Week 5 8

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 43

1

MODYUL 2

Mga Layunin:

1. Nakapaghahambing sa panitikan noon at ngayon;


2. Nakagpagbibigay reaksyon sa mga akda;
3. Nakalilikom ng mga akdang pampanitikan bago dumating ang mga Kastila;
4. Nakapagbibigay sariling opinyon sa mga akda ng mga manunulat at sa mga propagandista;
5. Nakapagpapahalaga ng mga kontribusyon ng mga bayaning Pilipino;
6. Nalilinang ang ugaling makabayan.
2

GAWAIN 1
1. Kapag marinig ang salitang KASTILA ano ang unang pumasok sa iyong isipan?
Bakit?
2. Naranasan mo bang pinalo o pinaglupitan ng iyong mga magulang o kaya’y sa mga
kapatid o mga kaibigan? Ano ang iyong nararamdaman?
3

Yunit 2

Pananakop ng mga Kastila

Kasaysayan ng Pagdating ng mga Kastila


Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at panitikan
ang mga sinaunang Pilipino. Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga
pasalindila gaya ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at
awiting-bayan na anyong patula; mga kwentong-bayan, alamat at mito na anyong
tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo
ng dula sa bansa.Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalindila. May mga panitikan ding
nasulat sa mga pirason g k a w a y a n , m a t i t i b a y n a k a h o y a t m a k i k i n i s n a
b a t o . N g u n i t i i l a n n a l a m a n g a n g m g a natagpuan ng mga arkeologo
(archeologists) sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasirai t o n g m g a p r a y l e
nang dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang mga ito ay
g a w a n g demonyo.
Napaligaw sa Pilipinas ang pangkat ni Magallanes noong 1521, isang kamaliang
maituturing pang-aangkin ng mga Kastila na sila ang nakatuklas sa Pilipinas. Ang Pilipinas ay
sinakop ng mga Kastila sa pamamagitan ng sandata at relihiyon. Humigit-kumulang sa
apatnapu’t apat na taon ang nakaraan nang mapaligaw sa ating bansa ang pangkat ni Magallanes
bago opisyal na naitatag ni Legaspi ang kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas noon 1565.
Tatlong ekspedisyon ang ipinadala ng Espanya sa Pilipinas bago ang ekspedisyon ni Legaspi
ngunit ang ga naturang ekspedisyon na pinamumunuan ng mga sumusunod: Laoisa (1525),
Saavedra (1527), at Villalobos ay hindi nakarating ng Pilipinas sapagkat sinalakay sila ng mga
Olandes na noong panahong iyon ay nasa Indonesya.
Nagkakaroon ng pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino gayundin sa kanilang
panitikan. ang dating Alibata ay pinalitan ng Alpabetong Romana. Ang karaniwang paksa ng
mga akda ay panrelihiyon walang orihinalidad at gaya, halaw o hawig sa mga akdang Europea.
Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong Gs – GOD, GOLD at GLORY.
Dumatingsila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at
upang lalongmapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang nasasakop. Mahahati ang
panitikan sadalawa sa panahong ito: una ay pamaksang pananampalataya at
kabutihang-asal at ang ikalawa ay ang panitikang panrebolusyon.(1) Panitikang Pamaksang
Pananampalataya at Kabutihang-asalDahil sa pananampalataya ang pangunahing pakay
ng mga Kastila, karamihan sa mga unangakdang nalikha sa panahong ito ay halos
paksang pananampalataya. Halimbawa sa mga ito ay ang mga uri ng dulang senakulo,
santa cruzan at tibag; tulang gaya ng mga pasyong inaawit. Silarin ang nagpakilala ng
konseptong maharlika o dugong bughaw sa mga Pilipino na mababatid samga akdang awit na
ang mga pangunahing tauhan ay mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa – isang
patunay ang awit na Florante at Laura ni Balagtas at mga dulang duplo at karagatan.S a
panahong ito, piling-pili lamang ang nakasusulat sapagkat wikang
K a s t i l a l a m a n g a n g kinikilala sa ganitong larangan. Kaunti lamang ang nakasusulat sa
Kastila dahil sa pagpipigil, san a d a r a m a n g t a k o t a t p a g i g i n g m a d a m o t n g
mga Kastila. Sa panahong ito nalimbag ang pinakaunang aklat
sa bansa; ang Doctrina Christiana na nalimbag noong 1553 na
i s a n g panrelihiyong aklat.Ang pasyon ang isa sa patulang anyo na makarelihiyon.
4

Samantalang ang mga dula sa nama’y ang mga senakulo, Santa Cruzan, at tibag. Ang mga
dulang Moro-Moro naman ay pumapaksa satagumpay ng mga Kastila, isinasadula rito
ang mga himagsikan sa pagitan ng mga sundalongKastila at mga Muslim sa
Mindanao at sa wakas ng dula, palaging nagwawagi ang Kastila attalunang
niyayakap ng mga Muslim ang Kristiyanismo. Nauso rin ang carillo o mga
dulang puppet na yari sa karton na gumalaw sa likod ng isang mailaw at puting tela.Ang mga
panitikan namang ukol sa kabutihang-asal ay ang Urbana at Feliza ni Padre
Modestode Castro.
Nalimbag rin sa panahong ito ang pinakaunang newsletter sa bansa noong 1637 – ang
Successos Felices (Fortunate Events) ni Tomas Pinpin na may 14 na pahina. Ngunit noong
Agosto 8, 1811lamang nalathala ang pinakaunang pahayagan sa bansa – ang Del Superior
Govierno na umabothanggang labinlimang tomo.(2) Panitikang Rebolusyonaryo at Sedisyoso. Sa
ikalawang bahaging ito ng kasaysayang pampanitikan sa panahon ng pananakop ng
Kastila,karamihan sa mga panitikang nalikha ay may diwang rebolusyonaryo at nagbukas sa
kamalayangPilipino sa di-makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila at nag-uudyok na
kalabanin ang pamahalaan.Dahil sa labis na pang-aalipin at pang-aalispusta at masidhing
diskriminasyon ng mga Kastila samga Pilipino; nagsilunsad ng mga kilusan ang iilang Pilipinong
hindi na sumasang-ayon sa pamamalakad ng mga prayle at pamahalaang Kastila. Nagsisulat ang
mga Pilipino sa panahong ito ng mga panitikang nagrerebolusyon. Nalathala angmga
pahayagang propagandista na pinangunahan ng La Solidaridad noong Pebrero 19, 1889
nan a g l a l a y o n g “ m a t a m o a n g p a g b a b a g o n g k a i l a n g a n n g b a n s a n g b i l a n g
t u g o n s a k a l a g a y a n g panlipunan at pang-ekonomiya, maisiwalat ang malubhang
kalagayan ng bansa sa ilalim ng pamamalakat ng mga Kastila at upang pairalin ang kalayaan at
demokrasya.”D a h i l s a m a h i g p i t a n g p a m a h a l a a n , n a g s i t a g o a n g m g a
m a n u n u l a t s a i l a l i m n g i b a ’ t i b a n g sagisag-panulat upang maprotektahan ng mga
sarili laban sa mapang-alipustahang Kastila atupang patuloy na makasulat.Ang pambansang
bayaning si Dr. Jose P. Rizal na may sagisag-panulat na Laong Laan ay naging bahagi ng
pahayagang La Solidaridad; at ang may-akda ng mga nobelang Noli Me Tangere at
ElF i l i b u s t e r i s m o na unang nalimbag at nalathala sa
E s p a n y a a t n a g i n g m i t s a s a m g a rebolusyonaryong Pilipino na mag-aklas
laban sa mga Kastila. Sumulat din si Rizal ng mgas a n a y s a y g a y a n g H i n g g i l s a
K a t a m a r a n n g m g a P i l i p i n o a t S a M g a K a b a t a a n g D a l a g a s a Malolos.Ang
mga bayaning sina Marcelo H. Del Pilar (na may sagisag-panulat na PLARIDEL),
GracianoLopez-Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Pedro Serrano Laktaw, Emilio Jacinto,
ApolinarioMabini, at marami pang iba ay nagsisulat din.

Mga Unang Akdang Panrelihiyon


1. Doctrina Cristiana (1593)- Ito ang kauna-unahang aklat na panrelihiyon na nalimbag sa
pIlipinas. Sina Padre Juan de Plasencia at Padre Domingo de Nieva ang sumulat.
2. Nuestra Señora del Rosario (1602)- Ang aklat na ito ang ikalawang nalimbag sa Pilipinas.
Sinulat ito ni Padre Blancas de San Jose at tinulungansa pagkakalimbag ng aklat ni Juan de
Vera isang mistisong anak. Ang aklat ay nalimbag sa Limabagan ng Pamantasan ng Santo
Tomas.
3. Barlaan at Josaphat (1708)- Ito ay isang salaysay sa Bibliya na isinalin sa Tagalog ni Padre
Antonio de Borja mula sa Griyego.
5

BARLAAN AT JOSAPHAT

Ang Haring Abenir ng Indiya ay malakas at makapangyarihan. Ipinauusig niya ang mga
Kristiyano sapagkat sila’y sumasamba sa mga diyus-diyosan. Ang mga pari ay ipinakulong niya
at pinahirapan ngunit ang mga ito ay hindi nangatakot at patuloy sa kanilang pangangaral.
Iniutos ng hari na ang mga ta’oy magsibalik sa pagsamba sa mga diyus-diyusan.
Hindi naglaon, ang haring Abenir ay nagkaanak. Ang sanggol ay lalaki at pinangalanan
niyang Josaphat. Mahigpit na pinatanuran ng hari ang anak at upang maging lubusan ang pag-
iingat ay ipinagtayo ito ng isang palasyo sa isang malayo at ligtas na pook. Mahigpit na
ipinagbawal ng hari ang pagbanggit ng anumang bagay tungkol sa Kristiyanismo. Pinaalis ng
hari ang ilang natitirang pari sa kaharian sapagkat may humulang pantas na ang prinsipe ay
magiging Kristiyano pagsapit nito sa sapat na gulang.
Paminsan-minsan ay nakahihingi ng pahintulot si Josaphat sa amang hari na makalabas
upang makapaglibang-libang. Mahigpit na pinagbilinan ng hari ang mga utusang kasama ng anak
na iwasang makita ni Josaphat ang mga kahirapan ng kanyang mga nasasakupan ngunit kahit
anong pag-iingat ang ginawa ng mga utusan ay nakita pa rin ang prinsepe ng isang taong lubhang
kalunus-lunos ang kalagayan. Inusisa niya ang mga kasama kung gayon ang kapalarang sasapitin
ng lahat. Tinugon siya ng mga kasama na gayon nga ang nangyayari. Lubha niyang pinanabikan
na malaman ang tungkol sa lumalaganap na mga aral ng Kristiyano dahil sa nakita niyang
kahirapan ng mga mamayan.
Isang matandang paring nagngangalang Barlaan ang naninirahan sa isang malayong
bayan ng Indiya. Ipinarating sa kanya ng Diyos ang mabuting kalooban ni Josaphat kaya’t
ipinasiya ni Barlaan na puntahan si Josaphat. Nagtungo siya sa Indiya at nakapasok sa palasyo ni
Josaphat sa pamamagitan ng pagbabalatkayong mangangalakal. Sinabi niya sa guwardiya na
may ipakikita siyang bato kay Josaphat.
Itinuro ni Barlaan kay Josaphat ang mga aral ng Kristiyanismo at ipinaliwanag niya ang
kahalagahan ng kabanalan. Naging kristiyano si Josaphat. Ang madalas na pagdalaw ni Barlaan
kay Josaphat ay napansin ni Zardan, isang kabalyerong kabilang sa mga itinalagang bantay sa
prinsipe. Sinabi ni Josaphat kay Zardan na huwag siyang mag-alala sapagkat walang silang
masamang ginagawa at tuloy inanyayahan niya si Zardan na makinig sa pangangaral ni Barlaan
sa susunod na pagtungo roon nito. Pinakiusapan din ng prinsipe si Zardan na huwag ibubunyag
ang lahat sa hari at hintayin ang pinakamabuting pagkakataon.
Nang muling dumalaw si Barlaan kay Josaphat at nagpaalam siya sa prinsipe na hindi na
muling makadadalaw nito sapagkat siya ay tutungo sa isang malayong pook. Iniwang alala ni
Barlaan kay Josaphat ang kanyang damit Ermintanyo sa kahilingan na rin ng prinsipe. Ang
kanyang buong panahon ay inukol ni Josaphat sa pananalangin at paghingi ng awa sa Diyos.
Naligalig nang gayon na lamang si Zardan kaya’t siya nagsakit-sakitan. Umuwi siya sa
kanilang bahay. Ginamot si Zardan ng isang manggagamot sa utos ng hari kaya’t natuklasang
wala siyang karamdaman. Ipinagtapat na ni Zardan ang buong katotohanan. Gayon na lamang
ang galit ng hari at humingi siya ng payo sa pinakamatapat niyang tagapayo na si Araquez.
Ipinayo nito na ipadakip si Barlaan at hiyain sa isang pakikipagtalo sa mga pantas ng kanilang
kaharian. Kapag natalo si Barlaan ay nawawala ang pananalig dito si Josaphat.
Ipinahanap si Barlaan ngunit hindi siya natagpuan. Nang mabigo ang hari sa pagdakip
kay Barlaan ay si Nacor na bantog na astrologo ang ipinadakip niya. Pumayag si Nacor na
6

magkunwaring si Barlaan. Ipinabalita ng Haring Abenir sa buong kaharian na nadakip na si


Barlan. Gayon na lamang ang kalungkutan ni Josaphat nang makarating sa kanya ang balita.
Nanalangin siya sa Diyos na saklolohan ang kanyang maestro.
Dumalaw ang hari sa anak at hinikayat na manumbalik sa pagsamba sa mga diyus-
diyusan. Hindi niya nabago ang kalooban ng anak kaya’t umisip na naman sila ni Araquez ng
ibang balak. Ipinabandilyo niyang siya at ang buong kaharian ay magpabinyag kapag nanalo si
Barlaan. Ito’y naging hamon kay Josaphat. Tinanggap niya ang hamon sapagkat hindi niya
nalalamang hindi tunay na Barlaan ang makikipagtagisan ng talino kundi si Nacor.
Nang dumating ang araw ng pagtatalo ay tanging si Barachias ang Kristiyanong dumalo
kahit na nananawagan ang hari sa mga pagano at mga Kristiyano na magsisali sa debate.
Pinabaglaan ng hari na tatanggap ng parusang kamatayan ang mga paham kapag hindi nila tinalo
si Barlaan. Si Nacor naman ay kinausap ni Josaphat (Nalalaman na niyang hindi ito sa Barlaan
ngunit hindi siya nagpahalata) at sinabi niyang mamamatay sa anyang mga kamay si Barlaan
kapag ito’y natalo sapagkat iisa lamang ang magiging kahullugan, isang manlilinlang si Barlaan.
Nang sumapit ang oras ng pagtatalo ay kataka-takang pangyayari ang naganap. Sumagot
sa mga tanong si Nacor na tila siya’y pinagkalooban ng langit ng hiwagang karunungan.
Ipinahintong pansamantala ang debate upang ipagpatuloy kinabukasan. Humingi ng pahintulot si
Josaphat sa amang hari na maisama niya si Nacor. Nagalak naman ang hari sapagkat
makapaghandang mabuti ang kanyang mga paham.
Kinausap nang masinsinan ni Josaphat si Nacor at sinabi niyang alam na niya ang
katotohang si Nacor ay nagpapanggap na si Barlaan. Itinuro niya kay Nacor ang mga aral ng
Kristiyanismo at ito’y naging Kristiyano. Sumama si Nacor sa mga mongheng naninirahan sa
isang monasteryong nasa labas ng lungsod. Nagalak nang gayon na lamang si Josaphat. Sa
Haring Abenir naman ay poot na poot sapagkat nawalan siya ng pagkakataong talunin si Barlaan.
Pinarusahan niya ang mga paham at nawalam na rin siya ng pagsampalataya sa mga diyus-
diyusan. Sa kabila ng mga pangyayari ay ayaw pa rin niyang yumakap ng Kristiyanismo.
Nagdaos ng pista ang kaharian. Ayaw na sanang makialam ng hari sa pagpapasigla sa
pista ngunit pinakiusapan siya ni Theudas na tumulong sa ikasisigla ng pista at siya si Theudas
ang iisip ng paraan upang mapagbago ang isip ni Josaphat. Ipinayon ni Theudas sa hari na lahat
ng mga utusan sa palasyon ay palitan ng magagandang babaeng tutukso kay Josaphat.
Pinaglabanan ni Josaphat ang mga tukso. Nanalangin siyang ilayo siya sa tukso. Isang
nakatatakot na pangitain ang naging dahilan ng kanyang pagkakasakit.
Dinalaw ni Haring Abenir ang anak at sinabi ni Josaphat ang kanyang malabis na
pagtataka sa ginagawa ng kanyang ama ng pagbubulid sa anak sa kasamaan. Hiniling niya rito na
payagan siyang makalabas upang hanapin si Barlaan at mamuhay sa piling nito.
Huminging muli ng payo kay Theudas si Haring Abenir at sinabi nito na ang mabuti ay
magtalo sila ni Josaphat. Ang naging wakas ay ang pagbabalik-loob ni Theudas sa malaking
pagkabigo ng hari. Ipinayo ni Theudas na hatiin ang kaharian at ibigay kay Josaphat ang
kalahati. Pumayag naman si Haring Abenir at ipinahayag niya sa mga nasasakupan na maaring
sumama kay Josaphat ang lahat ng may ibig nang hindi magtatamo ng parusa.
Sa simula ng kanyang paghahari, ang unang ginagawa no Jospahat ay magpatayo ng
simbahan. Maligaya ang mga taong bayan sapagkat sagana ang pamumuhay nila. Ang ibang mga
nasaskupan ni Haring Abenir ay nangagsilipatan sa akharian ni Josaphat kaya’t kakaunti na
lamang ang mga natirang tauhan ng hari.
Nakilala ni Haring Abenir ang kanyang pagkakamali at sinulatan niya sa Josaphat na
aralan siya ng anak sa pananapalatayang Kristiyano. Malugod na tinupad ni Josaphat ang
7

