ESP5-LAW-Q4-W1-W2 - Melda Final

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
N at io n al Capit al Reg io n

ESP 5
Ikaapat na Kwarter

Pangalan: ____________________________ Petsa : ________________ Iskor: ____________

Ikalawang Linggo
Gawain 1

Panuto: Basahin o awitin ang talata ng awit na “Walang Sinuman ang Nabubuhay”. Sagutain ang mga
tanong tungkol dito.

Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang


Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling nya
Sa ating pagmamahalan at paglilingkod sa kaninuman
Tayo'y ang magdadala ng balita ng kaligtasan
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling nya
Sabay-sabay ngang mag-aawitan ang mga bansa
Tayo'y itinuring ng Panginoon bilang mga anak
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling nya
Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling nya
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling nya

Mga tanong:
1. Bakit hindi tayo nabubuhay para sa sarilu lamang natin?
2. Ayon sa awit, ano ang dapat nating ibahagi sa kapwa?
3. Paano natin maipapakita na tayo ay may pakikipagkapwa tao?

Gawain 2
Panuto: Magbigay ng posibleng epekto o maaaring mangyari kapag ginawa ang sumusunod:

1. Narinig mo na may pinagdaanang pagsubok ang iyong kapitbahay, sinabi mo ito sa ibang
kakilala kahit hindi mo alam ang tunay na nangyari.

2. Nakipag tulungan ka sa pagtitipon ng mga nakalap ng donasyon upang ipamahagi sa mga


biktima ng sunog.

3. Nag boluntaryo ka na turuan ang mga batang ulila sa bahay ampunan.

4. Itinapon mo sa basurahan ang mga sobrang pagkain dahil wala ka ng paglalagyan.

5. Tinanong ka ng guro kung ano ang tunay na nangyari subalit pinabulaanan mo na may alam ka
dahil ayaw mong masangkot kahit alam mong makakatulong ka sa isang inosenteng bata.

You might also like