Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

1. Buong Pangalan ni Jose Rizal: Dr.

Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso


Realonda (Hunyo 19, 1861 – Disyembre 30, 1896)
2. “Jose” – Patron Saint Joseph/San Jose
3. “Protacio” – Patron Saint sa Kalendaryo, San Protacio
4. “Rizal/Recial” – Luntiang Bukirin
5. “Mercado” – Apelyido ng ama, “Pamilihan”
6. “y” – at
7. “Alonso” – Apelyido ng kanyag ina
8. “Realonda” – pangalan ng kanyang ina
9. Sinimulan niya ang Noli sa Madrid, tapos ay sa Paris, at itinapos niya ang
Noli Me Tangere sa Alemanya/Berlin
10. Pluma
a) nangaling sa salitang Espanyol na ang ibig sabihin ay panulat.
b) karaniwang may balahibo ng ibon at isinawsawsaw sa tinta bago
gamiting panulat
11. Inspirasyon ng Noli – Uncle Tom’s Cabin
12. Maximo Viola – tumulong kay Dr. Jose Rizal sa pinansiyal na aspeto
upang makapagpalimbag ng 2,000 sipi ng Noli.
13. Mga Karakter ng Noli Me Tangere
a) Don Crisostomo Ibarra y Magsalin – Binatang nag-aralsa Europa na
nangarap na makapagtayo ng paaral upang matiyak ang magandang
kainabukasan ng kabataan ng San Diego.
b) Maria Clara delos Santos – kasintahan ni Crisostomo Ibarra na
kumakatawan ng isang uri ng Pilipinang lumaki sa kumbento at
nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa doktrina ng relihiyon.
c) Elias – Siya ang piloto/bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra
para makilala ang kanyang bayan at gayundin ang mga suliranin nito.
d) Padre Damaso – isang kurang Pransiskano na dating kura ng San Diego
at siya ring nagpahukay at nagpalipat ng bangkay ni Don Rafael Ibarra sa
libingan ng mga Intsik.
e) Padre Salvi – Isa sa mga makapangyarihan kasama ng Alperes.
Pransiskanong tahimik at batang Pransiskano na pumalit kay Padre
Damaso sa San Diego
f) Padre Hernando Sibyla – Isang paring Dominikano na lihim na
sumusubaybay sa bawat kilos ni Crisostomo Ibarra.
g) Kapitan Tiago – isang mamamayang mangangalakal na taga-Binondo na
asawa ni Pia Alba at ama ni Maria Clara
h) Kapitan Tinong – Siya ang nagyaya kay C. Ibarra na mananghalian at
siya rin ang nagpaliwanag tungkol sa kamatayan ng ama ni Crisostomo
Ibarra.
i) Pilosopo Tasyo – Iskolar na nagsisilbing tagapayo ng marurunong na mga
mamamayan sa San Diego.
j) Don Filipo Lino – isang tenyente mayor na kaibigan ni Pilosopo Tasyo at
asawa ni Donya Teodora Vina.
k) Basilio (10 years old) – Nakatatandang anak ni Sisa na isang sakristan at
tagatugtog ng kampana sa kumbento.
l) Crispin – Bunsong kapatid ni Basilio na isa ring sakristan at kasama ring
tumutugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.
m)Pedro – Nakipag-usap kay Ibarra upang humingi ng tulong sa
paghahanap sa kanyang mga anak.
n) Sisa – ang mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin na may asawang
pabaya at malupit.
o) Alperes – puno ng mga guwardia sibil at siya rin mahigpit na kaagaw ng
kura sa kapangyarihan ng San Diego.
p) Donya Consolacion – Asawa ay ang Alperes
q) Pia Alba – Asawa ni Kapitan Tiago
r) Tenyente Guevarra – sumisimbolo ng mabubuting mga Kastila.
s) Don Saturnino Ibarra – ang nakitang nakabitin sa puno ng San Diego
t) Kapitan Basilio – Ama ni sinang at ang unang naghain ng plano sa
pangkat ng Conserbador
u) Donya Victorina de Espadana – babaeng puno ng kolorete sa mukha dahil
sa kanyang pagpapanggap bilang isa mestisang Espanyol. Asawa ay si
Don Tiburcio.