kahilingan ng ama. Nagpabinyag ang hari at si Josaphat ang nagging inaama niya. Ang kanyang
kaharian ay ipinakatiwala niya kay Josaphat at tinungo niya ang isang ilang na pook. Pagkaraan
ng apat na taong pagpapasakit at pagsisi sa kanyang mga kasalanan ay namatay ang Haring
Abenir.
Matapos maisagawa ang kaukulang parangal sa namayapang hari ay tinipon ni Josphat
ang mga nasasakupan. Sinabi niya ang kanyang balak na lumigpit sa isang malayong pook at
iiwan niya ang kaharian kay Barachias, ang kaisa-isang Kristiyanong dumalo at pumanig kay
Nacor na nagpangap na Barachias at pakikipagdebate sa mga paham.
Hinanap ni Josphat si Barlaan. Maraming hirap ang dinanas niya bago niya natagpuan
ang lanyang maestro. Sila’y nagsamang namuhay at ang panahon ay inuukol nila sa
pananalangin at pagpapasakit. Isang araw ay sinabi ni barlaan kay Josaphat na malapit na siyang
mamatay kaya’t inuutos niyang tawagin lahat ni Josaphat ang mga mongheng na siyang
nagsisipanirahan sa malapit sa kanmilang pook. Nag-alay ng misa si Barlaan at pagkaraan ng
mga sandali ng panalangin ay sumasakabilang buhay si Barlaan.
Namuhay sa pagtitiis si Josaphat. Nang mamatay siya, ang kanyang bangkay ay
inaasikaso ng mga kalapit niyang monghe. Ang kanyang bangkay ay inilibing sa pinalilibingan
kay Barlaan. Isang monghe ang napakita sa pangitain ni Barachaias at isinasalaysay niyang ang
nagging buhay ni Josaphat hanggang kamatayan nito.
Ipinag-utos ni Barachias na hanapin ang bangkay ni Josaphat. Ang dalawang bangkay ay
natagpuan ng mga tao at gayon na lamang ang kanilang pagtataka sapagkat hindi nabulok ang
mga ito. Napansin din nila ang mahinhing samyong humahalimuyaj. Ang ang mga bangkay ay
dinala sa kauna-unahang simbahang ipinatayo ni Josaphat.doon inilagak ang dalawang bangkay
at maraming himala ang nasaksihan ng mga tao kaya’t maraming nangagbalaik-loob sa Diyos.

4. Pasyon- Ang awit na ito ay tungkol sa buhay ng ating Panginoong Hesukristo. Ang
pagpaparangal na ito ay ginaganap kung Mahal na Araw. Apat ang nagsisulat ng pasyon:
Padre Gaspar Aquino de Belen (1704), Don Luis Guian (1750), Padre Mariano Pilapil (1814)
at Padre Aniceto dela mErced (1856).

5. Urbana at Feliza- Si Padre Modesto de Castro ay nataguriang ”Ama ng Tuluyang Klasika


sa Tagalog” dahil sa pagkakasulat niya ng Urbana at Felisa. Binubo ito ng palitan ng liham
ng magkapatid na Urbana at Felisa. Ito ay puno ng mga pangaral ang sulat ng kapatid na nasa
lalawigan sa kapatid na nag-aaral sa Maynila. Lagi niyang ipinaalaala ang mga dapat ng
kapatid sa iba’t ibang pagkakataon. May kahulugang sinasagisag ang mga pangalan ng mga
tauhan sa akda. Nanggaling Urbanidad o kagandahang-asal ang pangalang Urbana.
Nanggaling naman sa Kastilang Feliz (maligaya) ang Feliza. Sinasagisag ito ang
kaligayahang matatamo ng isang tao sa pamamagitan ng pagpapakabuti at pagiging
masunurin. Sumasagisag naman ang Honesto sa pagiging marangal at pagkakataon ng
malinis na budhi.

Urbana ar Feliza

Ang Urbana at Feliza ay matataguriang Klasikang Tuluyan sa Pilipinas. Ang Urbana at


Feliza ay tulad din ng Nena at Neneng ay aklat ng kagandahang asal. Ang paksang tinatalakay
dito ay naglalaman ng mga ginintuang aral tulad ng halimbawa ng pagpapaliwanag ukol sa mga
8

tungkulin ng tao sa Diyos, sa kanyang mga magulang, kapatid at sa kanyang bayan. Binabanggit
din dito ang mga nararapat gawin ng isang tao kung siya ay nasa paaralan., simbahan at sa
lansangan. Kung nasa pook dalanginan o lumalabas. Ang nararapat ay itungo ang ulo sa
panalangin upang huwag maabala at huwag makita ang mga pumapasok at lumalabas na tao.

6. Si Tandang Basio Macunat . Ito’y ni Padre Miguel Lucio Bustamante, isang paring
Paransiskano. Hindi minabuti ng mga Pilipino ang akdang ito dahil sa pamamaraan ng
pagpapayo ng may-akda na isinabibig ng kurang tauhan sa nobela. Ang matsing daw suotan
man ng makisig na pananamit at matsing pa rin. Ang tinutukoy ay ang mga kabataang
pinapag-aaral sa Maynila ng mga magulang na natututo raw ng masasamang bisyo at
nakakalimutan ang mga tungkulin ng isang mabuting Kristiyano. Ang naturang mga kabataan
ay mananatiling masama kaya’t hindi na nararapat pang papag-aralin. Ipinalagay ng mga
nakabasang Pilipino na ang tinutukoy ay ang mga tinatawag ng mga Kastila na mga ”Indio”.

7. Mga Dalit kay Maria. Si Padre Mariano Sevilla, isang paring Pilipino ay sumulat ng mga
dalit noong 1865. Humalaw siya sa mga awit na ”Messe de Maggio” o Buwan ng Mayo. Ang
paksa ng mga awit ay pagpaparangal at pagpupuri sa Mahal na Birhen. Inaalayan ng mga
bulaklak ang Mahal na Birhen.

Ang mga Awit at Kurido


Ang mga awit at kurido ay mga salaysay tungkol sa kagitingan at pakikipagsapalaran ng
mga hari, reyna, prinsipe’t prinsesa na ang layunin ay mapalaganap ang Kristiyanismo. Ang
salitang kurido ay nanggaling sa Mehikong ”corrido” na ang kahulugan ay kasalukuyang
pangyayari (current event). Nanggaling naman ang Mehikanong ”corrido” sa Kastilang
”occurido”.

Awit at Kurido
Ang mga ito’y may mga paksang hango sa pangyayaring tungkol sa pagkamaginoo at
pakikipagsapalaran, at ang mga tauhan ay mga hari’t reyna, prinsipe’t prinsesa.

Ibong Adarna

Ang koridong Ibong Adarna ay tungkol sa walang kamatayang buhay ng tatlong


magkakapatid na prinsipe sa kaharian ng Berbanya na isinulat noong una ng isa sa mga makata
ng wikang Tagalog.

Si Don Fernando ay isang mabuting hari na may tatlong anak na lalaki, sina Don Pedro,
ang pangay, si Don Diego, ang sumunod, at si Don Juan, ang bunso. Minsan ay nanaginip ang
hari na pinatay ang kanyang bunso ng dalawang masasamang tao, pagkatapos ay itinapon sa
isang balon. Dinidbdib ito ng hari na tanging sanhi ng kanyang pagkakasakit, na ang lunas
lamang daw dito ay ang Ibong Adarna. Nakikipagsapalaran at hinanap ng tatlong anak ang ibong
iyon ngunit hindi nagtagumpay ang dalawa, sina Don Pedro at Don Diego na kapwa naging bato.
Dahil sa pagtulong ni Don Juan sa isang pulubi ay tinulungan din siya nito na mahuli ang ibon,
sa pamamagitan ng paghiwa ng palad at pagpatak ng dayap para huwag siyang makatulog,
9

pitong ulit sa pito nitong awit na magaganda at pagpapalit ng balahibo. Nahuli niya ang ibon at
naibalik din ang buhay ng dalawa niyang kapatid. Dahil sa inggit ni Don Pedro ay kinausap niya
si Don Diego at pinagtulungan nila si Don Juan at kinuha ang Ibong Adarna. Dumating sila sa
kaharian subalit ayaw naming kumanta ng ibon. Samantala ay tinulungan at ginamot si Don Juan
ng isang matanda kaya siya nakauwi. Saka pa lamang kumanta ang ibon at dahil doon nalaman
ng hari ang lahat. Paparusahan sana ang dalawa niyang anak subalit dahil sa pakiusap ni Don
Juan ay hindi ito itinuloy. Ang ibon ay pinabantayan ng reyna sa tatlong anak. Nang si Don Juan
na ang bantay ay pinakawalan ito ni Don Pedro. Nang malaman ito ni Don Juan ay umalis siya sa
kaharian upang takasan ang parusang nakalaan para sa kanya. Pinahanap siya ng hari sa dalawa
at nang sila ay magtagpo ay napagpapasyahan na doon na lamang sila tumira. Minsan ay may
natagpuan silang balon na gawa sa marmol at napakalinis. Sila ay naintriga kaya’t sinubukan
nilang bumaba sa pamamagitan ng lubid. Hindi nakatagal si Don Pedro at si Don Diego, kaya’t si
Don Juan ang bumaba at doon ay nakita siya ng isang babae na si Juana ay may kapatid na
nagngangalang Leonora na binabantayan ng serpente at muli ay napatay din niya ito. Nakalabas
na sila ng balon ngunit may nalimutan si Leonora, ang kanyang singsing, kaya’t nagbalik si Don
Juan, subalit pinutol ni Don Pedro ang lubid, Si Leonora ay may lobong alaga at sinabi dito na
gamutin si Don Juan. Inuwi sila nina Don Pedro at Don Diego upang magpakasal ngunit sinabi
ni Leonora na siya ay panatang pitong taon na mag-iisa, at ito ay sa kadahilanang ayaw niyang
makasal kay Don Pedro bagamat ito ay hindi niya inihayag ng tuwiran. Kaya, ang kapatid nitong
babae at si Don Diego ang nagpakasal na naging sanhi ng pagdiriwang ng buong kaharian.
Samantala ay ginagamot naman ng lobo si Don Juan at tinulungan nitong makaakyat sa
balon. Sinabi ng lobo na pinilit lamang si Leonora na sumama kaya’t siya ay wala na doon.
Iniwan siya ng Ibong Adarna at sinabi nito sa kanya na kalimutan na si Leonora at pumunta siya
sa Reino de los Cristal na kung saan may tatlong magagandang prinsesa, sina Maria Blanca,
Isabel at Juana. Sa tatlo ay sinabing si Maria Blanca ang kaniyang piliin. Tinungo niya ang
kahariang ito nang may nakasalubong siyang isang matanda na hiningan niya ng pagkain at
inumin. Nagtanong siya kung alam niya ang kahariang de los Cristal subalit wala daw kaya’t
binigyan siya ng kapirasong damit at pumunta sa malayo pang bundok at iyon ay ipinakita sa
ermitanyong makikita. Wala ring alam ang ermitanyo at ang mga nasasakupan nito kaya
binigyan na naman siya ng kapirasong damit upang ipakita sa isa pang ermitanyong
masasalubong. Sa tulong ng agila na alaga ng ermitanyong sumunod niyang nasalubong ay
nakarating siya sa banyo ni Maria Blanca na sadya palang napakalayo. Sa una ay may galit si
Maria Blanca sa kanya dahil itinago niya ang damit nito subalit dahil sa malambing itong
manalita ay nagkaroon pa siya ng pagmamahal sa kanya at tinulungan upang hindi maging bato
na tulad ng unang nagtangkang lumigaw sa prinsesa. Ginawa ni Don Juan ang lahat kaya’t hindi
siya napahamak. Iniutos sa kanya ng hari na magtanim ng trigo sa bundok na kanyang papatagin
na sa gabing iyon patutubuin, palalakihin, aanihin at gagawing tinapay at ihahain sa umagahan
ng hari; hulihin ang labindalawang ita na pinakawalan ng hari sa karagatan mula sa isang prasko
sa magdamag lamang na iyon; ilipat ang bundok sa gitna ng dagat na may magandang tanawin sa
kapaligiran; hanapin ang singsing na nawala ng hari; at paamuin ang isang mabangis na kabayo
na dili walang iba kundi ang hari at ang prinsesa din. Lahat ito ay isinakatuparan ni Maria Blanca
para kay Don Juan, at dahil siya’y may mahika blanca samantalang ang kanyang amang hari ay
mahika negro naman. Nagtanan sila ni Don Juan subalit hinabol sila ng hari na naging sanhi ng
pagkamatay ng hari na may sumpa ni Maria Blanca, na siya ay kalimutan ni Don Juan pagdating
sa kaharian ng Berbanya. Nang sila ay nakarating sa Berbanya ay hindi muna dinala ni Don Juan
si Maria Blanca sa kaharian. Iniwan na muna siya sa isang nayon upang paghandaan ang
10

pagdating niya sa kaharian. Samantala sa kaharian ay tuwang- tuwa ang lahat sa pagdating ni
Don Juan kung kaya’t hindi pa ito nagpakasal. Itinakda ang araw ng kasal at ipinamalita sa
buong kaharian. Dumating ang araw ng kasal at bago sila makasal ay dumating naman si Maria
Blanca na puno ng hinanakit. Matagal bago naalala ni Don Juan si Maria Blanca. Nagkaroon ng
pagtatalo sa kung sino ang pakakasalan ni Don Juan. Inilahad ni Maria Blanca ang mga nangyari
nang sila ay nasa kaharian pa nang delos Cristal, gayundin naman si Leonora na nagpapahayag
ng kanyang mahabang paghihintay sa pagdating ni Don Juan. Sa pasya ng arsobispo ay ang una
ang siyang may karapatan subalit nagbanta si Maria Blanca kung kaya’t nakiusap si Don Juan na
silang dalawa ang magpakasal. Dahil dito’y nakasal si Maria Blanca kay Don Juan, at wala ring
tutol na nagpapakasal si Leonora kay Don Pedro. Nagkaroon ng isang malaking pagdiriwang sa
buong kaharian.
Ipinamana kay Don Pedro ang korona at setro na tanda ng pagiging hari ng kaharian ng
Berbanya at ipinutong naman kay Leonora ang diyaodema, sagisag ng pagiging reyna ng
kaharian. Samantala’y nagtungo naman sina Don Juan at Maria Blanca sa kaharian ng De Los
Cristal at mula noon ay naging butihing hari at reyna ng Reino de los Cristal.

Francisco Baltazar
Si Francisco Baltazar, sa panahon ng kanyang katanyagan bilang isang makata ay
nakilala ng madla sa taguring Kikong Balagtas. Isinilang siya sa Panginay, Bigaa, Bulacan
noong Abril 2, 1788. Ang kanyang ama na isang panday sa kanilang nayon ay iginagalang
sapagkat may kapita-pitagang ugali. Matalino ang kanyang ama kaya’t sa kanilang tahanan
ginaganap ang halos gabi-gabing pagkakatipun-tipon ng magkakanayon upang magtalakayan sa
mga bagay-bagay na may kinalaman sa buhay sa nayon at sa lahing Pilipino. Laging nakikinig sa
pagtatalakayan ang batang si Kiko at malaki ang nagawa nito sa kanilang bahay. Marami siyang
natutuhan at nalinang ang kanyang kaisipan. Naunawaan niya ang katauhan ng tao, mga suliranin
sa buhay, pananampalataya, at pamahalaan noong panahong iyon.
Siya’y nag-aral ng caton at Catecismo dela Doctrina Cristiana sa kumbento ng Bigaa sa
ilalim ng isang kabataang guro na binabantayan ng isang paring kastila. Pagkatapos nito at
namasukan siya bilang isang katulong sa tahanan ng isa nilang mayamang kamag-anak sa Tundo,
Maynila. Kinalugdan siya ng kanyang pinapasukan dahil sa mahusay niyang paglilingkod kaya’t
pinapag-aaral siya sa Colegio de San Jose. Noong 1812 ay natapos niya ang Batas sa Canones,
Kastila, Pisika, Latin Doctirina Cristiana, Humanidades, Pilosopiya at Teolihiya. Naging guro
niya sa Pilosopiya si Padre Mariano Pilapil, ang isa sa mga sumulat ng pasyon.
Nakilala ni Balagtas sa Tundo si Jose dela Cruz na kilala sa tawag na Huseng Sisiw na
noon ay itinuturing na pinakamagaling na makata. Minsan ay nagpatulong siya kay Huseng
Sisiw na mag-ayos ng kanyang tula ngunit tinanggihan siya nito sapagkat wala siyang dalang
sisiw. Sumama ang loob ni Balagtas at hindi siya nagpaturo pang muli. Sinasabing nang lumaon
ay nahigtan pa ni Balagtas si Huseng Sisiw sa pagsulat ng tula.
Noong 1836 ay nakilala niya si Maria Asuncion Rivera nang siya’y lumipat sa Pandacan.
Ang dalaga ay tinawag niya ng Celia at inihandog niya rito ang kanyang awit na Florante at
Laura. Naging hukom pamayapa siya sa Udyong Bataan at dito niya nakilala ang naging
kabiyak niya na si Juana Tiambeng. Labing-isa ang kanilang naging anak ngunit namatay ang
pito noong mga bata pa. Si Ceferino lamang ang tanging mahilig sa pagsusulat sa apat na anak
niyang nabuhay.
Ipinalalagay na Pinakamatayog na Taluktok ng Panitikang Pilipino si Balagtas hindi
lamang sa kanyang kapanahunan kundi sa lahat na panahon. Walang mga nasulat na tula sa
11

alinmang panahon na katulad ng mga akda ni Balagtas. Hindi maaring hindi mabanggit ang
pangalan ni Balagtas kapag ang paksa ay tungkol sa panitikang Filipino.

