Filipino Semi-Detailed 4.1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

DEPARTMENT OF EDUCATION

Region XII
Division of City Schools
NEW SOCIETY NATIONAL HIGH SCHOOL

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 10
Ikaapat na Markahan
PETSA: Ika 1 ng Abril, 2024 ORAS: 7:45-8:35 ng umaga
I. LAYUNIN
Sa loob ng 50 minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Napapahalagahan ang napanood na pagpapaliwanag ng kailigirang


pangkasaysayn ng pagkakasulat ng El Filibusterismo sa pamamagitan ng
pagbubuod nito gamit ang timeline; F10PD-IVa-b-81
b. naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng
El Filibusterismo; F10PSIVa-b-85 at
c. naisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng EL Filibusterismo
batay sa ginawang timeline F10PU-IVa-b-85

II. NILALAMAN
 Paksa: Ang Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo
 Talasanggunian: Filipino 10 Ikaapat na Markahan–Modyul 1: Ang
Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo Unang Edisyon, 2021
https://www.youtube.com/watch?v=sEjVBZaLfaw&t=1653s
 Kagamitang Panturo: Kagamitang: Powerpoint presentation, laptop, mga
larawan, chalk at pambura at telebisyon/smart TV

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN

1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng lumiban
4. Pagtse-tsek ng takdang aralin.

B. PAGBABALIK-ARAL
Gawain 1: #HALOLETRA
Panuto: Buuin ang mga naka-scramble na mga letra upang maging isang
buong salita at magbahagi ng kaalaman ukol rito.

1. LOBENA - NOBELA
2. DR OSEJ LRZAI – DR JOSE RIZAL
3. KAYANSAYSA – KASAYSAYAN
4. NILO EM TEANGRE – NOLI ME TANGERE
5. LE IFIL MORISTEBUS – EL FILIBUSTERISMO
C. PAGGANYAK
GAWAIN 2: #HULARAWAN
Panuto: Hulaan ang mga larawan at sagutan ang mga sumusunod na
katanungan.

Mga Katanungan:
1. Sino o ano ang nais ipahiwatig ng mga larawan?
2. Maliban sa pagiging isang doctor, bayani at manunulat ano pa ang nalalaman
niyo patungkol kay Dr.Jose Rizal?

Mga Katanungan:
1. Ano ang nais ipahiwatig ng mga larawan?
2. Bakit mahalagang pag-aralan ang kasaysayan?

Mga Katanungan:

1. Ano naman ang nais ipahiwatig nitong mga larawan?


D.PAGLALAHAD NG PAKSA
(Gagamit ang guro ng powerpoint presentation bilang kasangkapan sa
pagbabahagi ng mga impormasyon)

ANG TALAMBUHAY NI DR. JOSE P. RIZAL

- Pangalan: Dr. Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo Y Realonda


- Kapanganakan
(Petsa): Hunyo 19, 1861
(Lugar): Calamba, Laguna
- Kamatayan
(Petsa): Disyembre 30, 1986
(Lugar): Bagumbayan Rizal Park, Maynila
- Edad: 35
- Mga Magulang: Francisco Mercado at Teodora Alonzo
- Pampito sa mga magkakapatid

#KILALANINNATIN
Mga Pamprosesong Tanong:
1. Sino ang nasa larawan?
2. Ano ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal?
3. Saan ipinanganak si Dr. Jose Rizal?

GAWAIN 3: #KUMPLETUHINMOAKO
Panuto:Sa isang buod papel, gamit ang timeline buuin ang kaligirang
pangkasaysayan ng El Filibusterismo.

Oktubre 1887
-Bumalik si Rizal buhat sa Espanya
-Dito, sinimulan nya nag pagsulat ng buod.

Pebrero 1888
- Palihim na umalis si Rizal sa Pilipina.
- nilisan ni Rizal ang Pilipinas dahil na rin sa udyok ni Gob.Hen. Emilio Terrero
at dahil sa pangamba niyang manganib ang buhay ng mga mahal sa buhay.
Taong 1890
- sinimulan ni Rizal isulat ang El Filibusterismo sa London.

Marso 1891
-natapos isulat ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo
Agosto 1891
-Napahinto ang pagpapalathala dahil sa kakapusan ng pera.
- inisip ni Rizal na sunugin na lang ang libro subalit dumating ang tulong ni
Valentin Ventura.
Septyembre 1891
- naipalimbag ang nobela sa tulong ni Valentin Ventura.