v) Don Tiburcio de Espadana – Pilay at Bungal na Kastila, sagisag ng taong
walang panininindigan at prinsipyo.
w) Artilyero – Ang tagapaggawa ng mga baril
x) Sinang – Madaldal at anak ni Kapitan Basilio
y) Victoria – Tahimik at kasintahan ni Albino
z) Iday – Magandang dalaga na tumutugtog ng alpa.
aa) Neneng – Mahinhin ngunit palaisip
ab) Albino – Ang dating seminaristang nakasama sa piknik sa lawa.
ac) Leon – Kasintahan ni Iday na nakapansing may buwaya sa baklad
14. Noli Me Tangere Kabanata 1-24
a) 1 – Isang Salusalo
▪ Ang handaan ay naganap sa bahay ni Kapitan Tiago. At, nakipagaway
si Padre Damaso kay Tenyente Guevarra habang namagitan si Padre
Sibyla.
b) 2 – Si Crisostomo Ibarra
▪ Kaakbay ni Kapitan Tiago si Crisostomo Ibarra at pinakilala ni
Kapitan Tiago si Ibarra sa mga matataas na tao. Noong pumunta siya
kay Padre Damaso, sinabi niya na hindi siya malia pero hindi daw niya
kaibigan ang kanyang ama. Napaharap siya sa Tenyente at sinabi ni
Kapitan Tinong na matalik niyang kaibigan ang kanyang ama. Noong
lumapit si Kapitan Tinong, atalik na Kaibigan ng kanyang ama at
nagrequest siya na mananghalian bukas pero tumanggi si Ibarra.
c) 3 – Ang Hapunan
▪ Nag-agawan sina Padre Sibyla at Padre Damaso sa isang
kabisera/upuan. Naghain si Kapitan Tiago ng tinolang manok.
Napatapat sa pinggan ni Padre Damaso ang mangkok na may lamang
leeg at isang pakpak, Humigop lang siya ng sabaw at isinulong ang
pinggan. Si Padre Damaso ay galit dahil sa naging epekto ng pagaaral
ni C. Ibarra sa Europa. Nagiging “mapagmataas” daw si C. Ibarra sabi
ni Padre Damasa.
d) 4 – Erehe at Supersibo
▪ Isinalaysay ni Tenyente Guevarra and totoong nangyari sa likod ng
pagkamatay ni Don Rafael Ibarra.
▪ Pinagbintangan si Don Rafael, ama ni Ibarra, na pumatay sa isang
malupit at mangmang na artilyero na naniningil ng buwis ng mga
sasakyan, na hindi naman totoo. Anya, may isang grupo ng bata na
naglalaro na sinigawan ng Artilyero. At sa inis nya sa mga bata ay
pinukol nito ng kanyang tungkod ang mga paslit. Isa sa mga ito ang
natumba at pinagsisipa ng artilyero. Napatiyempong napadaan si Don
Rafael at kinagalitan ang artilyero sa ginawa. Lalo ito nagpuyos ng
galit at walang nagawa ang Don kundi ipagtanggol ang sarili. Sa hindi
malamang dahilan, biglang nagpasuray-suray ang artilyero at nabuwal.
Tumama ang ulo nito sa tipak ng bato. Nagsuka ito at hindi na muli
nagkamalay hanggang sa namatay ito. At ganun nakulong si Don R.
Ibarra. Siya ay nagdurusa sa kulungan niya, at nung ipapakawala na
siya sa prisinto ay namatay siya sa kanyang bilangguan.
e) 5 – Bituin sa Karimlan
▪ Pumasok sa Fonde De Lala at naupo sa silya tapos tumitig sa labas ng
bintana. Naririnig niya ang pagbigkas ng pangalan niya sa panaghoy
ng kanyang ama.