Florante at Laura
Pangunahing tagpuan ng Florante at Laura ang madilim na gubat ng Quezonaria, at ang
nagsasalaysay ay mismong si Florante, habang nakikinig naman ang muslim na si Aladdin.
Batay ang pagsasalaysay ng tauhan ng kuwentong si Florante mula sa sariling karanasan at
kasawian ni Francisco Baltasar, sapagkat nakulong ang huli dahil sa bintang ni Mariano Kapule
(kaagaw ni Selya) at kawalan ng katarungan - si Maria Asuncion Rivera o MAR - ay napakasal
kay Mariano Kapule o Nano Kapule, na isang karibal sa pag-ibig. Isinulat ni Baltasar ang
Florante habang nasa piitan.

Buod
Mga tauhan
 Florante - tagapagtanggol ng Albanya at isang mabuting anak ni Duke Briseo
 Laura - anak na babae ni Haring Linseo ng Albanya; iniibig ni Florante
 Aladdin / Aladin - anak ni Sultan Ali-Adab ng Persya, isang moro na nagligtas at
tumulong kay Florante
 Flerida - kasintahan ni Aladin na inagaw ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab
 Haring Linseo - hari ng Albanya, ama ni Laura
 Sultan Ali-Adab - sultan ng Persya, ama ni Aladin
 Prinsesa Floresca - ina ni Florante, prinsesa ng Krotona
 Duke Briseo - ama ni Florante; Kapatid ni Haring Linceo
 Adolfo - kalaban ni Florante, tinawag na mapagbalat-kayo; malaki ang galit kay Florante
 Konde Sileno - ama ni Adolfo
 Menalipo - pinsan ni Florante na nagligtas sa kanya noong siya ay sanggol pa lamang
mula sa isang buwitre
 Menandro - matalik na kaibigan ni Florante, pamangkin ni Antenor; nagligtas kay
Florante mula kay Adolfo.
 Antenor - guro ni Florante sa Atenas
 Emir - moro/muslim na hindi nagtagumpay sa pagpaslang kay Laura
 Heneral Osmalik - heneral ng Persya na lumaban sa Crotona
 Heneral Miramolin - heneral ng Turkiya
 Heneral Abu Bakr- Heneral ng Persya, nagbantay kay Flerida.
Nagsimula ang kuwentong patula sa isang madilim na kagubatan. Nakatali si Florante,
isang taga-kaharian ng Albanya, sa isang puno ng Higera, habang namimighati sa pagkawala ng
kaniyang amang si Duke Briseo. Halos ikabaliw niya ang pagkakaisip na mapasakamay ng
kaaway niyang si Konde Adolfo ang kaniyang minamahal na si Laura. Anak si Konde Adolfo ni
Konde Sileno.
Narinig ng isang moro, na naglalakbay noon sa kagubatan, ang mga pagtangis ni
Florante. Aladin ang pangalan ng moro, na naantig ng mga pananalita ni Florante. Dalawang
mga gutom na liyon ang biglang umatake kay Florante subalit naligtas ni Aladin ang binata.
Nawalan ng malay tao si Florante. Nagpasya si Aladin na pangalagaan si Florante hanggang sa
manumbalik ang lakas nito.
Nang lubusang gumaling si Florante, nagulat siya noong una nang mapagmasdan ang
morong si Aladin. Hindi siya makapaniwalang ang isang kalaban ng mga Kristiyano ang
12

kaniyang naging tagapagligtas sa tiyak na kamatayan. Matapos ang ilang mga pagpapaliwanag,
naging lubos ang pasasalamat ni Florante kay Aladin, at dito siya nagsimulang magsalaysay
hinggil sa kaniyang buhay. Bilang anak ng isang prinsesa at ng isang tagapag-payong maharlika,
lumaking masiyahin at puno ng pagmamahal at kalinga si Florante. Sapagkat mahilig ngang
maglaro noong may anim na gulang pa lamang, muntik na siyang mapaslang ng isang buwitreng
nagtangkang dumagit sa batong hiyas na nasa dibdib ni Florante. Sa kabutihang palad, nasagip
siya ng pinsang si Menalipo, isang mamamana mula sa Epiro.
Sa edad na 11, ipinadala si Florante ng kaniyang mga magulang - na sina Duke Briseo at
Prinsesa Floresca – sa Atenas, Gresya upang mag-aral sa ilalim ng kilalang guro na si Antenor.
Sa Atenas niya natagpuan si Adolfo, na nagmula rin sa bayan ni Florante. Si Adolfo ang
pinakamatalinong mag-aaral sa paaralan nang mga panahong iyon, subalit makaraan lamang ang
anim na taon, nalampasan na ni Florante ang mga kakayahan, kagalingan at katalinuhan ni
Adolfo. Nagtamo ng katanyagan at pagkilala si Florante, na lubhang hindi ikinatuwa ni Adolfo.
Habang gumaganap sa isang dulang pampaaralan, pinagtangkaang patayin ni Adolfo si
Florante. Sa kabutihang palad, madaliang nakapamagitan si Menandro, ang kaibigan ni
Florante. Dahil sa pagkaunsiyami ng balak, umuwi si Adolfo sa Albanya. Pagkalipas ng isang
taon, nakatanggap si Florante ng isang liham mula sa ama na naglalahad ng balitang pumanaw
na ang kaniyang inang si Prinsesa Floresca. Bagaman namimighati, naghintay ng dalawang
buwan bago nakabalik si Florante sa Albanya. Sumama si Menandro kay Florante. Sa pagsapit
nila sa Albanya, isang kinatawan ng kaharian ng Krotona ang humiling ng pagtulong mula kay
Florante hinggil sa nalalapit na digmaan laban sa mga Persyano. Wala kakayahang tumanggi si
Florante sapagkat lolo niya ang hari ng Krotona.
Sa kaniyang paglalagi sa Albanya, naimbitahan si Florante sa palasyo ng hari, kung saan
nabighani siya sa pagkakakita kay Laura, ang anak na babae ni Haring Linseo, ang hari ng
Albanya.
Sa pagpapaunlak sa hinihinging tulong ng Krotona, nakipagdigma si Florante laban sa
heneral ng Persya na si Osmalik. Tumagal ang tunggali ng may limang oras. Nagtagumpay si
Florante sa pagpatay kay Heneral Osmalik. Namalagi sa Croton si Florante ng limang buwan
bago nagbalik sa Albanya para makita si Laura. Nang magbalik na nga sa Albanya, nagulat si
Florante nang mapagmasdan ang watawat ng Persya na nagwawagayway sa kaharian, ngunit
muli namang nagapi ni Florante ang mga kalabang Persyano. Nailigtas ni Florante sina Duke
Briseo, Adolfo, Haring Linceo at Laura mula sa mga kamay ni Emir. Muntikan nang mapatay ni
Emir si Laura. Itinalagang “Tagapagtanggol ng Albanya” si Florante dahil sa kaniyang
naipakitang kagitingan at katapangan, isang bagay na lubhang ikinamuhi at ikinaiinggit ni
Adolfo.
Muling ipinagtanggol at ipinagsanggalang ni Florante ang kaharian ng Albanya mula sa
puwersa ng mga taga- Turkiya. Pinamunuan ni Heneral Miramolin, isang kilalang mananakop,
ang mga taga-Turkiya. Naganap ang labanan sa Etolya, kung saan tumanggap si Florante ng
isang liham mula sa kaniyang ama. Pinabalik si Florante sa Albanya, kung kaya’t naiwan sa
pangangalaga ni Menandro, ang kaibigan ni Florante, ang hukbong pinamumunuan. Nang
makauwi sa bayan si Florante, tinugis si Florante ng 30,000 mga kawal na sumusunod sa
paguutos ni Adolfo. Nabilanggo si Florante ng may 28 araw. Sa piitan na lamang nalaman ni
Florante ang kinahinatnan ng kaniyang ama at hari, na kapwa pinapugutan ng ulo ni Adolfo.
Ipinadala si Florante sa kagubatan at itinali sa isang puno ng akasya.
Isinalaysay ni Florante ang kaniyang kaugnayan at pag-ibig kay Laura, nilahad rin niya
ang pagkainggit sa kaniya ni Adolfo, at maging ang kagustuhan ng huling angkinin ang trono ng
13

Albanya. Dahil sa mga ito, ibig siyang patayin ni Adolfo. Pagkalipas ng ilang panahon ng
paglalakbay sa kagubatan, binanggit ni Aladin – na isa palang Persyano – ang katotohanan na
katulad rin ng kay Florante ang kaniyang kapalaran. Pinagbintangan si Aladin ng sariling ama, si
Sultan Ali-Adab, ni iniwan ni Aladin ang kaniyang mga alagad na naging sanhi ng pagkagapi
mula sa kanilang kaaway. Inibig ni Ali-Adab na papugutan ng ulo si Aladin. Ngunit dahil sa pag-
ibig sa kaniya ni Flerida, hiniling ng huli sa hari na huwag nang pugutan ng ulo si Aladin, sa
halip ay palayasin na lamang mula sa kaharian. Bilang kapalit, pumayag si Flerida na
magpakasal sa sultan.
Nagambala ang paglalahad ni Aladin nang makarinig sila ng mga tinig. Isang babae ang
nagkukuwento hinggil sa kaniyang pagtakas mula sa isang kaharian at sa kaniya sanang
pagpapakasal. Hinahanap ng babae ang kaniyang minamahal na kasintahan, isang paghahanap na
tumagal ng may anim na taon. Sinabi pa nito na habang nasa loob ng kagubatan, nakarinig siya
ng mga iyak ng paghingi ng tulong. Nang matagpuan niya ang isang babae na inaalipusta ng
isang lalaking ibig gumasa dito, ginamit ng naglalahad na babae ang kaniyang pana para
paslangin ang lumalabag sa puring lalaki. Nagpakilala ang babae bilang si Flerida.
Si Laura ang babaeng sinagip ni Flerida. Nagumpisa siyang maglahad ng kaniyang
kuwento. Nang malayo sa piling niya ang kaniyang kasintahan, naging kaayaaya at bantog si
Konde Adolfo sa mga mamamayan ng Albanya, kahit na pulos kasinungalingan naman ang
ginagawa nito. Nagtagumpay si Adolfo na sirain ang hari sa mga mata ng mamamayan. Naangkin
at naupo sa trono ng Albanya si Adolfo, kung kaya’t napilitang maging reyna nito si Laura. Isang
hukbo na nasa ilalim ng pamumuno ni Menandro, ang kaibigan mula sa pagkabata ni Florante,
ang naging dahilan ng pagkalupig ni Adolfo. Tumakas si Adolfo na tangay si Laura bihag,
patungo sa kagubatan.
Matapos ang paglalahad ni Laura, nagsibalik sina Florante at Aladin sa piling ng
kanilang mga mahal sa buhay. Nagbalik si Florante at Laura sa Albanya, kung saan naging hari
at reyna sila. Nagbalik naman sina Aladin at Flerida sa Persya, kung saan naging sultan si Aladin
sapagkat namatay na ang kaniyang ama. Namuhay ng mapayapa at matiwasay ang dalawang
kaharian.

Siete Infantes de Lara


Ang Siete de Lara ay kasaysayan ng buhay ng pitong magkakapatid na kambal na mga
anak ng mag-asawang Busto de Lara at Donya Sancha. Binawian ng buhay ang mapagmahal na
ina matapos ang ikapitong sanggol. Naiwan sa tangkilik ng ama ang pitong magkakapatid. Ang
magkakapatid. Ang magkakapatid ay pinangalanang Diego Gonzalaes, Martin Gonzales, Lauro
Gonzales, Fernan Gonzales, Fernan Gonzales, Ruy Gonzales, at Gonzalo Gonzales.
Lumaki’t nagbinata ang pitong magkakapatid sa pagsubaybay ng kanilang ama. Sila’y
napabilang sa matitibay na tanggulan ng kanilang bayan dahil sa kanilang katapangan at lakas. Si
Don Rubio Velasquez, amain nilang buo sapagkat kapatid ng kanilang ina ay nag-asawa sa isang
babaeng dugon mahal din. Ang babaeng ito’y mapagmataas at mahirap pakibagayan. Mabigat
ang kanyang dugo sa pitong Infantes na pamangkin ng kanyang asawa. Ang bigat ng kanyang
kalooban ay agad niyang naipakita sa araw ng kanilang kasal ni Don Rubio, sa piging na ginanap
para sa kanilang pag-iisang dibdib.
Ang bunsong si Gonzalo ay nakasagutan niya sa piging. Galit na galit si Donya Lambra
sa paniniwalang nilapastangan siya ng binata. Ang totoo’y siya ang humiya rito sa harap ng
maraming tao. Kaagad nagsumbong ang babae kay Don Rubio. Ang lalaki naman dahil sa bulag
14

na pagmamahal sa asawa ay hindi na nag-iisip. Kaagad na binigyang-katwiran ang asawa at


sila’y bumabalangkas ng paraan upang makapaghiganti.
Nagpadala si Bonya Lambra ng isang basong dugo kay Gonzalo. Ito’y ipinadala niya sa
isang alila. Ang gayon ay babala ng kamatayan sa taong pinadalhan. Hinahabol ni Gonzalo ang
alilang nagbuhos ng dugo sa kanyang suot na damit. Nangubli ang alila kay Donya Lambra at
doon siya inabutan ni Gonzalo. Pinatay ito ni Gonzalo sa pamamagitan ng pagsaksak. Poot na
poot si Donya Lambra at sinulsulan ang asawa na gumawa ng paraan upang makaganti siya sa
itinuturing niyang sinapit na kaapihan. Si Don Rubio naman na mahal na mahal ng asawa ay
kaagad na sumunod ditto. Noon din ay gumawa siya ng liham para sa Haring Almanzor ng
Cordova na mahigpit na kaaway ng Hari ng Espanya. Si Busto de Lara na kanyang bayaw at
ama ng Siete Infantes ang pinagdala niya ng liham. Gayon na lamang ang pagtataka ni Busto
nang iutos ng haring Almanzor na siya’y ibilanggo matapos basahin nito ang dala niyang liham.
Isinasaad pala sa liham na ang may dala ay patayin upang huwag manganib ang kaharian ng
Cordova. Si Busto de Lara ay hindi na ipinapatay ng hari kundi ipinabilanggo na lamang dahil sa
kahilingan ng anak na si Prinsesa Gimena. Ang prinsesa’y nabihag ng kakisigan ni Busto.
Ang binalak na kataksilan ni Don Rubio Velasquez laban sa mga pamangkin ay natupad
din. Nang si Busto de Lara ay nakabilanggo na ay sinulsulan ni Don Rubio ang hari ng Espanya
na digmaan ang kaharian ng Cordova at ang ginawa niyang dahilan ay ang pagkakabihag kay
Busto de Lara. Sa gagawing pakikidigma ay si Don Rubio Velazquez ang heneral at kasama
niya ang pitong pamangkin. Isang patibong ang inihanda para sa magkakapatid sa tulong ng
taksil na si Don Rubio. Sama-samang nahulog sa balon ang pitong magkakapatid. Ang balon ay
sadyang ipinahanda ni Don Rubio sa mga morong kalaban. Ang sieta Infantes ay nakubkob at
walang sinumang nagtanggol sa kanila. Tumakas ang heneral na si Don Rubio pati ang ang mga
kasamang kawal. Ang magkakapatid ay ipinagpapatay ng mga kaaway at pinupugutan ng ulo.
Nagdaos ng malaking piging ang kaharian ng Cordova dahil sa malaking tagumpay na iyon. Sa
kasayahang iyon ay sadyang pinadalo ni Haring Almanzor si Busto de Lara sa hangarin niyang
itanghal sa mga mata ng ama ang malungkot na sinapit ng Siete Infantes. Nanghilakbot at
nanangis nang gayon na lamang si Busto nang makita ang pitong ulo ng mga anak na nakapatong
sa isang bandeha. Nahabag si haring Almanzor sa nakitang kaanyuan ni Busto kaya’t pinalaya ito
at isinali sa kasayahang idinaraos.
Umuwi si Busto de Lara na sugatan ang puso at halos hindi makayang dibdibin ang
sinapit ng pitong anak. Parang nagsaklob sa kanya ang langit at lupa at ninais na niyang
mamatay yamang wala na ang pitong pag-asa ng kanyang katandaan. Pinalaya si Busto at umuwi
siya sariling bayan. Sa kanyang pag-alis sa kaharian ng kaaway ay nakapag-iwan siya ng binhi
ng pag-ibig na naganap samantalang siya ay nakabilanggo. Hindi pa man halos siya nakararating
sa sariling bayan ay isinilang na ni Prinsesa Gimena ang bunga ng kanilang pag-iibigan. Ang
sanggol ay pinangalanang Morada Gonzalo. Si Morada ay kinamalasan sa pambihirang tapang at
lakas na minana sa ama at pitong kapatid.
Hindi nalalaman ni Morada ang lihim ng kanyang pagkatao. Ang paniwala niya ay
katulad siya ng ibang taong may ama’t inang nabibigkis ng kasal. Na siya’y may karangalang
anak ng prinsesa at apo ng kilabot na hari ng Cordova. Wala siyang pag-aalinlangan sa kanyang
pagkatao. Hindi niya batid na siya’y bunga ng pag-ibig na hind napaglabanan ng kanyang ina.
May kasabihang walang lihim na hindi nabubunyag at ito ay naganap sa buhay ni Morada
Gonzalo.
Ang pagkakabunyag ng kanyang pagkatao ay naganap nang siya’y alimurahin ng hari ng
Arabya dahil sa pagkatalo nito sa larong tablero. Hinamak siya nito at pinakmuhaan ng walang
15

karangalan sapagkat bunga siya ng makasalanang pag-ibig. Nagdilim ang paningin ni Morada at
napatay niya ang hari ng Arabya. Nakiusap siya sa kanyang ina na ipagtapat nito sa kanya ang
tunay niyang ama. Sa habag ng ina sa anak ay ipinagtapat niya rito ang katotohanan.
Matapos marinig ni Morada ang lihim ng kanyang pagkatao ay nagpaalam sa ina upang
hanapin ang ama at ipaghiganti ang kaapihang sinapit nito gayundin ang kamatayan ng kanyang
pitong kapatid. Nauna niyang pinatay ang apat na heneral na morong pumatay sa kanyang mga
kapatid. Isinunod niya ang mag-asawang Don Rubio at Donya Lambra. Nang matupad na ang
kanyang paghihiganti ay hinanap niya ang kanyang ama. Hiniling niya rito na ibangon ang
karangalan ng kanyang inang si Prinsesa Gimena ng kaharian ng Cordova
16

Mga Gawain 2
1. Ano-anong mga kahalagahang pantao ang nalilinang sa nababasa ng panitikang ito?
2. Ano-ano mga pangyayari sa kurido ang maaaring maganap sa tunay na buhay?
3. Batay sa iyong nabasa sa akda ni Francisco Baltazar na Florante at Laura, bakit
itinuturing itong walang kamatayang akda?
17

Mga Halimbawa ng Kurido:


BERNARDO CARPIO

(Ito ay isang halimbawa ng korido na walang pangalan ng may-akda dahil sa mahigpit


na Komisyon Sensura Permente.)

