Professional Documents
Culture Documents
Assignment Pananaliksik 1
Assignment Pananaliksik 1
Assignment Pananaliksik 1
Paglalahad ng Suliranin:
1. Ano-ano ang mga epekto ng akademya sa kalusugang mental?
2. May posibilad bang maging huwaran sa akademya kung naaalagaan ang iyong mental na
kaisipan?
3. Paano sosolusyunan ng iyong mental na kaisipan ang bawat gawaing pinagagawa ng iba't
ibang asignatura? Sa anong paraan?
Ang pagkain ng almusal ay mabuti para sa kalusugan dahil naibabalik nito ang ating
metabolismo. Bilang bahagi ng pananaliksik na ito ang bawat Benepisyo ng Pagkain ng Almusal
sa Larangan ng Akademya ay isisiwalat sa iba’t ibang aspeto. Sa makatuwid, maraming
benepisyo ang umagahan sa ating pisikal, emosyonal, at mental na kaisipan. Kaya’t hangga’t
maaari ay dapat suportado ng siyensiya ang bawat laman ng ating tiyan. Busog na isip, busog na
kalamnan. Ang pinaka-epektibong teorya na maikokonek ay ang Classical Conditioning Theory
ni Ivan Pavlov. Habang ang balangkas konseptwal naman ay binubuo ng tatlong pangunahing
konsepto na laman ng pananaliksik. Ito ay binubuo ng Before, During, at After Conditioning.
Kaugnay na Literatura:
Ayon kay Bandera (2019) Sinasabing ang pinakamahalagang meal sa isang araw ay ang
almusal. Ang almusal o breakfast ang nagsisilbing “gasolina” ng katawan at utak matapos ang
overnight fast. Kaya nga dito nagmula ang breakfast na ang ibig sabihin ay i-break ang fast. Ang
hindi pagkain ng almusal ay parang isang kotse na gustong tumakbo pero walang gasolina.
Makabubuting kumain ng almusal dalawang oras pagkatapos magising.
Ayon sa Pilipino Mirror (2019), importante kumain ng almusal. Akala ng iba ay okay lang
kapag nilalaktawan ang pagkain ng almusal, pero doon sila nagkakamali. Maraming
masasamang epekto ang pag-iwas o pag-skip ng agahan. Kapag ang mga matatanda ay
kinakailangang kumain ng almusal, ay mas lalo na rin ang mga bata. Kailangan ng sustansiya ng
katawan upang lumaki ng malusog ang mga bata. Mahalaga ang pagkain ng almusal sa mga bata
gayundin sa mga matatanda upang lumakas ang resistensya at pangangatawan.
Ayon kay Doc Ong (2022) “Alam n’yo ba na ang pagkain ng almusal ay nakakatalino (lalo sa
bata sa school), nagbibigay ng enerhiya sa trabaho, may tulong sa pagdiyeta dahil hindi
gugutumin at mapapakain nang marami sa tanghali. Layunin nito ang mga masusustansiyang
almusal at mga dapat gawin paggising sa umaga ng isang indibidwal.”
Ayon sa kasabihan, “Ang almusal ang pinakamahalagang pagkain natin sa buong araw.”
Tama po itong paniniwala. Kahit alam kong marami sa atin ang hindi kumakain sa umaga, dapat
pa rin natin ipaalala ang kahalagahan nito. Ang mga batang kumakain ng almusal ay nakakakuha
ng mas mataas na grado sa eskuwelahan kumpara sa mga batang gutom. Mas alerto, matalino, at
mabilis sumagot ang mga batang busog Doc Ong (2016).
Ayon kay Susan (2019) Maraming almusal na maaari nating ihanda araw-araw. Ngunit ang
ilan sa kanila ay hindi malusog gaya ng naiisip natin. Kaya mas maraming tao ang pinipili
magkaroon ng oatmeal para sa almusal. At hindi dahil sila ay nasa isang diyeta, malayo mula
dito, dahil lamang ito ay isang alternatibo na may maraming benepisyo sa kalusugan at dapat
mong isaalang-alang.
Ayon kay Pau 2010) Kung titigil kami upang tanungin kung gaano karaming mga tao ang
lumaktaw ng agahan, magulat ka na malaman na maraming tao ang hindi nagbibigay ng
kahalagahan sa unang pagkain ng araw na ito. Mabilis na binabasag ng agahan ang magdamag at
ang katawan ay nangangailangan ng pagkain upang magising at magkaroon ng sapat na lakas
upang makabuo ng maayos.