1. Ano ang timeline?


- Ang timeline o talatakdaan ay talaan ng mga gawaing dapat gampanan sa tama o
takdang oras o panahon.

2. Ano ang pagbubuod?


- Ang pagbubuod ay isang mahalagang kasanayan sa pag–aaral. Ang buod ay siksik at
pinaikling bersiyon ng tekstong maaaring nakasulat, pinanood o napakinggan.

3. Ano ang reperensiya o batis ng impormasyon o sanggunian?

- Ang reperensiya o batis ng impormasyon o sanggunian ay ang


pinanggagalingan ng mga katunayan, halimbawa ng facts and figures, at
mga datos (obserbasyon, berbal at biswal na teksto) at iba pang kailangan
para makagawa ng mga pahayag ng kaalaman hinggil sa isang isyu,
penomenon, o panlipunang realidad.

E. PAGLALAHAT
Gawain 4: #TANONG AT SAGOT
Panuto: Sagutan ang mga katanungan bilang paglalagom sa talakayan sa araw na
ito.
1. “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”
Isa sa katagang iniwan sa atin ng ating pambasang Bayani na si Dr. Jose Rizal.
Kayo bilang kabataan, anong iniwang aral sa ating talakayan na mas
mapapahalagahan ninyo ang inyong bayan?
2. Sa kasalukuyang panahon, sino ang mga taong nakakaimpluwensiya sa inyo
upang gawin ang mga bagay na gusto niyong gawin?

F. PAGLALAPAT
Mungkahing Estratehiya:
Gawain 5 #PINIPILINAKITA

Panuto: Pipili ang mga mag-aaral ng napupusuang taon at magbabahagi ng


kaalaman sa nasabing taon/panahon.

1887 1888 1890 1891


IV. PAGTATAYA

I. Panuto: Tama o Mali. Tukuyin ang sumusunod na katanungan kapag ito ay


tama o mali.

_______1. Ang El Filibusterismo ay pangalawang nobela na sinulat ni Dr. Jose


Rizal.
_______2. Ang nobelang El Filibusterismo ni Dr.Jose P. Rizal ay tumatalakay sa
usaping pampulitikal.
_______3. Inalay ni Dr. Jose Rizal sa kaniyang ina ang El Filibusterismo.
_______4. Maraming pagsubok na naranasan si Dr. Jose Rizal bago nailimbag
ang El Filibusterismo
_______5. Si Maximo Viola ang kaibigan ni Rizal na nagpahiram ng pera
upang maipalimbag ang aklat ng nobelang El Filibusterismo.

II. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag o tanong. Piliin
ang letra ng tamang sagot at isulat sa hiwalay na papel.

1. Nagalit at nainggit ang mga Espanyol lalo na ang mga prayle sa tatlong paring
sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora kaya ______________.
A. ipinatapon sila sa malayong lugar
B. ipinabilanggo sila nang habambuhay
C. idinawit sila sa naganap na Cavite Mutiny at hinatulan ng pagbitay sa
pamamagitan ng garote.
D. sapilitan silang pinagtrabaho sa pagawaan ng mga armas kahit na sila ay mga
pari at matatanda na

2. Sa paghango sa iba’t ibang sanggunian/reperensiya/batis ng impormasyon ng


kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo, ang sumusunod ay mahahalagang
impormasyong mapupulot dito maliban sa isa.

A. mga datos na kailangan sa kasaysayan


B. pinanggalingan ng mga katunayan hinggil sa kasaysayan
C. mga halimbawa ng facts at figures kaugnay ng kasaysayan
D. kasagutan sa mga tanong mula sa taong kasangkot sa kasaysayan

3. Suson-susong kahirapan ang dinanas ni Dr. Rizal habang isinusulat niya ang
nobela subalit lahat ng kasawiang iyon ay hindi nakapigil sa tibay ng kaniyang loob
upang ipagpatuloy at tapusin ang nobelang El Filibusterismo. Nanaig ang
kaniyang layuning ______________.

A. maging mahusay na manunulat ng nobela


B. maipakita sa panulat ang lahat ng pinagdaanan niya
C. makaipon ng maraming akdang maipamamana sa mga kaanak
D. maimulat ang mga Pilipino sa mga kaapihang ginagawa ng mga Kastila noon
4. Kung pagbabatayan ang timeline ng kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo,
alin ang naunang naganap?