Ang matandang Haring Alfonso ay may dalawang anak, si Jimena at Alfonso. Nang
namatay ang matanda, pansamantang pumalit sa kanya si Don Sancho Diaz, ang general ng
hukbo, dahil bata pa si Alfonso.
Nang dumating sa hustong gulang si Alfonso ay siya ang isinalin na ang setro at korona
ng reynong España. Si Jimena naman ay lumaking maganda at maraming nangingibig, kasama
dito si Don Sancho Diaz at si Kapitan Rubio ng hukbo. Sa kanilang dalawa ay si Don Sancho
Diaz ang naging mapalad. Subalit ang lihim na pagtalik ni Don Sancho Diaz kay Jimena ay
nagbunga ng isang malusog na lalaki. Ang pangyayaring ito ay lingid sa kaalaman ni Haring
Alfonso at Kapitan Rubio.
Isang araw, ay inutusan ni Haring Alfonso na bumisita kay Jimena. Nang pumunta si
Kapitan Rubio, ay narinig niya ang isang iyak ng bata at natuklasan niya na galing ito sa silid ni
Jimena. Nang malaman ito ni Don Rubio, ay dali-dali itong ipinagtapat kay Haring Alfonso. Sa
galit ni Haring Alfonso, ay gumawa ito ng isang liham na siyang nagiging sanhi ng kasawian ni
Don Sancho. Ang liham nito ay para kay Haring Luduvico ng Fransiya. Isinasaad sa liham na si
Don Sancho ay ipiit at dukutin ang kanyang mata at matapos ay ipiit sa Karsel de Luna.
Walang kamalay-malay naman si Jimena sa mga pangyayari. At sumulat siya ng liham
kay Don Sancho na kunin ang bata at dalhin sa Sendanyo upang alagaan ito, dahil ayaw niyang
matuklasan ng kanyang kapatid ang pangyayari.
Nang matanggap ni Don Sancho ang liham ay pumunta siya kay Jimena upang kunin ang
anak niya. Subalit pagbaba niya ay sinalubong siya ng kawal ni Rubio. Humingi ng kapatawaran
si Don Sancho kay Haring Alfonso subalit walang tugon ang lumabas. At ipinadala siya sa
Karsel de Luna.
Ang anak naman niya ay ipinadala o ipinaubaya kay Rubio para siya ang mag-alaga nito.
Ipinangalan niya ito ng Bernardo. Naging kapansin- pansin ang lakas ni Bernardo, lahat ng
nahahawakan nito ay nadudurog at mga hayop ay namamatay.
Isang araw ay gusto ni Bernardo na pumunta kay Haring Alfonso at hilingin ang titulong
karangalan Orden de Santiago, at sagot ni Rubio sakanya ay “Ang taong malabong ang
pinanggalingan ay di dapat pagkaloob ng ganyan karangalan,” Dinamdam ito ni Bernardo at
naisip na di tunay na magulang niya si Rubio.
Isang araw ay dumalaw si Haring Alfonso kay Bernardo, at sinabi ni Bernardo ang
kahilingan niya, at ito ay ipinagkaloob sa kanya ni Haring Alfonso. Sinabi din niya ang sinabi ni
Rubio tungkol sa pagkatao niya at walang sinabi si Haring Alfonso at niyaya lamang ng Hari na
si Bernardo na tumira doon.
18

Nag tumagal, ay nagpaturo si Bernardo kay Rubio ng eskrima. Hinamon niya si Don
Rubio. Sa labanan ay napatay ni Bernardo si Don Rubio nang hindi sinasadya. Si Bernardo ang
naging heneral ng hukbo.
Simula ng maging reyno ng kastilyo ang nalupig na Bernardo sampung bantog na
kastilyo del Carpio ang ipinasuko nito. Dahil sa pagsuko ni Emperador Carpio ay tinawag si
Bernardo ng Bernardo Carpio.
Pagkatapos ng mga pangyayari, ay nanalangin si Bernardo upang malaman niya ang
lihim sa pagkao niya. Parang himala ay may napulot siyang liham sa kanyang paanan na
nagsusulat ng kanyang tunay na pagkatao, kasama dito ang kinaroroonan ng kanyang magulang.
Nang malaman niya ito ay pinuntahan niya si Haring Ludovico at ito ay kanyang
napasuko. Pinuntahan niya ang kanyang ama. Matapos na nagpakilala siya ay kanyang pagniniig
ay namatay ang kanyang ama.
Bumalik siya sa España, subalit nilihim niya ang pagkamatay ng kanyang magulang.
Pinuntahan niya ang kanyang ina at doon ipinagdaos ang kasal ng magulang niya. Matapos ang
kasal ay lumapit si Bernardo sa kanyang Ama at sinabi niya na patay na ito.
Matapos ang libing ay sinabi ni Bernardo na muling maglilibot siya at ipagigiba niya ang
reyno ng Kristiyano. Sa simula ay ayaw payagan ng hari, pagkat matanda na raw ang Haring
Alfonso at nais niyang si Bernardo ang pumalit sa kanya. Pero nasunod din si Bernardo.
Nang nalilibot, lahat ay hinamon niya, pati kidlat ay nais mahuli. Sa paglalakad niya ay
nakita niya ang isang anghel. Sinabi ng Anghel sa kanya na kapag nangahas pumasok doon si
Bernardo ay siyang mahahagip ng bundok at magiging abo siya, pero kung hindi siya pumasok
ay maliligtas siya. Sinabi niya na kapag pinasok ng anghel ay maliligtas din niya.
Nang pumasok siya ay biglang naglapat ang dalawang bundok at dito na nga siya
sinasabing itinago ng kalikasan.
May nagsasabi na si Bernardo daw ang nakita doon nakahiga sa isang magandang katre at
sa ibaba maraming kalansay. Sinabi ng isang tao, sinabi ni Bernardo na kung nais niyang
makakuha ng lakas ay iabot ang kanyang kamay. Ang ginawa ng tao ay inabot isang buto at
nagdurogdurog ang buto nito. Binigyan ni Bernardo ng Krus ang lalaking ito bilang ala-ala.
Sinabi niya sa lalaki ay naroroon raw siya at pinaparusahan ng Diyos sa mga kasalanan
niya, subalit d arating ang panahon at nahahanga siya sa kinapipiitan at sa loob ng bayan ay
makababalik.
Buhay na Pinagdaanan ng Dalawang Magkapatid na si Juan at si Maria sa Reynong
Espanya
May mag-asawang n agngangalang Fernando del Carpio at Juana dela Rosa. Sila’y may
dalawang anak; ang panganay ay lalaki na nangngangalang Juan at ang bunso ay babae na si
Maria. Si Juan ay pitong taong gulang at si Maria naman ay wawalong buwan. Ang dalawang
bata ay kapwa mamabait. Ang dalawang bata na pinagmamalupitan ng kanilang ama. Ang
kanilang ama ay palalo, sakim matakaw, walang habag at palamura. Lagi niyang kinagagalitan
at minumura ang dalawang bata sa tuwi niyang makikita ang mga ito kahit na walang
ginagawang kasalanan. Lalo na siyang nagagalit kapag kasalo niya sa pagkain ang mga anak,
hindi raw siya nabubusog. Isang araw ay inutusan ni Fernando si Juan na lumabas ng bahay at
isama ang kapatid na si Maria. Nang makalabas na ang mag anak ay dali-daling nagluto ang
kanilang ama. Pagkaluto ay isinara ang pinto at mga bintana. Inalis din ang hagdan upang hindi
makaakyat ang mga anak. Pagkatapos ay kumain na siya, na hindi man lamang inalok ang asawa.
Mayamaya ay dumating sina Juan at Maria. Gutom na gutom ang dalawa. Kumatok si Juan at
tinawag ang ama’t ina upang silang magkapatid ay papasukin sa loob ng kanilang bahay.
19

Nagmamakaawa si Juan at nakiusap na sana ay abutan sila ng kahit kaunting pagkain para man
lamang kay Maria. Subalit hindi pinakinggan ni Fernando ang pagmamakaawa ng kahabag-
habag na anak. Tinawag ni Fernando ang asawang si Juana at inutusan itong paalisin ang
dalawang bata. Sinabi pa ng lalaki na sa sandaling dumating siya at naroon pa ang kanilang anak
ay masasaktan sa kanya ang asawa. Hindi muna pinaalis ni Juana ang mga anak. Hinagkan-
hagkan niya ang mga ito at pinasuso si Maria sa huling pagkakataon.
Umiiyak si Juan. Hindi niya malaman kung saan sila tutungo. Karga-karga ni Juan ang
kapatid. Lumakad siya nang lumakad hanggang sa napadpad sila sa isang mataas na bundok.
Wala silang kinakain kundi mga bungangkahoy. Laging nangangamba si Juan na baka sila lapain
ng mababangis na hayop.
Isang araw ay umakyat si Juan sa isang punungkahoy. May natanaw siyang isang kubo.
Pinuntahan iyon ng magkapatid. Kumatok si Juan at nagbigay galang sa may bahay ngunit
walang sumasagot. Naglakas-loob si Juan na pumasok at nakita niya ang isang mesang puno ng
mga pagkain. Tinawag niya ang kapatid na si Maria. Maya maaya ay nagsalita ang nasa altar na
si Birheng at inanyayahan silang kumain. Sumaya ang mukha ng dalawang bata at sila’y kumain.
Nagpasalamat sila sa Birheng Maria pagkatapos nilang kumain. Doon na nanirahan ang dalawa
sa ilalim ng pangangalaga ng Birhen hanggang sa naging binata si Juan at naging dalaga si
Maria.
Isang araw ay sinabi ng Birhen kay Maria na may isang prinsipeng nangngangalang
Prinsipe D. Ginaldo na maliligaw sa kabundukang iyon mula sa kanilang lugar sa Borgana. Di
sinasadya ay matatanaw ang kanilang bahay at ito’y makikiinom dahil pagod na pagod na ito sa
pangangaso. Pinagsabihan ng Birhen ang dalaga na patuluyin ang prinsipe. Nagkatotoo ang
sinabi ng Birhen kay Maria. Naligaw nga ang prinsipenat ito’y nakituloy at nakiinom sa bahay
nina Maria. Sumunod si Maria sa sinabi sa kanya ng Birhen. Nagmagandang loob dalaga sa
prinsipe. Dahil sa ipinakitang kabuhitan ni Maria ay umiibig sa kanya ang prinsipe. Nagpaalam
ang prinsipe at umuwi sa kanilang kaharian upang hingin ang pahintulot ng amang hari ng
kanyang pakasalan si Maria. Hindi tumutol ang hari kaya’t nakasal ang dalawa. Masaya ang
pagdiriwang ng kasal ng prinsipe at ni Maria. Subalit labis na nalungkot si Maria sapagkat
malalayo na siya sa kapatid na si Juan at sa Birhen.
Nag-iisa na lamang si Juan na kasama ang Mahal na Birhen. Hindi pa rin nagbabago ang
ugali ni Juan; mabait at masunurin pa rin sya. Isang araw ay inutusan ng Birhen si Juan na
magtungo sa Moscobia upang makipaglaban. Sa kabutihang palad ay nanalo si Juan at umuwi
siyang dala ang tagumpay. Pagkauwi ay pinagpahinga ng Birhen si Juan. Bumalik uli siya sa
kaharian ng Moscobia upang ipagtanggol na naman ito. Hindi tumutol si Juan, sinunod niya ang
utos ng Birhen. Sa wakas ay tinalo niya ang mga kaaway. Labis na nagalak ang hari at bilang
ganti sa kanyang pagtatanggol sa kaharian ay bibigyan siya ng kayaman at ipakakasal sa kanya
ang mahal na prinsesa. Hindi nakalimot si Juan na dalawin ang Birheng Maria at humingi ng
bendisyon. Pagbalik niya sa kahariang ng Moscobia ay ikinasal sila ng prinsesa.
Naisip ni Juan na dalawain ang kanyang mga magulang. Naisip din niyang yayain ang
kapatid na babae at ang asawa nito. Kasama sa asawa ay nagtungo si Juan sa kaharian ng
Borgana at hinanap ang nakababatang kapatid. Nakita niya si Maria at nagyakap sila. Lumakad
na ang apat patungong Espanya. Nakita nila ang kanilang mga magulang na labis na nagsisi sa
mga kasalanang nagawa sa mga anak. Binigyan ng magkapatid ng kayamanan dala nila ang mga
magulang. Tuwang-tuwa ang mga ito. Pagkatapos ay nagpaalam na ang apat. Si Maria at ang
kanyang asawa ay bumalik na sa kaharian ng Borgana at si Juan naman at ang kanyang asawa ay
umuwi na sa kaharian ng Moscobia.
20