Ayon sa Pilipino Mirror (2019), importante kumain ng almusal. Akala ng iba ay okay lang
kapag nilalaktawan ang pagkain ng almusal, pero doon sila nagkakamali. Maraming
masasamang epekto ang pag-iwas o pag-skip ng agahan. Kapag ang mga matatanda ay
kinakailangang kumain ng almusal, ay mas lalo na rin ang mga bata. Kailangan ng sustansiya ng
katawan upang lumaki ng malusog ang mga bata. Mahalaga ang pagkain ng almusal sa mga bata
gayundin sa mga matatanda upang lumakas ang resistensya at pangangatawan.
Ang Pilipinas ay ika-siyam sa mga pinaka-hindi malulusog na bansa sa Asia. Malaking
porsyento ng mga Pilipinong nakiisa sa survey na ito ay nagsabing sila ay siguradong hindi sila
malusog dahil sa kanilang kinakain at sa mga paraan ng pag-kain nila ng mga ito. Sa kabila nito,
masipag na ginagampanan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang kanilang tungkulin para
turuan ang mga tao ng wastong paraan ng pag-kain para makatulong sa kabuuang kalusugan.
Ang wastong nutrisyong may kaakibat na wastong paraan ng pag-kain ay isang mahalagang
sangkap para manatiling malusog, malakas, at aktibo ang pangangatawan. Ang poor nutrition
naman ay maaring makaapekto sa pang-araw-araw nating pamumuhay at maaaring magpababa
sa kalidad ng buhay ng tao. Ito ay pwede ring magdulot ng stress, kapaguran, at pagiging hindi
produktibo sa trabaho. Pan Asian (2019).
Sa madaling salita, ang paraan upang maging maganda ang pakiramdam, umangkop sa araw at
madaling mahawakan ang mga gawaing pangkaisipan ay sa pamamagitan ng almusal. Kung
hindi ka nag-aalmusal sa umaga, magkakaroon ng pagbaba sa enerhiya na ginagamit ng utak. Sa
kasong ito, nararanasan ang mga problema tulad ng pagkapagod, sakit ng ulo, kawalan ng
atensyon at pang-unawa. Bumababa ang performance ng mga bata sa paaralan. Ang sapat at
balanseng menu ng almusal ay napakahalaga sa pagsisimula ng araw nang kusa at pagpapanatili
nito sa angkop na paraan Gurel (2022).
Maraming benepisyo ang pag-aalmusal. Una, makapagbibigay ito ng lakas sa ating katawan.
Pangalawa, mas tataas ang grado ng mga bata sa eskuwelahan. Magiging masigla ka rin sa iyong
trabaho. Pangatlo, makaiiwas ka sa sakit, tulad ng ulcer, kung kakain ka sa umaga. Bukod dito,
pampahaba rin ng buhay ang pag-aalmusal. Sabi ni Dr. Roger Henderson (2015), awtor ng
librong 100 Ways To Live To 100: “Ang mga taong umaabot sa edad 100 ay madalas kumain ng
masustansiyang almusal.”
Ayon sa FHS (2020) Karaniwan sa mga sanggol at mga batang nasa preschool ang pagiging
mapili sa pagkain. Tumatanggi ang ilang bata na kumain ng ilang partikular na pagkain o
pumapayag lamang na kumain ng ilang mga pagkain. Gayunman, nalalampasan ng karamihan sa
kanila ang problema at natututo kinalaunan na kumain ng iba’t ibang pagkain.
Ayon kay Bunag (2022), Ang almusal ay ang pinakamahalagang pagkain sa araw.
Nakatutulong ang pagkain ng almusal sa pagpababalik ng iyong metabolismo, Iniiwasan nito ang
pagiging mahina at matamlay, ito ay mainam para sa body mass index, ito ay tumutulong
makaiwas sa nutrient deficiency, binabawasan nito ang panganib sa sakit sa puso at nakatutulong
ito sa pagiwas sa type 2 diabetes
Ayon kay Carillo (2023), ang paglaktaw sa pagkain ay maaaring hindi maiiwasan paminsan-
minsan. Ngunit ang patuloy na paggawa nito ay maaaring negatibong makaapekto sa iyong
kalusugan at humantong sa mga kakulangan sa nutrisyon. Hindi mo rin kayang gawin ang iyong
pinakamahusay dahil ang napagpagtutuunan mo ng pansin ay pagkain. Kung ikaw man ay abala,
natutulog, o naipit sa trapiko, hindi pa rin sapat na dahilan ang mga ito upang kumain sa tamang
oras.
Ayon kay Tugade (2022), ang pagkain na kinakain natin ay nakakaapekto sa kung paano
gumagana ang ating utak. At ito rin ay nakakaapekto sa ating mental health. Sa madaling salita,
ang ating kinakain ay may direktang epekto sa structure at function ng utak, at sa epekto, ang
ating mood at wellbeing. Ang pagkain ng isang balanseng at masustansyang diyeta ay maaaring
makatulong sa iyong magkaroon ng mabuting pakiramdam. Dagdag pa rito ang pagkakaroon ng
mas maraming enerhiya upang makapag-isip nang maayos at tama.