f) 6 – Si Kapitan Tiago
▪ May anim na taon nang nagsasama sina Kapitan Tiago at Pia Alba
subalit di pa rin sila binibiyayaan ng anak kaya sila ay pinayuhan ni
Padre Damaso na magsayaw sa Obando
g) 7 – Suyuan sa Asotea
▪ Sa balkonahe ng tahanan ni Kapitan Tiago, nag-usap ang
magkasintahang nagkalayo sa loob ng pitong taon at binalik ang
kanilang matamis na alalaa at wagas na sumpaan bago sila
maghiwalay.
h) 8 – Mga Alaala
▪ Habang si Ibarra ay sakay sa karuwahe, higit na umagaw ng atensyon
ang mga nakahanay na mga bilanggong nakatanikala na nagpapatag ng
daan
i) 9 – Iba’t Ibang Pangyayari
▪ Balisang nagpalakad-lakad si Kapitan Tiago nang makaalis si Padre
Damaso at kaniyang pinagpapatay ang mga may sinding kandila at
lampara.
j) 10 – And San Diego
▪ Isang bangkay ng matandang Kastila ang natagpuang nakabitin sa
isang puno ng balete sa isang gubat sa bayan ng San Diego.
k) 11 – Ang Mga Makapangyarihan
▪ Pinakilala ang dalawang pinakamakapangyarihan sa bayan ng San
Deigo si Padre Salvi na hindi namamalo ngunit pagmumulta ang
pinapataw na parusa at ang Alperes na pinuno ng mga kinakatakutang
guardia civil.
l) 12 – Todos Los Santos
▪ Nag-uusap ang dalawang lalaki at ang paksa ay ang pagpapahukay sa
isang bangkay na dalawampung araw pa lamang naililibing.
m)13 – Hudyat Ng Unos
▪ Ipinagtapat ng tagapaglibing o sepulturero kay Ibarra na ang bangkay
ng ama ng huli ay ipinalipat ng matandang pari sa libingan ng mga
Intsik.
n) 14 – Si Pilosopo Tasyo
▪ Nagpakasal sa nobya at nabiyudo ng maaga. Namatay din ang
kanyang Ina.Napabayaan niya ang ari-arian dahil sa pagkalulong sa
pagbabasa. “Ang isipang nananalig sa purgatoryo ay Mabuti, banal, at
makatwiran. Dahil sa purgatoryo ay hindi nalalagot ang pagkakaugnay
ng mga buhay sa patay.” Hindi pinaniniwalaan ni Pilosopo Tasyo ang
purgatoryo ngunit mabuti ngang paniwalaan ito ng mga tao upang
mabuhay silang malinis at may takot.
o) 15 – Ang Dalawang Sakristan
▪ Nag-uusap ang magkapatid na si Basilio at Crispin at wika ng
nakababatang kapatid na “Mabuti pa ngang ninakaw ko na iyon. Ang
sabi ng kura ay papatayin niya ako sa palo kapag hindi ko nailabas ang
ginto. Kung talagang ninakaw ko iyon ay maiilabas ko.”
Pinagbintangan ang batang si Crispin na nagnakaw ng dalawang
onsang ginto ni Padre Salvi. Pinagbintangang magnanakaw ng
Sakristan Mayor pati ng kura sa dahil maraming bisyo ang kanilang
tatay. Dahil sa maling tugtog ng kampana, pinagmulta ng kalahati si
Basilio at naiwan sa kumbento si Crispin hangga’t hindi daw nito
inilalabas ang ninakaw na dalawang onsa. Si Basilio ay makakauwe
lamang ng 10:00PM. Malakas na tinampal at kinaladkad ng Sakristan
Mayor si Crispin, naiwang tulala si Basilio dinig na dinig niya ang
ingay na likha ng pagkaladkad sa kapatid niya. Nagpadausdos sa lubid
ng kampana si Basilio upang makatakas
p) 16 – Si Sisa
▪ Diyos ang tingin niya sa Asawa at anghel naman ang dalawa niyang
anak. Kahit sinasaktan siya ng asawa dahil sa labis na pag-ibig ay
hindi niya ito maiwan. Si Narcisa o Sisa ay maganda, mapungay and
mata, mahaba ang pilik. Katamtaman ang hugis ng ilong, maputla
ngunit kaakit-akit ang labi nito. Naghanda si Sisa ng hapunang
pangkura para sa mga anak subalit dumating ang asawa nitong si
Pedro at inubos ang lahat ng pagkaing kaniyang inihanda. Nagsaing
siya at nag-ihaw ng tatlong tuyong tawilis para sa pagdating ng mga
anak. Kamatis ang paborito ni Crispin samantalang Tapa ng baboy-
ramo at hita ng patong-bundok ang kay Basilio
q) 17 – Si Basilio
▪ Dumating sa kanilang tahanan si Basilio, may dugo sa kanyang noo
dahil nadaplisan siya ng baril ng mga guardia civil. Isinalaysay ni
Basilio ang nangyari sa kanila sa kumbento at sinabi niyang naiwan si
Crispin sa kumbento. Pinipilit ipikit ni Basilio nag mga mata ngunit
para pa rin niyang nakikita ang kapatid na naiwan sa kumbento.