Buhay na Pinagdaanan ni Donya Maria sa Ahas


Malungkot ang kaharian ng Murcia sapagkat ang hari ay may sakit. Ipinatawag nang
lahat ang pinakamagagaling na mediko ay hindi gumaling ang hari. Sa pagdaing ng hari dahil sa
hirap na tiniis ay nakarinig siya ng tinig mula sa langit na nagsasabing ang tanging
makapagpapagaling sa kanya ay isang ahas na nang mga sandaling iyon ay nasa aplaya.
Gagamutin siya ng ahas kung ang isa sa tatlong anak niyang prinsesa ay pakakasal dito. Ang
tinutukoy na mga prinsesa ay sina Prinsesa Clara, Prinsesa Catharina at Prinsesa Maria.
Tumanggi itong pakasal sa ahas at isinagot sa ama na mamatamisin pa niya ang mamatay kaysa
pakasal sa ahas. Ang sumunod na kinausap ng hari ay ang pangalawang si Prinsesa Catharina.
Katulad ng panganay na kapatid ay tumanggi rin ito sapagkat hindi raw niya maaatim na makasal
sa isang ahas. Ang bunsong si Prinsesa alang-alang sa kaligtasan ng ama. Ipinatawag noon din
ang ahas at ang Arsobispo.
Ikinasal si Donya Maria at ang ahas. Ginamot ng ahas ang hari na kagyat namang
gumaling. Dinala na ng ahas si Donya Maria. Ang tahanan pala nito ay isang pulo sa karagatan.
Araw-gabi’y dumadalangin sa Diyos si Donya Maria. Lagi siyang lumuluha kaya’t labis na ang-
alaala ang ahas. Nangamba ito na baka mamatay sa dalamhati ang asawa kaya’t siya’y nag-alis
na ng balatkayo at angpakilala kay Donya Maria. Sila pala ay si Don Juan Rel de Mundo de
Austria ng kahariang Espanya. Ipinagbilin ng ahas kay Donya Maria na huwag nitong ipagtatapat
kahit kanino ang kanyang lihim sapagkat kapag ito’y ginawa ni Donya Maria ay daranas ang
babae ng mga kahirapan sa buhay. Nangako si Donya Maria na itatago niya ang lihim ng asawa.
Hiniling ni Donya Maria sa asawa na sila ay dumalaw sa kanyang mga magulang at mga
kapatid. Pumayag naman ang ahas. Binigyan pa siya nito ang isang singsing na maari niyang
hilingin ang anumang naisin. Humiling siya ng magandang kasuotan, mga alahas at korona,
karwaheng hila ng labindalawang kabayong pawang puti at sampung alipin. Nagtuloy sa
simbahan si Donya Maria nang siya’y dumating sa kanilang kaharian sapagkat alam niyang
naroon ang hari. Hindi siya nakilala ng ama. Gayon na lamang ang tuwa ng kanyang ina at mga
kapatid nang siya’y magtungo sa palasyo. Ang dalawang kapatid ay inggit na inggit kay Maria
ngunit hindi nagpahalata. Nagkasundo ang dalawa na yayain sa hardin si Maria at paaminin kung
sino ang kanyang asawa.
Gayon nga ginawa ng dalawa. Pilit na pinaamin si Maria kung sino ang kanyang asawa at
nang ayaw nitong magtapat ay iginapos nila ang mga kamay ng bunsong kapatid. Bumali sila ng
mga sanga ng mga halamang matinik at pinaghahampas ang kahabag-habag. Nang hindi na
matiis ni Maria ang mga pahirap ng mga kapatid ay ipinagtapat niyang si Don Juan ng Espanya
ang kanyang asawa. Noon lamang siya tinigilan ng dalawa. Nang pumanhik ang tatlo sa palasyon
ay hindi ipinagtapat ni Maria sa mga magulang ang ginawa sa kanya ng dalawang kapatid.
Nagpaalam siya sa mga magulang at tinungo ang aplaya.
Wala na roon ang asawa kaya’t napalugmok sa pagdaramdam ang prinsesa. Nang
mapayapa na niya ang kalooban ay bumalik siya sa palasyo. Napansin ng hari ang paghihinagpis
ng anak ngunit palibhasa’y may angking kabaitan ay hindi niya ipinagtapat sa ama ang ginawa
ng mga kapatid. Hiniling lamang niya sa amang hari na ipagawa siya ng pitong baluting bakal na
isusuot sa katawan sapagkat siya’y aalis upang hanapin ang asawa. Lumakad na ang prinsesa,
wala siyang baon kundi pitong tinapay.
Si Don Juan naman ay umalis sa kanyang tirahang pulo sa gitna ng dagat. Nakarating siya
sa kaharian ng Antoqiua. Napag-alaman niyang kamamatay lamang ng emperador at ang
21

kaharian ay naiwan sa isang magandang dalagang nagngangalang Valeriana na siyang magiging


emperadora. Nagkakilala sina Don Juan at Emperadora Valeriana. Naakit sa kakisigan ng
prinsipe ang emperadora at sila’y nagkaibigan. Hindi nagtagal at sila’y ikinasal sa pagbubunyi ng
buong kaharian.
Samantala naman maraming hirap ang tiniis ni Donya Maria sa paghahanap sa asawa.
Bawat hayop na masugapa niya tulad ng mga serpiyente, oso, nobora, tigre at leon ay
nangangayupa sa kanya kapag binanggit niya ang pangalan ng asawang si Don Juan. Anim na
bundok na ang kanyang nalampasan. Nang sumapit siya sa ikapitong bundok ay nakita siya ng
isang higanteng dalaga. Ipinagtapat niyang siya’y asawa ni Don Juan at hinanap niya ito. Sa awa
ng higanteng dalaga sa prinsesa ay itanago niya ito sa kanyang amang higante na mahilig kumain
ng tao. Pinagtapat ng higanteng dalaga sa ama ang tungkol kay Donya Maria at nakiusap dito na
huwag papatayin ang prinsesa. Napatunayan naman ng amang higante na hindi nagsisinungaling
si Donya Maria sapagkat suot nito ang engkantadong singsing ni Don Juan. Si Don Juan pala ay
pamangkin ng higante at sinabi niya kay Donya Maria na ang nag-asawa ay nasa kaharian ng
Antioquia.
Sa tulong ng mag-amang higante ay nakarating sa Antoquia si Donya Maria.
Nagbalatkayo siyang pulubi at sumama sa palasyo upang manghingi ng limos. Napansin ng
emperadora ang kagandahan ni Maria at sinabi sa kanya na sa palasyo na siya manirahan.
Napagkamalan ng emperadora na ina niya ang babaeng kanyang kasama kaya’t si Maria ay
ipinagpaalam dito ni Valeriano. Nanirahan na sa palasyon si Maria at gayon na lamang ang
paghihirap ng kanyang kalooban sa tuwing makikita niyang magkaniig sina Don Juan at
Emperadora Valeriana.
Isang araw ay naisipan ni Maria na humiling ng laruang mapagkakalibangan niya. Ang
hiniling niyang laruan ay inahing may labindalawang sisiw. Ang labindal awang sisiw ay may
mga balahibong ginto kaya’t pinagkaguluhan sa palasyo. Isang dama ang nagbalita kay
Valeriana ng tungkol sa mga sisiw. Inalok ng emperadora na bibilhin niya ang mga sisiw sa
halagang nais ni Maria. Tumanggi si Maria at sinabi niyang hindi niya ipinagbibili ang mga sisiw
ngunit ibibigay niya ang mga ito sa emperadorang kung sa gabi’y patutulugin siya sa silid ng
emperadora. Sinabi ng emperadora na araw at gabi ay doon siya manatili sa silid ng Emperadora
Valeriana kung ibig niya.
Simula noon ay sa ilalim ng katre ng emperadora natutulog si Maria. Tatlong buwan ang
matuling lumipas sa gayong kalagayan ni Maria. Nang unang makita ng emperador si Maria ay
naisip niyang kamukha ito ng iniwan niyang asawa. Isang gabi’y hindi na nakatiis si Donya
Maria. Humiling siya sa engkantadong singsing ng kasuotan ng isang prinsesa. Ginising niya si
Don Juan at nagpakilala siya sa asawa. Humingi siya ng tawad sa pagbubunyag niya ng lihim ni
Don Juan. Ang emperador ay hindi kumibo kaya’t sa sama ng loob ni Maria ay sasaksakin niya
ng isang punyal ang sarili. Pinigilan siya ni Don Juan at sinabi nito na si Donya Maria ang may
kasalanan ng lahat sapagkat hindi siya sumunod sa tagubilin ng asawa.
Kinaumagahan ay nagising sa Emperadora Valeriana na wala sa loob ng silid si Maria.
Hinanap niya ito ngunit hindi niya natagpuan kaya’t tinungo niya ang silid ni Don Juan. Gayon
na lamang ang kanyang pagkagitla nang makita niyang magkasiping ang dalawa. Sinampal niya
ang natutulog na si Maria. Inalimura ng emperadora si Maria. Sinabi ni Don Juan na di niya
dapat alimurahin si Donya Maria katulad din niya na anak ng hari. Inalipusta ni Valeriana si
Maria at sinabing sumisiping ito kay Don Juan na kanyang asawa. Sumagot si Donya Maria na
siya man ay asawa ni Don Juan. Idinugtong pa nito na tanungin si Don Juan kung may
22

katotohanan o wala ang kanyang sinasabi. Hindi makakibo si Don Juan sapagkat hindi niya
malaman kung sino ang papanigan sa dalawa.
Dumating ang mga konseho at ipinatawag ang Arsobispo upang siyang magbigay ng
hatol. Ipinalaiwanag ni Donya Maria ang lahat. Ang hatol ng Arsobispo ay dapat sumama si Don
Juan kay Donya Maria sapagkat siya ang unang pinakasalan kaya’t siya ang may karapatan
dito. Si Emperadora Valeriana naman ay magpapatuloy sa pamumuno sa kaharian ng Antioquia.
Umuwi sa kaharian ng Murcia sina Don Juan at Donya maria. Si Juan ay pinatungang hari ng
Murcia sapagkat matanda na ang amang hari ni Donya Maria.

Mga Sinaunang Tanghal o Panoorin


A. Mga Dulang Pantahanan
1. Karagatan — ito ay batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na naihulog niya
sa dagat sa hangarin nitong mapangasawa ang kasintahang mahirap. Hinamon niya
ang binatang may gusto sa kanya na sisirin ang singsing sa dagat at ang
makakakuha'y pakakasalan niya. Sa larong ito, isang kunwa'y matanda ang tutula
hinggil sa dahilan ng laro; pagkatapos ay paikutin ang isang lumbo o tabo na may
tandang puti at ang sinumag matapatan ng tandang ito paghinto ay siyang tatanungin
ng dalaga ng mga talinghaga.

2. Duplo — ito ang humalili sa karagatan. Ito'y paligsahan ng husay sa pagbigkas at


pangangatwiran nang patula. Ang mga pangangatwiran ay hango sa Bibliya, sa mga
sawikain, at mga kasabihan. Karaniwang nilalaro upang aliwin ang mga namatayan.

3. Huego de Prenda- ang isang pang kawili-wiling larong may kaugnay sa isang yumao
ang huego de prenda. Ang pinuno na kung tawagin ay hari o punong halaman ay
nakaupo sa gitna ng isang pulutong ng mga kabataang lalaki at babae. Ang mga ito ay
nakahanay nang magkakaharap sa ayos na tila pabilog. Bawat kasali ay nararapat
bumigkas ng mga pananalitang patula kapag tinawag ng hari. Kapag hindi nagawa
iyon ay nangangahulugan ng pagtanggap ng kaparusahan.

4. Ang Panubong o Putong


Isang dula-dulaang panlipunan na nagmula sa lalawigan ng Marinduque. Sa quezon,
ito ay tinatawag na pautong o pamutong. Ito’y ginaganap bilang pagpaparangal sa
isang may kaarawan, sa isang mataas na pinuno ng pamahalaan o isang dignitaryo
(taong tanyag). Ang pinararangalan ay nakaupo sa gitna, siya’y nakapagitan sa
dalawang anghel. Dalawang taong may hawak na kandila ang magpuputong ng
koronang bulaklak sa harap na pinararangalan. Maaaring makisali at nagsasabog ng
mga bulaklak sa harap ng pinararangalan. Maaaring makisali ang mga nanonood sa
pagsasabog ng mga bulaklak at mga parehong barya. Hanggang sa ngayon ay uso pa
rin ang panubong o putong. Maraming awit na ginagamit ang mga nagbibigay-
parangal sa panauhin. Umaawit sila pagdating sa trangkahan ng bahay na
pagaganapan ng putong. Matapos anyayahan ng maybahay na tumuloy, ang mga
magpuputong ay muling await habang umaakyat ng bahay. Sa kanilang awit ay
binibigkas nila ang kahagahan ng bawat baitang ng hagdanan. Sa huling baitang ng
hagdanan ay ipagpapatuloy nila ang pagkanta at hindi muna sila tutuloy hanggang
23

hindi natatapos ang kanilang awit. Matapos ang huling awit ng pagbati ay saksa pa
lamang sisimulan ang seremonya ng pagpuputong ng koronang bulaklak.

5. Pamanhikan- isang katangi-tangi tradisyon ng mga Tagalog. Ito’y tungkol sa pag-


ibig, pagliligawan at pagpapakasal. Ang pagpapalabas nito’y maaaring abutin nang
linggo o buwan. Makikita rito ang iba’t ibang aspeto ng buhay pampamilya sa bansa:
paggalang at pagsunod sa mga magulang; pag-ibig, pagliligawan at pag-aasawa
bilang bahaging panlipunan ng buhay ng mga Katolikong Pilipino; ang mahalagang
bahaging ginagampanan ng mga magulang sa pag-ibig ng anak; ang pagpapakahirap
at pagtitiis ng isang manliligaw; at ang matibay na bigkis ng pagmamahalan ng
siangg pamilya o angkan. May tatlong bahagi ang pamanhikan: bulong, kayari at
dulog. Sa bahagi ng bulong ang mga tagapagsalita ng binata ay magtutungo sa bahay
ng dalaga. Sila’y may dalang mga regalo at sa pamamagitan ng mga patula at pag-
aawit ay ipababatid nila ang malinis na hangarin ng binata sa dalagang kanyang
napupusuan. Sa bahaging ito ay hindi pa isasama ang binata at ang dalaga kanyang
naiibigan sa usapan. Matapos ang bulong ay naninilbihan ang binata sa dalaga.
Isinasagawa ito sa pamamagitan ng panunuyo. Sa loob ng isang takdang panahon,
pinaglilingkuran ng binata ang dalaga sa pamamagitan ng pagsisibak ng kahoy, pag-
iigib ng tubig at pagtulong sa iba pang gawain ng pamilya nito. Matapos manilbihan
ay isusunod ang bahaging kayari. Isasama na rito ng binata ang kanyang mga
magulang upang hingin ang mga kamay nito. Pagkatapos ng kayari isususnod ang
dulog. Dito itinakda ang oras at araw kung kalian gaganapin ang pag-iisang dibdib.

6. Ang Hugas-Kalawang at Pagibang-Damara- ang pagdiriwang na ito ay ginaganap


bilang pasasalamat ng mga magsasaka sa Katagalugan sa masaganang aning
ipinagkaloob ng Dakilang Lumikha. ito’y isinasagawa pagkatapos ng anihan. Ang
pagdiriwang ay kinapapalooban ng mga awitan, sayawan, kainan at iba’t ibang uri ng
kasayahan.

Dulang Panlasangan
1. Panunuluyan o Pananapatan- ito ay local na bersyon ng paghahanap ng matutuluyan
ng mag-asawang San Jose at Birheng Maria sa bisperas ng pasko. Ang Birheng Maria at
kagampan na at malapit nang isilang si Hesus. Nakikiusap ang mag-asawa sa bahay-
bahay upabg sila’y patuluyin ngunit walang nahabag na magpatuloy. Paawit ang pakiusap
gayundin ang sagot ng pinakikituluyan. Humantong ang banal na mag-asawa sa isang
kulungan ng mga hayop at isinilang ang dakilang Mesiyas sa isang dukhang sabsaban.
Pagkatapos maisadula ang panunuluyan ay magmimisa ang pari para sa Pasko, araw ng
pagsilang ni Hesus.
2. Ang Moriones o Morion- ay itinuturing na pinakamabisang pang-akit sa mga turista.
Ito’y ginaganap sa Marinduque. Ang dantaong pagdiriwang na ito ay ginagawa taun-taon
sa mga bayan ng Gasan, Boac at Mogoc mula sa Miyerkules Santo hanggang Linggo ng
Pagkabuhay o Pasko ng Pagkabuhay.
3. Salubong o Pasko ng Pagkabuhay
Ang prusisyon ng Salubong ay isa sa mga kinagigiliwan gawain ng mga
mananampalatayang Katoliko sa Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay. Isa ito sa mga
gawaing pansimbahan ipinamana sa atin ng mga misyonerong Kastila. Kung tawagin ito
24

sa Espanya ay Procesion del Encuentro. Karaniwang ginagawa ito sa madaling araw


ngunit sa ilang parokya ginagawa ito pagkatapos ng Paglalamay o Pagtatanod sa
Pagkabuhay ng Panginoon sa hating-gabi. Ayon sa mga dokumento ng kasaysayan ng
Espanya ang kauna-unahang prusisyon ng salubong ay naganap sa Madrid noong taon
1570. Nagmula ito sa kumbento ng Victoria sa madaling-araw ng Linggo ng Pagkabuhay.
Ang Salubong o Encuentro ay ginagawa sa gitna ng malaking plaza sa Puerto del Sol.
Ang dalawng grupo ay “nagsasalubong” sa isang takdang pook at ipinaghaharap ang
dalawang imahen. Ang isang mahalagang bagay na ginagawa sa pagsasalubong na ito ay
ang pag-aalis ng kapang itim na bumabalot sa imahen ng Mahal na Birhen na tanda ng
kalungkutan ng isang namatayan (Quitele usted ese manto a la Senora Maria …. Quitela
uster este luto, que su Hijo ha resucitado.) Ito’y ginagawa ng isang batang nakasuot ng
anghel na karaniwang inihuhugos mula sa isang balkon sa harap ng nagsasalubong na
mga imahen. Umaawit muna siya ng awit ng Muling Pagkabuhay; pagbati kay Maria
sapagkat ang kanyang ankay muling nabuhay. Regina coeli, laetare, alleluia. Reyna ng
langit, magsaya ka, aleluya. Mahalang bagay rin nab ago maglapit ang dalawang imahen
at bago alisin ang belo o kapa ng Mahal na Birhen ay “tumutungo” muna ang Birhen
nang tatlong ulit habang ito ay papalapit sa harap ng Panginoong Hesus. Sa ibang lugar sa
Espanya ang imahen ng Mahal na Birhen ay gumagalaw ang leeg upang isagawa ang
pagtungo. Kung hindi ito maigagalaw, ang mga nag-uusong ng andas ng Mahal na birhen
an gang gumagawa ng paraan upang maisagawa ang pagtungog ito ng Mahal na Birhen.
Sa lahat ng mga Procession de encuentro sa Espanya ang bahaging ito ay hindi nawawala
sapagkat ito’y isang rubrica de rigor. Sa katunayan sa ibang lugar (sa Ciudadela de
Menorca) angtawag sa prusisyong ito’y “ses tres reverencies.
Pagkatapos ng pagtungo ng Birhen at ng pag-aalis ng belo ang dalawang prusisyon ay
nagiging isa na lamang, at ang dalawang imahen ay magkaratig na dinadala pabalik sa
simbahan sa gitna ng awitan ng mga tao, tugtog ng banda, at ng putukan ng mga cohetes.
Sa ibang lugar sa Espanya noong unang panahon ang ipinuprusisyon sa halip ng imahen
ng Panginoong Muling nabuhay ay ang Santissimo Sakramento sa isang monstrans para
magkaroon ng realismo. Ngunit hindi na ito pinahihintulutang gawin sapagkat ang
Santissiomo ay hindi maaaring gamitin sa isang pagsasadula, sapagkat ang Salubong ay
isang pagsasadula. At hindi ito gawaing liturhiko kundi debosyonal. Ang Santissimo ay
itinatanghal o ipinuprusisyon para pagpitagan at sambahin hindi upang magsilbing
panoorin. Ang prusisyon ng Salubong kung magkagayon ay hindi orihinal na debosyong
Filipino. Ito’y tinulad lang natin sa Procession del Encuentro sa Espanya. Ang maraming
ginagawa natin sa buong Semana Sant, sa katuinayan sa buong taon, na nagmula sa
Espanya. Kailangan nating lahat ito upang ang mga seremonyas ng liturhiya ay maging
makahulugan sa mga karaniwang tao na gumagamit ng pandamdam sa pagsasabuhay ng
pananampalataya at hindi lamang ng isip. Sa pamamagitan ng mga imahen, naipakita
natin ang mga misterio ng pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ng
Panginoong Hesus na bukal ng ating kaligtasanAng Salubong ay isang pagpapahayag ng
pananampalatay ng mga Katoliko na ang Mahal na Birhenay may malaking pitak sa puso
ng kanyng Ank na Mananakop. Natuto siyang sumunod sa kalooban ng Poong Ama sa
pamamagitan ng pakikiisa niya sa buhay, paghihirap, kamatayan ng kanyang anak. Kaya
naman ayon sa ating makataong pang-unawa, nararapat lamang na si Maria ang unang
pagpapakitaan ni Hesus na muling nabuhay bago pa si San Pedro, si Maria Magdalena at
mga apostol. Wala ito sa Biblia, ngunit naging bahagi na ito ng tradisyon. Ito’y nagging
25

