Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Malamasusing Banghay Aralin sa

Pagtuturo ng Araling Panlipunan IV

I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natatalakay ang kahalagahan ng pambansang pamahalaan;


b. Natutukoy ang iba’t – ibang sangay ng pamahalaan at mga gawain nito;
c. Natutukoy ang mga sagisag sa bawat sanagay ng pamahalaan, at
d. Nasusuri ang mga paglilingkod ng pamahalaan sa pagtugon sa mga
pangangailangan ng bawat mamamayan.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Ang Pambansang Pamahalaan
B. Sanggunian: Bayanihan: Araling Panlipunan 4, Yunit 3: Ang Pamamahala sa Aking Bansa
pahina 203 - 211
C. Kagamitan: Powerpoint, mga larawan, telebisyon

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
Pagbati sa mga mag-aaral

B. Panlinang na Gawain

a. Pagganyak: Maikling Kwento


Ang Guro ay magkukwento ng mailkling kwento na may pamagat na “Si Miguel
ang
Magtatanong ang guro tungkol sa kwento habang nagbabasa.

b. Pagtalakay
1. Ang Guro ay magtatanong kung may ideya sila sa pamahalaan at kung
anong uri ng pamahalaan mayroon ang Pilipinas.
1.1. Pamahalaan – isang organisasyon na nangangasiwa sa isang
teritoryo.
1.2. Pamahalaang Demokratika – pamahalaan ng mga mamamayan.
Ang salitang demokrasya ay nagmula sa salitang Griyego na
“demos” na ang ibig sabihin ay “tao” at “kratos” na may ibig sabihin
na “pamahalaan”. Tinatawag itong Pamahalaan ng Bayan.
1.3. Tatlong Sangay ng Pamahalaan – Sangay ng Tagapagpaganap o
Ehekutibo, Sangay ng Tagapagbatas o Lehislatibo at Sangay
Panghukuman o Hudisyal
1.3.1. Sangay ng Tagapagpaganap o Ehekutibo –
Executive Branch sa Ingles. Nagpapatupad ng
mga batas at nagpapanukala ng mga serbisyong
pampubliko. Pinangungunahan ng Pangulo,
Pangalawang Pangulo at mga gabinete ng
pangulo.
1.3.2. Sangay ng Tagapagbatas o Lehislatibo –
Legislative Branch sa Ingles. Gumagawa at
nagpapatibay ng mga batas na ipinapatupad sa
buong bansa. Binubuo ng Kongreso at Senado.
Ang batas ay naaayon sa Salitang Batas o
Konstitusyon.
1.3.3. Sangay Panghukuman o Hudisyal o
Hudikatura – Judicial Branch sa Ingles. Lumilitis
sa mga kaso ng paglabag sa batas. Sila ang
namamahala sa hustisya. Binubuo ng kataas-
taasang hukuman o Korte Suprema na
pinamumunuan ng punong ministrado.
Ombudsman ang naglilitis sa mga tiwaling pinuno
ng pamahalaan.
1.4. Checks and Balances at Separation of Powers – May kanya-
kanyang paraan ng pag tatrabaho na nakasaad sa doctrine of
separation of powers.
1.4.1. Checks and Balances – Walang sangay ng
pamahalaan ang mataas sa isa o sa iba.
• Ang mga kinatawan at senador ay may
kapangyarihang alisin ang umaabusong pangulo
sa pamamagitan ng impeachment. Ihahain ito sa
mababang kapulungan at dinadala sa senado
upang litisin.
• Ang mga batas na ginagawa ng lehislatibo ay
maaaring aprubahan o salungatin gamit ang
kapangyarihang veto.
• Kailangan siguraduhin ng Korte Suprema na ang
ginawang batas ng lehislatura at pinatupad ng
ehekutibo ay naaayon sa saligang batas o
konstitusyon.
• Upang maiwasan ang pang-aabuso ng
kapangyarihan.
• Pantay na kapangyarihan upang makabuti at
mapaunlad ang buong bansa.

c. Paglalahat
Bakit mahalaga ang pambansang pamahalaan?
Anu-ano ang tatlong sangay ng pamahalaan?
Magkakaroon ng proyekto ang DepEd para sa mga batang katutubo, anong
sanagay ng pamahalaan ang may kapangyarihan na mapaganap nito?

d. Paglalapat
Hahatiin ang klase sa apat na grupo at sila ay gagawa ng graphic organizer tungkol
sa Pambansang Pamahalaan mga sangay nito at mga trabaho nito.
Iiskoran ito gamit ang rubriks.

IV. Pagtataya
Ang guro ay magbibigay ng sampung depinisyon, upang mahanap nila ang sagot ay
kailangan nilang ayusin ang jumbled letters.

V. Takdang Aralin: Paggawa ng Slogan


Gumawa ng slogan tungkol sa kahalagahan ng pambansang pamahalaan sa ating
mga Pilipino.

You might also like