Nananginip siya ng masama na sinaktan daw ng Sakristan Mayor at
Kura si Crispin. Gustong umalis sa pagsasakristan ni Basilio at
mamasukan bilang pastol ng baka at kalabaw kay Crisostomo Ibarra.
r) 18 – Nagdurusang Kaluluwa
▪ Dahil sa labis na pag-aalala sa bunsong anak na si Crispin, nagtungo si
Sisa sa kumbento bitbit ang mga gulay at dekorasyong bulaklak para
sa kura, buo ang pag-asang makikitang nasa maayos na kalagayan ang
anak. Pinalayas siya ng kusinero at sinabing may sakit ang pari kaya
huwag siyang magpalahaw sa kumbento.Walang nagawa si Sisa kundi
ang humagulgol nang malamang wala si Crispin sa kumbento. Labis
ang pagkabagabag at pagdurusang naramdaman ni Sisa
s) 19 – Mga Karanasan ng Isang Guro
▪ Si Ibarra at ang Binatang guro na mukhang mapagpakumbaba at
malulungkutin ay nakamasid sa lawa kung saan itinapon ang bangkay
ni Don Rafael Ibarra. Isa ang guro sa anim na taong nakipaglibing kay
Don Rafael Ibarra.
▪ Isinalaysay ng guro na malaki ang utang na loob niya ay Don Rafael
sapagkat kinaibigan siya nito ay ikinuha ng bahay at binigyan ng lahat
ng kailangan niya para sa ikauunlad ng pagtuturo.
▪ Kinagawian nila ang magpunta sa eskwela at magbigay ng kaunting
pera sa mahihirap ngunit matitiyagang mga bata.
▪ Ibig maging inspirasyon ni Ibarra ang kanyang ama na
pinagkakautangan niya ng kanyang pagkatao.
▪ Kaya gusto niyang malaman ang suliranin sa pagtuturo.
▪ Ayon sa guro“imposibleng magkaroon ng edukasyon kung walang
malakas na impluwensya.” Kailangan ng isang paaralan sa isang lugar
na mapagtuturuan sapagkat ang eskwelahan ay nasa silong ng
kumbento at katabi ng karwahe ng kura.
▪ Palagi silang sinisigawan at minumura ng kura kapag ito ay naiistorbo
sa pagbabasa nang malakas ng mga bata.
▪ Gayunpaman, kaagad natuto ng wikang Kastila ang mga bata ngunit
nilait sila ni Padre Damaso sapagkat ayon sa prayle, and wikang
Kastila ay hindi nababagay sa mga mangmang.
▪ Inutusan ni Padre Damaso ang guro na gumamit ng pamalo sapagkat
mabisa daw ito sa pagtuturo.
▪ Sinabi ni Padre Damaso“Sa pamamagitan ng dugo’y pumapasok ang
titik”Ibig ipakahulugan nasa pamamagitan ng pamalo o parusa ay
natututo o pumapasok sa ulo ng mga bata ang pinag-aaralan.
▪ Pinakita rin sa kabantang ito ang marahas na kaparusahan na binibigay
sa bawat kamalian ng mga bata.
▪ Dahil labag sa kalooban ng guro ang kanyang ginagawa, siya ay
nagkasakit at nang bumalik sa pagtuturo, iilan na lamang ang mga
batang pumapasok at napalitan na ang prayle.