paksa ng maraming pagninilay, panayam, aklat ng mga dalubhasa sa buhay espiritwal at


ng mga teologo. Bagamat hindi ito nasasabi sa Biblia, ang ganitong kaisipan ay maaaring
makatulong sa pangunawa natin sa misteryo n gating kaligtasan. Una, ipinakikita ng
kaisipang ito na iginagalng ng Diyos ang estraktura n gating pagkatao. Tayo’y hindi
lamang isip kundi damdamin din; tayo’y hindi lamang kaluluwa kundi katawan din. Ang
Diyos ay nakikitungo sa atin ayon sa ating kakayahan at kahinaan. Pinahahalagahan natin
ang paghihirap at pagkamatay ng Panginoon hindi lamang ang Kanyang muling
pagkabuhay. Ngunit ipinaaalaala ng Salubong na hindi tayo dapat manatiling nasa
kalungkutan ng isang namatayan (Quitela usted este luto, que su Hijo ha resucitado.) Sa
pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesu binigyan tayo ng bagong buhay, nawalan
ng kapangyarihan ang kamatayan sapagkat nilupig niya ang kasalanan. Tayong mga
Pilipino ay dibdibang nagdiriwang ng mga Mahal na Araw ngunit parang hindi ito
tinatapos ng marami. Natatapos ang kanilang Mahal na Araw sa dalamhati ng Biyernes
Santo. Dapat itong magtapos sa ligaya ng Linggo ng Pagkabuhay, kaligayahan ng bagong
pamumuhay bilang mga anak ng Diyos. Ang Semana Santa ay hindi para sa “paghuhugas
ng mga kasalanan” kundi higit sa lahat “sa pagbabagong-buhay bilang mga bagong
nilalang (born-again) sa kapangyarihan ng Espiritu ni Kristong muling nabuhay. At ang
huwaran natin sa bagay na ito’y walang iba kundi ang Mahal na Birhen. Magsaya tayo
kasama ng kanyang Anak na muling nabuhay, quia resurrexit sicut dixit, alleluia. Nawa
ang ating pagdaraos ng Salubong ay hindi manatiling panoorin. Ang mensahe ng
prusisyong ito ay bagong buhay ng mga inampong anak ng Diyos kasama ng Mahal na
Birhen, Ina ng Diyos at Ina ng mga Mananampalataya, Ina ng Simbahan.
4. Tibag. Ang layunin ng pagpapalabas ng tibag ay malinang ang debosyon sa krus na
kinamatayan ni Hesus. Ito’ hinanap nina Reyna Elena at Prinsipe Constantino kasama
ang mga kawal. Ginaganap ang pagtatanghal na ito kung buwan ng Mayo sa mga
lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija, Bataan at Rizal.
Sina Reyna Elena at Prinsipe Constantino kasama ang mga sundalong Kristiyano
ay magsisimulang humanap sa krus ni Kristo sa ganap na ika- 3:00 ng hapon sa bisperas
ng pista. Ang prusisyon ay karaniwang nagsisimula sa bahay ng gaganap na Reyna Elena
at tutuloy sa mga bundok bundukan. Ang mga tauhan ng dula ay magsisipaghukay
pagsapit sa bawat bundok. Sa ikatlong bundok matatagpuan ang krus ni Kristo. Kapag
nakuha na ang krus, ang mga gumaganap sa pagtatanghal pati ang mga manonood ay
magsisipagbunyi.
5. Ang Santakruzan- ang nanggaling sa Tibag. Ito’y ginaganap kung buwan ng Mayo
upang alalahanin ang pagpapakuha ni Reyuna Elena ng krus ni kristo. Ang prusisyon ay
magsisinula at magtatapos sa simbahan.

Dulang Pantanghalan
1. Karilyo- ang dula-dulaang ito’y ginagamit ng mga kartong ginupit katulad ng “puppet
show”. ang mga ito’y pinakikilos sa pamamagitan ng alambre, panali at iba apng upang
mapalabas na kataw-taw at nakalilibang sa mga manonood.
2. Moro-moro. Ang panimula ng moro-moro o komendya sa Pilipinas ay utang sa isang
paring Kastila na nagngangalang Juan de Salazar. Ang moro-moro, ay natatangi sapagkat
walang ibang bansa na nakaisip at nakapagsagawa ng nasabing palabas na katulad nang
sa Pilipinas. Ang Pilipinas lamang ang nawili sa paggawa ng moro-moro na ang obrang
ito ay tuluyan nang itinuring na kasama sa buhay ng mga Pilipino sa halos dalawang
26

siglo. Ang moro-moro ay pinaniniwalaang nag-ugat mula sa sagupaan sa pagitan ng mga


Kristiyano at Pilipinong Muslim. Ang makasaysayang laban na ito ay nagsimula noong
ika-16 na siglo nang ang mga Kristiyanong Malay, mga Pilipino sa Luzon at Visayas ay
sumama sa pakikidigma ng mga Espanyol laban sa mga Pilipinong Muslim na nasa
Timog.
MGA PAKSA
 Pagmamahalan sa pagitan ng isang Pilipinong Muslim na prinsipe at isang Kristiyanong
prinsesa.
 Blakid : pagkakaiba sa relihiyon
 Ang hidwaan ay patuloy pang lalala dahil sa patuloy na magsusumikap ang mga kamag-
anak ng parehong panig upang hindi matuloy ang kasal.
 At sa huli, isang paligsahan ang magaganap, kung saan, ang Muslim at Kristiyano ay
maglalaban para sa kamay ng prinsesa. Kapag ang Muslim ang nanalo sa paligsahan, siya
ang papayagan na makuha ang kamay ng Kristiyanong prinsesa sa kondisyon na siya ay
magpapabinyag sa Kristiyanismo.
 isang adaptasyon mula sa dula sa Europa na comedia de capa y espada.
 nag-ugat mula sa sagupaan sa pagitan ng mga Kristiyano at Pilipinong Muslim
 Ang makasaysayang laban na ito ay nagsimula noong ika-16 na siglo nang ang mga
Kristiyanong Malay, mga Pilipino sa Luzon at Visayas ay sumama sa pakikidigma ng
mga Espanyol laban sa mga Pilipinong Muslim na nasa Timog.
3. Senakulo. Ito ay pandulang bersiyon ng pasyon. Ito’y ipinalalabas kung Mahal na Araw.
Ang paksa ay buhay ng Panginoong Hesukristo mula sa kanyang pagsilang hanggang sa
pagkabuhay na mag-uli. Itinanghal ito sa entablado ay may Korong umaawit sa pagbasa ng
pasyon. Ang mga tauhan ay nagsusuot ng angkop na damit at ang mga kilos ng mga tauhan
ay ibinabagay sa papel na kanilang ginagampanan. May dalawang uri ng senakulo: cantada
(inaawit) at hablada (sinasalita). Ang cantada ay inaawit katulad ng pasyon. Ang hablada
ay binibigkas ng marahan upang mabigyang diin ang mga tugma ng mga taludtud sa bawat
saknong nang sa gayon ay maipadama ang kahagahan ng sinasabi ng tauhan.
- Pagsasadula ng mga pangyayri at pasakit na dinanas ni Hesukristo, ang kanyang buhay,
paghihirap hanggang sa pagkamatay niya sa Krus
- Karaniwang ginaganap sa lansangan o bakuran ng simbahan
- Tuwing Semana Santa
Sarswela
Ang sarswela ay masayang dula. Ito’y tigib ng tugtugin at awitin. Kung minsa’y may
kalangkap ding sayaw, may lakip na pampatawa, may kaunting aksyon o tunggalian ang dulang
ito na ipinalalabas sa tanghalan. Angs alitaan ay sa paraang tuluyan, patula o paawit. Ang pag-
awit naman, magiging pang-isahan, pandalawahan o pangmaramihan ay sinasaliwan ng rondalya
o orchestra.
Ayon kay Wenceslao S. Retana, ang unang sarswelang itinanghal sa Pilipinas ay may
pamagat na “Jugar con Fuego”. Ito’y ipinalabas sa Coliseo Artistico na ansa daang Arroceros,
Maynila noong 1878.
27

Gawain 3
1. Bakit hindi naibigan ng mga Pilipino ang sarswela?
2. Sa anong anyo ng dula sa kasalukuyan maihahambing ang sarswela? Bakit?
3. Sa mga nabasang kurido ano-anong mga suliranin pampamilya ang ipinakita?
28

Yunit 3

Panahon ng Pakamulat

Nagising ang damdaming makabayan ng mga Pilipino noong 1872. Naunawaan nila ang
aping kalagayan sa ilalim ng mga kastila. Lumaganap ang damdaming makabayan dahil sa
pang-aalipin at paniniil ng mga dayuhan, labis na paghamak sa mga Pilipino na tinawag nilang
Indiyo,ni suliranin sa sekularisasyon at pagmamalabis ng mga taong umuugit sa pamahalaan.
Nadagdag pa sa mga ito ang mga sumusunod na pangyayari; ang pagbubukas ng Suez Kanal,
pagpasok ng diwang liberal dahil sa panunungkulan ng liberal ng Gobernador Heneral Ma. De
la Torre, pag-aalsa sa arsenal ng Cavite, ang pagakkabuo ng gitnang uri (middle class) at ang
pagkakagarote sa tatlong paring martir na si GOMBURZA.

Ang Kilusang Propaganda


Ang mga sumusunod ang mga hangarin ng kilusang Propaganda na ang tanging layunin
ay mga pagbabago sa mga batas at reporma. Hindi nilayon ng kilusan na humiwalay sa Espanya
ni lumaban sa mga makapangyarihan.
1. Pagiging pantay ng mga Kastila at Pilipino sa harap ng batas.
2. Papanumbalik ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya.
3. Maging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
4. Maging mga Pilipino ang mga kura paroko.
5. Kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pagtitipon at pagpupulong at pagpapahayag
ng kanilang mga karaingan.

Dr. Jose Rizal


Pagsilang ng Pambansang Bayani
(Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo y Realonda )
Si Dr. Jose Rizal ay katangi-tanging halimbawa ng isang henyo ng maraming larangan na
naging pinakadakilang bayani ng isang nasyon. Biniyayaan ng Diyos ng maraming talino,
maihahanay siya sa ibang henyo sa buong daigdig. Siya ay isang doctor, makata mandudula,
mananalaysay, manunulat, arkitekto, pintor, eskultor, edukador, linggwista, musiko, naturalista,
etnolohista, argremensor, inhinyero, magsasakang negosyante, ekonomista, heograpo,
kartrograpo, pilohista, folkorista, pilosopo, tagasalin, imbentor, mahihero, humorista, satirista,
29

polemista, manlalaro, manlalakbay at propeta. Higit sa lahat siya ay isang bayani at pulitikong
martir na naglaan ng kanyang buhay para sa katubusan ng mga inaaping kababayan. Hindi katak-
takang siya ay itinanghal na Pambansang Bayani.
Si Jose Rizal ay isinilang sa gabing maliwanag ang buwan,, Miyerkules, Hunyo 1861, sa
baybaying bayanng Calamba, Laguna, Pilipinas. Muntik nang mamatay ang kanyang ina sa
panganganak dahil malaki ang kanyang ulo. Gaya ng isinalaysay niya kinalaunan: “Isinilang ako
sa Calamba noong Hunyo 18, 1861, sa pagitan ng ika 11 at hatinggabi, ilang araw bago ang
kabilugan ng buwan. Miyeurkules noon at ang pagdating ko sa lambak na ito ng luha ay muntik
nang ikamatay ng aking ina, mabuti na lamang at namanata siya sa Birhen ng
Antipoli, sinabi niyang isasama ako sa peregrinasyon”.
Bininyagan siya sa Simbahang Katoliko ng kanyang bayan noong Hunyo 22, edad tatlong
araw, ng kura paroko, Si Padre Rufino Collantes, na isang Batangueňo. Ang kanyang ninong ay
si Padre Pedro Casanas, taga-Calamba at kaibigang matalik ng mag-anak na Rizal. Ang ngalang
“JOSE” ay pinili ng kanyang ina sa deboto kay San Jose.
Nang bininyagan siya, pinuna ni padre Collantes ang malaking ulo ng sanggol, at sinabi
sa mga miyembro ng pamilyang narooon: “Alagaan ninyo ang batang ito, balang araw ay
magiging dakila siya. “ Nagkatotoo ang sinabi niya, gaya ng matutunghayang pangyayari sa
hinaharap.

Mga Magulang ni Rizal


Isinilang si Jose Rizal noong ika-19 ng Hunyo, 1861. Isinilang siya sa Calamba. Ang
Calamba ay nasa lalawigan ng Laguna. Si Jose Rizal ang ikapito sa labing-isang anak nina
Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonso Realonda. Ang Ama ng bayani, si Francisco (1818-
1898) ay isinilang sa Biñan, Laguna, noong Mayo 11, 1818. Nag-aral siya ng Latin at Pilosopiya
sa Kolehiyo ng San Jose sa Maynila. Noong bata pa, pagkaraan mamatay ng mga magulang,
lumipat siya sa Calamba at naging kasamang magsasaka sa asyendang pag-aari ng mga
Dominiko. Masipag siya, bihirang magsalita, ngunit mas maraming nagagawa, malakas ang
pangangatawan, at maayos ang pag-iisip. Namatay siya sa Maynila noong Enero 5, 1898 sa edad
na 80. Sa tala ng kanyang buhay, tinawag ni Rizal ang kanyang ama na “Huwarang Ama.”
Si Donya Teodora (1826-1911), ang ina ng bayani, ay isinilang sa Maynila noong
Nobyembre 8,1826, at nakapag-aral sa Koliheyo ng Santa Rosa, isang kilalang kolehiyo para sa
kababaihan sa lungsod, Kahanga-hanga iyang babae, mabini kung kumilos, may talino sa
panitikan at mahusay mag espanyol kaysa akin. Siya ang nagwawasto ng aking mga tula at
binibigyan niya ako ng magagandang payo nang nag-aaral ako ng retorika. Siya ay mahusay sa
matematika at maraming aklat na nabasa. Namatay si Dona Teodora sa Maynila noong Agosto
16, 1911 sa edad na 85.

