Tekstong Deskriptibo

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK Sa nobelang “Dugo sa Bukang-Liwayway” ni Rogelio Sicat, matatagpuan sa

unang bahagi ang detalyadong paglalarawan ng awtor sa isa sa mga


TEKSTONG DESKRIPTIBO
pangunahing tauhan, si Tano, na isang magsasaka habang nagtatrabaho sa
▪ May layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan,
pilapil.
sitwasyon, at iba pa.
▪ Nagpapaunlad sa kakayahan ng mag-aaral na bumuo at
KATANGIAN NG TEKSTONG DESKRIPTIBO
maglarawan ng isang partikular na karanasan.
Narito ang 3 katangian ng tektong deskriptibo na maaaring gumabay
sa pagsulat nito.

1. Ang tekstong deskriptibo ay may isang malinaw at pangunahing


impresyon na nililikha sa mga mambabasa. Halimbawa, sa
paglalarawan kay Tano sa bahagi ng nobelang binasa, namili ang
awtor ng lilikhaing impresyon tungkol sa isang magsasaka. Ang
pagsasaka ba ay masayang Gawain gaya ng mga nakapinta sa obra
ni Fernando Amorsolo kung saan nakangiti lagi ang mga magsasaka,
o ito ba ay isang mahirap at mabigat na Gawain? Sa paglikha ng
dominante at pangunahing impresyon, dapat na magdesisyon ang
manunulat kung ano ang mas magsisilbi sa kuwentong kaniyang
ilalahad.
2. Ito ay maaaring maging Obhetibo o Subhetibo, at maaari ding
magbigay ng pagkakataon sa manunulat na gumamit ng iba’t ibang
tono at paraan sa paglalarawan.
▪ Obhetibong paglalarawan ay mga direktang pagpapakita ng
katangiang makatotohanan at di mapasusubalian.
Halimbawa, kung ilalarawan ang kaibigan, maaaring ibigay
ang taas, haba ng buhok, kulay ng balat, o kursong kinukuha.
▪ Subhetibong paglalarawan naman ay maaaring kapalooban
ng matatalinghagang paglalarawan at naglalaman ng
personal na persepsyon o kung ano ang nararamdaman ng
manunulat sa inilalarawan. Halimbawa, maaaring ilarawan ang
kaibigan bilang hingahan ng sama ng loob, madalas na
nakapagpapagaan ng mga suliranin, o kaya ay bukas na libro
sa lahat dahil sa maingay at liberal nitong katangian.
3. Itp ay mahalagang maging espisipikoat maglaman ng mga
konkretong detalye. Ang pangunahing layunin nito ay ipakita at
iparamdam sa mambabasa ang bagay o anomang paksa na
inilalarawan.
Basahin ang sumusunod na teksto na ang kabuluhang diskurso ay ilarawan
ang kalagayan ng kababaihan. Suriing mabuti ang teksto kung ito ay
maituturing na mahusay na paglalarawan.
A. Gumawa ng isang talatang maglalarawan at susuma sa kalagayan at
katangian ng mga babae sa Pakistan.

B. Paglikha ng Photo Essay

Isang pamamaraan ang Photo Essay o paggamit ng larawan o litrato


sa pagsasalaysay o paglalahad ng anomang bagay at pangyayari. Sa
pamamagitan ng mga serye ng larawan at maikling caption, naibibigay
ang mahahalagang ideya nan ais iparating na gumagawa nito.

Bumuo ng grupo na may tatlong miyembro at maghanap ng mga


halimbawang photo essay sa internet o kumuha ng larawan sa inyong
paligid. Pagkatapos, pagdesisyunan kung anong uri at paksa ng photo
essay ang gagawin. Ilagay ito sa long bond paper at kompyuterisado.

You might also like