▪ Dahil sa mga narinig ni Ibarra, nangako siya na ipapaalam niya sa
pulong sa tribunal na kanyang dadaluhan sa paanyaya ng tenyente
mayor upang mapag-usapan ang mga maaaring maging solusyon sa
mga suliraning kinakaharap ng guro.
t) 20 – Pulong ng Bayan
▪ Tribunal - lupon ng pinuno ng isang munisipyo. Dito rin ginaganap
ang pagpupulong ng mga may kapangyarihan sa bayan.
▪ Nagsimula ang pagpupulong ng dumating si Ibarra kasama ang guro.
Sa malaking bulwagan ay may dalawang pangkat:
• Ang CONSERVADOR o pangkat ng matatanda
• LIBERAL o pangkat ng mga kabataan na pinamumunuan ni Don
Felipo
• Si Kapitan Basilio ang unang naghain ng plano mula sa grupo ng
Conservador.
• Siya ay naging kapitan ng bayan ng San Deigo na naging kalaban
ni Don Rafael sa isang usaping lupa.Siya ang ama ni Sinang na
masayahing kaibigan ni Maria Clara.
• Ayon daw kay Pilosopo Tasyo “Mas galit daw sa pangkat ang
Conservador kaysa sa balak nila.Kaya imungkahi nila ang planong
ayaw nilang maaporbahan dahil tiyak ay hindi pagtitibayin ng
kabilang Partido ang balak kahit na mahalaga pa ito.Kung talo na
daw sila saka nila imungkahi ang gusto nilang maaprobahan.
• Pinagtatalunan nila kung paano idaraos ang pista ng San Diego.
• Nawalan ng kabuluhan ang kanilang pagtatalo nang sabihin ng
kapitan na nakapagpasya na ang prayle kung paano idaraos ang
kapistahan.
• Ayon sa kapitan, ang nais ni Padre Salvi para sa pista sa San Diego
ay anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor,
komedya na may awitan sa pagitan ng yugto at siya ay nakatango
na sa kura.
• Walang nagawa ang dalawang pangkat kundi sumang-ayon na
lamang sa naging pasya. Nagpaalam si Ibarra sa guro upang
magtungo sa ulumbayan at lakarin ang isang mahalagang bagay.
u) 21 – Ang Kasaysayan ng Isang Ina
▪ Pagkagaling sa kumbento, tila wala sa sariling tumakbong pauwi si
Sisa.Gulo ang kayang isip, nang malapit na siya sa kanyang bahay,
napaatras siya tumindi ang kaba nang makitang ang dalawang guardia
sibil.
▪ Napatigil si Sisa ng itanong sa kanya ang dalawango na ng ginto na
umano ay ninakaw ng kanyang mga anak
▪ Nagmakaawa si Sisa at nangatwiran ngunit hindi siya pinakinggan at
pilit isinama sa kuwartel.
▪ Wika ni Sisa “Ginoo, ang mga anak ko’y hindi magnanakaw kahit
sila’y magutom. Sanay kaming magutom. Hindi magnanakaw ang
lahat ng mahihirap.”
▪ Ipinakiusap na lamang niyang mauna sa paglalakad ang mga sibil.
Halos mamatay sa kahihiyan si Sisa
▪ Matindi ang kabiguang nararamdaman ni Sisa. Pagkalipas ng
dalawang oras, iniutos ng Alperes na siya ay palayain dahil sa
pagkaawa.
▪ Nang makauwe ng bahay si Sisa, tinatawag niya ang pangalan ng
kanyang mga anak , Nakita niya ang punit na damit ni Basilio na may
bahid ng dugo at tila gusto ng takas an ng katinuan
v) 22 – Dilim at Liwanag
▪ Dumating sa San Diego sina Maria Clara at Tiya Isabel. Hindi nailihim
sa kaalaman ng mga taga San Diego ang pagdating ng dalaga sapagkat
siya ay labis na kinalulugdan dahil sa kanyang kagandahan at
kayumian.
