salome!, mahal ko

Salome( ):Elias, mahal ko ano ang iyong pakay?


Elias( ):Mahal ko, kailangan mo nang magtungo sa Mindoro at pwede mo naakong kalimutan.

Salome( ):Bakit naman mahal ko?

Elias( ):Alam Kong mahirap ngunit wala ng ibang paraan.Hanggang sa muli nating pagkikita mahal ko.

Narrator(Jpk):Nang malaman ito ni Maria Clara ay labis ang kanyang paghihinagpis at naabutan siya nito
ni Padre Damaso.

Maria Clara(Lawraine):Tulungan ninyo akong sirain ang kasunduan ng pakikipag-isang dibdib sa taong
hindi ko naman mahal.

Padre Damaso( ):Patawarin mo ko sa mga idinulot ko sa iyong kasawian Anak.

(Nagulat si Maria sa sinabi ng Padre)

Maria Clara(Lawraine):Kung gayon ay sana hindi mo pinayagan na magpatuloy ang aking kasawian
lalong-lalo nung nilihim mo saakin na ikaw pala ang aking tunay na ama.

Padre Damaso( ):Patawarin mo ako anak.


(Hinawakan niya ang kamay ni Maria)

Maria Clara(Lawraine):Wag mo akong hawakan!... Hindi ako makapaniwala na ang buong pagkatao ko ay
isang malaking kasalanan! Wag ka ng mapakita sa akin at sa aking pamilya Padre.

(Umalis si Maria)

Narrator(Jpk):Nagtungo si Maria Clara sa kanilang bahay at agaran niyang niyakap si Kapitan Tiago at
sinabi ang nais niyang gawin.

Maria Clara(Lawraine):Papa, nais kong maging isang madre.

Kapitan Tiago(Nelson):Bakit naman anak? Diba ay nakaplano ng magpakasal ka kay Ginoong Linares.

Maria Clara(Lawraine):Wala ng saysay ang aking buhay papa, ayokong magpakasal sa taong hindi ko
naman mahal.

Narrator(RJ):Nang sinabi ito ni Maria ay wala ng magawa ang kanyang ama kung hindi pumayag sa nais
na gawin ng kanyang anak.
Narrator(Jpk):Sa paglipas ng ilang araw ay itinuloy na nga ni Maria ang pa ma-madre habang si Padre
Damaso ay naninirahan sa Maynila, ang kanyang ama na si Kapitan Tiago ay nagkaroon ng sakit kaya't
idinala na lamang ito sa gamutan. Si Padre Salvi naman ay naghihintay na maging obispo.Ang ibang tao
sa San Diego ay nanatiling buhay at ang iba'y namatay.

Narrator(RJ): Sa pagpapatuly ng Nobelang ito ay saan kaya hahantong ang buhay ng mga tauhan? At
may pag-asa pa bang magkita sina Crisostomo at Maria Clara? Sa ngayon ay dito muna magtatapos ang
aming dula-dulaan.Maraming Salamat.

You might also like