Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ANACTA, Euriel Venice P.

9 – SME

Gawaing Pagganap Blg. 4


ICONmmunicate: Ito ang samahan na nakatuon sa pagbibigay tulong sa mga tindero at tindera
sa pamamagitan ng pagtatalakay sa iba’t ibang mga suhestiyon upang sila ay maging rehistrado
sa pagbebenta ng mga produkto at serbisyo. Sa madaling salita, ginagamit ng samahan na ito ang
kanilang boses upang matulungan ang mga nagnanais na maging tindero at tindera.
1. Pakikinig ang Puhunan- Ito ay isang programa kung saan tinuturo ng samahan ang mga
dapat gawin ng isang tindero o tindera. Dito ay magsasagawa ng mga pagpupulong na
tumatalakay sa mga mahahalagang bagay na dapat nilang matutunan. Ilan sa mga
halimbawa nito ay ang pakikisalamuha sa mga tao, pagiging maalam sa usapin ng
Matematika, at ang mga potensyal na produkto at serbisyo na maaari nilang mailingkod
sa kanilang madla. Sa madaling salita, ang programang ito ay nagbibigay ng tulong sa
mga nagnanais magbenta ng mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng paglalahad ng
mga suhestiyon at impormasyon ukol sa pagiging isang mabuting tindero o tindera. Sa
pamamaraang ito, layon nitong makapagpalabas ng mabubuti at responsableng mga
tindero at tindera tungo sa pagiging rehistrado ng mga ito, kung kaya’t ang kanilang
pakikinig sa mga pagpupulong sa programang ito ay nagsisilbing puhunan nila tungo sa
matagumpay na negosyo o pagbebenta ng mga produkto at serbisyo.

2. Pagsasanay sa Maabilidad na Paglalahad ng mga Produkto at Serbisyo- Ang


programang ito ay nagbibigay ng “proper training” sa mga nagnanais maging tindero at
tindera. Tuturuan sila ng tamang pag-uugali sa pagtitinda at ipinababatid sa kanila ang
mga batas na kinakailangan nilang sundin. Sa pamamagitan nito, makabubuo ang bawat
isa ng matagumpay na transaksyon sa mga mamimili nito sapagkat aktuwal na silang
sinanay bilang maalam at responsableng mga tindero at tindera. Sa pamamaraang ito ay
makakamit na natin ang mas pinabuting ekonomiya dito sa Pilipinas, marahil malalagyan
na ng tuldok ang mga maling gawain sa pamilihan.

You might also like