▪ Marami ang nagtataka sa pagbabago ng ugali ni Padre Salvi sobrang
Liwanag daw ng dalawang ilaw sa kumbento kapag dumadalaw si
Padre Salvi sa bahay ni Maria Clara
▪ Dinalaw ni Ibarra ang dalaga upang sabihing handa na ang lahat para
sa kanilang piknik kasama ang kanilang mga kaibigan.
▪ Natuwa si Maria Clara ngunit ipinakausap niya kay Ibarra na huwag
iimbitahan si Padre Salvi dahil tuwing nakakaharap niya ito ay
nakakaramdam siya ng takot
▪ Subalit hindi siya pinagbigyan ng binata dahil Isang kaugalian na sa
kanila na imbitahin ang kura sa mga pagtitipon. Dumating si Padre
Salvi at sinamantala ni Ibarra ito upang anyayahan ang prayle at
walang kagatol-gatol ay tinanggap niya ito.
▪ Kinausap ni Pedro si Crisostomo upang humingi ng tulong sa binata sa
paghahanap sa nawawalang mga anak nito at pagpapagamot sa
kanyang asawa
▪ Sinabi ni Padre Salvi kay Crisostomo Ibarra “Napakagandandang
pagkakataon ng inyong imbitasyon kaya’t tinatanggap ko at upang
patunayan sa inyo na ako ay hindi nagtanim ng sama ng loob.”
w) 23 – Ang Pangangingisda
▪ Sa piknik ng kabinataan at kadalagahan ay napaga-alamang may
buwaya sa baklad. Nahuli ni Elias ang buwaya ngunit nang nanlaban
ay natangay ang binata pabalik sa tubig ay sinaklolohan siya ni Ibarra.
x) 24 – Sa Kagubatan
▪ Maagang nakapagmisa si Padre Salvi noong araw at kaagad niyang
ipinahanda and karuwahe upang makahabol sa piknik nina Ibarra.
▪ Si Maria Clara kasama ang mga kadalagahan ay naghahanap ng
pugad ng tagak sa batis.Lingid sa kanilang kaalaman ay
nagmamanman na ang prayle nagtungo kung saan naroroon ang
Alperes, Kapitan ng Bayan, Kapitan Basilio at iba pa.
▪ Napag-usapan nina Maria Clara ang pagkakabugbog ni Padre Damaso
na nagging dahilan ng pagkakasakit ng prayle
▪ Naligaw sa kanilang kinaroroonan si Sisa at sinabi ni Ibarra na
pakainin ito ngunit ng makita ang Alperes ay nagtatakbo si
Sisa.Nagturuan ang Alperes at si Padre Salvi kung sino ay may sala.
▪ Inanyayahan si Ibarra ni Kapitan Basilio a tapusin ang labinlimang
taon na kaso sa paglalaro ng ahedres.Sinabi ni Ibarra na kapag siya ay
nanalo hihilingin niyang idismiss ang kaso. Sa kalagitnaan ng laro ay
nakatanggap siya ng telegrama
▪ Lumapit si Ibarra sa mga kaibigan na naglalaro ng Gulong ng
Kapalaran. Itinanong ni Ibarra kung matutuloy ang kanyang plano at
sabay inihagis ang dais, tumama ang dais sa nakasulat na “ Ang
pangarap at mananatiling pangarap lamang”.
▪ Ayon sa telegrama ay sumasang-ayon ang Alkalde sa kanyang planong
pagpapatayo ng paaralan.Hinati niya sa dalawa ang telegrama at
ibinigay kay Maria Clara ang kalahati sapagpakat siya ang
makakatanggap ng gantimpala at kay Sinang naman ang kalahati
sapagkat siya ang may pinakamasamang sagot
▪ Pinunit ni Padre Salvi ang Aklat ng Gulong ng Kapalaran dahil
kasalanan daw ang maniwala dito.
▪ Apat na guwardiya sibil ang biglang dumating kasama ang kanilang
sarhento at hinahanap si Elias na ayon sa kanila ay siyang nanakit kay
Padre Damaso. Hinanap nila ito sa gubat ngunit hindi Nakita
hanggang sa magpasya na ang pangkat na umuwi
1. Noli Me Tangere – “Huwag mo akong Salingin”

You might also like