Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

uhay sa Dapitan, Mindanao sa Loob ng Apat na Taon Sa araling ito ay iyong mauunawaan ang naging

buhay ni Dr. Rizal sa Dapitan sa kaniyang pagkakatapon sa nasabing lugar. Bibigyang-pansin din ang
kahalagahan ng kaniyang mga ginawa sa Dapitan. Ang Dapitan ay isang liblib na bayan na matatagpuan
sa Kamindanawan. Bahagi ito ngayon ng lalawigan ng Zamboanga del Norte at mayaman sa kasaysayan.
Natuklasan ng mga Kastila ang Dapitan noong 1629 sa pamumuno ng isang misyonerong Heswita na si
Fray Pedro Guitierrez. Sa bisa ng Batas Republika Blg. 3811, naging lungsod ang bayan ng Dapitan sa
panahon ng administrasyon ni Pangulong Diosdado Macapagal noong Mayo 12, 1963. Makasaysayan ang
lungsod ng Dapitan sapagkat dito namalagi si Dr. Rizal mula noong Hulyo 17, 1892 hanggang Hulyo 31,
1896. Inyong matutunghayan sa kabuuan ng araling ito ang naging buhay ng ating bayani na si Dr. Rizal
sa kaniyang pananatili sa lugar na ito. Hulyo 17, 1892 – nang gabi na ang oras ay dumating si Dr. Rizal sa
Dapitan lulan ng barkong Cebu. Siya ay nakatakdang manuluyan sa loob ng kumbento kapalit ng ilang
mga kondisyon na iniuutos na gawin sa kanya. Sa halip, siya ay tumuloy sa tahanan ni Cap. Ricardo
Carcinero, pinuno ng pulitiko-militar ng Dapitan. Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan
na: 1. Nailarawan ang naging buhay ni Dr. Rizal sa bayan ng Dapitan; 2. Natutukoy ang mga gawaing
pinasimulan ni Dr. Rizal sa kanyang pananatili sa Dapitan; 3. Naiuugnay sa kasalukuyang panahon ang
mga makabuluhang ambag na iniwan ni Dr. Rizal mula sa kanyang mga pagkakatuklas (discoveries) sa
Dapitan. 4. Napapahalagahan ang pagiging huwaran ni Dr. Rizal sa kanyang pagpapasiyang gawing
produktibo ang bawat araw na inilagi niya bilang isang deportado sa Dapitan. Museo ni Jose Rizal,
Dapitan – NHCP Downloaded by haha lol (lolh87168@gmail.com) lOMoARcPSD|40411941 BULACAN
STATE UNIVERSITY Ang mga kondisyong ipinagagawa kay Rizal ay nakasaad sa isang liham na
ipinadala ni Fray Pablo Pastells, superior ng ordeng Heswita noong panahon na iyon para kay Fray
Antonio Obach, ang misyonero sa Dapitan. Ito ang mga ss: Mapayapa naman ang naging buhay ni Dr.
Rizal sa kaniyang pananatili sa Dapitan. Nagtayo siya ng sariling bahay at tinawag itong Talisay. Sa
kabila ng mapayapang buhay ay hindi pa rin siya tinigilan ng mga kaaway sa pamamagitan ng
pagpapadala ng isang bayarang mamamatay-tao at maniniktik na nagpanggap na kaniyang pinsan upang
bantayan ang bawat kilos nya. Sa huli, hindi ito nagtagumpay dahil natuklasan niyang isa palang impostor
ang di umanong nagpakilala na pinsan niya. Sa Dapitan din niya naisulat ang tula na Mi Retiro na
patungkol sa kaniyang buhay bilang bilanggo sa Dapitan na kaniyang iniaalay sa kaniyang
pinakamamahal na ina. Nilikha niya rin ang isang awitin na may pamagat na Himno Al Talisai, awiting
alay niya sa mga taumbayan ng Talisay, Zamboanga del Norte. Dito niya naisakatuparan ang kaniyang