Sanggunian:
Bandera, (2019). 5 Benepisyo ng Pagkain ng Almusal. https://bandera.inquirer.net/210203/5-
benepisyo-ng-pagkain-ng-almusal
Bunag, L., RN. (2022, May 31). Bakit Mabuti Para sa Kalusugan ang Pagkain ng Almusal. Hello
Doctor. https://hellodoctor.com.ph/fil/masustansiyang-pagkain/nutrition-facts-fil/mabuti-para-sa-
kalusugan-ang-pagkain-ng-almusal/
Doc Ong, (2022). Mga benepisyo ng pag-aalmusal; Dapat gawin paggising sa umaga.
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2022/12/25/2233211/mga-benepisyo-ng-
pag-aalmusal-dapat-gawin-paggising-sa-umaga
Doc Ong, (2016). Mag-almusal para lumakas.
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2016/04/27/1577475/mag-almusal-para-
lumakas
AAPCN, Org. (2023) Benefit of eating Breakfast of a student.
https://www.healthychildren.org/English/healthy-living/nutrition/Pages/Breakfast-for-
Learning.aspx
Mediko Philippines, (2020). Kahalagahan ng balanseng pagkain. https://mediko.ph/kahalagahan-
ng-balanseng-pagkain/
Learneo, Inc. (2024). Kahalagahan ng Masustansyang Pagkain.
https://www.collegesidekick.com/study-docs/5511443
Unicef Philippines, (2023). Healthier Lifestyle Para sa Anak? Kayang-
kaya!.https://www.unicef.org/philippines/stories/healthier-lifestyle-para-sa-anak-kayang-kaya
Pampapayatinfo, (2023). Masustansyang mga Pagkain na Dapat na Nakahain sa Bawat Mesang
Pinoy. https://pampapayat.info/masustansyang-mga-pagkain/
Del Rosario, E. (2021). Kahalagahan ng Tama at Balanseng Pagkain.
https://www.scribd.com/document/543803382/Health2-q1-mod2-kahalagahan-Ng-Tama-at-
Balanseng-Pagkain-FINAL08082020
Godoy, S. (2019). Pagkain ng oatmeal para sa almusal: Mga benepisyo sa kalusugan at kung
paano ito ihanda. https://www.bezzia.com/tl/pagkain-ng-oatmeal-para-sa-mga-benepisyo-sa-
kalusugan-ng-almusal-at-kung-paano-ito-ihanda/
Heidemer, P. (2011). Ang kahalagahan ng agahan. https://www.bezzia.com/tl/5-natural-na-mga-
remedyo-upang-ihinto-ang-hilik/
Pilipino Mirror (2019). Masustansiyang agahan (Para sa mas malakas na pangangatawan)
https://pilipinomirror.com/masustansiyang-agahan-para-sa-mas-malakas-na-pangangatawan/
Ritemed, (2019). Ano ang Epekto sa Katawan ng Hindi Wastong Pag-kain?.
https://www.ritemed.com.ph/appetite-loss/ano-ang-epekto-sa-katawan-ng-hindi-wastong-pag-
kain-
Rayhaber, Org. (2022). Bakit Mahalaga ang Almusal?. https://tl.rayhaber.com/2022/03/bakit-
mahalagang-mag-almusal/
Doc Ong, W. (2016). Mag-almusal tayong lahat.
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2016/05/04/1579961/true-confessions/
amp/
Family Health Service, (2020). Ano ang Maaari Kong Gawin sa Aking Anak na Mapili sa
Pagkain?. https://www.fhs.gov.hk/english/other_languages/taga/child_health/nutrition/
20033.html
Bunag, L., RN. (2022, May 31). Bakit Mabuti Para sa Kalusugan ang Pagkain ng Almusal. Hello
Doctor. https://hellodoctor.com.ph/fil/masustansiyang-pagkain/nutrition-facts-fil/mabuti-para-sa-
kalusugan-ang-pagkain-ng-almusal/
Carillo, L. (2023, October 27). Posibleng mga Epekto Kapag Nalipasan ng Gutom. Hello Doctor.
https://hellodoctor.com.ph/fil/kalusugan-sa-digestive/posibleng-mga-epekto-kapag-nalipasan-ng-
gutom/
Tugade, F. (2022, August 29). Pagkain Para sa Mental Health: Anu-ano ang Dapat Mong Kainin?
Hello Doctor. https://hellodoctor.com.ph/fil/masustansiyang-pagkain/pagkain-para-sa-mental-
health/