Talata

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Panuto: Basahin ang talata, hanapin ang mga ekspresyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw at

tukuyin kung ito ay ekspresyong nagpapahayag ng pananaw o ekspresyong nagpapahiwatig ng


pagbabago.

A. Sa aking pananaw, ang edukasyon ay kailangan ng ating kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging

sandata sa bukay tungo sa kanilang magandang kinabukasan. Samantala, may mga kabataan pa ring

makikitang hindi pinahahalagahan ang kanilang pag-aaral, mas inaatupag ang paglalakatwatsa at

pagkalulong sa makabagong mga teknolohiya kaysa unahin ang kanilang pag-aaral. Sa kabilang dako,

marami pa rin namang mga mag- aaral ang mapapansing kahit salat man sa buhay ay nagpupursigi pa rin

makapasok sa paaralan at makapagtapos ng kanilang pag-aaral.

B. Ang eksportasyon ng mga kalakal ay may malaking naitutulong sa pagpasok ng salaping dayuhan o

dolyar sa bansa sapagkat kailangan ng isang bansa ang dolyar upang ang napagbilhin ay ibibili naman ng

kalakal na hindi local na naipoprodyus. Ang pagbili ng kalakal ng isang bansa mula sa ibang bansa gaya ng

langis at mga kaugnay na produkto ay tinatawag na pag-aangkat o import. Sa isang banda, masabing

mahalaga ang ganitong hakbangin para sa isang maunlad na bansa.

C. Ayon sa isang magulang na Pranses, “patuloy siyang magpoprotesta laban sa panukalang batas tungkol sa

pagiging legal ng kasal ng dalawang taong nagmamahalan na may parehong kasarian.” Sa ganang kaniya,

mahalagang ipaglaban at ipabatid sa mamamayan ang “kahalagahan ng pamilya.” Kaugnay nito, isa sa

pinakamalaking protesta laban sa “same-sex marriage” ay naganap nang magsama-sama ang mamamayan

mula sa iba’t ibang probinsiya ng Pransiya. Ang panukalang batas na ito aynagbunsod ng samo’t saring

karahasan sa bansang Pransiya. Naghatid din ito ng ingay sa iba pang bansa.

You might also like