SUNPENSYON NG FACE TO FACE CLASS DAHIL SA MATINDING
INIT
Ipinatupad noong, Abril 11, 2024 araw ng huwebes sa isang Unibersidad ng
Binalonan ang maagang pag suspende ng klase dahil sa mataas na heat index.
Ayon sa mga ilang estudyante ng paaralan marami ang pabor sa ginawang
pagsuspendi ng klase, dahil kawawa ang mga ito lalo na sa mga mag-aaral na malalayo ang destinasyon sa sobrang init ng panahon ay nahihirapan din ang mga komyuter sa pagsakay dahil mas pinipili na lamang ng mga ibang drayber ng dyip na mamalagi na lamang sa kanilang mga tahanan para maiwasan ang init ng panahon. Ayon din sa iba ay hindi sapat ang bentilador dahil mas natatapatan parin nito ang sobrang init
Sa facebook page ng PangsinanPDRRMO (Abril 16, 2024) napag-alaman na
namang tumaas ulit ito at ito’y pumapalo na sa 47.7 degrees celcius(DANGER) na maaaring maging sanhi ng heatstroke.
Paano nga ba makakaiwas sa ganitong sitwasyon?
1. Uminom palagi ng tubig 2. Iwasan ang pag inom ng mga kape, softdrinks at may mga inuming may alcohol 3. Magsuot ng maluwag na damit 4. Gumamit ng proteksyon laban sa init : payong at sombrero For emergency response-related concerns, please contact 09658575965 #Stay safe and hydrated, UEPians!