Ang Ilan sa mga Akda ni Dr. Jose Rizal


NOLI ME TANGERE (Berlin, 1887)
Ang nobelang ito’y nangangahulugang “Huwag Mo Akong Salangin”. Inihandog ito sa
inang bayan. Tinalakay rito ang mga kabulukan sa lipunan. Ang orihinal na manuskripto nito ay
ipinagkaloob niya kay Maximo Viola na tumulong sa kanya sa pagtutustos ng salapi upang
maipalimbag ang nobela. Mahirap malimot ang mga tuhang sina Crissotomo Ibarra, Maria
Clara, Elias, Pilosopo Tasio at Sisa sa kanyang dakilang nobela.
30

Si Juan Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino ng matapos mag-aral ng pitong taon
sa Europa ay nagbalik sa Pilipinas. Siya ay katipan ni Maria Clara na anak sa turing ni kapitan
Tiyago, isa sa pinakamayayaman sa Binondo at isang makaprayle.
Isang hapunan ang inihanda ni kapitan Tiyago alang-alang sa kanyang pagdating. Sa
hapunang yaon, hinamak ni Padre Damaso si Ibarra at siya ay nagdahilan na may mahalagang
bagay na lalakarin.
Pauwi sa San Diego si Ibarra nang makasalubong niya sa daan si Tinyente Guevarra. Dito
niya napag-alaman kung paano namatay ang kanyang amang si Don Rafael isang taon na halos
ang nakaraan. Ayon dito, pinaratangan at hinamak ni Padre Damaso ang kanyang ama at tinawag
pang pilibustero. Gayon ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ng kanyang ama ay ang
pagtatanggol nito sa isang batang lalaki na pinagmalupitan ng maniningil ng buwis. Sinaway
umano ni Don Rafael ang ginagawa ng maniningil sa bata hanggang sa sila ang magpambuno at
makabig at mabuwal sa pagkakatayo ang maniningil ng buwis. Bumagsak ang ulo nito sa
semento na dagli nitong ikinamatay. Ibinintang kay Don Rafael ang pagkamatay ng maniningil at
siya ay inusig ng maykapangyarihan. Tumulong din ang mga lihim niyang kaaway sa pagharap
ng sakdal laban sa kanya. Si Don Rafael ay nagkasakit at namatay sa bilangguan.
Hindi pa nasiyahan si Padre Damaso sa ginawa niya. Ipinahukay pa niya ang bangkay ni
Don Rafael at ipinalipat sa libingan ng mga intsik. At dahil umuulan nang panahong iyon kaya
nabigatan sa bangkay ang inutusan at ito ay itinapon na lamang sa lawa.
Sa kabila ng ganitong pangyayari, ay ipinasiya ni Ibarrang ipagpatuloy ang layunin ng
kanyang ama tungkol sa pagpapaunlad ng pagtuturo bagkus na maghiganti. Nagpatayo si Ibarra
ng isang paaralan sa sarili niyang gugol. Sa pagbabasbas ng bahay-paaralan, muntik nang
mapatay si Ibarra kung hindi siya iniligtas ni Elias. Ang nasawi ay ang taong nasuhulan ng mga
lihim na kaaway ni Ibarra.
Sa inihandang salusalo ni Ibarra ay hinamon na naman siya ni Padre Damaso, mabuti na
lamang at naawat sila ni Maria Clara. Ngunit dahil sa gangyari, Si Ibarra ay nagging
ekskomulgado. Inutusan pa ni Padre Damaso si Kapitan Tiyago na sirain ang planong
pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara at ninais pang ipalit ang binatang si Linares na
kararating lamang sa Pilipinas.
Sa mga pangyayaring naganap, si Maria Clara ay nagkasakit nang malubha. Ngunit
gumaling siya sa mga gamut na ipinadala ni Ibarra. Si Ibarra ay nagpunta sa Maynila para lakarin
na mapawalang halaga ang pagkaka-ekskomulgado sa kanya. Sa tulong ng kapitan-hereral ay
napatawad si Ibarra. Nagkataon namang sinalakay ang kuwartel ng mga pinag-uusig at
napagbintangang si Ibarra. Ang nanggulo kaya’t siya ay hinuli at ibinilanggo.
Kinausap ni Elias si Ibarra na mamuno sa mga pinag-uusig, ngunit tumaggi si Ibarra.
Nagkaroon ng paglilitis at sinabi ng mga nahuli na hindi siya kasangkot. Sa kabila nito,
napahamak rin siya dahil sa sulat niya kay Maria Clara bago siya nagtungo sa Europa at ito ay
kinasangkapan ng mga maykapangyarihan.
Ngunit habang naghahanda si Kapitan Tiyago ng hapunan para sa pag-iisang dibdib nina
Maria Clara at Linares, si Ibarra ay nakatakas sa tulong ni Elias. Inibig ni Ibarra bago siya
makatakas ay kailangang makausap niya si Maria Clara at nagkataon na nakapag-usap ang
dalawa. Isinumbat ni Ibarra kay Maria Clara na siya ay pinahamak nito, ngunit ganoon na
lamang ang pagtanggi ni Maria Clara na ito ay hindi totoo.
Sinabi ni Maria Clara kay Ibarra na kaya siya pakakasal kay Linares ay upang
ipagtanggol ang dangal ng ina, ngunit hindi magbabago ang pag-ibig niya kay Ibarra. Si Elias
ang tumulong kay Ibarra para makatakas. Sumakay sila sa bangka na kung saan ay tinabunan ng
31

damo si Ibarra hanggang sa sila’y makarating sa Lawa ng Bay. Ngunit sila ay naabutan ng sibil.
Para makaligtas, lumundag si Elias na kung saan ay pinaputukan siya. Kinabukasan, nabasa ni
Maria Clara sa pahayagan na si Ibarra ay napatay sa habulan sa lawa.
Dahil dito, hiningi ni Maria Clara kay Padre Damaso na siya ay ipasok sa Kumbento ng
Sta. Clara upang magmongha. Pinayagan siya ni Padre Damaso, dahil kung hindi ito payagan ay
magpapakamatay.
Narating ni Elias ang gubat ng mga Ibarra na sugatan at hirap na hirap. Bago siya
namatay ay humarap siya sa Silangan at sinabi niyang:
“Ako’y mamamatay na di nasilayan ang pagbubukang liwayway ng aking bayan. Kayong
makakamalas ay huwag kalilimutan ang mgataong nangabulid sa dilim ng gabi.”

EL FILIBUSTERISMO (Ghent, 1891)


Ang nobelang ito’y nanganaghulugan ng “Ang Pagsusuwail”. Ito’y karugtong ng Noli
Me Tangere. Labing-isa taon pa lamang si Rizal na patayin sa pamamagitan ng garaote ang
tatlong parining martir na sina Padre Gomes, Burgos at Zamora. ang alaala ng tatlong pari ay
hindi niya nalimot kailanman inihandog niya ang nobelang ito sa tatlong pari martir. Ang
orihinal na manuskripto ay ipinagkaloob niya kay Valentin Ventura na siyang gumugol upang
maipalimbag ang nobela.
Ang nobelang katulad ng Noli Me Tangere ay tuwirang naglalahad ng mga talamak na
sakit ng lipunan, pagsupil sa mga karapatang pantao, maling pamamalakad ng pamahalaan
gayundin ng simbahan, pagsasamantala sa kamangmangan ng mga Pilipino at mga hinaing ng
mga mamayan sa pagnanais na pakinggan sila ng mga makapangyarihan.
Itinuturing na ang dalawang nobelang panlipunang ito ay nagpasigla sa kilusang
Propaganda at nagbunsod sa mga manghihimagsik na lumalaban sa mga Kastila.
Ang nobelang El Filibusterismo (literal na "Ang Pilibusterismo") o Ang Paghahari ng
Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José
Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na
Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad
sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila.
Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.
Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya
ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang
naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakompleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa
Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa
niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos
ang aklat noong Setyembre 22, 1891.
Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising
pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.
Ito ang mga tauhan sa El filibusterismo ni Jose Rizal.
 Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano'y
tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang
maghiganti sa kanyang mga kaaway.
 Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.
32

 Basilio - ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.


 Kabesang Tales - ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka
na inaangkin ng mga prayle.
 Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.
 Senyor Pasta - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.
 Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan.
 Placido Penitente - ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning
pampaaralan.
 Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari.
 Padre Fernandez - ang paring Dominikong may malayang paninindigan.
 Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.
 Padre Florentino - ang amain ni Isagani
 Don Custodio - ang kilala sa tawag na Buena Tinta
 Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang
Kastila
 Juanito Pelaez - ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang
angkang may dugong Kastila
 Macaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag
ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
 Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-
aaral
 Donya Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina;
tiyahin ni Paulita.
 Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.
 Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.
 Juli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
 Hermana Bali - naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.
 Ginoong Leeds - ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.
 Imuthis - ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds
 Pepay - ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio.
 Camaroncocido - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang
panlabas na anyo.
 Tiyo Kiko - matalik na kaibigan ni Camaroncocido.
 Gertrude - mang-aawit sa palabas.
 Paciano Gomez - kapatid ni Paulita.
Nagsimula ito sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang
sa mga pasahero ang mag-aalahas na si Simoun, si Isagani, at si Basilio. Labintatlong taon na
ang nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa.
Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagtatagpo ay nakita niya
si Simoun na pagdalaw sa libingan ng kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nakilala
niyang si Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo; Upang maitago ang ganitong lihim, ay
tinangka ni Simoun na patayin si Basilio. Nang hindi ito naituloy ay hinikayat niya ang binata na
makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila. Si Basilio ay tumanggi dahil
gusto niyang matapos ang kanyang pag-aaral.
Habang ang Kapitan Heneral ay nagliliwaliw sa Los Baños, ang mga estudyanteng
Pilipino ay naghain ng isang kahilingan sa Kanya upang magtatag ng isang Akademya ng
33

Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ay di napagtibay sapagka't napag-alamang ang


mamamahala sa akademyang ito ay mga prayle. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang
makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya.
Samantala, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang
umanib sa binabalak niyang paghihimagsik at mangulo sa isang pulutong na sapilitang
magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subali't hindi naibunsod
ang ganitong gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay na nang hapong yaon.
Ang mga estudyante naman, upang makapaglubag ang kanilang sama ng loob ukol sa
kabiguang natamo, ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa
mga talumpating binigkas habang sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle.
Ang pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay
natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay mga
pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga
kasapi ng kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio,
bagay na ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang kasintahan.
Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang
mapawalang-sala sila, si Basilio ay naiwang nakakulong dahil wala siyang tagapagmagitan. Sa
isang dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya
nguni't sa halip na makatulong ang paring ito ay siya pang nagging dahilan ng pagkamatay ni
Juli, gawa ng pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento.
Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa
negosyo kay Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang
maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang
Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na idaraos, ang mga may
matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod.
Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun.
Kaagad siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik. Sinamantala ni Simoun
ang ganitong pagkakataon upang ipakita sa binata ang bomba na kanyang ginawa. Ito ay isang
lampara na may hugis Granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya
niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang
ito sa gitna ng isang kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawan ay ay
magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung minuto ay
manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang
kapsulang fulminato de mercurio, ang Granada ay sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at
pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan --- at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa
isang dako naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat
upang simulan ang paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun.
Mag-iikapito pa lamang ng gabi ng araw ng kasal, at si Basilio ay palakad-lakad sa tapat
ng bahay ng pinagdarausan ng handaan. Di-kawasa'y nanaog si Simoun upang lisanin niya ang
bahay na yaong di malulutawan ng pagsabog. Ang nanlulumong si Basilio ay sisinod sana
nguni't namalas niyang dumatng si Isagani, ang naging katipan at iniirog ni Paulita. Pinagsabihan
niya itong tumakas nguni't di siya pinansin kaya't napilitan si Basilio na ipagtapat kay Isagani
ang lihim na pakana subali't hindi rin napatinag ang binatang ito.
"Nanlalamlam ang lampara," ang pansin na di mapalagay na Kapitan Heneral. "Utang na
loob, ipakitaas ninyo, Pari Irene, ang mitsa." Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea
at inihagis ito sa ilog. Sa gayon ay nawalan ng bisa ang pakana ni Simoun para sa isang
34

paghihimagsik sa sandatahan. Tumakas sya sa bahay ni Pari Florentino, sa baybayin ng


karagatang Pasipiko. Nang malapit nang mapagabot ng mga alagad ng batas ang mag-aalahas,
uminom siya ng lason upang huwag pahuli nang buhay. Ipinagtapat niya sa pari ang tunay
niyang pagkatao at isinalaysay niya sa dito ang malungkot na kasaysayan ng kanyang buhay.
Mula nang siya ay bumalik sa Pilipinas buhat sa Europa, labintatlong taon na ang nakalipas, ang
pag-iibigan nila ni Maria Clara at pagbabalatkayo niya na mag-aalahas sa pakay na maiguho ang
Pamahalaan at makipaghiganti sa pamamagitan ng isang paghihimagsik. Pagkatapos na
mangungumpisal ay namatay si Simoun.
Sa nais na maiwaksi ang napakalaking kayamanang naiwan ng mag-aalahas, kayamanang
naging kasangkapan nito sa pagtatanim ng mga bukto't na Gawain ay itinapon ni Pari Florentino
sa karagatan ang kahong asero na kinatataguan ng di-matatayang kayamanan ni Simoun.

MI ULTIMO ADIOS ( Ang Huling Paalam)

Itinuturing na ito ang kanyang obra maestra. Kahulu-hulihang tulang sinulat niya na
may salin sa iba’t ibang wika sa daigdig, sa Ingles, Pranses, Aleman, Italyano, Ruso, Bahasa at
iba pa. ito ay kanyang sinulat noong siya ay nakulong sa Fort Bonifacio Ang kauna-unahang
salin nito sa Tagalog ay sinulat ni Andres Bonifacio.

Pahimakas ni Dr. Jose Rizal

Pinipintuho kong Bayan ay paalam


lupang iniirog ng sikat ng araw
mutyang mahalaga sa dagat Silangan
kaluwalhatiang sa ami’y pumanaw.

Masayang sa iyo’y aking idudulot


ang lanta kong buhay na lubhang malungkot,
maging maringal man at labis alindog
sa kagalingan mo’y akin ding handog.

Sa pakikidigma at pamimiyapis
ang alay ng iba ang buhay na kipkip
walang agam-agam, maluwag sa dibdib
matamis sa puso at di ikahapis.

Saan man mautas ay di kailangan


Cipres o laurel, lirio may patungan
pakikipaghamok, at ang bibitayin,
yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan.

Ako’y mamamatay, ngayong namamalas


na sa silangan ay namamanaag
35

yaong maligayang araw na sisikat


sa likod ng luksang nagtabing na ulap.

Ang kulay na pula kung kinakailnagn


na maitina sa iyong liwayway
dugo ko’y isabog at siyang ikinang
ng kislap ng iyong maningning na ilaw.

Ang aking adhika sapul magkaisip


ana kasalukuyang bata pang maliit
ay ang tanghalin ka at minsang masilip
sa dagat Silangang hiyas na marikit.

Natuyo ang luhang sa mata’y nunukal


taas na ang noo’t walang kapootang
walang bakas kunot ng kapighatian
gabahid mang dungis niyang kahihiyan.

Sa kababayan ko ang lagging gunita


naningas na aking ninasa-nasa
ay guminhawa ka ang hiyaw ng diwa
paghingang papanaw ngayong biglang-bigla.

Ikaw’y guminhawa laking kagandahan


ako’y malugmok at ikaw ay matanghal
hininga’y malago’t, mabuhay ka lamang
bangkay ko’y masilong sa iyong kandungan.

Kung sa libingan ko’y tumubong mamamalas


sa malayaong damo ang mahinhing bulaklak
sa mga labi mo’y mangyaring ilapat,
sa kaluluwa ko halik ay igawad.

At sa aking noo nawa’y iparamdam


sa lamig ng lupa ng aking libingan
ang init ng iyong paghingang dalisay
sa simoy ng iyong paggiliw na tunay.

Bayaang ang buwan sa aki’y titig


ang liwanag niyang lamlam at tahimik
liwayway bayaan mo sa aki’y ihatid
magalaw na simoy at hanging hagibis.

Kung saka-sakaling bumabang humantong


sa krus ko’y dumapo kahit isang ibong
doon ay bayaang humuning hinahon
36

at dalitin niya payapang panahon.

Bayaan ang ningas ng sikat ng araw


ula’y pasingawin noong kainitan
magbalik sa langit nang buong dalisay
kalakip ang aking pagdaing na hiyaw.

Bayaang sino man sa katotong giliw


tangisang maagang sa buhay pagkitil
kung tungkol sa akin ay may manalangin
idalangin, bayan, yaring pagkahimbing.

Idalanging lahat yaong nangamatay,


nangangakatikim hirap na walang kapantay,
maga ina naming walang kapalran
na inihihibik ay kapighatian.

Ang mga balo’t pinapangulila,


ang mga bilanggong nagsisipagdusa;
dalanginin namang kanilang Makita
ang kalayaan mong ikagiginhawa.

At kung madilim na gabing mapanglaw


ay lumaganap na doon sa libingan
tanging mga patay ang nangaglalamay,
huwag bagabagin ang katahimikan.

Ang kanyang hiwaga’y huwag gambalain


kaipala’y marinig doon ang taginting,
tunog ng gitera’t salterio’y magsaliw
ako, Bayan, yao’t kita’y aawitan.

Kung ang libangan ko’y limot na ang lahat


at wala nang krus at batong mabakas
bayaang linangin ng taong masipag
lupa’y asarulin at kanyang ikalat.

At mga buto ay bago matunaw


mauwi sa wala at kusng maparam
alabok ng iyong latag ay bayaang
siya ang bahalang doo’y makipisan.

Kung magkagayon ma’y aalintanahin


na ako sa limot iyong ihabilin
pagkat himpapawid at ang panganorin
mga lansangan mo’y aking lilibutin.
37

Matinng na tunog ako sa dinig m,


ilaw, mga kulay, masamyong pabango
ang ugong at awit, paghibik sa iyo
pag-asang dalisay ng pananalig ko.

Bayang iniirog, sakit niyaring hirap,


katagalugan kong pinakaliliyag,
dinggin mo ang aking pagpapahimakas,
diya’y iiwan ko sa iyo ang lahat.

Ako’y patutungo sa walang busabos,


walang umiimis at berdugong hayop;
pananalig doo’y di nakasasalot
si Bathala lamang doo’y haring lubos.

Paalam magulang at mga kapatid


kapilas ng aking kaluluwa at dibdib
mga kaibigan, bata pang maliliit
sa aking tahanan, di na masisilip.

Pagpasalamatan at napahinga rin


pagpasalamatan at napahinga rin
paalam estrangherong kasuyo ko’t aliw
paalam sa inyo, mga ginigiliw
mamatay ay isang pagkagupiling!

Brindis
Ito’y isang talumpating inihandog niya sa dalawang nanalong pintor na Pilipino sa
Madrid. Binigkas niya ang talumpati sa isang tagayang ginanap na handog kina Juan Luna (ang
ipinanalo nya ang ipininta niya (Spolarium ) at Felix Resurreccion Hidalgo ( ang ipininta nya
ay may pamagat na “Mga Dalagang Kristiyanong Itinambad sa nagkagulong mga Tao’.)