hiling na makapagtayo ng isang paaralan. Nagtayo siya ng isang munting bahay na magsisilbing silid-
aralan. Ang pagpapatayo niya ng maliit na eskwelahan sa Dapitan ay ayon sa kanilang napag-usapan ni
Blumentritt sa liham. Sa Dapitan niya lalo napaunlad ang kaniyang kaalaman sa iba’t ibang disiplina tulad
ng panggagamot, pag-aaral, gawaing kalakal, pagsasaka at iba pa. Natuklasan niya rin ang ibang species
ng hayop na kalauna’y ipinangalan din sa kaniya: ang Draco rizali (butiking lumilipad), Apogonia rizali
(maliit na uwang), at ang Rhacophorus rizali (isang ‘di pangkaraniwang palaka). Sa aspeto ng pag-ibig, sa
Dapitan niya nakilala ang isang babaeng dumating sa kaniyang buhay na ang ngala’y Josephine Bracken.
Sila ay nagsama bilang mag-asawa at nabiyayaan ng isang anak na lalaki na agad din namang pumanaw
ilang oras matapos itong ipanganak. Naging katulong niya si Josephine sa pagtuturo sa mga bata sa
paaralang kaniyang itinayo at maging sa panggagamot. Pinunan ni Dr. Rizal ng pagmamahal ang asawa
nyang ito dahil alam niyang ulilang lubos na si Josephine. Sinamantala na rin ni Dr. Rizal ang
pagkakataong makapagbukas na rin ng isang klinika na tutulong para sa lahat ng mga taga Dapitan na
nangangailangan ng atensyong medikal. Dahil dito, dumating sa Dapitan ang kaniyang kapatid na si
Maria at ang kanyang ina noong Agosto 1893. Isinagawa ni Dr. Rizal ang pangatlong pagtitistis niya sa
mata ng kaniyang ina na naging matagumpay naman, nguni’t nagkaroon 1. Pagsisisihan ni Dr. Rizal ang
lahat ng kanyang ginawa at sinabi laban sa relihiyong Katoliko at magpahayag siya na magiging tapat sa
pagsunod sa lahat ng kautusan ng pamahalaang España; 2. Siya ay gagawa ng santo ejercicio at confesion
general sa kaniyang dinaanang buhay; at 3. Maging ulirang mamamayan sa simbahang Katoliko at
Espanya. Downloaded by haha lol (lolh87168@gmail.com) lOMoARcPSD|40411941 BULACAN
STATE UNIVERSITY ng implikasyon nang alisin ang bendang nakatakip sa mata nito, isang bagay na
hindi nalalaman ni Dr. Rizal. Bukod pa rito, sinimulan din ni Dr. Rizal ang pagsasagawa ng maayos na
sistema ng patubig sa Dapitan. Nais niyang ang mga taga-Dapitan ay makagamit ng malinis na tubig na
magmumula sa bundok, kaya sinimulan niya ang paggawa ng patubig sa pamamagitan ng paggamit ng
mga kawayan. Hindi lamang pansariling kapakanan ang inisip ni Dr. Rizal sa kaniyang pagkakabilanggo
sa Dapitan, binigyang halaga niya rin ang kapakanan ng mga mamamayan sa nasabing lugar sa
pamamagitan ng kaniyang mga pinasimulang gawain sa bayan. Ipinakita rin ni Dr. Rizal ang kaniyang
kaalaman pagdating sa negosyo. Maging sa aspetong pinansyal ay mayroon syang kaalaman kung
papaano gugugulin ang perang mayroon siya. Ang kasanayan sa pag-imbento ng isang makinang kahoy
ang isang paraan upang siya ay magkapera, ang makinang kahoy na ito ay kayang lumikha ng 6,000
piraso ng tisa sa isang araw. Si Ramon Carreon na isang negosyanteng taga-Dapitan ang kaniyang naging
kasosyo. Sa kabuoan, apat na taon nanatili si Dr. Rizal sa bayan ng Dapitan

You might also like