A. paglipat ni Dr. Rizal sa Bruselas, Belgica


B. pagsulat ng malaking bahagi ng nobela noong Marso, 1891
C. kaniyang paninirahan at pagsulat ng nobela sa Londres, Inglatera
D. pagbibigay niya ng manuskrito sa isang palimbagan sa Gante, Belgica

5. Karamihan ng ipinalimbag na nobela ay ipinadala ni Dr. Rizal sa Pilipinas at sa


Hongkong. Ito ay nagpapatunay na ______________.
A. ipinagbawal sa Europa ang kopya ng kaniyang nobela
B. wala siyang mautusang magdala ng nobela sa Europa
C. naubos ang salapi niya kaya hindi nakapagpadala ng mga kopya sa Europa
D. isinulat niya ang nobela upang basahin sa Pilipinas at hindi sa mga bansa sa
Europa

6. Nararapat lamang na bigyang-pagpapahalaga ang nobelang El FilibusterimO


kaya pinag-aaralan pa rin ito hanggang sa kasalukuyan dahil
______________.
A. naging daan ito upang makamit ng Pilipinas ang kalayaan
B. higit na napayaman ng nobelang ito ang panitikang Pilipino
C. sadyang isinama ito sa pag-aaralan ng kabataang Pilipino bilang halimbawa
ng nobela
D. nagpapaalala ang nobelang ito sa kaawa-awang sinapit ng mga Pilipino sa
kamay ng mga mananakop

7. Bilang pagkilala sa malaking utang na loob ni Dr. Rizal sa kaibigang si


Valentin Ventura, ano ang kaniyang ginawa?
A. Binayaran at pinatubuan niya ang perang ipinadala ng kaibigan.
B. Inanyayahan niya ang kaibigang magbakasyon kasama siya sa Pilipinas.
C. Ginamot niya ang karamdaman ng ina ng kaniyang kaibigan nang walang
bayad.
D. Inialay niya ang orihinal na manuskrito ng El Filibusterismo kalakip ang isang
inilimbag at nilagdaang sipi nito.

8. Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit mahalaga ang papel na


ginampanan ng nobelang El Filibusterismo sa kasaysayan at pamumuhay
ng mga Pilipino maliban sa isa.
A. Pinasigla at pinatibay nito ang loob ng mga Pilipino sa pakikidigma laban sa
Espanya.
B. Nakatulong ito nang malaki kay Andres Bonifacio at sa Katipunan sa
Paghihimagsik noong 1896.
C. Binuksan nito ang isipan ng mga mananakop upang ipagkaloob na ang ganap
na kalayaan sa mga Pilipino.
D. Ito ang nagturo sa kapilipinuhan ng pagkabihasa, ng pagbabagumbuhay, at
ng landas tungo sa kaligtasan.
9. Taong sinimulan isulat ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo.
A. 1885
B. 1886
C. 1890
D. 1888
10. Saan natapos ni Rizal ang paggawa ng nobelang El FIlibusterismo?
A. England
B. Pilipinas
C. Italy
D. Belgium

SUSI SA KAWASTUHAN
I. Tama o Mali
1) Tama
2) Tama
3) Mali
4) Tama
5) Mali
II.
1. C 2. D 3. D 4. C 5. D 6. A 7. 8.C 9. C. 10 D

V. KASUNDUAN

Panuto: Bumuo o Gumawa ng isang timeline na nagpapakita ng panahon o


pangyayari sa Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo. Maging
malikhain sa paggawa ng timeline sa pamamagitan ng iba’t ibang editing apps
na maaaring gamitin tulad ng MS Word, Canva atbp. Ang inyong awtput ay
ipapasa sa google form link na ibibigay.

Ang awtput ay maaaring sukatin sa pamamagitan ng rubrik na ito:

Mga Pamantayan Punto Iyong Puntos


s
Nilalaman 15
Pagkakasunod-sunod 10
Pagkamalikhain 5
Kabuoang Puntos 30

Inihanda ni: Sinuri ni:

ROCHEDEL T. ASUNCION JULIE P. BUGAYONG


TEACHER I RATER

MARILYN T. AVANCENA
PRINCIPAL II

You might also like