Awit ni Maria Clara


Ito’y buhat sa isang kabanata ng “Noli Me Tangere” na may pamagat na “Ang
Pangingisda”. Nagsisiwalat ito ng kanyang damdamin ng pagmamahal sa sariiling bayan, ang
pangulila ng isang taong malayo sa sariling bayan.

Sa Aking mga Kababata


Sinulat niya ang tulang ito sa gulang na walong taong gulang. Ipinakilala niya rito ang
kanyang pagpapahalaga sa sariling wika.

Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino


Napalathala ang sanaysay na ito sa “La Solidaridad” ang opisyal na pahayagan ng
Propaganda. Ipinagtanggol ni Rizal ang mga Pilipino sa paninirang-puri ng mga Kastila na sila
38

ay mga tamad. Hindi itinatwa na may mga Pilipinong tamad ngunit ibinigay niya ang mga
kadahilanang pinagmumulan ng mga sinasabing katamaran ng mga Pilipino gaya ng mga
sumusunod: 1. Tayo’y nasa tropiko, mainit ang panahon kaya’t madaling mapagod. 2.
Biniyayaan tayo ng Diyos na matabang lupa, hindi na kailangan ang puspusang pagkilos upang
umani nang malaki. 3. Ang sipag at tiyaga ng mga Pilipino ay nangawala dahil sa maling
pamamalakad ng mga Kastila. Napapabayaan ng mga katutubo ang kanilang mga hanapbuhay
dahil sa pagpapadala sa kanila sa pakikidigma. 4. Ang halos ikatlong bahaging natira sa
populasyon na nangaiwan sa bayan ay sinasalakay ng mga mandaragbong at pirata. Sila’y
hindi makapagtanggol sapgkat wala silang mga sandata. Bakit nga naman gagawa pa ang mga
tao gayong iba lamang ang makikinabang? 5. Napabayaan ang pagsasaka dahil sa sapilitang
paggawa na ipinatutupad ng pamahalaan na hindi sapat ang ibinigay na sahod. 6. Naging
lubhang mapagsamantala ang mga enkomendero, pinilit ipagbili ang ani ng mga magsasaka sa
murang halaga 7. Ang simbahan ay nagturo ng pagwawalang bahala. Kapag may lumapit sa
kura na isang taong naapi, ito’y pinapayuhang umalis sa gawain sapagkat bahala na ang langit
sa mapagsamantala. Mahirap makapasok sa kaharian ng langit ang taong mayaman. 8.
Sinasarili ng gobernador ang lahat ng negosyo. Iniimbak ang mga kalakal na Pilipino. 9.
Kailangan ang panunuyo at pagreregalo sa mga tauhan ng gobyerno sa pagkuha ng anumang
permiso. 10. Walang dulot na pampasigla sa mga tao ang pamahalaan. Napigil ang pag-unlad
ng ndustriya dahil sa pinatamlay ng mga Kastila ang pakikipagkalakalan sa mga kalapit-bansa.
11. Maling sistema ng edukasyon, pinaasa ng simbahan sa mga himala, ginawa silang mga
makinang gumagalaw sa pamamagitan ng pagsasanay sa kanila na sumunod nang walang
pasubali. 12. Masamang halimbawa ng mga Kastila na pinarisan ng mga Pilipino, ang
palibutan sila ng mga utusan at iwasan ang pagpaparumi ng mga kamay sa paggawa at
pagbabanat ng buto.

Sa Mga Kababaihang Taga-Malolos


Isang liham ito ni Rizal sa mga kababaihang taga-Malolos na bumabati sa kanila sa
paninindigan nilang matuto. Ipinaalaala niya ang mga tungkuling dapat gampanan ng isang
mabuting asawa at ina ng tahanan.

Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon


Ito’y isang sanaysay na panghuhula sa maaaring maganap sa Pilipinas sa loob ng
sandaang tao. Ang bansa kaya ay manatiling sakop ng Espanya? Maging lalawigan kaya ng
Espanya ang Pilipinas? Maging bansang nagsasarili kaya ito? magiging kolonya kaya ito ng
ibang bansa?
Binibigyan-diin niya sa ikatlong bahagi ng sanaysay ang ganito: Kailangang magmula sa
itaas ang pagbabago upang maging kasiya-siya at mapayapa ngunit magiging marahas at
madugo kung ito’y magmumula sa masa”.

A La Juventud Filipina (Sa Kabataang Filipino)


Sinulat niya ito noong 1879 nang siya ay labingwalong taong gulang at nag-aaral sa UST.
Ang tulang ito ay nagtamo ng unang gantimpala sa isang timpalak panitikan.

El Consejo de los Dioses (Ang Kapulungan ng mga Bathala)


39

Ito’y isang dulang patalinghaga na sinulat niya noong 1880. Ang nasabing dula ay
patalinghagang pagpapahayag niya ng paghanga kay Cervantes.

Kundiman
Ito’y isang tulang nagpapahayag na ang bayang inapi ay ililigtas sa darating na panahon
dumanak man ang dugo.

MARCELO H. DEL PILAR


Si Marcelo H. del Pilar na itinuturing na “Predikador ng Masa” nakilala sa mga
sagisag na Plaridel, Dolores Manapat, Piping Dilat at Pupdoh ay isinilang na nayon ng Cupang,
San Nicolas, Bulacan, noong Agosto 1850. Nag-aaral siya sa Colegio de San Jose at nagtapos na
deretso sa Unibersidad ng Santo Tomas. Ang kanyang ama ay tatlong ulit na nagging
gobernadorsilyo ng Bulacan kaya kilala ang kanilang angkan. Si Marcelo H. del Pilar ay
mahusay sa eskrima at mahilig tumutog ng biyolin at plauta. Kinilala siyang pinakatanyag na
duplero sa Bulacan noong kanyang kapanahunan. Si Marciana del Pilar na isa niyang pinsan ang
nagging kapilas ng kanyang dibdib.
Itinatag niyang pahayagang “Diarong Tagalog” noong 1882 na pinaglathalaan niya at ng
kanyang mga kamanunulat ng mga karaingan ng mga naaapis at paghingi ng reporma sa
pamahalaang Kastila. Siya’y naglakbay sa Espanya noong 1888 upang maiwasan ang mga pag-
uusig sa kanya at upang makatulong sa mga propagandista.
Sa Espanya ay hinalinhan niya sa Graciano Lopez Jaena bilang patnugot ng pahayagang
“La Solidaridad”. Namatay siya sa Espanya sa sakit na tuberculosis.
Mga Akda

1. Caiigat cayo- libritong nagtatanggol sa Noli Me Tangere ni Rizal sa ginawang pagtuligsa


rito ni Padre Jose Rodriguez
2. Dasalan at Tocsohan- gumagagad sa mga nilalaman ng aklat dasalan sa paraang
mapanudyo
3. Ang Cadaquilaan nang Dios- isang sanaysay na tumutuligsa sa mga prayle at
nagpapakilala ng matibay na pananalig ni Marcelo H. del Pilar sa Diyos, sa kanyang
kadakilaan dahil sa mga biyayang dulot ng kalikasan na ipinagkaloob niya sa atin.
4. Sagot ng Espanya sa Hibik nang Pilipinas- tulang sagot sa tula ng kanyang dating gurong
si Hermigildo Flores na may pamagat na Hibik ng Pilipinas sa Inang Ispanya . binubuo ito
ng 82 taludtod, naglalayong humihingi ng mga pagbabago sa Espanya ngunit ipinahahayg na
walang ano mang tulong na maipagkaloob.
40

5. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa- salin ito sa Tagalog ng Amor Patrio ni Rizal na nalathala sa
Diarong Tagalog at Solidaridad
6. Ang Kalayaan- bahagi ng kabanata ng aklat na hinahangad niyang sulatin na sana’y
magiging huli niyang habilin ngunit hindi na niya natapos sapagkat siya’y sumakabilang
buhay na.

GRACIANO LOPEZ JAENA


Kumita ng unang liwanag sa Jaro, Iloilo noong ika-17 ng Disyembre, 1856, siya’y isa sa
mga kilalang manunulat mananalumpati sa “Gintong Panahon ng Panitikan at Pananalumpati” sa
Pilipinas. Ang dakilang orador ay nakagawa ng isandaang (100) talumpati. May malaki siyang
pagnanais na maging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas at hindi koloniya.
Umalis siya sa Pilipinas noong 1887 sa tulung ng kanyang mayamang tiyuhin si Don
Claudio Lopez upang makaiwas sa pag-uusig ng mga kaaway. Humantong siya sa Valencia na
pinakasentro ng kilusang Rpublicano ng mga kastila. Mula rito’y lumipat siya sa Barcelona.
Itinatag niya roon ang pahayagang “La Soliridad” na nagging opisyal na pahayagan ng
“Asociacion Hispano-Filipino”, isang samahang binubuo ng mga kastila at Pilipino na lumalakad
ng mga pagbabago at reporma sa Pilipinas.
Siya’y nanaindigan sa paghihiwalay ng simbahan at pamahalaan. Katulad nila Felipe
Calderon, Antonio Maria Regidor at Tomas G. del Rosario, kinatigan din niya ang walang bayad
na pag-aaral, mabuting pamamalakad ng edukasyon at pagtatag ng malaya at nagsasarilng
pamantaasan.
Sa pagkakahidwaang naganap kina Jose Rizal at Marcelo H. del Pilar ukol sa kung sino
ang mamumuuno sa “Asociacion Hispano-Filipino” sa Madrid, pinanigan ni Graciano Lopez
Jaena si Rizal. Ipinagbili niya kay Marcelo H. del Pilar ang “La Solidaridad” at bumalik na siya
sa Pilipinas upang manghingi ng abuloy para matustusan ang bago niyang pahayagang “El
Latigo Nacional” (Pambansang Latigo).
Nagkasakit siya ng tuberculosis dahil sa kakulangan sa pamamahinga at
masusustansiyang pagkain. Binawian siya ng buhay sa isang ospital na walang bayad sa
Barcelona noong Enero 20, 1896.

Mga Akda
1. Fray Botod- Isinulat ito noong 1876, anim na taon pagkatapos ng himagsikan sa Cavite.
Inihalintuda ang mga prayle sa mga payat na lamok na nang dumating sa Pilipias ay tumaba
sa kakain ng mga papaya’t saging. Ang akdang ito ay isang satire na tumuligsa sa moralidad,
kamangmangan, kayabangan at pagmamalabis ng mga prayle. Ang satire o mapagpatawang
Bisaya ay malaki ang tiyan o mapagpatawang kwentong tuligsa sa kasamaang laganap
noon sa simbahan.
2. El Bandolerismo en Filipinas- binigyan-diin sa akdang ito na ang mga bandido sa Pilipinas
sa panahong iyon ay ang mga prayle at ang mga taong nasa pamahalaan
3. La Hija del Fraile- isang akdang nang-uuyam sa masama at mahahalay na mga gawain ng
mga prayle.
4. Mga Kahirapan sa Pilipinas- tinutuligsa ang maling pamamalakad gayundin ang
edukasyon sa Pilipinas.
5. Sa mga Pilipino- isang talumpating ang layunin ay mapabuti ang kalagayan ng kanyang mga
kababayan.
41

Antonio Luna
Siya ay isang parmasiyutikong higit na kilala bilang heneral ng hukbo noong himagsikan
laban sa mga Amerikano. Siya’y kapatid ng tanyag na pintor na si Juan Luna. Gumamit siya ng
sagisag na Taga-ilog. Marami siyang naiambag na sinulat sa pahayagang “La Solidaridad”.
Ang kanyang kamatayan sa Cabanutuan ay kagagawan daw ng mga naging kawal niyang
hindi nakasunod sa mahigpit niyang disiplina kaya’t piñata siya nang pataksil. Ang hiwaga ng
kanyang kamatayan ay kailangang tuklasin pa hanggang sa ngayon ng mga manunulat ng
kasaysayan.

Mga Akda

1. Impressiones- Inilarawan dito ang labis na kahirapang dinaranas ng isang pamilyang naulila
sa ama na isang kawal. Gumamit siya ng sagisag na Taga-ilog sa akdang ito.
2. La Maestra de mi Pueblo- pinipintasan ang sistema ng edukasyon ng mga kababaihan
3. Noche Buena- paglalarawan ng aktwal na buhay na mga Pilipino
4. La Tertulia Pilipinas- (Ang Piging na Pilipino)- isinasaad nito na higit na mabuti ang mga
kaugaliang Pilipino kaysa Kastila.
5. Todo Por El Estomago- tinutuligsa nito ang mga patakaran sa pagbubuwis ng pamahalaan
Kastila.

Mariano Ponce
Si Mariano Ponce na tubong Baliwag, Bulacan ay isang matibay na haligi ng Kilusang
Propaganda. Gumamit siya ng mga sagisag na Tikbalang, Kalipulako at Naning. Binigyang-
diin niya sa kanyang mga sanaysay ang kahalagahan ng edukasyon; ipinagtanggol niya ang mga
Pilipino sa paghamak ng mga Kastila at inilahad niya ang mga hinaing ng bayan.

Mga Akda
1. Ang Pagpugot kay Longhino- ang dulang ito ay itinanghal sa liwasan ng Malolos,
Bulacan.
2. Ang Alamat ng Bulacan- ito’y katipunan ng mga alamat ng lalawigang kanyang
sinilingan.
3. The Literature of the Propaganda Movement- Ang Panitikan ng Kilusang Propaganda
4. Ang mga Pilipino sa Indo Tsina

Pascual Poblete
Naging kasamahan siya ni Marcelo H. del Pilar sa pahayagang “Diarong tagalong”.
Itinatag at pinamatnugutan niya ang pahayagang “El Resumen” nang sila ni Marcelo H. del Pilar
ay maghiwalay na sa pagsusulat sa Diarong Tagalog. Mapanuligsa ang kanyang panulat na
naging dahilan sa pagpapatapon sa kanya sa Africa noong 1882 at panahon na ng mga
Amerikano nang makabalik siya sa Pilipinas. Itinatag niya ang pahayagang El Grito del Pueblo
na may pangalang Tagalog na Ang Tinig ng Bayan. Siya’y tinaguriang Ama ng Pahayagan. Siya
ang kauna-unahang nagsalin ng Tagalog ng Noli Me Tangere ni Jose P. Rizal.

Jose Ma. Panganiban


42

Gumamit ng sagisag na Jomapa, si Jose Maria Panganiban ay nag-ambag ng mga


sanaysay at lathalain sa pahayagan ng propaganda. Siya’y tubong Camarines Sur. Katulong siya
ni Marcelo H. del Pilar sa pahayagang La Solidaridad . Siya’y magaling na mamahayag at
mananalumpati. Humanga maging si Rizal sa pagkakaroon niya ng Memoria Fotografica

Pedro Paterno
Isang tunay na manunulat, makata, nobelista at dramaturgo, si Pedro Paterno ay isang
masigasig na tagapagpalaganap ng damdaming makabayan at pagbabagong-isip ng mga Pilipino.
Mga paksang panrelihiyon at panlipunan ang mga tinalakay niya sa kanyang mga akda. kauna-
unahan siyang manunulat na nakalaya sa sensura sa panitikan sa panahon ng mga Kastila.
Mga Akda
1. Ninay- nobelang nagpatanyag kay Pedro Paterno at sinasabing kauna-unahang nobelang
panlipunan sa Kastila na sinulat ng isang Pilipino.
2. El Cristianismo y La Antigua Civilization Tagala- sinulat niya noong 1892,
naglalaman ng isang pag-aaral sa bisa ng Kristiyanismo.
3. A Mi Madre ( Sa Aking Ina)- ipinahahayag niya ito ang kanyang pangungulila kung
wala ang kanyang ina.
4. Sampaguita y Poesias Varias
5. La Civilazation Tagala
6. El Alma Filipino
7. Los Itas

Isabelo delos Reyes


Siya ay napabilang sa tatlong panahon ng Panitikang Pilipino: Panahon ng Propaganda,
Panahon ng Himagsikan at Panahon ng Amerikano. Siya’y isang manananggol, manunulat,
mamamahayag at lider manggagawa. Itinatag niya ang Iglesia Filipina Independiente.

Pedro Serrano Laktaw


Itinatag niya ang LohiyangNilad na kaugnay ng Kilusang Propaganda na may layuning
magkaroon ng mga sumusunod: Pilipinong kinatawan sa Korte ng Espanya, demokratikong
pamunuan, kalayaan at karapatan ng bawat tao, magkaroon ng mga pagbabago at reporma at
maging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas. Isa siya sa mga pangunahing mason na kasamang
umuwi sa pIlipinas ni Antonio Luna na may layuning bumuo ng Masonarya.
43

Gawin 4
1. Paano pinaghahambing ni Rizal ang Bapor Tabo at ang Pamahalaan?
2. Anong matatayog na kaisipan hinggil sa pagmamahal sa bayan ang inalalahad ni Rizal sa
kanyang tulang “Huling Pahimakas”?
3. Ibigay ang mga sakit panlipunang tinatalakay sa Noli at Fili ang nananatili pa hanggang
sa kasalukuyan? Paano ito malulunasan?
4. An0-anong mga pangyayari ang nagbunsod ng pagkagsing ng damdaming makabayan ng
mga Pilipino noong panahon ng Kastila?
5. Ano kaya ang layunin ni Rizal sa paglalahad ng mga kadahilanang nabanggit? alin sa
mga sanhi ang katamaran na tinalakay ni Rizal ang nananatili sa kasalukuyang panahon?
Paano ito mababago uoang hindi magkakaroon ng negatibong epekto sa pag-uugali ng
mga Pilipino?
6. Bakit inihambing ni Graciano Lopez Jaena ang mga prayle sa lamok?

You might also like